webnovel

Spirit Jade Palace (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mahalay na binatilyo ay hindi pinansin ang pagmumura ng dalagita at pinalibutan nila ito

ng mga kasama niya. Nang makita ng mga nagdadaan na sangkot ang mga disipulo ng Cloud

Brook Academy, silang lahat ay nagalit ngunit hindi sila nangahas na magsalita, iniwasan ng

kanilang mga mata ang kaguluhan.

"Nais ko malaman kung matalim pa rin ang iyong dila maya-maya." Saad ng binatilyo at inunat

nito ang kaniyang kamay upang hablutin ang dalagita.

Ngunit sa sandaling ang mga daliri ng binatilyo ay dumapo sa laylayan ng kasuotan ng dalagita,

isang napakalakas na pagsabog ng spirit energy ang pumutok diretso sa binatilyo!

Nagliliwanag na lila, ang sumabog na spirit power ay dumaan na parang isang guhit na liwanag

ng buwan, kaya napilitan ang tatlong kabataan na umurong!

Subalit, bago pa nila malinaw na makita ang lahat ng biglaang pangyayari sa kanilang harapan,

isang itim na anino ang lumabas mula sa tumpok ng mga sandata ang mabilis na dumaan at

agad nawala, kasama ang dalagita na halos mahuhubaran na ngunit ngayon ay wala na doon.

Ang tatlong binatilyo na napilitang umurong ay hindi pa rin nakakabawi mula sa pagkagulat

habang tinititigan ang lugar kung saan sila nakatayo kani-kanina lamang. Insang mahabang

bitak ang nakita sa lupa at umabot ito hanggang sa pader, kung saan maging ang bakal na mga

patalim na nakasabit sa pader kani-kanina ay nahati sa dalawa dahil sa matinding pagsabog ng

spirit power.

Ang malalim na bitak na iyon ay nagdulot sa mga nakapalibot na mga tao na mapatitig doon at

hindi makapaniwala habang nakanganga.

Sa Middle Realm, ang Purple Spirits ay hindi bibihirang makita. Ang mga tao doon ay masasabi

ang pinagkaiba sa pagitan ng huwad na Purple Spirit at tunay na Purple Spirit. Isa pa, may

malaking agwat sa pagitan nang malakas at mahinang Purple Spirit kaya wala gaanong halaga

ang kulay ng spirit power ng isang tao.

Ngunit ngayon, ang bilis ng taong iyon ay parang sa isang kidlat, naiwasan ang pansin ng mga

taong naroon, at ang ganoong uri ng bilis ay hindi makakamit ng isang pangkaraniwang tao

lamang.

"Sino… Sino iyon…" Nauutal ang isa sa mg disipulo ng Cloud Brook Academy habang

nangangatog ang tuhod at nangatal ang ngipin. Kung nagkataon na kalahating segundo ang

bagal ng pagkilos niya kanina, ang ulo niya marahil ay nakahiwalay na ssa kaniyang katawan

ngayon.

Ang mahalay na binata na nagsilbing pinuno ay mahabang napabuga ng hininga, ang puso niya

ay gulat na gulat pa rin. "Ang taong iyon ay hindi tayo papatayin at ang intensyon niya ay para

lamang mapilitan tayong umurong. Maaring mula iyon sa Spirit Jade Palace. Kalimutan na

natin iyon, isipin na lang natin na ang dalagitang iyon ay sinuwerte ngayon!"

Saad ng mahalay na binatilyo na may bahid ng kunwaring galit sa boses, bagaman ang puso

niya ay nagulat din dahil sa itim na aninong iyon. Ang pagsabog na iyon ay higit na mas

malakas kaysa kayang gawin ng kanilang mga guro sa paaralan. Siya ay pinili lamang ng Dragon

Slayers Palace at hindi pa tuluyang natatapos ang kaniyang pagsasanay doon.

Hindi pa niya nakakamit ang Purple Spirit kaya paano niya malalabanan ang aninong iyon?

Maging sino pa man ang taong iyon, ay hindi ito isang tao na magagawa nilang talunin lalo na't

ilan lang sila. Ang tatlong kabataan na kanina lamang ay agresibong nakapalibot sa dalagita ay

biglang yumuko at hinalo ang kanilang sarili sa karamihan, mabilis na nawala sa paningin.

Sa ilaim ng mapusyaw na liwanag ng buwan, isang kulay lila na anino ang biglang kumislap na

parang isang guhit ng liwanag, isang anino na humalo sa gabi, tahimik na huminto sa makapal

na kagubatan.

Inakala ni Zi Jin na matatalo siya sa kamay ng mga manyak na iyon kanina ngunit sa hindi

inaasahan, may isang nilalang na biglang nagpakita sa huling sandali upang ilayo siya doon.

Malinaw pa niyang naaalala ang ibinulong ng taong iyon sa kaniyang tainga sa sandaling

dumating ito upang tangayin siya.

"Huwag kang gumalaw."

Napakalamig niyon at halos naramandan niya ang kilabot hanggang sa kaniyang buto, ngunit

sa parehong pagkakataon, iyon ay puno ng katiyakan.

Inilapag si Zi Jin sa ilalim ng puno, na walang kahit anong paghipo, kaya siya ay napanatag.

Pinasadahan ni Jun Wu Xie nang tingin ang gula-gulanit na kasuotan ni Zi Jun at sa isang

pagpitik ng kamay, ay hinagis niya sa dalagita ang kapa na kaniyang ginamit upang magtago sa

mapanuring mga mata at tainga.

"Salamat…" Bulong ni Zi Jin. Hindi niya makita ang mukha ng kaniyang tagapagtanggol at ang

tanging nakita niya ay ang likod nito na mukhang balingkinitan, patalikod na nakatayo sa

liwanag ng buwan, ang tindig nito ay hindi kataasan, mas maliit ito ng kaunti sa kaniya.

"Ako'y nagtataka bakit ako iniligtas ng Senior? Ang aking pangalan ay Zi Jun at nais ko

maipahayag sa Senior ang lubos na pasasalamat sa pagliligtas sa aking buhay."