webnovel

Pakikipagsabwatan sa Kasamaan (1)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Dali! Tanungin mo kung sino ang nangangasiwa dito at sabihin mo sa kanila na narito si Luo Xi

mula sa Fortune Spring Hall upang opsiyal na bumisita." Nakasimangot na saad ni Luo Xi. Mula

sa kaniyang nakuha ayon sa sariling pagkakaunawa, ang mga tirahan ay hindi kapangitan.

Isang pagbibigay ng libre sa napakagandang lugar para lamang sa kapakanan ng mga takas ay

talagang kakaiba. Ang karaniwang tao ay hindi maglulustay ng maraming pera para sa mga

takas na iyon at sa palagay ni Luo Xi na ang lugar na iyon ay dahil sa ilang pagsasaayos na

ginawa ng kapita-pitagan na iyon. Dahil sa silang dalawa ay parehong nagsisilbi sa isang

panginoon, ang pagtungo niya doon upang magbigay pugay ay hindi masasabi na wala sa

lugar.

Hindi nagawang mapansin ni Luo XI na mula sa bintana sa ikalawang palapag ng isa sa mga

tahanan, may isang taong nagmamasid sa kaniya sa napakalamig na tingin sa sandaling

nagpakita ito.

"Young Miss! Ipinapasabi ni Luo Xi na nais ka niyang makita." Saad ni Ye Mei.

"Napakabilis naman…" Saad ni Jun Wu Xie habang pinagmamasdan si Luo Xi na nakatayo sa

ibaba, at sa mata niya'y biglang bumakas ang nakakakilabot na kislap.

"Sabihin mo sa kaniya, hindi ako puwede." Nang sabihin iyon ay binawi niya ang kaniyang

tingin at naupo sa tabi ng lamesa.

Agad nag-utos si Ye Mei upang sabihin kay Luo Xi ang sinabi ni Jun Wu Xie.

Nang hindi makilala ni Luo Xi ang tao sa hilaga ng siyudad, nakaramdam siya ng pagtataka

ngunit hindi na gaanong binigyan iyon ng pansin. Ang buong Clear Breeze City ay matagal ng

nasa ilalim ng kanilang kontrol at walang sino man ang makakagawa ng malaking kaguluhan

doon.

Ngunit ang mabalewala ng ganoon, ang ekspresyon sa mukha ni Luo Xi ay hindi rin

kagandahan. Matapos niyang umalis ay hindi muna siya nagtungo sa Fortune Spring Hall at sa

halip ay naglakad patungo sa direksyon ng City Lord's Manor.

"Young Master, ikaw ba'y magtutungo sa City Lord's Manor?" Maingat na tanong ng alila na

nasa kaniyang tabi.

"Dahil sa ang taong iyon ay ayaw makipagkita sa akin, hindi ba't ang tanungin ang City Lord

tungkol doon ay magsasabi sa akin kung sino ang taong iyon? Saad ni Luo Xi.

Tumango ang alila na tila naiintindihan niya ito.

Sa loob ng City Lord's Manor, si Luo Xi ay nakaupo sa pangunahing bulwagan, iniinom ang tsaa

na inihanda ng tagapaglingkod sa kaniya.

Matapos ang ilang sandali, isang lalaki na nasa kalagitnaang gulang na may malaki at mabilog

na tiyan ang pumasok na hinihingal habang naglalakad, nakasuot ng magarang kasuotan at

may ngiti sa mukha, ang balat sa pisngi nito ay palalo, mukhang matindi ang kasiyahan.

"Aking kapatid na Luo, paano ka nagkaroon ng oras upang makapunta dito ngayon?" Ang

matabang iyon ang Lord ng Clear Breeze City at ang mapagbiyaya at mabuting lalaki na

tinutukoy ng mga takas. Ngunit habang minamasdan ang katawan nito, sadyang napakahirap

na iugnay dito ang pagiging maalagang opisyal na mahal ang bansa pati na ang mga tao ng

walang pinipili.

Nalipat ang tingin ni Luo Xi upang masdan ang City Lord at lihim siyang napapalatak.

Bahagyang bumakas sa mata nito ang disgusto ngunit mabilis din iyong natabunan. Pinagpag

niya ang manggas ng kasuotan at diretsahan na nagsalita tungkol sa paksa: "Malaking bahagi

ng hilaga ng siyudad ang binili ng isang tao. May nalalaman ka ba tungkol doon?"

Ang City Lord sa halip ay natigilan. Hindi niya naisip na ang pagparoon ni Luo Xi ay dahil sa

bagay na iyon. "Alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Ang intensyon niya sa lupain sa

hilagang bahagi ng siyudad ay talaga namang ibebenta sa mga hangal na iyon na mayroon

limpak na salapi at nagawa niyang ibenta ang ilan sa mga iyon ng isang bigayan na naging

dahilan upang magkaroon siya ng malaking kita."

Sa katunayan, ang tindahan sa tabi ng opisina ng mahistrado na nagbebenta ng mga

kabahayan at asyenda ay pribadong binuksan ng isang tao sa ilalim ng kautusan ng City Lord.

Bagaman sa paimbabaw ay wala iyon sa pangalan ng City Lord, ngunit malaking bahagi ng

salapi ay mapupunta sa kaniyang bulsa sa huli. Kailan lang, nang ang tindero ay nagpunta

doon upang isumite ang talaan sa City Lord, ang City Lord ay nasiyahan nang malaman niya na

mayroong bumili ng napakaraming lugar sa isang bigayan. Kailangan malaman na ang halaga

ng mga bahay sa Clear Breeze City ay nagtaas na maikukumpara sa Imperial Country ng Fan

City at hindi iyon maliit na halaga lamang!

"Kilala mo ba kung sino ang bumili ng mga iyon?" Tanong ni Luo Xi habang minamasdan ang

City Lord. Batid niya ang mga bagay tungkol sa tindahan.

"Ang sabi sa akin ay isa itong hindi kilalang kabataan. Ang palagay ay ginamit nito ang salapi

upang gamitin papasok sa siyudad. Bakit bigla-bigla ay naging interesado ka tungkol sa bagay

na ito? Nagbigay ba ng utos ang kagalang-galang?" Tanong ng City Lord, ang ekspresyon sa

kaniyang mukha ay mabilis na nagbago, ang tono nito ay nabahiran ng pag-aalala.

Sumagot si Luo Xi: "Ang kagalang-galang ay nais na ipagpatuloy lamang ang ating ginagawa at

walang nagbago sa bagay na iyon. Ang dahilan ng aking pagparito ngayon ay dahil sa mga

asyendang iyon sa hilaga ng siyudad. Batid mo ba na ang mga bahay na iyon sa hilagang

bahagi ng siyudad ay ginamit ng kabataang iyon upang pamahayan ng mga takas?!"

Next chapter