webnovel

Bone Corroding Forest (6)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nahulog sa malalim na pag-iisip ang grupo sa mga oras na iyon. Nag-iisip ng maigi si Jun Wu Xie sa kung paano sil makakatawid sa kagubatang iyon.

Tahimik namang nakatayo sina Ye Sha at Ye Mei habang pasulyap-sulyap kay Jun Wu Yao.

Ang Bone Corroding Tree…

Ay bagay na gawa ng kanilang Lord Jue para sa mga taong may masamang balak sa kaniya. Ang dahilan ng pagkabuhay ng punong ito ay hindi para gumawa ng lason. Kundi para makatikim ng pagdurusa ang sinumang tatraydor sa kaniya. 

Hindi lubos akalain nina Ye Sha at Ye Mei na ang kanilang mga kasamahan mula sa Dark Region ay gagamitin ang punong ito sa Lower Realm bilang proteksyon sa puntod ng Dark Emperor.

Kung hindi lang sila kasama sa ekspedisyong ito, malamang isa rin sila sa magpoprotekta sa lugar na ito. Isa sila sa mga maglilibing ng sinumang magtatangkang manghimasok sa puntod ng kanilang Lord Jue.

Pero…

Ngayon, ang kanilang Lord Jue mismo ang tumutulong para hukayin ng Young Miss ang kaniyang sariling puntod!

Bumakas sa mukha ni Jun Wu Yao ang madalas na ngiti nito. May bahid ng panunudyo habang nakatingin sa mukha ni Jun Wu Xie. Hindi nito napansin ang malungkot na itsura ng kaniyang dalawang alalay.

"Nakakaintriga ang mga punong ito." Saad ni Jun Wu Yao sabay tumawa ng pagak.

Natigilan naman si Ye Sha at Si Ye Mei dahil sa sinabing iyon ng Dark Lord.

"Lord Jue, anong sinabi mo?" Akala ni Ye Mei ay may mali na sa kaniyang pandinig at hindi lang niya narinig ng maayos ang sinabi ng kaniyang panginoon.

"Kung hindi lang mali ang pagkakataon, gugustuhin kong dalhin ito at suriin." Saad ni Jun Wu Yao. Ang mga bagay na katulad nito ay bihira lang matagpuan. 

Hindi nagsalita si Ye Mei.

[Siguro ay hindi napansin ng kaniyang Lord Jue na ang Bone Corroding Tress na ito ay produkto ng kaniyang parusa sa mga taong nagkasala sa kaniya!]

[Lord Jue!]

[Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo para ibalik ito! Marami nang ganito sa Dark Regions. Sa oras na bumalik ka doon, makikita mo ang mga iyon!]

Hindi maalala ni Jun Wu Yao na ang bagay na ito ay dahil sa kaniya. Ang bagay na nagpapahirap kay Jun Wu Xie ngayon sa kaiisip ay likha mismo ng kaniyang sariling kamay…

Pigil na pigil sina Ye Sha at Ye Mei na magbitaw ng salita. Halos sumuka na sila ng dugo at wala silang nagawa kundi lunukin iyon pabalik.

Hinding-hindi nila gagawing ibenta ang kanilang Panginoon.

Hindi rin nila nakikita ang dahilan para ipaalala sa kanilang Lord Jue na ang mga bagay na ito ay ibinalik na niya dati sa Dark Regions at ang kanilang mga kapatid sa Dark Regions ay pinagyabong ang mga iyon. At ngayon ay pinapahirapan ang kanilang Young Miss!

[Huwag kang magsasalita!]

[Huwag!]

Walang pumapasok na ideya sa isipan ni Jun Wu Xie kaya naman ay inilabas niya ang mga lumang sulat at hinanap ang parte kung saan nagtutukoy tungkol sa Bone Corroding Tree.

Nakita naman ni Qiao Chu ang bagay na inilabas ni Qiao Chu at nakuha noon ang kaniyang atensyon. Noong bilhin niya iyon noon ay wala siyang nakitang espesyal sa librong iyon. Ngunit sa itsura ni Jun Wu Xie ngayon, mukhang napakahalaga ng mga nakasulat sa bawat pahina ng librong iyon.

Kinalma ni Jun Wu Xie ang kaniyang puso at nagsimulang magbasa. Natatandaan niya kung saan banda nakasulat ang tungkol sa Bone Corroding Tree. 

Habang naglilipat siya ng mga pahina ay mayroon siyang kakaibang nabasa.

Ang labanan ang lason gamit ang lason din!

Mapanganib ang lason mula sa Bone Corroding Trees pero hindi ito makakaligtas sa lason din. Kapag pinaghalo ang dalawang klase ng lason, mawawalan ng bisa ang lason mula sa puno.

"Labanan ang lason gamit ang lason." Dahan-dahang nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie habang nabubuo ang plano sa kaniyang isipan.