webnovel

Glimpse of Destiny

Aeyu, a typical 4th year college student, hiding her identity using @Ms.Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong username, encounter a guy using @Laki_alaga username through online dating app that literally makes her pissed off as fuck. The day after being involved in this dating app, she met a guy named Bright in an unexpected way that turns her world upside down. Would it be possible that the man named Bright and the guy in @Laki_alaga username is the same?

MayQuizBukas · Teen
Not enough ratings
29 Chs

CHAPTER 15

Tagaytay

Aeyu's POV

Buong araw kong hindi nakita si Bright, kaninang umaga ay nagpresinta akong pumasok na mag-isa, pinigilan ko siya sa balak niyang pagsundo sa'kin dahil alam kong stressful ang araw na 'to para sa kaniya, he needs to prepare para sa defense at napag-alaman kong sa isang hotel gaganapin 'yon, wala sila sa school so definitely, hindi ko siya nakita.

Maaga akong pumasok para hindi ako masiksik sa bus, kapag kase pumutok na si Haring araw, paniguradong standing ovation na naman ako. Nakasabay ko pa si Gerald sa pagpasok, ngayon ko lang nalaman na same pala kami ng kanto na tinitirahan.

"Bakit hindi kita nakikita kung doon ka din pala nakatira?"

"Kalilipat lang namin nila mama. Malapit kase dito yung site na pinagtatrabahuhan ni papa, yung ginagawa doon sa labasan na soon to be mall", engineer kase ang papa niya.

"Ah kaya pala, edi madalas na kitang makikita dito?", masayang tanong ko. Mas lalo nang uusok ang ilong ni Bright kapag nalaman 'to.

"Siguro?", hindi pa siya sigurado? Hanep hahaha.

Nakarating din naman agad kami sa school dahil mabilis magpatakbo ng sasakyan yung bus driver. Agad kaming sinalubong ni Erin na abangers sa gate.

"Uy bakit magkasabay kayo?", yan agad ang bungad niya sa amin.

"Hindi ko din alam", I mouthed.

Nagkibit-balikat lang din si Gerald kaya nagmaktol na naman ang gaga.

Wala kami masyadong ginagawa kaya tumambay na lang kami sa music room ni Erin kasama si Gerald, makiki-aircon muna kami.

Walang masyadong ganap sa school, yung iba busy but not us, konti lang kase ang subject namin ngayong araw kaya maluwag ang sched tapos pagdating namin dito sa school, napag-alaman naming wala yung dalawa naming prof so 3 oras lang ang ipapasok namin which is last subject pa. Wala naman ako sa mood umabsent dahil nakakahiya kay Bright. Nagpapa-good shot pa naman ako!

Tamad na tamad ako ngayong araw dahil wala siya, hanggang sa pag-uwi ay ramdam ko ang ka-boringan sa katawan ko.

Kasalukuyan akong nanonood ng tv dito sa sala, hindi ako makapag-focus sa palabas dahil kinakabahan ako sa resulga ng defense nila Bright, hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakatanggap ng update.

Nakarinig ako ng tunog ng pagbukas ng gate kaya dali-dali akong lumabas ng bahay. Nagulat ako nang sinalubong niya ako ng yakap.

"Uy! Anyare? Okay ka lang?", kinakabahan ako.

Mas lalo akong kinabahan nang hindi siya nagsalita.

"Uy! Bright!", inalog alog ko pa ang balikat niya.

"W-we..", hinihintay ko ang sasabihin niya, nakaka-frustrate!

"We made it!", masiglang sabi niya at binuhat ako na ikinatili ko.

"Hoy Bright! Shocks! Alam ko namang kaya niyo 'yon! Especially ikaw! Talino kaya ng future ko!", kiniss ko pa ang buong mukha niya habang buhat buhat niya ako.

Akala mo naman kami na!

Hindi rin nagtagal si Bright sa bahay, ibinalita niya lang sa akin 'yon at namiss niya raw ako. Magtatagal pa dapat siya pero pinauwi ko na siya para makapagpahinga, may pasok pa bukas.

Mabilis na lumipas ang araw, it's Friday afternoon. Kakauwi ko lang galing school, hinatid ako ni Bright. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit at damit ko, mamaya ay babalik ulit dito si Bright para sunduin ako, ngayon na kase kami pupunta sa Tagaytay. The long wait is over! Masosolo ko na din ang future ko! As in masosolo talaga! Lahat pwedeng gawin! Walang mga magmamasid na tsismosa!

Saktong bilang lang ng damit ang dinala ko dahil 3 days and 2 nights lang naman kami, hindi ko nga alam kung kabilang pa 'tong gabi na 'to, macoconsider ba na one day 'to? Ah basta! Sa linggo din ang uwi namin dahil sa monday ay may pasok na, okay na din sanang mamalagi kami doon ng one week dahil wala na namang masyadong gagawin bukod sa pag-aasikaso para sa graduation next month, pero wala naman kaming budget ni Bright, sya pala meron! Ako wala, alangan namang maiwan siya doon mag-isa at pauwiin niya ko diba? So sabay na kaming uuwi sa Sunday para happy!

Narinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Bright, buti dinala niya hayst. Agad naman akong lumabas ng kwarto bitbit ang maleta ko nang matanawan ako ni Bright. Nakita ko si mama, nandito na pala siya? Marahil siya ang nagpapasok kay Bright.

Umakyat si Bright sa hagdan para tulungan akong magbitbit ng mga dala ko, masyadong gentleman! 'Pag ako hindi nakapagpigil, sasagutin na kita dito! Rawr!

Nang makarating kami sa tapat ni mama, agad ko siyang niyakap, narinig ko naman ang mahinang pag-iyak ni mama. Seriously? Hindi naman ako maglalayas ah.

"Mag-iingat kayo doon anak! 'Wag kang lalayo kay Bright! Baka maligaw ka gaya noon!", dati kase ay nagbakasyon kami sa Baguio, pero elementary pa ko nung nangyare 'yon, masyado akong maligalig! Iyon! Naligaw! Buti na lang may nakakita sa aking lalaki, pero nakalimutan ko na hitsura niya, nung nakita niya nga si mama na papalapit, bigla na lang akong iniwanan hayst.

"Mama, hindi na mauulit 'yon okay? Matanda na ko oh! Saka wag kang oa mama! Kasama ko naman ang future ko este manliligaw ko", binulong ko na lang kay mama yung huli, masyado na kaseng kumakapal ang mukha ko pagdating kay Bright.

"Isuot mo agad yung hoody mo ha? Baka mahamugan ka! Malamig pa naman sa Tagaytay!", kinurot pa ni mama ang singit ko. Napaka-brutal!

"Opo mama! Babye na, baka gabihin na kami masyado sa byahe oh"

"Babye po Tita, iingatan ko naman po si Aeyu, iuuwi ko po siya ng buong-buo", nakangiting sabi ni Bright.

"Oh siya sige, babye na din! Ingat kayo sa byahe, ikaw Aeyu! Wag masyadong pasaway! Baka mapuputi na ang buhok ni Bright pag-uwi dahil sa konsumisyon", nagawa pang magbiro ni mama.

Paglabas namin ay inilagay na ni Bright sa compartment lahat ng gamit namin, dumeretso naman ako sa front seat at hinintay na lamang siyang matapos.

"Daan muna tayo sa drive thru, baka magutom ka, traffic pa naman oh, rush hour.", sabi ni Bright pagkapasok sa sasakyan.

"Timang! Ang lapit lapit lang ng Tagaytay sa Laguna oh hahaha, patawa ka.", pwede naman kase kaming mag-dinner doon sa hotel pagkadating namin. Gagastos pa kapag nag-drive thru.

"Aeyu, according to what I've searched, it took 2 hours and almost 30 minutes to go there if you're riding a car. Kung 6 na ngayon, 8:30 pa tayo makakarating don from here in Sta. Rosa, Laguna, plus, rush hour ngayon.", mahabang paliwanag niya.

Madaya! Nag-search!

"Edi daan na nga tayo sa drive thru, hindi na po ako magrereklamo boss!", sumaludo pa ako sa kaniya, nakita ko naman ang pagkunot niya ng noo at nagsimula nang mag-drive.

"Take a nap kung inaantok ka", napansin niya siguro ang paghikab ko.

"Ayaw, dadaldalin kita, baka mamaya mahawa ka sa antok ko at maaksidente pa tayo. Saka malapit na drive thru oh! Gutom na ko"

"Okay", he uttered.

Dumaan na kami sa drive thru ng Jollibee, favorite niya!

3 yum burger, 2 large na fries at coke float ang inorder niya. Pinagbawalan ko kase siyang bumili ng heavy meal dahil balak kong kumain ng dinner sa hotel, feeling mayaman!

At dahil may 10,000 kami na prize nung pageant, yun ang ginamit ni Bright na pambayad.

Kinuha ko sa paper bag ang burger at kinagatan 'yon. Nakakamiss 'to! Nagulat ako nang nakita kong nakanganga si Bright.

"Hoy! Okay ka lang? Baka mapasukan ka ng langaw dyan", natatawang sabi ko habang ngumunguya.

"Tsk! Subuan mo ko syempre", masungit na sabi niya.

Para hindi na siya magsungit, kinuha ko yung hindi pa nabubuksan na burger at pinasok sa bibig niya. Inaasar ko lang hahahaha.

Nakita ko ang pagsama niya ng tingin nang sumulyap siya sa akin saglit, kinuha ko na sa bibig niya dahil baka ihinto niya pa ang sasakyan at rape-in ako dito, hindi ko pa naman siya pipigilan!

"Binibiro lang naman kita, wag ka nang magsungit dyan", sinundot ko pa ang tagiliran niya.

"Tsk, I'm hungry too", he mouthed.

Kumagat muna ako sa burger bago siya pinakagat. Nakita ko naman ang pagngisi niya.

Naubos na namin ni Bright ang tatlong yum burger, isinunod ko naman ang fries na lantakan. Syempre, nagpasubo na naman ang future ko. Pati sa pag-inom ng coke float ay inalalayan ko pa.

Pagkatapos naming kumain, nakaramdam ako ng antok. Halos isang oras na kaming bumabyahe at ramdam na ang bigat ng traffic.

"I told you to take a nap", maawtoridad na sabi niya nang makita na naman akong naghikab.

"Okay. Pero gisingin mo din ako ha?", tinanguan niya lang ako kaya nagdesisyon na akong matulog.

Nagising ako sa marahang pagtapik sa braso ko ng kung sino, iminulat ko ang aking mata at napagtantong si Bright 'yon.

"Where are we?", tanong ko dito

"Natulog ka lang, naging englishera ka na.", pang-aasar niya sa akin, sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Magbiro ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising.

"Nasan na kase tayo?!", tanong kong muli at nilibot ang tingin sa labas ng sasakyan.

"Taal Vista Hotel", simpleng sagot niya at lumabas na sa sasakyan, sinundan ko naman siya.

"Seriously? Nandito na tayoooo?", pasigaw kong tanong.

"Yeah.", sagot niya at inilabas ang mga gamit namin na nasa compartment.

Hinila ko naman ang maleta ko dahil ayokong maging pabigat kay Bright.

Mula dito sa parking lot ay tanaw na tanaw ko ang ganda ng hotel, hindi man siya tulad ng sa mga hotel sa manila na halos tingalain mo na sa taas, 'di hamak na mas maganda ito, para sa'kin.

Pagdating namin sa loob ng hotel, para akong na-starstruck, sumisigaw kase sa karangyaan ang aura ng hotel. Feeling ko tuloy para sa mga sopistikadang tao lang 'to. I can be one, pero ayokong makipagplastikan. Hindi ako tulad ng iba na makikisabay sa estado ng buhay ng iba para lang magpa-impress kahit kabaliktaran naman talaga ang totoong buhay nila.

Si Bright na ang nagpresintang magpa-reserve ng room namin sa front desk. Pinaupo niya muna ako dito sa waiting area kasama ng mga gamit namin. Mula dito ay kitang-kita ko ang paglalanding ginagawa ng receptionist kay Bright, akala niya ata hindi ko makikita ang malalagkit na tingin niya! Hindi ko naman makita kung anong reaksiyon ni Bright dahil nakatalikod siya sa akin.

Dahil feeling ko umuusok na ang ilong ko dito, sumunod ako kay Bright, pero bago 'yon, pinagbantayan ko sa katabi ko yung gamit namin. Kapal ko 'no?

"Honey, gutom na kami ni baby", pinalungkot ko pa ang boses ko at kumapit sa braso ni Bright habang hinihimas ang tyan ko. Sinulyapan ko ang receptionist at kita ko sa mata niya ang pagkadismaya at panghihinayang. Binalingan ko naman ng tingin si Bright at as usual, kunot na kunot ang noo niya sa akin.

Pinanlakihan ko siya ng mata at mukhang nakuha niya naman ang pinaparating ko.

"Here's the key Ma'am and Sir, room 203. Enjoy your stay here in Taal Vista Hotel", magiliw na sabi ng receptionist pero halata namang plastik na ngiti lang ang pinapakita samin.

Agad naming binalikan ang gamit namin na iniwan ko, nagpasalamat naman ako sa inutusan kong magbantay at tinahak na namin ni Bright ang elevator. Pinindot niya ang 8th floor dahil doon ang room 203.

Pagbukas ng Bright ng room namin, mas lalong nanlaki ang mga mata ko, mas malupit 'to kesa doon sa baba. Sobrang ganda! Nakaka-relax sa mata.

"You're drooling", sabi ni Bright at inagaw sakin ang maleta.

"Oa mo!", sigaw ko at muling nilibot ang kwarto.

Tumingin ako sa glass window, hinawi ko ang mamahalin at mabigat na kurtina para makita kung anong view ang nandito.

Pagkahawi ko ng kurtina, mas lalo akong napanganga. Kitang-kita ang mga city lights, at mula dito, tanaw na tanaw ang Aguinaldo Highway, ang gandang tignan ng mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyan, obvious pa na traffic hanggang ngayon.

Napangiti ako nang makita ko ang Sky Ranch, bukas na bukas magkikita tayo!

Inilibot ko pa ang aking paningin. Umupo ako sa maliit na couch at may nakita akong parang magazine sa center table.

Nakita kong inaayos na Bright ang mga gamit namin, mamaya na lang ako pupunta sa kaniya, kapag tapos na. Tinatamad kase akong kumilos.

Binuksan ko ang magazine at nakalagay pala dito ang lahat ng info's tungkol sa room namin.

Deluxe Suite pala 'to.

Base sa magazine, may minibar daw dito, inilibot ko naman ang aking tingin at may nakita akong mga stool bar at mga nakahilerang alak at may nakita akong refrigerator malapit dito. Astig!

Check na check ang flat screen tv, hinding hindi mawawala pati na rin ang free access sa wifi, at syempre, air conditioned ang room.

Dahil satisfied na ko sa paglibot ng mata ko, nagtungo ako sa magiging higaan namin ni Bright, nakita ko siyang inilalabas ang mga gamit namin mula sa maleta.

May dalawang magkatabing queen size bedroom dito sa loob. Na-excite naman ako kaya agad akong tumalon sa kama.

"Ang sarap! Taena! Ang lambot!", tumalon-talon pa ako sa ibabaw. Kung may bulsa lang ako na katulad ng kay doraemon, ibubulsa ko talaga 'to! Iuuwi ko para naman mapalitan ang kama ko sa bahay. Since grade school ko pa 'yon!

"Aeyu wag makasat, babayaran mo 'yan 'pag nasira mo tsk", masungit na sabi ni Bright habang inaayos ang mga gamit namin.

Tingnan ko siya at napagtanto ko kung anong hawak niya. Taena!

Agad kong kinuha ang hawak niya at binalik sa maleta ko.

"Bakit mo hinawakan?!"

"Aayusin ko", simpleng sagot niya.

Panty ko 'yon! Nakakahiya putspa!

"A-ako na", inagaw ko ang maleta ko at isinalansan ng maayos sa empty cabinet lahat.

Natapos na kaming mag-ayos ng mga gamit at napagpasiyahan naming maglinis muna ng katawan bago kami kumain sa baba.

"Una ka na", sabi niya habang inaayos ang maleta naming walang laman.

"Okay", I mouthed.

Pagpasok ko sa loob ng cr, feeling ko pwede ko nang tir'han 'to. Grabe! Nakaka-relax. Ang bango! Amoy fresh flowers na ginawang perfume ang amoy dito. Nakita ko ding may mga nakalagay nang bottle of shampoo at liquid soap dito sa loob na nakalagay sa mini cabinet. May mga unused toothbrush din, towels at bathrobe. Sa dulo ay may bathtub, pero hindi ko gagamitin 'yan. Nagmamadali kami.

Tumapat na ako sa shower at nagsimula nang maligo. Ang bango ng shampoo! Iuwi ko kaya 'to?

Pagkatapos ko ay sa loob na din ako nagbihis. White shirt at maong short ang isinuot ko. May nakita akong hair dryer sa cabinet kaya ginamit ko ito para matuyo ang buhok ko.

May nakita din akong lotion kaya ginamit ko na kahit may dala naman ako. Grabe! Amoy Victoria's Secret!

Lumabas ako para tawagin na si Bright. Nakita ko itong nakahiga sa kama kaya nilapitan ko siya.

.

Tulog na! Tinapik tapik ko ang balikat niya para magising siya.

"Hoy Bright! Gising na"

"Uhmm", umungol siya at dahan dahang iminulat ang mga mata.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Hinila niya ako kaya bumagsak ako sa tabi niya. Bakit hindi pa sa kaniya?

Napasinghap ako sa sunod niyang ginawa. Sumiksik siya sa leeg ko. Nakakakiliti!

Ramdam na ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko and it sends me goosebumps.

"You smell so good", tila lasing siya habang sinasabi niya 'yan. Ang husky ng boses!

"B-Bright? A-ano kase.. maligo ka na", nauutal kong sabi.

"Sorry.", he mouthed then made his way to the restroom.

Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan pagkapasok niya sa cr. Grabe! Nakakatuyot ng lalamunan! Hindi pa kami pero grabe yung mga moves niya!

Ilang saglit pa ay nakita ko siyang lumabas, gulo ang buhok at nakasuot ng white shirt at kaki short.

Couple shirt kami!

"Let's go?", he asked.

"Ahm Bright? Nakalimutan ko kaseng magdala ng tsinelas, okay lang bang magsapatos?"

"Dyan lang tayo sa baba magsasapatos ka pa? May free slippers na nakalagay doon sa shoe rack sa may pinto. Gamitin mo.", nauna na siyang lumabas kaya sumunod na ako.

Nakita ko ang isang pares ng pink slipper sa shoe rack kaya sinuot ko na. Ang cute!

Nakita ko din na ginamit ni Bright ang kulay Blue na tsinelas.

Pagdating namin sa mini restau sa hotel ay may naka-reserve nang table for us. Naka-set na din ang foods, marahil ay tinawagan na ni Bright kanina habang naliligo ako.

Roast beef and vegetable salad ang main dish, ice cream naman for desert.

Feeling ko tataba ako sa 3 days na pamamalagi namin dito!

10:30 pm na nang makabalik kami ni Bright sa suite. Hindi ko na namalayan kung ano pang mga ginawa ni Bright dahil dumeretso na ako sa higaan ko at natulog.

--

4:00 am nang magising ako, naramdaman ko kase ang pag-vibrate ng phone ko sa ilalim ng unan. Nag-alarm pala ako. Nakalista na kase sa isip ko lahat ng recreational etinerary na dapat mapuntahan at ma-achieved namin sa travel namin na 'to.

Nagbihis ako ng nike leggings at sports bra na partner nito then sinuot ko ang hoody na pastel brown na binili sa akin ni mama. Pinaresan ko ito ng white sports shoe na nike din.

Nilapitan ko si Bright para gisingin siya. Alangan namang mag-isa lang akong pumunta sa picnic grove diba? Napag-alaman ko kaseng magandang mag-jogging at mag-exercise doon, sinearch ko na din sa google map ang daan papunta doon.

"Bright? Uy Bright! Gising! May pupuntahan tayo", niyugyog ko siya para magising pero waley pa din!

Hinubad ko muna ang sapatos ko at tumayo sa higaan niya, tumalon talon ako para magising siya.

"Aeyu! Wag kang malikot!", sigaw niya.

"Bangon na kaseeee!"

Nagulat ako nang hinila niya ako pahiga. Tumayo siya at hinila ang paa ko para mapalait sa edge ng kama.

Nakita ko ang pagtitig niya ng mariin sa akin.

"Nice hoody", tanging sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Ah, binili ni mama sa'kin sa H&M nung nakaraan", todo flex naman ako sa H&M, syempre! Mahal 'to aba!

"Ah yeah, I saw her, nasa restau kami nila Dad with Tita Aly,family dinner. Nag-restroom ako then pagbalik ko nakita ko siyang may bitbit na paper bag from H&M, akala ko namamalik-mata lang ako", paliwanag niya.

"Edi ikaw na nakakita! Daldal mo kapag bagong gising!", tinulak ko siya para mapalayo siya sa akin. Medyo nakakailang!

"Tsk", back to sungit na naman siya.

"Magbihis ka na! Magjojogging tayo! Picnic grove bilis!", umupo na ako at sinuot muli ang sapatos ko.

Nakita ko pa sa peripheral vission ko ang pagpunta niya sa restroom para magpalit ng damit.

Halos maglaway ako sa hitsura niya. Nakasuot siya ng black jogging pants na nike at nike hoody na color black with touch of white color, pinaresan niya ito ng nike na sport shoes.

Simple lang naman ang outfit niya pero ang hot tignan!

He made a snap in front of me na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Lumabas na kami sa hotel.

"Are you prefer to ride on a car or we're just walk?", tanong niya paglalabas namin sa hotel.

"Syempre maglalakad! I mean magjojogging! Nagsearch kase ako sa google map! Mahigit isang oras kung lalakarin natin, 20 minutes kapag may sasakyan", paliwanag ko habang nakatingij sa phone ko.

"Okay, I guess you'll be my guide this morning", chill na sabi niya sabay lakad.

Sabay kaming naglakad ni Bright, hindi ko nga alam kung jogging ba na maituturing 'to.

Almost an hour na kaming naglalakad, hanggang sa makakita kami ng dalawang way. Shocks! Hindi ko alam kung saan yung papuntang picnic grove.

Lumiko na lang ako sa kaliwa kahit hindi ko naman talaga alam kung saan 'to papunta.

Nagulat ako nang hinila ako ni Bright.

"Do know where you're going to?", nakakunot-noong tanong niya.

"O-oo naman!", nilakasan ko ang loob ko kahit kinakabahan ako. Baka maligaw kami!

"Tsk, always choose the right way", masungit na sabi niya at hinila ako papunta sa kanang daan. Nagulat ako nang may mabasa akong karatula.

This way to Picnic grove.

Nakakahiya! Ang lakas ng loob kong mag-aya tapos ililigaw ko pa siya!

"Sorry na agad boss", pinagaan ko ang atmosphere sa aming dalawa.

Napasinghap ako nang hinawakan niya ang kamay ko. He intertwined our fingers.

Nagsimula na siyang tumakbo nang marahan kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya at sumabay sa kaniya.

Napahinto ako nang matanaw ang picnic grove entrance, mula dito ay natatanaw ang nasa loob. Paradise.

Agad na nagbayad si Bright ng 60 pesos para sa entrance fee. 30 pesos per head kase ang bayaran.

Agad akong nagtatakbo sa loob. Ang sarap dito! Ang lamig!

Tanaw na tanaw dito ang taal volcano! Grabe! Isinuot ko ang hood ko dahil baka mahamugan ako, siguro kung tanghali kami pumunta, mas makikita namin ang bunganga ng bulkan, natatakluban kase ng fog yung ibabaw ngayon.

Nagulat ako nang may yumakap sa akin sa mula sa likod.

"Paradise, right?", tanong niya.

Marahan ko siyang tinulak. "Layo nga! Amoy pawis ka! Chansing ka pa dyan e!", kailangan kong lakasan ang loob ko at pigilan ang kilig na nanunuot sa kalamnan ko.

"Arte", sabi niya at humiga sa damuhan. Nagtatakbo ako at nilasap ang malamig na simoy ng hangin.

Tinignan ko ang relo ko, 6:00 am na pala. Tinignan ko sa notes ko ang itinerary na kailangan naming ma-achieved. Our Lady of Manaoag nga pala!

Hinila ko si Bright para tumayo.

"May pupuntahan tayo bilis, malapit lang dito promise! Kailangan nating magsimba, may mini church dito.", hindi naman siya nakapalag dahil tungkol sa pagiging relihiyoso ang pupuntahan namin.

Pagdating namin sa Our Lady of Manaoag, literal na napaluha ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro ay napakabait kong bata kaya pagpapalain ako today. Hindi pa kami masyadong lumalapit pero kitang kita na ang malaking rebulto ni Mama Mary, as in sobrang laki talaga!

Halos kasing laki ng malaking bahay yung rebulto ni Mama Mary. Napansin ko din si Bright na kinukuhanan ito ng litrato. May iilan na ding mga relihiyoso ang nandito. Talagang dinarayo 'to. Ilang saglit pa ay sabay kaming pumasok ni Bright sa loob ng mini church para manalangin.

Paglabas namin, literal na tumunog ang tiyan ko. Gutom na.

"Umutot ka?", tanong ni Bright na ikinalaki ng mata ko.

"Of course not! Tiyan ko 'yon! Malakas ba?", hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami para bumalik na sa hotel. Sumakay na lang kami sa taxi para makarating agad kami.

Saglit kaming naligo para makakain na ng almusal. Nakasuot ako ng mini skirt na color pastel pink at white statement shirt na tinucked-in ko naman, pinaresan ko ito ng white snickers. Pinatuyo ko ang buhok ko at hinayaang nakalugay.

Kasalukuyan akong nakaupo sa kama habang naghahanap sa google ng pwedeng makainan habang hinihintay si Bright.

Hindi pa ako nakakahanap nang lumabas siya, wearing his black jeans and white shirt. Palagi na lang kaming naka-couple shirt! Kahit 'di couple.

"Wala pa kong nahahanap na kakainan.", malungkot kong sabi.

"Sa baba na lang.", sabi niya ay inabot ang kamay ko.

Sabay kaming bumaba ng hotel para mag-breakfast.

Tinignan ko ang relo ko, it's already 9:00 am. Nag-pictorial pa kase kami. Syempre remembrance!

Pagdating namin sa kinainan din namin kagabi, may nakahanda na naman. Siguro ay nakausap na ni Bright.

Usual breakfast lang din ang nakahain. Hotdogs, bacons, egg, bread and fried rice, coffee naman ang drinks.

Dahil sa gutom at pagod, mabilis naming naubos ang pagkain. Nakikita ko ang panaka-nakang pagnakaw ni Bright ng tingin sa akin. Masyadong inlove sakin!

Nag-stay pa kami ng ilang minuto para magpababa ng kinain. Masyado akong nabusog! Nag-jogging tapos maraming kinain! Hanep! That's me!

Pinost ko ang ilang pictures namin kanina sa picnic grove at Our Lady of Manaoag, pati na din yung pic sa room namin, flexing.

Nag-create ako ng album which entitled Trip to Tagaytay. Tinag ko din si Bright para maraming reacts! Famous 'yan e!

"Nan-tag pa nga", sabi niya na tinawanan ko lang.

Quarter to 10:00 am na kami nang magdesisyong umalis sa hotel. Next target namin is Sky Ranch! Magtutuos na tayo ferris wheel!

Lumabas kami sa hotel at dumaan sa Tagaytay-Nasugbu Highway para makarating sa Sky Ranch, limang minuto lang ang nilakad namin bago makarating doon. Si Bright ang nagbayad ng entrance dahil nasa kaniya ang budget namin. Hindi ko nga alam kung ubos na ba yung pera namin eh. Bahala siyang magpalwal, mayaman naman siya, saka wala akong ipapalwal.

Una ko siyang niyaya sa carousel, magpapabebe muna 'ko. Pumila kami sa bilihan ng ticket, medyo mahaba din ang pila dahil saktong weekend at maraming namamasyal.

Nang akmang sasakay na 'ko, magpapaalalay dapat ako kay Bright. Ang loko! Mas nauna pang sumakay sa akin! Nagulat ako nang umandar bigla ang carousel! Putspa! Wala akong choice kundi ang kumapit sa bakal na kinakapitan ni Bright.

Putspa! Nagkabaliktad kami! So ako na yung nanliligaw? Ako na yung lalake? Napatingin ako sa nakapwesto sa harap namin. Ung babae, ngiting ngiti habang nakasakay sa kabayo habang yung lalake, tulad ng pwesto ko, nakaalalay sa girlfriend niya! Edi kayo na!

Humarap ako kay Bright at napagtanto kong nakangisi siya sa akin, sinamaan ko naman siya ng tingin. Dahil sa inis ko, bumitaw ako sa bakal at muntik na kong matumba! Buti na lang nahawakan ako ni Bright! Hanep!

Pagkababa namin sa carousel, binilisan ko ang paglalakad ko. Akala ko gentleman!

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod. Chansing!

Ang hilig yumakap!

Hinarap ko siya at lumandas ang tingin ko sa hawak niya. Cotton Candy!

Favorite ko! Hindi ko na hinintay pa na siya mismo ang magbigay, kinuha ko na mismo sa kamay niya, pero hindi ko pa naaabot iyon nang bigla niyang nilayo.

"Are you mad?", tanong niya.

"No"

"Then bakit mo 'ko iniwan 'don?", tanong niya.

"Hindi mo kase ako pinasakay!"

"Sakin ka na lang sumakay", nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Kinuha ko ang cotton candy na hawak niya at umupo sa bench.

"Honey? Nagtatampo ba kayo ni baby?", ginaya niya pa ang boses ko kagabi doon sa front desk sa hotel.

"At kailan ka pa naging ganyan? Mukhang kaharap ko ngayon si malaking alaga", tukoy ko doon sa username niya sa dating app. Ganyan na ganyan ang ugali! Napakakulit!

Ngumisi lang siya at tumabi sa akin.

Pagkaubos ko ng cotton candy, inaya ko siya sa ferris wheel! Dito na talaga gagana ang pagiging pabebe ko! Magtutuos na tayo Bright!

"Aeyu 'wag na dyan, matatakot ka lang.", tinakot niya pa talaga 'ko!

"Okay lang! Face your fear nga diba?", hinila ko na siya sa bilihan ng ticket kahit wala siyang balak sumama. Ano ba yan?! Magpapabebe nga ako e!

Kasalukuyan kaming inaalalayang sumakay sa loob ng tsubibo, kailangan ko nang galingan ang acting skill ko! Babawi ako this time! Kaming dalawa lang ni Bright ang nasa loob nito. Dahan-dahan na siyang gumagalaw.

"B-Bright, n-natatakot a-ako", pautal-utal kong sabi kahit hindi naman talaga ako takot, aartehan ko lang siya dahil kailangan niyang bumawi! Siya ang suitor dito! Hanep!

Tinignan ko siya pero deretso ang tingin niya sa flooring nito.

"B-Bright? I'm scared!", maarteng sabi ko. Putspa!

"I'm scared too. Fear of heights", seryosong sabi niya na ikinabagsak ng balikat ko.

Nang medyo tumataas na ang pwesto namin, kita ko ang panginginig ng tuhod niya at ang pagputla ng mukha niya.

To the rescue ang NILILIGAWAN!

Nilapitan ko siya at lumuhod sa harap niya, "tingin ka sa'kin Bright", utos ko sa kaniya.

"No", matigas na sabi niya.

"Tsk", hinawakan ko ang mukha niya para sa'kin na lang siya tumingin. Nagtama ang mga mata namin, bumilis ang tibok ng puso ko. Putspa! Yung puso ko, nagawa pang humarot!

"Sa'kin ka lang tumingin okay? Later, kailangan mong tumingin sa labas. Face your fear Bright, 'wag kang bakla."

"Tsk, I'm not gay. Halikan kita dyan eh", matapang na sabi niya at tinulak ang noo ko. Tumayo siya at sumilip sa bintana.

"So, wala ka nang fear of heights?", tanong ko nang makita siyang nakasilip sa bintana na akala mo hindi siya natakot kanina.

"I'm just joking around a while ago", chill na sabi niya habang nakanguso.

"What the?! Nakakainis ka!"

"I love you too", sabi niya na nagparupok sa akin. Taena!

Edi ako na kinikilig!

Nagtagal pa kami sa Sky Ranch, ang dami kaseng magagandang rides! Hindi na 'ko nagpabebe dahil hindi ko lang maeenjoy. Besides, wala namang pake si Bright! Baka masabihan pa 'kong KSP!

Saka hindi naman talaga 'ko takot, I used to ride different rides when I was in highschool, nung nasa probinsiya pa kami. ,ay mga available rides kase doon kapag malapit na ang fiesta.

Hindi na kami nag-abala pang kumain ng lunch sa mga restaurant out there. Marami naman kaseng available na pagkain dito sa loob.

6:00 pm na nang makabalik kami sa hotel. Putspa! 11 am kami nakarating sa Sky ranch tapos ngayon lang kamj nakabalik dito.

Pagdating namin sa hotel room namin ay agad akong humiga sa kama. That was exhausting!

Nagulat ako nang hinila bigla ni Bright ang paa ko.

"Ligo muna! Ang dumi dumi mo oh", maawtoridad na sabi niya.

"Later okay? Pagod pa ko", nakanguso kong sabi.

Narinig ko ang paglagasgas ng tubig mula sa shower room. Marahil siya na ang naunang maligo dahil tinatamad pa talaga ako.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare dahil kinain na ako ng dilim.

"Aeyu, gising na. Let's eat out dinner.", tinapik tapik niya pa nang marahan ang aking pisngi.

"Hmm?", idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang mga mata ng asawa ko. I mean future asawa.

Mababaw lang ang tulog ko kaya nagising din ako agad. Naligo ako at nagsuot ng jogging pants na black at white t-shirt. Pansin ko lang, puro puti ata ang sinusuot ko. Hayst.

Nagsuot lang ako ng tsinelas bago lumabas. Si Bright naman ay naka-kaki short na white at black na shirt.

"San tayo?", tanong ko habang nag-aapply ng lotion sa braso.

"Cafe Veranda. Dito lang din sa hotel", sabi niya habang nagtitipa sa phone niya. Sino na namang kausap nito?

Sabay kaming lumabas ng hotel room at nagtungo sa Cafe Veranda na sinasabi niya. At gaya ng inaasahan, nakaset na ng table, with foods! At ang drinks, wine!

Ang ganda ng view dito, masarap pa ang pagkain! Nagulat ako nang may lumabas na mga tao na nakasuot ng mga katutubong kasuotan. Mula dito sa pwesto namin ay tanaw na tanaw ang pagsasayaw nila. Culture-friendly pala dito sa Tagaytay! Hindi lang magagandang tanawin ang ibinibida, kundi pati na rin ang kultura ng Pilipinas, napakalaking advantage nito para makilala at mapaunlad pa ang kultura dito sa bansa.

Hindi ko namalayang naubos na pala ang pagkain namin. Masyado akong nag-enjoy sa cultural show. Ang galing nilang mag-tinikling! Siguro kung ako ang sasayaw non, baka namamaga na ang paa ko ngayon dahil puro ipit ang abot ko.

Nauna akong pumasok sa hotel room dahil may kausap pa sa phone si Bright. Sabi ko hihintayin ko siya, ayaw naman niya! Hmp!

Nilibot ko ang aking paningin, hindi pa naman kase ako inaantok, nakatulog kase ako kanina.

Napako ang tingin ko sa mini bar na nandito. Aha!

Hindi ako umiinom ng alak pero gusto kong tikman ang mga mamahaling alak na nandito ngayon. Sinubukan kong basahin ang brand ng alak pero hindi ko mabasa, ching chong ba naman! Halatang mamahalin!

Kumuha ako ng ice cubes na nasa freezer ng ref para ilagay sa baso ko.

Naglagay ako ng alak at ininom 'yon. Ang sarap!

Kung alam ko lang na ganito kasarap ang alak, sana pala matagal na kong lasenggera! Kaso, iba naman kase ang lasa ng mga mumurahing alak! Sabi ng classmate ko, mapait daw saka lasang bulok.

Pero ito, ang sarap! Ang mahal siguro nito. Halos makalahatian ko na ang laman ng bote pero hindi pa din dumadating si Bright.

Tinry ko naman yung iba, putspa! Ang pait! Gumuguhit sa lalamunan ko!

"What do you think you're doing?!"

𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧'𝙨 𝙣𝙤𝙩𝙚: 𝑲𝒆𝒆𝒑 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈! 𝑭𝒊𝒈𝒉𝒕𝒊𝒏𝒈𝒈𝒈𝒈!