webnovel

Bone Corroding Forest (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matagal bago tuluyang tumubo ang Bone Corroding Tree, ngunit sa oras na umusbong ang unang buko nito, hindi na nito kailangan ang laman at dugo ng tao para mabuhay. Tanging ang tubig na lang na may halong lason ang kakailanganin nito. Sa unang tubo ng dahon nito, kaya na nitong gumawa ng sariling lason at iyon ay ang berdeng dagta.

Magmula sa ugat ng Bone Corroding Tree, papunta sa sanga hanggang sa mga dahon nito, 

Puno iyon ng lason. Hindi kailangang makain ng isang tao ang berdeng dagta, sa simpleng pagdikit lang nito sa balat ay manunuot iyon hanggang sa kailaliman ng buto. Kaya ito ay pinangalanang Bone Corroding Tree.

Sa loob ng kagubatang iyon, hindi mabilang ang dami ng Bone Corroding Tree. Mahirap na ang maglakad sa makapal na yelo. At ang maglakad sa gitna ng mga Bone Corroding Tree na iyon ay masasabing buwis buhay!

Ang Bone Corroding Tree ay sadyang makamandag. Kahit na putulin pa ang puno, maglalabas iyon ng makamandag na berdeng dagta at mananatili iyon sa lupa sa matagal na panahon.

Sinubukan nina Qiao Chu kung gaano iyon kadelikado sa pamamagitan ng paghagis ng makapal na kadena. Ilag segundo lang ay tuluyang nilamon ng makamandag na dagta ang makapal na kadena.

Napasinghap si Qiao Chu dahil doon.

"Whoa! Talaga ngang pambihira ang lason na iyan!" Hindi lang ito isang lason, para na rin itong isang uri ng asido!

"Ang malanghap ito ay sapat na na malason ang isang tao. Ano pa kaya ang tumapak dito. Paniguradong sa unang hakbang pa lang ay matutunaw na ang paa mo." Matalim ang tinging komento ni Hua Yao. Ang grupo nila Mu Qian Fan ay paniguradong hindi pa nakakarating sa bandang ito. Marahil ay malayo pa lang sila ay tinablan na sila ng lasong nagmumula sa punong ito.

Nasaksihan mismo nila kung gaano katapang ang lasong iyon.

"Makakatawid ba tayo sa gubat na iyan? Kahit na napakarami ng punong iyan, malalayo naman ang pagitan ng mga ppuno sa bawat isa. Basta hindi natin mahahawakan ang puno, tingin niyo posible kaya iyon?" Tanong ni Fei Yan sa kaniyang mga kasamahan.

Marami man ang mga punong iyon, mayroong pagitan ang bawat isa. Sapat na para magkasya at makadaan ang isang tao. Kumpara sa yelong kanilang dinaanan na saktong magkasya lang ang isang paa.

Umiling si Jun Wu Xie.

"Kung titignan sa malayo ay mukhang normal lang ang mga punong ito. Ngunit kung titignan niyong maigi ang mga dahon at baging nito ay puno iyon ng tinik na madaling makakasugat sa sinumang tamaan noon." Ang katawan ng puno ay irregular ang pattern. Para iyong makakapal na baging na nakapilipit sa bawat isa. Kailangan yumuko ng napakababa ng isang tao para maiwasan ang mga sanga nito. Sa oras na makapasok ka na sa Bone Corroding Forest, wala ka nang ibang magagawa kundi ang magpatuloy, hindi ka na maaaring umatras.

At…

Kakaiba ang lugar na iyon kumpara sa nauna nilang nadaanan. Dahil sa makapal na mga dahong naroroon, hindi sapat ang Spirit Fire Globe para bigyan sila ng liwanag sa kanilang daraanan.