webnovel

Bone Corroding Forest (9)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Poppy ay isang spirit body at kung tungkol sa dami ng lason na kaya niyang ilabas, hindi nila iyon dapat ipag-alala.

"Inumin niyo muna ito." Saad ni Poppy at binigyan ng itim na buto ang bawat isa sa grupo. Napakaliit na buto iyon kasing-liit ng linga.

"Ano 'to?" Kinuha ni Qiao Chu ang buto at sinuri iyon. Napakaliit non na kaunting hipan niya lang ay pwede na agad itong ilipad.

Umangat ang sulok ng labi ni Poppy ngunit agad niya rin iyong pinalis bahgo nagsalita: "Ang amoy ni Poppy ay may kakayahang higupin ang lakas ng isang tao, may pagkakataon pang pwede silang mag-hallucinate."

Para labanan ang epektong iyon ni Poppy, gumawa siya ng bagay na pwedeng lumaban doon at iyon nga ay ang itim na butong iyon. Ngunit iba iyon sa mga buto ng Imperial Snow Lotus dahil ang kaniyang buto ay mas maiksi ang bisa. Ilang araw lang ang itinatagal noon.

Walang espesyal na kalidad ang poppy seeds makakapagbigay lang iyon ng immunity sa lason ni Poppy.

"Hullicinate? Anong klaseng hallucination?" Tanong ni Qiao Chu. Wala silang gaanong alam kay Poppy.

Bahagyang tumalim ang tingin ni Poppy akmang ngingisi sana ito ngunit dahil kay Jun Wu Yao pinigilan niya ang sarili at piniling sumagot na lang: "Kung gusto mo talagang malaman, ipapasubok ko sa'yo sa susunod."

Mabilis namang umiling si Qiao Chu. Hindi niya gusto ang ideyang siya ay magiging guinea pig.

Nagkibit-balikat si Poppy. Agad namang ininom ng grupo ang butong ibinigay sa kanila ni Poppy. Dahil sa tinging ibinibigay ni Jun Wu Xie kay Little Jue, walang nagawa ang batang lalaki kundi inumin ang buto.

Hindi mahirap ang gagawin ni Poppy, kailangan lang nitong ipalabas ang kaniyang amoy at ipaikot iyon sa grupo. Dahil siya ay isang spirit body, hindi niya kailangang matakot na masugatan ng Bone Corroding Tree ang kailangan niya na lang isipin ay ang grupo.

Pagkalipas ng ilang preparasyon, pumasok na nga sa Bone Corroding Forest sila Jun Wu Xie. Isang pagkakamali lang nila ay maaari silang matalisod sa mga baging at ugat ng puno. Ang grupo ay nakasuot ng makapal na damit sa takot na baka sila ay masugatan.

Nabanggit ni Jun Wu Xie na ang mga baging na nababalot ng yelo ay may mga tusok na maaaring sumugat sa kanila. Sa oras na ikaw ay masugat, hindi mo agad ito mapapansin. Pero ang maliit na sugat na iyon ang ikinatatakot nila Qiao Chu.

Kahit napakaliit lang noon, hindi biro ang aabutin mong sakit. Para bang nagbabaga ang bawat sugat.

At ito ang epekto ng lason ni Poppy sa kanila. Kung hindi dahil sa lasong iyon na pinaglaban sa Bone Corroding Tree, hindi lang ganito ang sasapitin nila.

Napakaraming Bone Corroding Tree sa kagubatang iyon at tinatakpan noon ang kalangitan. Makapal din ang hamog dahilan para mahirapan silang makakita. Nakatuon lahat ang kanilang atensyon sa Destiny's Dish na magtuturo sa kanila sa tamang direksyon. Kung hindi ay siguradong maliligaw sila sa loob ng Bone Corroding Forest.