1462 Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (4)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang malalakas na pagtira ay sunud-sunod at walang tigil, at walang mangyayari na pagbagal

kahit kaunti!

Ikinagulat iyon ng lalaking nakaitim at kung hindi niya malinaw na nakita ang mukha ni Jun Wu

Xie noon, at nalaman na ang kapaban niya ay napakabata, ay iisipin ng lalaking nakaitim na si

Jun Wu Xie ay isang Elde mula sa ibang palaces at nagbabalat-kayo.

Ang hindi alam ng lalaking nakaitim na bagaman si Jun Wu Xie ay nasa murang edad pa lang,

ang likas na talento nito'y sukdulan hanggang Heaven at idagdag pa diyan, ay itinaguyod nito

ang paglinang sa libingan ng Dark Emperor na hindi nagpapahinga sa loob ng ilang araw at

gabi, ang pagpupursige na ibinuhos niya ay hindi matutumbasan ninuman.

Isang bagay pa na nagtulak sa kaniya bukod sa kaniyang talento at matinding pagsisikap ay

dahil sa nagtataglay siya ng mabangis na piraso ng magical artifact na nangangalaga at

nagpapatibay sa kaniyang lakas, sinamahan pa nang napakalakas at makapangyarihang Dark

Emperor ng Middle Realm na personal na nagturo para sa kaniyang paglinang. Ang dalawang

bagay na iyon ang naging dahilan upang ang kapangyarihan ni Jun Wu Xie ay sumibol at

mapataas nang napakabilis na higit pa sa kayang kamtan ng ibang tao!

Ang liwanag mula sa enerhiya ng spirit power ay patuloy sa pagkislap, ang dami ng

dumadagundong na salpukan ay umaalingawngaw sa tainga ng lahat at iyon ay masakit.

Maging sa kaniyang panaginip ay hindi kailanman naisip ng lalaking nakaitim na bilang isang

iginagalang na Elder ng Palace of the Flame Demons ay darating ang isang araw na madiin

siyang maitutulak ng isang binatilyo na mula sa Lower Realm.

Dahil sa simula ay inisip niya na magagawa niyang ipadala si Jun Wu Xie sa Impiyerno sa loob

lamang ng maiksing oras, ngunit matapos nilang magpalitan ng napakaraming suntok at

matapos ang hindi mabilang na pagtira, ay napagtanto ng lalaking nakaitim na kailangan

niyang tawafin bawat isa sa kaniyang abilidad sa labanang iyon. Simula sa araw na naging isa

siyang Elder ng Palace of the Flame Demons, ay hindi pa siya nakasalamuha ng ganoong bagay

na nakakagalit!

Ang mas nakakainis sa kaniya ay nang madiskubre niya na ang kilos ng bata ay mas nagiging

malinis at tiyak habang tumatagal ang laban, ang mga tira ay mas nagiging malupit at ang

spirit power ng kaniyang kalaban ay tila hindi napapagod. Bawat pagbitaw ay mas nagiging

mabangis kaysa sa nauna at habang ang sariling spirit power ay nauubos na, ang damdamin ng

lalaking nakaitim ay mas lalong nagpuyos kung kaya't naging magulo ang pagbitaw ng

kaniyang kilos.

Napansin ni Jun Wu Xie ang lahat ng iyon. Matapos makamit ang Purple Spirit, ang oras na

nagagawa niya ang kapangyaihang iyon ay napakaiksi lamang kaya naman hindi niya lubusang

nahahawakan ang kapangyarihan ng Purple Spirit. Ngunit sa labanang iyon, ay nagawa na

niyang punan at patatagin ang mga puwang na hindi siya pamilyar at imbis na sabihin na

nakikipaglaban siya ng buong lakas sa lalaking nakaitim, mas mainam sabihin na itinuring niya

ang kalaban na kasamang mag-ensayo, walang balak na tapusin kaagad ang laban, ngunit

panatilihin ang sitwasyon kung saan sila ay pantay.

Sa puntong iyon, maaring hindi pansin ng mga nanonood, ngunit sa grupo ng mga tao mula sa

Twelve Palaces na nagtatago sa Clear Breeze City, ay wala nang mas lilinaw pa doon.

Sa labas, ang lalaking nakaitim ay mukhang pantay lamang kay Jun Wu Xie, ngunit nagawa

nilang makita na hindi ginagamit ni Jun Wu Xie lahat ng kaniyang kapangyarihan, para lamang

itong isang bata na nilalaro ang kaniyang kalaban.

"Hindi na natin kailangan pang magpatuloy sa panonood. Bumalik na tayo. Ang Palace of

Flame Demons ay talunan sa labang ito. Lal na't may isang demonyo na magpapakita dito sa

Lower Realm. Ang misyon natin dito sa Lower Realm ay siguradong mas magiging mahirap

isagawa. Saad ng isang lalaki na nagdesisyon na nakita na niyan ang lahat, bago ito tumalikod

at lumisan.

Kaysa manatili doon at mag-aksaya ng oras, mas pipiliin niya na ibalita iyon sa Elder na nasa

palace.

Maya-maya, ang ilang nagtatagong miyembro ng Twelve Palaces ay lumisan na lahat, tahimik

at di-pansin. Hindi na nila hihintayin na madiskubre sila ni Jun Wu Xie at kaladkarin palabas

upang bigyan ng malupit na bugbog.

Lalo na…

Sila ay wala sa antas ng isang Elder. Maging ang lalaking nakaitim ay walang laban kay Jun Wu

Xie, lalo na siguro silang lahat ay hindi papantay dito.

Lahat ng iyon ay lihim na nagyari, walang nakakaalam.

Ang sitwasyon ay mas nagiging malala para sa lalaking nakaitim. At tila ang lahat ay sapat na

para kay Jun Wu Xie. Sa sandaling sinubukan ng lalaking nakaitim na baliktarin ang sitwasyon,

itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kapangyarihan sa rurok sa sandaling iyon!

At sa isang napakalakas na sipa, ay ipinadala niya ang lalaking nakaitim na humaharurot sa

lupa!

Isang malakas na pagbagsak ang sumabog!

Isang matinding ulap ng alikabok ang umangat…

avataravatar
Next chapter