webnovel

Glimpse of Destiny

Aeyu, a typical 4th year college student, hiding her identity using @Ms.Virgin_Fresh_Pa_Sa_Tahong username, encounter a guy using @Laki_alaga username through online dating app that literally makes her pissed off as fuck. The day after being involved in this dating app, she met a guy named Bright in an unexpected way that turns her world upside down. Would it be possible that the man named Bright and the guy in @Laki_alaga username is the same?

MayQuizBukas · Teen
Not enough ratings
29 Chs

CHAPTER 12

Aeyu's POV

Habang nagtuturo ako ay ramdam ko ang mga titig ni Bright. Hindi lang sa akin kundi pati na rin sa mga bata. Nakikita ko sa mga mata niya na nag-eenjoy siya sa panunood sa amin. Napakasigla kase ng aura sa loob ng classroom.

Mas lalong nag-eenjoy ang mga bata. Lalo na yung mga babae. Talagang nagpapaunahan silang sumagot kapag nagtatanong ako. May gusto daw kase sila kay Bright at aagawin nila ito sa akin. Hindi siya pedophile!

Talagang nagpapabibuhan sila. Kailangan daw mapansin sila ni Bright. Natutuwa naman ako kase ang active nila. Hindi man lang namin namalayan na lunch break na. 11 kase ako nung nagsimulang magturo sa kanila. Halos 12:30 pm na nang matapos kami.

Balak naming dito kumain sa room. Sabay-sabay kami ng mga bata. Pero dahil wala kaming baon ni Bright, bumili muna kami sa canteen ng pang-lunch.

Pinagtitinginan kami nang pumasok kami sa loob. Balak naming dagdagan ang bibilhin namin para sa mga bata. Yung iba kaseng walang baon ay hindi na namin pinauwi. Syempre, libre ni Bright! Siya mayaman e!

Bumili kami ng gulay para masustansiya. Pinakbet. At may naisip akong katangahan dahil sa binili namin ni Bright. Lumapit ako sa kaniya at binulungan siya.

"Pinakbet ka ba?", pinipigilan ko pa ang tawa ko habang tinatanong siya.

"Why?", medyo naiirita niyang saad. Mainit kase dito sa loob ng canteen at kita kong namamawis na ang noo niya.

"Pinakbet. Pinak lang di ka naman bet", natatawang sabi ko at kitang kita ko ang pag-igting ng panga niya.

"Asar na asar ka na naman mister ko", natatawa kong sabi at sinundot ang namamawis na niyang kili-kili.

"Tsk", sabi niya at kinuha ang mga orders namin. Nauna na siyang maglakad na akala mo memorize na memorize ang buong school.

Tumakbo naman ako para sundan siya.

"Pikon na naman ang future ko!", natatawa kong sabi at kumapit sa braso niya, nakita ko ang pagpula ng tenga niya. Senyales na kinikilig siya.

"Uy kinikilig siyaaa", sinundot ko pa ang tagiliran niya. Nakarating kami sa classroom habang inaasar ko siya. Nagtilian naman ang mga estudyante ko nang makita kami.

"Si sir pogi pakipot pa kay Ma'am Aeyu", tili ni Joseph pero Josefina sa gabi. Siya yung estudyante kong bakla. Agad naman silang nagtawanan.

"Sinusungitan ako oh", nakanguso kong sabi.

"No, I'm not.", sabi ni Bright habang inaayos sa table lahat ng binili namin. Tinulungan ko naman siya sa pag-aayos dahil nakakahiya naman sa kaniya.

"Mga bata mag-pray na tayo. Pangunahan mo na Josefina", sabi ko.

Nakita kong nag-sign of the cross na ang iba at yung iba naman ay yumuko na.

"Lord, maraming salamat po sa araw na ito at pinagtipon-tipon ninyo kami para pagsaluhan ang mumunti ninyong biyaya. Maraming salamat po sa patuloy ninyong paggabay sa amin. Patuloy niyo po kaming bigyan ng proteksiyon sa araw-araw. At sana din po ay mapatawad ninyo kami sa mga kasalanang nagagawa namin sa araw-araw. At sana din po, sagutin na ni Ma'am ganda si Sir pogi para happy na kaming mga anak-anakan niya. Yun lamag po at maraming salamat. Amen."

Namamangha ako kay Josefina, matatas siya kung magdasal. Buo at kumpleto ang nilalaman ng dasal niya. Humirit pa talaga kay God na sagutin ko si Bright. Maybe after graduation. 2 months na lang naman eh.

"Kainan na!", magiliw na sabi ni Bright. Naghugas kami ng kamay dahil balak naming mag-kamay. Natutuwa ako dahil kahapon ko lang sila nakilala pero parang isang taon na kaming nagsasama-sama. Mabilis kase silang maka-close.

-Fast Forward-

Natapos ang klase ko nang hindi ko namamalayan. Sobrang nag-enjoy ako ngayong araw. Medyo inaantok na din ako kaya hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa sasakyan ni Bright.

"Aeyu! Aeyu!", nagising ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko at ang naramdaman ko ang mahinang pagtapik sa braso ko.

"Hmm?", paungol na saad ko.

"Gising na. Nandito na tayo.", napagtanto kong si Bright pala ang tumatawag sa pangalan ko. Unti-unti kong minulat ang mata ko at nagtama ang paningin namin. Palaging ganito ang scene namin kapag nagigising ako. Napapansin ko lang.

Nasa sasakyan pa din pala kami. Bakit nung unang nakatulog ako sa sasakyan niya ay binuhat niya ko? Bakit ngayon hindi na? Nabigatan ba siya dati kaya hindi na niya inulit pa? Bigla tuloy akong na-conscious sa katawan ko.

"Uhm salamat. Salamat ngayong araw.", hinalikan ko siya sa pisngi na ikinapula niya.

"Babye!", hindi ko na siya hinintay na magsalita, bumaba na agad ako at pumasok sa loob ng gate. Ang totoo niyan nagmamadali talaga ko. Inaantok na kase talaga ako. Inaatake na naman ako ng katamaran. Pansin ko lang, ngayong month, madalang lang akong mag-halfday. Palibhasa nasa school ang inspirasyon ko hanep.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay ipinagluto ko ulit si mama. Hindi na ako nag-dinner dahil busog pa ako, saka inaantok na din ako.

Naglinis lang ako ng katawan at nag-reminisce ng nangyare ngayong araw. Medyo natagalan pa ako sa cr dahil tumae pa ako. Ngayon lang ako nakapagbawas kaya medyo madami. Ang nakakainis pa, ang hirap ilabas ng tae ko! Medyo matigas! Maluha-luha na ako hindi pa lumalabas. Sampung kanta na ang kinanta ko bago lumabas.

Masakit tuloy ang butas ng pwet ko nung naglinis ako ng katawan. Hayst.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower. Masama daw kaseng mahiga at matulog nang basa ang buhok. Nakakabaliw daw, hindi nila alam, matagal na kong baliw! Baliw kay Bright! Almost 1 month na!

Medyo nawala ang antok ko takte! Ang dami pa kaseng ginawa hanep! Napagdesisyunan kong tawagan si Bright. Ilang ring lang ay sinagot niya na ang tawag.

"Hello Aeyu?", tanong niya.

"Ahm gusto ko lang sabihin na goodnight.", natatawang sabi ko.

"Tsk. Goodnight din", paniguradong nakakunot na naman ang noo niya.

"Hoy Bright! Matanong nga kita! Kung makapagsungit ka dyan! Nanliligaw ka ba talaga sa lagay na yan?"

"Sorry na okay? Natutulog na kase ako. Akala ko may emergency kaya napatawag ka.", medyo nakonsensiya naman ako sa sinabi niya.

"Ayt hindi ko alam. Sorry future ko. Iloveyou! Goodnight!", pinatay ko agad ang tawag dahil sa sinabi ko. Nadulas lang ako! Panigurado namumula 'yon sa kilig!

Ting!

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko, senyales na may nag-message.

From: Bright myloves!

Narinig ko 'yon! Iloveyoutoo my future wife. Goodnight. Sleep well. Dream of me.

Kinikilig ako! Para kaming highschool na nagliligawan! Hanep! Hindi ko na siya nireply-an dahil hindi ko alam kung anong irereply ko. Nakaramdam na din kase ako ng antok. Kung magrereply pa ako, paniguradong tatagal na naman ang usapan namin.

Bago matulog ay napagdesisyunan ko nang i-uninstall yung online dating app sa phone ko. Nahanap ko na naman yung the one ko e!

Uninstalled successfully.

𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧'𝙨 𝙉𝙤𝙩𝙚: 𝑻𝒓𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝒕𝒓𝒚 𝒖𝒏𝒕𝒊𝒍 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒊𝒆 𝑯𝑨𝑯𝑨𝑯𝑨𝑯𝑨 𝒂𝒏𝒅 𝒊𝒇 𝒚𝒐𝒖 𝒅𝒊𝒆, 𝒂𝒕𝒍𝒆𝒂𝒔𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒓𝒚