webnovel

Spirit Jade Palace (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nanlaki bigla ang mata ni Zi Jin habang nakatitig kay Jun Wu Xie.

"Ikaw… Ikaw… Ikaw ay isang babae!!!"

Kalmadong binitawan ni Jun Wu Xie ang kamay ng dalagita. "Mm."

"..." Napahimas si Zi Jin sa kaniyang baba, nag-aalangan na tumingin kay Jun WU Xie.

Ang kasalukuyang pangyayari sa Spirit Jade Palace ay talaga ngang kakila-kilabot at ang

dalagitang ito na nasa kaniyang harapan ay nagtataglay kamangha-manghang kapangyarihan.

Ang katwiran ay malinaw na nagsasabi sa kaniya na hindi dapat niya isama patungo sa Palace

Lord ang estranghero na hindi alam ang pinagmulan pero hindi niya alam kung bakit, tila may

kung ano na nais maniwala sa lahat ng sinasabi sa kaniya ni Jun Wu Xie.

"Sige! Isasama kita upang makita ang aming Palace Lord!" Sa huli ay hindi mapigilan ni Zi Jin

ang matinding kagustuhan na bumalot sa kaniyang puso.

Ang pusang itim na tahimik na nakapatong sa balikat ni Jun Wu Xie na hindi napigilan ang sarili

ay tahimik na kinalabit nang dahan-dahan si Jun Wu Xie.

"Meow."

[Hindi ba't parang napakabilis naman ang naging pagbabago sa inasal ng dalagita?]

Nagkibit-balikat lamang si Jun Wu Xie at lihim na naglabas ng isang bote ng gamot na

nakatago sa ilalim ng kaniyang kasuotan kanina at bahagyang iwinagayway iyon sa harapan ng

ilong ng pusang itim.

Inamoy iyon ng pusang itim at agad niyang napagtanto kung ano ang laman ng boteng iyon!

"Pusa mo ba ito? Ito'y kaibig-ibig." Nang makita ni Zi Jin ang pusang itim, hindi niya maiwasan

ang sarili na haplusin iyon. Sa huli, hindi lamang siya tinalikuran ng pusang itim, nabatak din

nito ang sugat sa braso at nagdulot iyon ng sakit, na naging dahilan upang mapasighap siya

bahagya.

Naglabas si Jun Wu Xie ng isang bote ng gamot mula sa kaniyang Cosmos Sack at hinagis iyon

kay Zi Jin. "Ipahid mo iyan."

Mahigpit na hinawakan ni Zi Jin ang bote sa kaniyang kamay habang minamasdana ng gilid ng

mukha ni Jun Wu Xie, bigla niyang naramdaman na sasayangin niya ang Heavenly na regalong

iyon sa kaniyang sarili.

[Napakalakas, malamig ngunit malambot ang puso na kabataan… At sa huli ay isa pa lang

babae…]

Biglang naramdaman ni Zi Jin na ang nag-iisa at bukod-tanging karakter ng lalaki na mayroon

siyang magandang impresyon buong buhay niya ay tuluyang winasak ni Jun Wu Xie.

Tungkol sa nararamdaman ni Zi Jin, ay walang napansin na kahit ano si Jun Wu Xie. Ngunit ang

pusang itim ay napansin iyon at nakita niya na ang sulyap ni Zi Jin ay bahagyang kakaiba.

[Binibini! Maawa ka! Ang isang ito'y may nagmamay-ari na at mayroon na itong kasintahan.

Siya ay walang-pakundangan at manhid kaya kung maaari ay huwag kang mahulog dito sa

napakalalim na bangin! Hindi mo ba nakita lahat ng mga taong nasa Lower Realm na nahulog

at hindi pa rin nagagawa na makaakyat hanggang ngayon?]

Biglang natuwa ang pusang itim na ang kaniyang Mistress ay nagkaroon na ng kaunting

katalinuhan sa pakiramdam at alam na nitong ihantad ang tunay na kasarian sa dalagitang ito.

Kung mayroon na namang dumating na isang Qu Ling Yue, marahil ay magwala na ang Great

Demon Lord!

Sinundan ni Jun Wu Xie si Zi Jin at naglakad ng ilang sandali habang ang lupa sa kanilang

paanan ay pababa nang pababa. Dumaan sila sa masukal na kagubatan sa kalagitnaan ng

bundok at wala talagang daan doon. Ngunit habang palayo sila nang palayo sa paglalakad ang

mga lugar kung saan dinadala ni Zi Jin si Jun Wu Xie ay nagiging tago. Ang pusang itim ay

naging alerto at itinaas nito ag kaniyang depensa laban sa laht ng nasa kanilang paligid.

Si Jun Wu Xie ay lihim din na nag-ingat.

Nang marating ang kalagitnaan ng bundok ay saka huminto si Zi Jin sa paglalakad, at kaniyang

kinawayan si Jun Wu Xie.

Sa ilalim ng luntiang nagtatakip na mga baging, isang munting kuweba ang natanaw ng mata

ni Jun Wu Xie. Ang gilid ng kuweba ay nababalutan ng berdeng lumot, ang pinakaloob ng

kuweba ay itim. Nakatago sa kalagitnaang ng Mount Fu Yao, kung hindi nila mamasdang maigi

ay hindi nila malalaman kung ano talaga ang lugar na iyon.

Tumango si Zi Jin kay Jun Wu Xie at dinampot niya ang isang Spirit Fire Globe upang sindihan

iyon bago ito humakbang papasok. Hindi na nangimi pa si Jun Wu Xie at agad itong sumunod.

Ang mapanglaw na kuweba ay maalinsangan at ang tumutulong tubig ay binasa ang buong

lupa, at bumuo ng mumunting mga agos. Maging sa isang maliit at munting katawan ni Jun

Wu Xie, ang pagpasok sa kuwebang iyon ay kinailangan pa rin niyang yumuko. Mailalaran

kung gaano kasikip at kakitid ang kuwebang iyon.

Hindi alam kung gaano sila katagal na naglakad, ngunit biglang huminto si Zi Jin sa kaniyang

paglalakad. Huminto siya sa harapan ng isang napakalaking bato at inilabas ang isang puting

jade na susi na nakasabit sa kaniyang leeg at ipinasok iyon sa hindi halatang butas sa gilid ng

bato.