webnovel

Kayamanan, Parating Na Kami! (7)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Namatay man ang Dark Emperor ngunit ang kaniyang kaluwalhatian at katanyagan ay

nananatiling buhay. Kahit sa mga pulutong ng mapusok na kabataan, Susundin nila ang taong

ito na minsang namuno sa buong lugar nang may panggalang at paghanga.

Tumingin si Jun Wu Xie sa lugar kung saan naguusap-usap si Quiao Chu at ang iba pa at

tumingin ng nakangitin kay Jun Wu Yao.

Si Jun Wu Yao ay lumingon kay Jun Wu Xie at unti unitng Nawala ang ngiti. Ang kanyang mga

mata ay tila nagsasabing nakita na niya ito.

"Iyan ang kabaong ng Dark Emperor?"tanong ni Jun Wu Xie, siya ay lumingon at lumipat ang

tingin kay Ye Gu at matagal nang nagtitimpi.

Tumingin si Ye Gu kay Jun Wu Xie. Lugha siyang nagtataka sa katauhan ni Jun Wu Xie at hindi

siya makapagtanong dahil naroon si Jun Wu Yao. Ngayon si Jun Wu Xie ay nagtanong na sa

kaniya, wala siyang magagawa kundi ang tumango.

"At ang mga labi ng Dark Emperor ay nasa loob?" Biglang inalam ni Jun Wu Xie.

Napaatras si Ye Gu at nagulat ang kanyang mga mata.

Samantala, labis na ikinagulat nina Ye Mei at Ye Sha sa tanong na kanilang Young Miss at

pinagpawisan sila ng malamig.

[Bakit bigla na lamang nagtanong ang Young Miss? Maaring wala siyang natuklasang kahit

ano, mayroon kaya?

Ang dalawang lalaki ay iniwan ang Dark Regions kasama si Jun Wu Yao at hindi na sila bumalik.

Wala silang nalalaman tungkol sa libingan ng Dark Emperor hanggang sa may marinig sila

tungkol dito mula kay Jun Wu Xie at ng iba pa. Hindi nila namamalayan na ang kanilang mga

kapatid sa Dark Regions ay naisip na ang kanilang Lord Jue ay patay na at walang kamalay-

malay sa katotohanan at nagtayo pa sila ng libingan para sa kanilang Lord Jue .

Nalaman nila na ang kanilang Lord Jue ay buhay pa at kung gayon, paanong magkakaroon ng

kaniyang "labi" sa loob ng kabaong na iyon?!

[Ang Young Miss ay maaring may natuklasang hindi tama at sinusubukan niyang kumuha ng

iba pang impormasyon kay Ye Gu.]

Sa kanilang pagkabalisa, ang dalawang lalaki ay palihim na kinurot si Ye Gu sa likod upang

magbigay ng mensahe.

Naintindihan agad ni Ye Gu ang gusto nilang iparating at sumimangot ang kaniyang mukha at

sinabing: "Oo naman. Sino pa ba ang nandiyan!"

Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Hindi siya masyadong naghinala dito.

Para sa kanya kapag ang kaganapan ay hinimay- himay at pinagdugtong- dugtong, makakabuo

ng hindi tiyak na palagay sa isipan. Ang palagay na iyon ay mapangahas ngunit ang kaniyang

konklusyon ay hindi nagmula kahit saan.

[Sino si Jun Wu Yao?]

Hindi nais ni Jun Wu Xie na magsiyasat sa nakaraan, ngunit pagkatapos niyang maunawaan

ang nadarama ng puso. Nais niyang malaman ang mga bagay na gagawin nila, at kilalanin pa

siyang mabuti.

[ Kahit na iba ang kanyang pagkatao, ay walang problema, ngunit kung ito ay tulad sa kaniyang

palagay, kung gayon ang nakatagong lihim ay hindi madali.]

[Gaano kalakas ang kapangyarihan ng Dark Emperor? Paano siya namatay?] "[ Gaano kalakas

si Jun Wu Yao? Paano siya nakulong sa yungib na iyon?]

[Anong uri ng mga bagay ang lihim na pinagkakaabalahan ni Jun Wu Yao?]

[ Kung siya man ang totoong Dark Emperor, sino ang nakakulong sa yungib na iyon? Sino sa

ilalim ng Heavens ang may kakayahang ibagsak ang Dark Emperor ng Dark Regions!?]

Kailangan ni Jun Wu Xie na masiguro lahat.

Wala siyang pakialam kung ano ang tunay na pagkatao ni Jun Wu Yao, ang nais niyang

malaman ay kung saan nanggagaling ang panganib na kinakaharap niya?

"Gusto kong buksan ang kabaong." Biglang sinabi ni Jun Wu Xie.

Ang pahayag na iyon ay naging dahilan ng pagkagulat ng bawat isa sa loob ng malapalasyong

bulwagan.

Sina Ye Sha at Ye Mei ay tumingin na hindi makapaniwala kay Jun Wu Xi , bigla silang

nakaramdam ng kilabot.

[Tapos na sila!]

[Tiyak na nalaman na ng Young Miss!]

Si Qiao Chu at iba pang kasama na taimtim na sumasamba sa Dark Emperor ay biglang nanlaki

ang mga mata at napanganga kay Jun Wu Xie.

Tama ba…..Tama ba ang aking narinig? Little Xie… Siya… Gusto niyang buksan ang kabaong?

"nanginginig na sinabi ni Qiao Chu, nagkaroon ng pagkibot sa kaniyang mukha. [Iyan ba ay biro

lamang?o naririnig ba niya ang kanyang sarili?]