webnovel

Gangster Jann (Cali White Gang)

Jannmr · Teen
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 16 Elite Haven Threats

Author's Pov

Tuesday Morning.

Ready na si Jann papuntang school, kahapon absent na sya for the whole day hindi pwedeng absent na naman sya ngayon. Habang kumakain sila ng breakfast nalaman nilang dalawa ni Collin na may flight ang mga magulang nila papuntang Spain. Kung siniswerte nga naman di ba hindi na nila alalahanin ang mga magulang nila kapag sa loob ng tatlong araw ay late na sila makakauwi pero ang mas good news do'n ay sa Lunes pa ang balik nila.

Nasa garahe silang dalawa ni Collin.

"Collin, about what happened last night, wag na wag mo muna ikukwento sa TBH oki?!"

"Why?! Pati sila?!"

"Yes, pati sila. We can't trust no one. Understand the situation. Inaalam ko pa kung sino yung pangahas." Seryosong sabi ni Janet sa kapatid nya.

"Sabagay tama ka baby, cge. You can count on me. I won't tell anyone." May balak pa naman sana si Collin na sabihin sa mga kaibigan nya ang nangyari kagabi pero mabuti naunahan sya ni Janet. "Ang dami mo namang dala?!"

"Oh, kailangan ko itong sports shoes at boxing gloves ko and a white shirt and black leggings. Kailangan nyo rin ng extra clothes and sports shoes para sa training, usapan natin three hours ang training. You betta tell the others too. Oki."

Nauna nang umalis ang sasakyan ni Janet pero huminto sya sa may guard house. Pinagsabihan nya rin ang mga ito na wag muna ipagsabi ang nangyari kagabi. Naunawaan naman ng dalawang guard ang gustong mangyari ni Janet. Then she closed her window's shield car. She step on the accelerator to speeding the car and exited the subdivision. Knowingly their house is in the end part of the subdivision.

Samantalang si Collin tinawagan muna ang ibang TBH para sabihan sa mga dapat bitbitin mamaya sa Secret House.

Elite Haven High.

Papasok ng campus si Janet pero may mga estudyanteng nakaharang sa gate mismo, bumusina sya ng isang beses pero hindi parin nagsialisan ang mga estudyante, napilitan syang bumaba ng sasakyan. Lumapit ang guard sa kanya.

"Pasensya na po kayo Miss Han. May problema po kasi eh, naghihintay pa po kami sa pagdating ng pulis.

"Pulis? Why? What happened?" Napalakas boses ko nung tinanong ang guard. Napalingon ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa amin ng guard. "So tell me what happened?"

"Ganito kasi yun Miss, may isang estudyante na nakatanggap ng box kanina dito sa may gate, nung binuksan nya nakita nyang may..."

"Sinong estudyante? What the student saw?!"

"Ahm Miss may jewelry syang natanggap nung hinawakan nya yun tuwang tuwa yung estudyante..

"So babae ang nakatanggap?"

"Pagkatapos bigla nalang po namula yung buong mukha nya hanggang sa nahimatay na po ito. Sya po yung pinagkumpulan ng mga estudyante ngayon."

Jann's P.O.V

"Shit! Palayuin mo ang mga estudyante sa kanya. Fuck! Nasaan na ba ang mga pulis and ambulance?! Call them again quick! And where's the principal here?" Nagmadaling pumunta ang guard sa principal's office. Yung isang guard naman tinawagan ulit ang mga pulis at ambulance.

Ako naman, nilapitan ko ang mga nagkumpulang estudyante dun sa estudyanteng nakatanggap ng box kanina.

"Padaan, padaan. P-A-D-A-A-N S-A-B-I!" Humawi ang mga estudyante. "Kayong lahat, wag kayong lumapit dyan sa babaeng nahimatay!"

"Bakit ka naman namin pakikinggan? Sino ka ba?" Biglang may nagsalitang lalake ang boses.

"Fuck! Eh kung sabihin ko sa inyong, posibleng mangyari sa inyo ang nangyari sa estudyanteng to?! Hindi pa rin kayo aalis ha?!" Halos isa-isa ki silang tinignan. "Ano hindi parin kayo aalis?! Sige maghintay kayong mangyari sa inyo ang nangyari sa kanya." Inis na inis kong sabi sa kanila.

"Eh paano ka nga namin pakikinggan, estudyante ka lang rin naman dito ah?"

"Oo nga." Sabat ng ilang estudyante din.

"Miss Han, parating na po dito ang ambulance at pulis." Agaw atensyon ng guard.

"Kanina pa natin hinihintay, bakit ang tagal naman ata!?"

"Miss Han???" Tanong ng isang estudyante.

"Ah oo, anak po kasi sya ng may-ari ng paaralang ito. Makinig kayo sa sinasabi ni Miss Han. Kaya kung ako sa inyo, lalayuan ko yang estudyante na nahimatay, hinawakan lamang nya yung alahas, biglang namula ang mukha at nahimatay."

"What the fuck!" Sabi nung isang lalakeng estudyante.

"Waaaa nakakatakot naman, anong meron sa alahas para magkaganun ang babaeng nahimatay. Parang napaso yung mukha nya sa sobrang pula." Sabi ng isang babae.

"So ano lalayo na ba kayo?" Tinaasan ko sila ng kilay at naka-cross arms. "Pumasok na kayo sa mga respected classroom nyo. Bilis!" Utos ko sa kanila. Buti at nakinig na sila, isa isa nawala ang mga nagkukumpulang estudyante.

"Anak pala sya ng may-ari.."

"Hindi ko rin sya kilala."

"Miss, nandito na rin ang principal." Sabi nung isa pang guard.

"Ah cgue.." sambit ko na lamang. Umalis ako at pumasok sa Porshe ko, nakaharang kasi ito sa entrance ng gate. At pinark sa parking area. Hindi muna ako bumaba ng sasakyan, kinuha ko ang mobile phone ko. I dialled Collin's digits.

After ng ilang ring sinagot nya rin.

"Collin, madali kang pumunta dito sa high campus.. I'll tell you when you get here okay?.. Call and tell Trigger and Ross to hurry up to be here. Make it fast. This is really important. Bye." Binaba ko na agad ang tawag. Lumabas na rin ako sa sasakyan ko and wait for TBH. Nakasandig lang ako sa likurang bumper ng sasakyan ko.

Biglang nagvibrate ang mobile phone ko. "Oh?!.. Kayo na ba yung magkakabit ng CCTV mamaya?!.. Mga anong oras kaya? Oki. Darating ako mamaya." Binaba ko na ang tawag nung mag-iinstall ng CCTV. Ang busy bigla ng araw ko, aish! Fuck that Session Gang! Uuwi pa ako mamaya sa bahay para iguide ang magkakabit ng CCTV. Sabi ko papasok ako sa klase hindi ganito! Fuck. Fuck.

Finally, I saw Collin's car, pumarada sya sa bakanteng area kung saan ako nakapark.

"Yo baby.. what happened? Bakit may mga pulis at ambulance dito?" Nakarating na ang mga pukis at ambulance five minutes bagp dumating si Collin hindi lang muna ako lumapit dahil naghihintay nga ako kay Collin.

"Mamaya ka na magtanong, tara lumapit tayo. Kailangan natin malaman anong nangyari dun sa babae." Sumunod na lang si Collin sa sinabi ko. Naglakad na kami papalapit sa crime scene, andun na din ang principal at dalawang guards.

Nagsimula na rin mag imbestiga ang mga pulis. May ilang katanungan sila tinanong sa dalawang guards. Tapos binigay na sa kanila ang box na may laman na kwintas.

Tapos ang mga medic, sinakay na nila sa stretcher ang biktima. Mahina na daw heartbeat nito kaya dapat maidala agad para ilagay sa ICU.

Kinuwento lang din ng guard sa mg pulis ang sinabi nya sa akin kanina. Nabanggit din ng guard na hindi pa nahawakan ang kwintas.

"So what's your findings about what happened to the victim?" Tanong ko sa doktor.

"Sa ngayon po ooserbahan pa namin kung anong nangyari sa mukha nya. Bakit mukha nya lang apektado?" Maikling tugon ng doktor.

"So wala pa kayong initial findings? Tsss."

"Heavenly.." Pigil sa akin ni Collin.

"Don't worry Collin, I'm just asking okay?!"

Miss principal kayo na po bahala mag asikaso sa kanila, dok, mga sir.. mauna na kami.." Tapos hinawakan ni Collin ang braso ko, at hinila papalayo dun.

"What are you doing baby?! Wag na tayo makialam pa, wala naman tayong alam sa medical terms and about the investagation."

Tumawa ako ng malakas. "Hahaha..what the hell Collin."

"What do you mean? Why did you laugh?"

"Tsss, kasi Collin, ako may idea ako sa nangyari sa biktima."

"What idea??

"My iNitial findings sa nangyayari eh.. First, its a threat from the enemy. Second, the victim is infected an airbourne virus.."

"What? A threat??? Bakit nalaman ba nila ang plano natin? At anong airbourne virus??"

"Nope. Haist, slowpoke ka naman!"

"Aish, nagtatanong nga eh.." napakamot ulo na lang si Collin.

"Wag tayo dito mag-usap, baka may makarinig pa sa atin. At nasaan na ang dalawang kaibigan mo?!"

"Cgue tara sa Off Limits, haisst hindi ko alam sa dalawang yun.." Ngayon naman nakanguso si Collin. Haha. Tanginang lalake to parang babae.

"Aish! Stop pouting kuya! You look like a babe!" Naglakad na kami papuntang Off Limits, heto na naman ang mga babaeng nagtitilian.

"OMG! Si C, bakit nandito sya?" Malamang nakita mo na ngang nandito. Sabi ko sa isip ko.

"Sino naman yang kasama nya?" Wow! Kasama nya? Paki nyo kung kasama ko si Collin. Bulong ko na naman sa isip ko.

"Di ba sya yung babae kanina?" Anong kanina?

"Bakit magkasama sila? At mukhang papunta sila ng Off Limits?" So?

"Teka, di ba walang nakakapasok dyan sa Off Limits unless you're invited?" Ano ba to Kinakausap ko na ang sarili ko. Ang tahimik naman kasi ni Collin.

"Ay mga tangang chismosa, kapatid nya yan! At kaibigan nya ang buong TBH. Kaya hindi sya bawal dyan. At kaibigan ko din sya."

Pamilyar yung boses ah, lumingon ako at nakita ko si Flare. Sya pala yung huling nagsalita kanina. Nakita nya akong lumingon kaya kumaway lang sya, kumaway lang din ako.

"O, nakita nyo naman di ba!? Tumugon sya sa pagkaway ko!"

Flare's P.O.V

"Ay mga tangang chismosa, kapatid nya yan! At kaibigan nya ang buong TBH. Kaya hindi sya bawal dyan. At kaibigan ko din sya."

Narinig nya ata yung sinabi ko kya sya lumingon? Kumaway na lang ako, gumanti naman sya ng kaway sa akin.

"O, nakita nyo naman di ba!? Tumugon sya sa pagkaway ko!"

"O idi ikaw na ang kaibigan nya!"

"Eh di ba minsan na rin kayo ni Maia nakasabayan ng TBH sa cafeteria?"

"You got it girl." Kinindatan ko yung classmate ko.

And may biglang sumingit na mga bruha.

"Duh! Para yun lang!" Sabi ni Jenn. Si Jenn yung may gusto sa Ross ko. Yung bestie naman nyang si Veron gusto naman si Collin ni Maia. May isang bestie pa sila pero wala na sya dito ngayon, sya naman yung may gusto kay X.

"Anong para yun lang? Bakit nakakalapit ka ba sa kanila?"

"Oo." Maikling sagot na may halong kayabangan na sabi ni Jenn.

"Ohws? Baka noon oo, pero ngayon? I don't think so.."

"Well, watch and learn. Bye." Umalis na ang dalawang bruha. Tinalikuran ba naman ako. Bastos may sasabihin pa sana ako pero di bale na lang. Tsss. Akala mo naman kung sinong mga magaganda!

"Oh, sino kaaway mo?" Nagtatakang tanong ni Maia sa akin.

"Naku wala bes, nga pala nakita ko kanina si Janet, kasama si Collin your loves.. Pumunta sila sa Off Limits." Kwento ko kay Maia.

"Ano naman ang ginagawa nila dun?"

"Ewan. Hindi ko naman nakausap si Janet eh, kumaway lang sya nung makita ako."

"Nabalitaan mo ba yung nangyari sa schoolmate natin kanina? Shucks! Katakot!" Kinilabutan ata ako sa sinabi ni Maia. Nalaman ko rin kasi ang nangyari kanina.

"Oo noh! Katakot nga. Ito na yung ikalawang beses na may nangyaring hindi maganda sa campus natin ah." Sabi ko kay Maia.

Jann's P.O.V

Nag vibrate ang mobile phone ko.

"Oh?! Ilang bodyguards ang pwede?.. Kailangan ko ng sampu.."

"Ano??? Sampu ang kukunin mong bodyguards.." Sinenyasan ko si Collin na wag muna magsalita.

"Kailangan nilang pumunta sa bahay namin mamaya, gusto ko munang makilatis lahat ng ipapadala nyo.. And I need their profiles and infos. Okay." Binaba ko na ang tawag.

"Ang dami naman nun baby! Baka makahalata sila Papa nyan."

"Nah! I don't think so.. I will make sure of that.. Don't worry big bro.." Tinaasan ko lang sya ng kilay.

We're here in Off Limits, mas mabuting nandito kami para hindi agaw pansin sa mga tao na nag-uusap kami. Umupo ako sa malaking sofa nila. Si Collin naman nakaupo sa kabilang sofa na paharap sa akin.

"So tell me about what's on your mind, about the student earlier.." Taray biglang nag english.

"I am suspecting that it is the doing of SGS.."

"Sigurado ka ba?"

"I am not sure yet, unless proven with evidence or infos."

"How will you do that? Pero bakit naman nila gagawin sa campus to? Eh di ba hindi naman nila alam ang tungkol sa plans natin."

"Yes, hindi nila alam. But that's what you call precautions, Collin. Habang wala pang nangyayari pinipigilan na nila agad. Get it?"

Patango -tango lang si Collin.

"Pero baby, paano mo nga malalaman kung sila o hindi ang may kagagawan nun?!"

"I'm gonna ask my bestfriend about it.. later."

"Ang pinagtataka ko paanong nahimatay ng ganun ang babae at humihina ang heartbeat nya."

"My idea is that through airbourne.."

"Through airbourne? Ano yun baby?!

"Ang hinala ko kasi may nilagay silang substance sa jewelry, nung binuksan ng babae yung jewelry box, eh xmpre humihinga sya so eventually nalanghap nya yung substance. Ang tanong anong substance yun, para magkaganun ang epekto sa makalanghap nun. Nakita ko kasi mapula ang mukha, pati mata nya namula din, tapos nagpapahina ng heartbeat means apektado ang daanan ng blood, pati paghinga nya apektado din."

"Wow! Lahat yun nabuo mo sa isip mo? Akalain mong pwede ka na partner ni Detective Conan!"

"What the fuck Collin! Aalis na ako, ikaw na bahala magkwento sa mga kaibigan mo na missing in action. Tsk."

"I will."

Pagkatapos namin mag-usap umalis na agad ako sa Off Limits at nagtungo sa cafeteria para mag-lunch. Afternoon class na lang ang papasukan ko. Haist! Kakasimula pa lang ng klase puro na ako absent. Umorder ako ng pizza pepperoni with cheese solo and red iced tea. Naupo ako dun sa mesa kung saan ang pwesto ng TBH, I hope they don't mind. Fuck! Kakasabi ko lang eh, pero ang mga estudyanteng nasa cafeteria panay ang lingon sa akin at mukhang galit pa sila ah!

"Hala bakit sya naupo dyan?"

"Anong karapatan nya maupo sa mesa ng TBH?"

"Kapatid kaya sya ni C."

"Ano naman ngayon kung kapatid sya ni C?"

"Oo nga! TBH ba sya?"

Aba kung mag-usap ang mga parang wala ako dito at hindi ko naririnig na ako ang pinag-uusapan nila! Ang kapal ng mga mukha! Hindi nyo naman ako kilala! Tangina!

Tumayo ako at nilapitan sila. "So tapos na ba nyo akong pag-usapan? Ano naman ngayon kung dun ako umupo? May problema ba ha?!" Natahimik sila parang nagulat pa nga dahil ako pa yung lumapit sa kanila.

"Oo may problema!" Tumayo yung isang babae, nagtapang-tapangan ka pa ah.

"Ano nga ang problema dun? Kanina nyo pa sinasabi ang problema, pero hanggang dun lang pala masasabi nyo." Taas kilay na sabi ko.

"Kapal naman na kasi ng pagmumukha mo na umupo dun! Eh hindi ka naman kabilang sa TBH. Kapatid ka lang ni C."

"O tapos? Ano pang sasabihin nyo?.. Is that it?" I tilted my head. Wala na silang nasabi. Tinalikuran ko na sila. Mga walang kwenta ang mga pinagsasabi.

"Aba maldita sya ah." Narinig kong sabi nung isa sa kanila, tatlo kasi silang babae. Hindi ko akalain na tumayo pala ito at hinablot ang buhok ko, sinabunutan ba ako? Fuck!

Hawak-hawak ng isa ang buhok ko. Tapos tumayo naman yung dalawa pilit na pinipigilan ang dalawa kong kamay para hindi ako makaganti o maka-laban. Is this what they called cat fight? Fuck damnit! Hindi ko hilig ang cat fight. Ano pa nga ba ang gagawin ko? Dahil hinawakan ang dalawang kamay ko, idi sinipa ko sa may tyan ang sumabunot sa akin, binitawan nya ang buhok ko at napaupo sya sa sakit ng kanyang tyan sa pagsipa ko. O ano ka ngayon? Tinignan ko ang dalawang babae na nakahawak parin sa dalawang kamay ko.

"O kayo, hindi nyo man lang tutulungan ang kaibigan nyo?" Inikot ko ang dalawang kamay ko at kusa silang bumitaw sa paghawak sa akin. Tinulak ko ang dalawang babae, natumba sila kasama yung babaeng sinipa ko. "Next time, kilalanin nyo ang babanggain nyo. Weak!" They just stare at me. Galit na galit.

Tapos tinalikuran ko na sila. Do you think I become a leader for nothing? Pasalamat pa nga sila ganun lang ang ginawa ko, ni walang ka-pre-pressure yung sipa ko. Paano nalang kung nilakasan ko, baka bumuga na sya ng dugo.

Tumingin ako sa paligid ko, hindi ko napansin na nagkumpulan na pala ang mga estudyante sa eksena namin dito. Nawalan ako ng gana kumain. Lumapit ako sa table ng TBH, nagulat ako na nandoon na pala silang tatlo at nanonood lang sa akin. Mga gago! Hindi man lang ako pinigilan. Nakatungtong pa sila sa silya at nanonood lang.

"Kanina pa kayo nandito?" Tumango lang ang tatlo. "Anong nangyari sa inyo?"

"Nanonood ng action movie." Sagot ni Ross.

"Eh?" Napatanga tuloy ako ng dahil sa sinabi ni Ross. Fuck! Action movie daw?

I snapped my fingers to get their attention. Nawalan na ako ng ganang kumain. "Aalis na ako, give me my bag Collin."

"Saan ka naman pupunta?"

"Classroom."

"Walang klase this afternoon." Sya na rin ang sumagot sa hindi ko pa tinatanong. "Nagmeeting sila about sa nangyari kaninang umaga. Pati sa college walang pasok."

"Oh, okay. Collin, balitaan mo ako."

Umalis na ako sa cafeteria, pero nakasalubong ko naman sina Flare at Kim.

Collins P.O.V

Bumukas ang pintuan ng Off Limits akala ko si Janet.

"X! I!" Tawag ko sa kanila. "Where have you been? Ang tagal nyo naman dumating, Janet and I were waiting for you here.

"Si Jann? Bakit daw?" Sagot ni X.

"May nangyari.."

"Yung nahimatay na babae kanina." Sabay sabi ni X at I.

"Yes, hindi daw kasi ordinaryong pagcollapsed lang yung nangyari sa babae kanina. At saka yung mukha nya namumula."

"What do you mean?" Tanong ni X.

Ayun na nga kinuwento ko na sa kanila ang nangyari, pati ang napag-usapan namin kanina ni Janet. Hindi rin sila makapaniwala na kagagawan ng SGS ang nangyari.

"Paano naman nakakasiguro na sila nga?" Tanong ni Ross.

"Yun palang ang aalamin ni Janet. At hindi ko alam kung paano nya gagawin yun. Magtiwala na lang tayo. Mas maalam sya sa ganyan eh di ba?"

"Yeah!" Sagot ni I.

"Tara sa cafeteria, nagutom ako eh." Aya ko sa kanila.

"Wala na palang pasok sa hapon. Pati sa college building. Lahat ng guro at principal ay magmemeeting tungkol sa nangyari kanina. Pinapatawag nga yung dalawang guards na nakaduty." Kwento ni X.

"Ah.. Paano nyo nalaman?" Tanong ko.

Tinawagan ang parents namin ni X. Kaya nakwento narin sa amin ang nangyayari. Yan ang dahilan kung bakit natagalan kami. Pinapapunta nga sila eh, pinapa-attend ng meeting. Pero di ba wala ang parents nyo ni Janet?"

"I don't know what's gonna happen." Sagot ko nalang.

"Baka tawagan nalang ni Mom ang parents nyo C."

"Siguro nga babalitaan na lang nila. O tara na sa cafeteria."

Lumabas na kami ng Off Limits.

Cafeteria.

Papasok pa lang kami ng cafeteria nagsitilian na naman ang mga girls sa amin, what's new with that?! Well nothing.

Nakita naming nagkukumpulan ang mga estudyante, ano na namang meron? Pero hindi na namin inabala ang mga sarili namin para lumapit dun.

"O tapos? Ano pang sasabihin nyo?.. Is that it?" Narinig kong may nagsalita ng malakas. Humawi ang mga estudyante, may naglakad na babae mula dun, kapataid ko yun ah?

"Aba maldita sya ah." May nagsalita na naman. Tumayo ang isang babae at hinila ang buhok ng kapatid ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni I.

"Away babae yan C. At saka kayang-kaya yan ni Janet." Kinindatan lang ako ni I.

"Puta, pinagtutulungan na nila ang kapatid ko!" Yung isa nakasabunot sa buhok, yung dalawa naman nakahawak sa dalawang kamay niya. Hindi na namin makita yung nangyayari kaya tumungtong kami sa silya.

Shit nakita kong sinipa ni Janet sa tyan ang sumabunot sa kanya. Nabitawan ang buhok nya at napaupo ito sa sahig.

"Sabi ko sayo C, hindi magpapatalo ang kapatid mo."

Si X tahimik lang nanonood ng away babae. Medyo nagtataka na ako sa isang to eh. Hmm.

Hawak parin ng dalawang babae ang braso nya. "O kayo, hindi nyo man lang tutulungan ang kaibigan nyo?" Pero inikot nya ito at nabitawan na rin sya ng dalawa. Akala ko okay na tapos na ang palabas pero tinulak ng kapatid ko ang dalawang babae at ganun din nangyari napaupo ang mga ito sa sahig kasama yung sinipa nya. "Next time, kilalanin nyo ang babanggain nyo. Weak!" Narinig kong huling sinabi ng kapatid ko.

"Astig!" Komento ni I.

Lumapit sya sa table namin. Mukhang nagulat pa sya nung makita kami tapos nakatungtong pa sa silya.

"Kanina pa kayo nandito?" Tumango lang kami. "Anong nangyari sa inyo?" Tanong nya ulit.

"Nanonood ng action movie." Sagot ni I.

"Eh?" Yun na lang nasabi nya. Pinitik -pitik nya ang kanyang daliri para tawagin kami. Bumaba na kami sa silya. "Aalis na ako, hand me my bag Collin."

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ko.

"Classroom."

"Walang klase this afternoon. Nagmeeting sila about sa nangyari kaninang umaga. Pati sa college walang pasok."

"Oh, okay. Collin, balitaan mo ako."

Umalis na ang astig kong kapatid. Pinanood ko nalang sya paalis ng cafeteria.

"O kayo, ano pa tinitignan nyo!? Tapos na ang palabas!" Bulyaw ni X sa ibang estudyante. Ayaw nyan tinitignan kasi eh.

Nag order na kami at kumain. Napag usapan namin ang tungkol sa training namin mamaya. Mukhang mapapaaga ang training sked namin ngayon dahil walang klase.

Magkikita ulit kami mamaya sa Secret-House-No-More.

To be continued..