webnovel

CHAPTER TWO

"She's not that bad. She's just a bitch. A little bad bitch who lost her faith.''

''WHAT?'' muntik nang maibuga ni Mika ang ininom niyang tubig nang marinig ang sinabi ni Jia mula sa kabilang linya.

''This is my fucking house, Jia. Sinong nagsabi sayo na pwede mo itong pa-rentahan? I don't lack in money nor do i need money,'' bulyaw niya sa kaibigan.

(''But you at least need a company, right? Babygirl, you're always alone. Kung may kasama ka man, mga basagulero o di kaya mga kasamahan mo sa racing, and you always involved yourself in fighting. Nag-alala lang ako sayo. At least may kasama ka sa bahay, diba? Medyo mapanatag na ang loob ko.'') paliwanag nito. Mika rolled her eyes.

''I can protect myself, Miss Jia. I don't need a companion or a bodyguard. You know it.''

(''I don't care. He's already on his way. Don't worry, he's my cousin. He's a good man. Don't kick him out or else I won't stop finding a perfect husband for you.'')

''But--'' binaba na nito ang tawag. Inis na nilapag ni Mika ang cellphone sa mesa. That woman is really a nuisance. Pero hindi niya 'rin ito masisisi.

She's right. She's always alone. She goes in the bar frequently, changes a boyfriend like it's a broken phone. She don't take relationship seriously. For her, it's only a game. When she's in pain, she only keep it to herself, well, except for Jia, that woman knows everything. Her family? She don't have one.

Nag-vibrate ang cellphone ni Mika. Text message galing kay Asun, isa sa kasamahan niya sa Jianlong, isang black market kung saan nagaganap ang mga illegal gambling/kickboxing/racing. 

''Ela, pwede ka ba mamaya. May laban 6pm. Limang milyon 'yong pusta.''

Napangiti si Mika sa nabasa. Since wala naman siyang magagawa, mabuti pang pupunta nalang siya mamaya sa Jianlong. Kesa magmukmok siya dito, lalo lang siyang maiinis.

''Okay. I'll be there,'' reply niya at pumunta na sa kwarto para magbihis.

ISANG itim na ducati ang huminto sa harap ng pulang gate ng Jianlong. Bumaba mula rito si Mika, nakasuot siya ng black jogger pants and black one shoulder top na pinatungan ng itim na jacket . She hates bright color so she always wear black or grey, ito rin ang dahilan kung bakit siya tinawag na black witch dito sa Jianlong. Or maybe because she has a black heart and beat her opponent half dead.

Maraming tao ang nakatambay sa labas habang nagtatawanan, may nagsisigarilyo, nag-iinuman, naghahalikan, 'yong iba halos naghuhubaran na. Walang namang bago doon, lagi namang ganito ang eksena dito. Nasanay na 'rin siya. 

Pagkapasok ni Mika sa loob ay sinalubong 'agad siya ni Asun na nakasuot ng grey na t-shirt na pinatungan ng puting  jacket. Blonde ang buhok nito na may hikaw sa dalawang tainga. Kasunod sa likod nito sina Gian at Aerol. Sila ang lage niyang kasama dito sa black market. 

They all have the same reason, but not the same hatred. Nakilala ni Mika ang mga ito dito lang 'rin sa Jianlong. They're in the brinked of death when she saw them. Nasa bad mood din siya ng mga oras na 'yon kaya nakipag-away siya at niligtas ang mga ito. And now they became her friends. They have half of her trust. Half because she don't trust anyone, fully.

''Ela, 'buti nandito ka na. Kanina pa kami naghihintay sayo,'' salubong sa kanya ni Aerol. Ito ang pinakabata sa tatlo. Pero ito rin ang pinakamatangkad at pinakamaingay.

''Si Tyron 'yong makakalaban mo, kaya mo ba?''may bahid na pag-alalang tanong ni Gian. Di gaya ni Aerol, si Gian ang pinakatahimik. Lage itong nakasuot ng eyeglasses. Sa pagkaka-alam niya isa itong surgeon noon pero dahil sa isang insidente, nawalan ito ng lisensya. Hindi niya alam kung anong nangyari, ayaw niya namang magtanong. Mabuti na 'yong wala siyang gaanong alam.

''Tyron? Same rules pa rin ba?'' baling ni Mika kay Asun. Hindi ito kaagad nakasagot. Pansin niya itong hindi mapakali. 

''May...problema ba?''

''Uh--ano kasi. Nang malaman ni Tyron na ikaw ang makakalaban niya, binago niya 'yong kontrata.''

Kinuha ni Mika ang hawak nitong papel. Kumunot ang noo niya nang mabasa ito.

''Life and death?''

''Life and death?'' pabalik na sigaw nina Aerol at Gian. Mukhang hindi rin nila alam ang tungkol dito.

Umiwas ng tingin si Asun.

''S-sorry, Ela. Ngayon ko lang 'rin 'yan nalaman eh. Kung gusto mo, i-cancel na lang natin-''

''No. I'll fight,'' putol niya.

''Pero malaki ang galit sayo ni Tyron. Maliwanag na sinadya niyang-''

''If I die then just prepare a burial for me.'' pabirong saad ni Mika. Magsasalita pa sana si Asun pero tumalikod na siya at naglakad papunta sa likod ng arena. 

It's not her first time to fight in life in and death battle. When she just first came here, halos patay na siya sa dami ng sugat at bugbog. Bali-bali 'rin ang mga buto niya nang mga oras na 'yon. 'Yon din ang unang pagkakataon na nakita niya si Jia na umiyak sa harapan niya. 

That was 2 years ago, 'yong panahon na akala niya tinalikuran na siya ng lahat. She lost her hope, her faith. It was Jia who stayed by her side. It was her who helped her to overcome her pain.

Death? She's not scared of death, she's just scared to see her tears. Jia is her bestfriend and her only family. She don't want to hurt her but if she won't fight, her pain will kill her. Fighting and racing is her only escapade. It's the only way to distract herself and forget everything from her past even for just a short time. 

''Ela, sigurado ka ba dito? 'Yong sugat mo sa kamay, paano kung-''

The drum began to roll. Nagsimula ng magsalita ang announcer. Rinig na rinig ni Mika ang sigawan ng mga tao mula dito sa may backstage. 

Inakbayan niya si Asun sa balikat . ''Relax. I know what I'm doing. I won't let him hit me. I still have to drink with you after this,'' pangako ni Mika dito at ngumiti. 

Since it's life and death then she just have to kill him asap. Kidding, she just need to knock him down. She can't kill. She won't let her hands stained with blood.

''Now let's start the life and death battle with our all-time champion in this kickboxing arena, the undefeated black witch and our challenger Tyron!''

Lalong lumakas ang sigawan ng mga tao dahil sa sinabi ng announcer. May sumigaw sa pangalan ni Mika, 'yong iba naman kay Tyron. 

She take off her jacket at umakyat na papunta sa gitna ng arena. Medyo dim ang ilaw kaya kitang-kita ni Mika ang mga tao na nagsisigawan, 'yong iba may hawak pang underwear na itinataas sa ere.

Ramdam niya ang galit sa mga mata ni Tyron habang nakatingin sa kanya. Naka-topless lang ito at may suot na malaking kwentas sa leeg. May hikaw 'rin ito sa labi. 

Tyron is a half-russian/half-filipino, pangatlong beses na itong ni Mika nakalaban at lahat 'yon lagi itong tatlo.  Kaya hindi na siya nagulat kung bakit ang laki ng galit nito sa kanya. After all, he's the leader of a gang. Sino ang hindi mahihiya kung matatalo ka lang ng isang babae.

Sumipol ito kay Mika at nagkill-sign. Hindi lang niya ito pinansin at inayos ang suot niyang black fingerless gloves. Hindi ito basta ordinaryong gloves lang, gawa ito sa leather at may manipis na metal sa loob. Pinagawa ito ni Mika sa kilala niyang blacksmith dito sa jianlong.

''Life and death has only one rule, kill your enemy or let your enemy kill you. Now, let the fight begin!''

Unang sumugod si Tyron. Pinaulanan nito ng suntok si Mika, pero ilag lang siya nang ilag. Sinubukan siya nitong sipain pero naunahan niya ito. Napasandal ito sa may fence. Sunod-sunod itong sinuntok ni Mika ng malakas sa mukha sabay tuhod sa tiyan. 

The audience goes wild.

Palihim na dinukot ni Tyron ang kutsilyo sa tagiliran at akmang sasaksakin sa mata si Mika pero mabilis siyang umiwas. But her reaction was a little slow, nasugatan pa 'rin siya sa pisngi. Mukhang malalim ang pagkasugat nito dahil maraming dugo ang tumulo sa sahig. Tumayo si Tyron at ngumisi kay Mika.

''Black Witch? Heh. You're dead meat!'' Tinaas nito ang kutsilyo at dinilaan ang dugo sa dulo. 

 ''Tingnan natin kung kaya mo pang makaalis dito ng buhay,'' anito. Napangisi si Mika.

''Really? It's already our fourth match and just like before, I'll make you kneel before me," malamig niyang sagot. Nanginig ang kamay nito sa galit.

''Bitch!'' Sumugod ito sa kanya, mabilis siyang kumilos at sinalubong ito. Malakas niya itong sinukmurahan.

''Fuck!'' Napahawak ito sa mata. Sinipa ito ni Mika sa leeg, nabitawan nito ang kutsilyo at natumba sa sahig. Tinapakan niya ang daliri nito at tinadyakan ang paa. Rinig na rinig ni Mika ang pag-cracked ng buto nito. Malakas itong napasigaw.

 ''Arghh!''

Gumapang ito palayo, hinayaan niya lang ito.

 Humawak ito sa may fence at sinubukang tumayo pero hinablot niya ang kwentas nito sabay sipa sa tuhod dahilan para mapaluhod ito sa sahig.

''I told you, you'll still kneel before me.''

''I-I will kill yo...'' Malakas niya itong hinampas sa batok. Natumba ito at nawalan ng malay. Sabay na nagsitayuan ang mga tao. Parang mabingi si Mika sa lakas ng sigawan.

She just smirked at tinaas ang kanang kamay sa ere. 

Sinalubong agad si Mika nina Asun pagkababa niya ng arena. Binigyan siya ni Gian ng towel.

''Ela, ang kamay mo...'' Tiningnan ni Mika ang kamay niya. Naligo ito ng dugo.

''-at ang mukha mo...ayos ka lang ba?'' nag-alalang tanong ni Asun.

''Oh, it's nothing.'' Pinalibot ni Mika sa kamay ang towel para pigilan ito sa pagdurugo. 

''Let's go. I'm hungry.''

''ELA, sigurado ka bang ayos ka lang? Ihatid ka nalang kaya namin sa hospital?'' tanong ulit ni Asun pagkalabas nila ng restaurant. Kanina pa ito paulit-ulit sa pagtatanong kay Mika.  Minsan gusto niya na lang lagyan ng ducktape ang bibig nito para tumahimik. 

''I already told you, I'm fine.''

Umangkas na si Mika sa motor at sinuot ang helmet.

''Sige na. Alis na'ko.'' 

''Pero..'' 

Natatawang inakbayan ni Aerol si Asun at kumaway kay Mika.

'Sige Ela. Mag-iingat ka. Kami ng bahala rito.'' 

Pinaandar na Mika ang motor at pinaharurot ito paalis.

Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Asun habang sinusundan ng tingin si Mika palayo. Nagtinginan sina Aerol at Gian. Sabay na umiiling-iling.

''Wag kang mag-alala. Para namang hindi mo kilala si Ela, eh. Ayos lang 'yon,'' sambit rito ni Gian.

''Tama.  Kailan pa ba 'yon nagsisinungaling? Pero kung nag-aalala ka talaga, puntahan mo na lang bukas, '' segunda naman ni Aerol

''Pero teka, saan nga ba ang bahay ni Ela? Nakapunta na ba kayo d'on?'' biglang tanong Gian. Nagkatinginan silang tatlo. 

''Hindi pa. Saan nga ba siya nakatira?''

PAGKARATING ni Mika sa may gate ay sakto namang may isang itim na sasakyan ang huminto. Akala niya sinusundan siya ng tatlo, pero nagkamali siya nang lumabas mula rito ang mukha ng isang napaka-pamilyar na lalaki. Kasunod nito ang isa pang lalaki na medyo malaki ang mga mata at nakasuot ng itim na facemask.

''Anong ginagawa niya rito? Sa subdivision din ba na 'to siya nakatira?'' tanong ni Mika sa sarili. Imposible. Wala naman siyang narinig na may bagong lilipat ngayon.

Nagkibit-balikat na lang si Mika at binuksan ang gate. Papasok na sana siya nang bigla siya nitong tinawag.

''Sandali! Ikaw ba si Mikaela?'' sigaw nito.

So, he's really here for her?

 Gaano ba kalaki ang galit nito sa kanya at talagang pinuntahan pa siya nito sa bahay niya? Tinulungan lang naman niya ito kahapon ah. Isa pa, paano nito nalaman kung saan siya nakatira?

''I'm Cassidy Montero. Ang sabi ng pinsan ko, you're looking for a roommate?''

Pinsan? Roommate? Nagpost ba siya ng notice na naghanap siya ng roommate? At sino ba ang pinsan ng lalaking 'to at...wait.. he's not...

(''I don't care. He's already on his way. Don't worry, he's my cousin. He's a good man. Don't kick him out or else I won't stop finding a perfect husband for you.'')

No wonder he's in the hospital that day. So, he's Jia's cousin. What a small world.

''Sorry. You must heard it wrong. I don't need a roommate," sigaw niya.

''Pero ang sabi ni...teka,'' Naramdaman ni Mika na humakbang ito palapit sa direksyon niya. Hindi pa 'rin siya humaharap dito. Nanatili pa 'rin siyang nakatalikod.

''Have we met before? Bakit parang pamilyar sa akin ang boses mo..'' 

Anong klaseng tainga ba meron ang lalaking 'to at talagang nakilala pa nito ang boses niya?

Dahan-dahang humakbang papasok sa loob si Mika nang mabilis nitong hinawakan ang balikat niya at pilit na pinaharap dito. Nanlaki ang mata nito nang makita ang mukha niya.

''It's really you.'' Tinulak ito ni Mika at humakbang paatras.

''Right, it's me. Now that you know it, pwede ka ng umalis,'' walang-gana niyang saad at tumalikod nang pinigilan na naman siya nito sa braso.

''What? May kailangan ka pa ba...''

''You're bleeding,'' seryoso nitong saad.

''Huh?''  Hinawakan nito ang kamay niya. Mabilis niya itong binawi at tinago sa likod.

''It's none of your bussiness. Makakaalis ka na,'' taboy niya rito.

''Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa kamay mo? Bakit hindi ka pumunta sa hospital? At ang pisngi mo bakit...''

''Are you deaf or just stupid? Ang sabi ko makakaalis ka na. Hindi ko kailangan ang...''

"Let's go. Let's treat your wound.'' bago pa siya makapagsalita ay kinaladkad na siya nito papasok ng gate.

This guy must be crazy!