webnovel

CHAPTER ONE

''What the! Dahan-dahan naman, Jia. Balak mo ba akong patayin?''pasigaw na saway ni Mika sa kaibigan nang diniinan nito ang paglinis sa sugat niya. Malakas siya nitong binatukan.

''Aray!'' Napahawak siya sa ulo.

''Marunong ka naman pa lang makaramdam ng sakit eh, bakit lage kang nakikipag-away? Tingnan mo nga 'yang labi mo, namamaga na. Ang dami mo pang peklat sa braso. Naku naman, Mika. Babae ka hindi lalaki. Bakit napakabasagulera mo?'' sermon nito. Napapikit pa siya nang pa-bigla nitong binuhusan ng alcohol ang sugat niya.

''Ito, ito. Tingnan mo, kamay pa ba 'yan ng babae?'' turo nito sa kamay niya habang nilalagyan ng bandage. Lihim siyang napaismid. Hindi pa rin ito nagbabago, napakabungangera pa rin.

''Until when are you going to act like this? Two years na ang lumipas, bakit hindi mo pa 'rin kayang--''

''Okay, Dr. Jia. Tapos ka na 'diba? Alis na ako,''putol rito ni Mika at agad tumayo. Alam niya kasi kung saan na naman patungo ang usapan.

''Salamat dito,'' sabay taas niya sa kamay at kinuha ang jacket. Aalis na sana siya nang pinigilan siya ni Jia sa braso.

''Sandali lang.'' May kinuha itong brown envelope sa bulsa ng bag. Inabot ito ni Jia sa kanya. Napairap siya nang makita ang mga larawan ng iba't ibang lalaki.

''Jia, ilang beses ko bang sasabihin sayo. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Hindi ko kailangan ang mga ito. Wag kang mag-alala. Okay? Alis na'ko.''

''Pero--''

For almost three years, she, Mikaela Chavez, has always live her life like this. Going for a fights, racing, drinking, partying, flirting with different man. Some even called her the bad bitch, princess of bachelors. Maybe because she only dated them for fun, a relationship that only lasted for three days or one week.

Marami ang may galit sa kanya pero wala siyang pakialam, she's no longer that innocent angel who can't even kill a single mosquito. Masaya na siya sa buhay niya ngayon, no one dared to bully her anymore. She's free to do whatever she wants. She now has her own freedom.

Love? Fuck that love. Mas pipiliin pa niyang maniwala sa multo kesa sa pag-ibig na 'yan. She won't let herself  fall in love again. Never.

Huminto siya sa may hallway nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya sa bulsa.

*you've got a message*

Binuksan niya ang text message. Galing ito kay Jia.

("Sorry baby girl. I won't try to set you up again. Can you buy me a blower? I still have a shift until tomorrow afternoon eh. Thank you. Mwahh.") Napabuntong-hininga si Mika sa nabasa.

She clearly know that she hates going to a mall. Inutusan pa talaga siya nitong bumili ng blower. And what, baby girl? She's really childish. Pagkatapos siya nitong sermonan na parang matandang dalaga, now she acted like a child. Tch.

"Tabi! Tabi!" Isang electric wheelchair ang papunta sa direksyon ni Mika. Ang bilis ng takbo nito. Parang nawalan ito ng control.

''Tabi! Tabi!''

''Shit!''

Akala ni Mika masasagasaan na siya nito nang may isang kamay ang biglang humablot sa bewang niya. Para na itong nakaback-hug sa kanya kung tingnan. Gumagalaw pa ang kamay nito na parang hinimas-himas ang tiyan niya. Nanlaki ang mata ni Mika sa nangyari.

"That was close. You should--" bago pa nito matapos ang dapat sabihin ay malakas na niyang tinapakan ang paa nito at mabilis na kumawala. Sinuntok ito ni Mika sa mukha.

''What the!'' Gulat na napahawak ito sa pisngi at hindi makapaniwalang napatingin sa dalaga.

"Pervert!"

"What? Pervert? Listen Miss, kung hindi ko 'yon ginawa edi sana nakahiga ka na ngayon diyan sa sahig,'' may halong galit na paliwanag nito.

''Then why did you touch my belly?'' pasigaw niyang tanong.

''I didn't. My hand slide down because of your fats,'' sagot nito. Ang inosente nitong tingnan. Hindi ba nito alam na nakakainsulto ang sinabi niya?

''What? You..'' 

Pa-simpleng hinimas ni Mika ang tiyan. Napapikit siya at umiwas ng tingin. 

This guy is too honest.

''Dapat tumitingin ka sa dinadaanan mo. You're in the hospital. You shouldn't..''

''So you're saying that it was my fault? Pinapalabas mo bang isa akong tanga?'' pagalit niyang bulyaw. Pilit na tinatago ang nararamdamang hiya dahil sa sinabi nito kanina.  

''No. I was just saying that you should be careful next time. You're already injured,'' tukoy nito sa bandage ng dalaga na may bakat pa ng dugo. Dahil yata ito sa pagsuntok ni Mika dito kanina, dumudugo ulit. Kung makita ito ni Jia, tiyak pagagalitan na naman siya ng babaeng 'yon.

Napatitig si Mika sa mukha ng lalaki, mukhang napalakas ata ang pagsuntok niya dito. Ang pula ng kabilang pisngi ng lalaki, parang magkakapasa pa. Para tuloy siyang nakokonsensya. Kasi naman.

''A-Ano...I'm sor--'' 

Hindi na natuloy ni Mika ang dapat sabihin nang bigla itong maglakad paalis. 'Di makapaniwalang sinundan ito ng tingin ng dalaga.

''That guy..''

KANINA pa paikot-ikot sa loob ng mall si Mika pero wala pa 'rin siyang makitang blower. She's not really fond of shopping. Pangalawang beses pa lang niyang pumunta rito.

Usually kasi si Jia ang bumibili ng mga grocery niya o di kaya nag-o-online shopping lang siya kapag may gusto siyang bilhin. Kapagod kasing maglakad-lakad at mamili ng gustong bilhin. Sakit sa paa. Ang dami pang tao.

''Kawawa naman 'yong guy, jowa niya ba 'yan? Bakit may kasamang ibang lalaki?''

Huminto sa paglalakad si Mika nang mapansin niya ang iilang mga babae na nagkukumpulan malapit sa may make-up section. Panay ang bulungan ng mga ito o kung bulungan ba talaga ang tawag do'n dahil rinig na rinig niya naman. 

''Oo nga,''

Out of curiosity, lumapit dito si Mika. Isang pamilyar na bulto ng lalaki ang nakita niyang nakatayo sa gitna.

''It's....him?'' 

Kung hindi siya nagkakamali, siya 'yong lalaki sa hospital. May kaharap itong babae na medyo wavy ang buhok na hanggang balikat, maganda ang kurba ng katawan, matangkad at medyo sophisticated ang dating. May kaakbay itong lalaki. Medyo gwapo 'rin but looks like a playboy.

Girlfriend niya ba 'yan? o ex? In fairness may taste siya pagdating sa babae.

''Cass, hanggang ngayon ba naman sinusundan mo pa rin ako? Can't you just move on? Break na tayo diba?'' maarting sambit ng babae.

Napangisi si Mika.

So, she's his ex.

''I'm not,'' tanging sagot ng lalaki. Ang lamig ng boses nito. Walang kahit anong emosyon. Ibang-iba sa lalaking nakilala niya sa hospital.

''Really? Come on Cass. Ano 'yong mga post mo sa social media, para sa akin 'yon 'diba? Why don't you just move-on and find another woman? Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Wag mo na akong guluhin pa. Though alam kong wala ka ng mahahanap na kagaya ko,'' dugtong pa ng babae na parang gandang-ganda sa sarili. 

Mahinang napatawa si Mika.

''Seryoso, nagbibiro ba ang babaeng 'to?'' Umiiling-iling pa si Mika habang natatawa nang mapansin niyang nakatingin sa kanya ang mga tao.

''What did you just say?'' galit na tanong ng babae.

She's screwed. She shouldn't have come here. Kailan pa siya naging chismosa? 

''Who the hell are you?''

Titig na titig kay Mika ang mga tao, parang naghihintay ng sagot. Pati ang lalaki, nakakunot ang noo nito habang nakatingin kay Mika. Hindi ba siya nito nakilala?

''Ah,'' napakamot siya sa ulo.

Okay, since iniligtas siya nito kanina. Tutulungan nalang muna niya ito sa ngayon. Compensation na 'rin sa pagsuntok niya dito kanina. Kahit na tinawag siya nitong mataba.

Huminga ng malalim si Mika at ngumiti. Isang matamis na ngiti sabay sigaw,

''Babe!'' 

''Babe?'' Bakas ang gulat sa mukha ng babae.  Tumakbo si Mika papunta sa direksyon ng lalaki at pinalibot ang kamay sa braso nito.

Pinasadahan naman siya ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa. Parang inusisa. Ang mga tao sa paligid ay lalong nagbulong-bulungan.

''Babe, bakit hindi mo ako hinintay? Ang sabi ko mag-c-cr lang ako diba?'' malanding tanong ni Mika sa lalaki at marahang hinimas ang dibdib nito. And damn, he's hot. His chest is so...wait--ano ba 'tong iniisip niya. Tsk.

''What do you think you're doing? Let go,'' mahina nitong bulong. So, he recognize her.

Akmang itutulak siya nito pero lalong hinigpitan ni Mika ang pagkakahawak sa braso ng binata. She noticed that his ears has also turned red. Lihim siyang napatawa.  Is he blushing? Cute.

Lumapit siya sa may tainga nito at bumulong.

''Just think of it as my compensation, I'm sacrificing my reputation here.''

''What? You-''

''Cass, who's this girl? Your girlfriend?'' 

Hinarap ni Mika ang babae. At parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina. This man doesn't have a taste at all. Akala niya maganda ito, pero ngayong nakita na niya ito ng harap-harapan, she looks more like a clown. Kaya pala ang kapal ng mukha, ang kapal rin ng make-up.

Ngumiti rito si Mika sabay taas ng kamay para makipag-shakehands.

''Hi, I'm Ela. His girlfriend,'' pakilala niya. Tiningnan lang nito ang kamay niya habang nakataas ang kilay.

''You must be... his aunt?''

Parang biglang naging kamatis sa pula ang mukha nito sa galit. Ang Dali niyang mapikon. Hindi pa nga siya nagsisimula. 

''What? His aunt? Nang-aasar ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina? I'm his-"

''Oh! Sorry. I didn't hear it. So, you're his maid?'' pa-inosente niyang tanong.

Mahinang nagsitawanan ang mga tao.

''What? Cass, girlfriend mo ba talaga ang babaeng 'to? Wala ka na bang ibang mapili at siya ang pinalit mo sa akin?'' hysterical nitong tanong. Napatawa ng mahina si Mika.

''Cass told me that his ex-girlfriends are all elegant and beautiful, but now that i saw you...'' Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, umiiling-iling siya. Parang nangungutya.

"..nevermind.''

''Are you saying that I'm not-"

''Wait, I think there's something missing in your face.''  

Binuksan ni Mika ang dalang slingbag at kumuha ng lipstick. Lumapit siya sa babae pero umatras ito palayo. Mahigpit niya itong hinawakan sa braso.

''Stay still, or I'll break your legs,'' banta rito ni Mika. Kita niya itong napalunok. She smiled sweetly.

"Good girl,"

 Binuksan ni Mika ang lipstick at nagsimulang lagyan ng circle ang ibabaw ng ilong ng babae.

''Done. Perfect.''

Malakas na nagsitawanan ang mga tao sa paligid. Binigyan niya ng salamin ang babae. Napatakip siya sa tainga nang malakas itong sumigaw. Pakiramdam ni Mika nabasag ang eardrums niya sa lakas ng boses nito.

''You bitch!''

Sasampalin sana siya nito pero mabilis na nahuli ni Mika ang kamay nito. Too slow.

''You finally said something right. Yes, I'm a bitch. So if you don't want me to add a scar on your ugly face, get lost. You already have a boyfriend right? Enjoy it. We don't need a clown here," seryosong sambit ni Mika at ngumisi ng nakakaloko. Tiningnan siya nito ng masama saka padabog na naglakad paalis.

''Boring. She's no fun at all,'' mahinang bulong ni Mika at umiiling-iling pero agad rin siyang napatigil nang bigla siyang makaramdam ng lamig mula sa likod.

''W-What? You look like you're going to me.'' Ang lamig ng tingin sa kanya ng lalaki. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka kanina na siya nakabulagta sa sahig. Ano bang problema nito? Tinulungan niya lang naman ito, ah.

''Why did you do that? Did I asked you to help me?'' nagpipigil ng galit nitong tanong. Nakahinga siya ng maluwag.

''Oh. That? Nothing. I'm just bored so...'' She shrugged.

''Anyway, you have a bad taste. I didn't know that was your type,'' dugtong niya at inayos ang damit.

''You-'' Lumapit rito si Mika at tinapik ito sa balikat.

''You should just move-on. You're handsome, though you look a little retarded. But you can still find someone better than her, right? Cheer up. Don't lose hope,'' dugtong niya na parang natatawa nang bigla siyang mapatigil.

''Oh crap.''

The blower.