webnovel

Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang lalaking nakaitim ay bumulusok na parang isang pana at tumilapon sa lupa, at gumawa ng

isang malalim na butas sa lupa habang sagang dami ng dugo ang ;umulandit sa kaniyang bibig.

Nahintakutan si Luo Xi sa eksenang kaniyang nasaksihan at napaupo sa lupa, hindi

makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari.

Ang kagalang-galang ay natalo… natala ng isang bata…

Paano nangyari iyon!?

Ang matinding paniniwala sa kaniyang puso ay nadurog sa isang iglap at ang mukha ni Luo Xi

ay namutla habang ang ngipin niya ay nangatal.

Ang labanan na iyon ay hindi malinaw na makikita ng isang karaniwang tao at ang tanging

nakita lamang ng lahat ay mga liwanag ng Pruple Spirit. Hanggang sa matapos ang labanan,

marami pa rin ang hindi nakahuma sa matinding pagkagulat.

Ang tingin ng mga takas ay sabay=sabay na natuon kay Jun Wu Xie.

Ang munting anyo nito ay nakatayo nang tuwid sa lupa, ang muka nitong may kaakit-akit na

wangis, ang tingin na kasinglamig ng niyebe. Malinaw na ito'y nasa murang edad pa lamang

ngunit tunay na pinamangha niya ang puso ng mga tao.

Sa isang iglap, pumutok ang masayang hiyawan sa harap ng mga kabahayan!

Ang hiyawan ay niyanig ang Heavens, ipinagdiwang ang panalo ni Jun Wu Xie.

Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie ang lalaking nakaitim na nakahandusay sa lupa at hindi

gumagalaw. Hindi niya ito pinaslang sapagkat may mga bagay na nais niyang itanong dito.

Ang lalaking nakaitim ay nakahiga sa lawa ng dugo, bawat buto sa kaniyang katawan ay tila

nadurog. Hindi niya magawang mapaniwalaan na matatalo siya. Hind na kailangan pang

banggitin na katumbas niya si Jun Wu Xie. Nang isagawa ni Jun Wu Xie ang huling tira, ay hindi

niya nagawang labanan iyon.

At sa sandaling iyon ay nasimulan niyang mapagtanto na mula't sapul, ay hindi ginamit ni Jun

Wu Xie lahat ng kaniyang kapangyarihan sa pakikipaglaban!

Kapangyarihan na kayang labanan ang mga Palace Lords!

Isang bata na halos nasa kaniyang kabataan pa lamang ay magtataglay ng kapangyarihan na

kayang kalabanin ang mga Lords ng Twelve Palaces ay talagang hindi kapani-paniwala.

Ang pagbagsak ng lalaking nakaitim ay naging dahilan upang si Luo Xi na sa tindi nang takot ay

nanginig ang buong katawan. Nabuwal siya sa lupa habang minamasdan si Jun Wu Xie na

papalapit sa kanila, nanginginig habang tumatalikod, nais na makatakas sa lugar na iyon.

"Ngayon, sino ang oras na ng kaniyang kamatayan?" Tanong ni Jun Wu Xie habang ang sulyap

niya ay unti-unting natuon sa katawan ni Luo Xi, ang mata niya ay walang ekspresyon.

Ngunit ang isang sulyap na iyon ay naging dahilan upang ang paghinga ni Luo Xi ay biglang

huminto. Tila may sumasakal sa kaniyang lalamunan, at hindi niya nagawa maski isang salita

lamang.

Ang kamay ni Jun Wu Xie ay unti-unting umangat at isang liwanag ng Purple Spirit ang biglang

tumama sa ulo ni Luo Xi!

Walang anu-ano!

Ang noo ni Luo Xi ay pinunit ng spirit light sa gitna ng kaniyang kilay, isang madugong butas

ang biglang nakita sa noo nito. Halos hindi ito nabigyan ng pagkakataon upang sumigaw bago

ito matigas na natumba sa maalikabok na lupa.

Ang makapal na sangsang ng dugo ay kumalat sa hangin at inilipat ni Jun Wu Xie ang kaniyang

tingin sa hindi gumagalaw na lalaking nakaitim, wala kahit patak ng awa sa kaniyang mga

mata.

"Sino… Sino ka ba talaga?" Nanghihinang tanong ng lalaking nakaitim habang nakahiga sa

lupa. Hindi pa rin niya matanggap na siya ay talunan.

"Isang tao mula sa Lower Realm." Malamig na tugon ni Jun Wu Xie.

Sumagot ang lalaking nakaitim sa nangangalit na ngipin. "Patayin mo na ako…"

"Kung nais kita na walang buhay, natural lang na papatayin kita." Matapos sabihin iyon, ay

tumalikod na si Jun Wu Xie at naglakad palayo.

Matapos niyang umalis, ang anyo ni Ye Sha ay agad nagpakita at binuhat ang lalaking

nakaitim, tinangay palayo.

Matapos ang isang kamangha-magnhang labanan, nanumbalik ang kapayapaan. Lahat ng

nakasaki sa labanan ngayon ay naramdaman ang matinding takot sa kapangyarihan ng Purple

Spirit.

Ang lalaking nakaitim ay dinala sa tirahan ni Jun Wu Xie at binantayan ni Ye Sha. Bagaman

matindi ang pinsala nito, ang mga pinsalang iyon ay hindi dahilan upang mawalan agad ito ng

buhay. May oras pa si Jun Wu Xie na ungkatin lahat ng nais niya malaman mula sa bibig ng

lalaki.