webnovel

CHAPTER NINE

''Tine, are you really going to break your engagement with Cassidy?'' tanong ni Fiona sa kaibigan nang tuluyan ng mawala sa paningin nila sina Mika.

''Even if I'll break the engagement or not, they still can't be together. Uncle Albert won't allow that woman to be the future madam of Montero Household,'' puno ng galit na sagot ni Celestine habang mahigpit na nakahawak sa panyo.

''If Uncle Albert won't allow her, then do you think he'll accept a cheater like you?'' sabat ni Jeric. Bakas ang sarcastic sa boses ng binata.

''You cheated on him first. Now that he has a new girlfriend, you want to have him back? Masyado na yatang makapal ang mukha mo?'' 

''I-''

''It's you who want to arrange this dinner. Is it really just for a reunion, or do you have another motive?'' makahulugang tanong ni Jeric. Mahina siyang siniko ni Asher. 

''Jeric, don't think just because your family is more powerful than us, doesn't mean you have the right to insult me.'' 

''Insult? Is that already an insult to you? Tine, you already hurt Cassidy. You better stay away from him or else... baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko sa 'yo.'' Tumayo na si Jeric at walang paalam na lumabas ng kwarto.

''You-''

''That silly is not always like that. But you should know, he always did what he said,'' dugtong dito ni Asher saka sumunod kay Jeric.

Pagkalabas niya ay naabutan niya si Jeric na mahinang tumatawa malapit sa may hagdan. Just what he expected. Wala talagang matinong maisip ang lalaking 'to. Alam niyang malaki ang galit nito kay Celestine kaya sinadya nitong galitin at takutin ang dalaga kanina.

''Ash, did you see her face? Hahaha! This is the first time na nakita ko siyang ganoon kagalit,'' tumatawa na sambit nito. Umiiling-iling na lumapit siya tabi ng kaibigan. 

''She is still his fiancee. What if Uncle still wants them to get married? Then she'll be your sister-in-law.'' Napaismid si Jeric sa sinabi ni Asher. 

''Sister-in-law? Pwe! Mamamatay muna ako bago ko tatawaging sister-in-law ang babaeng 'yon.'' Hindi maiwasang mapatawa ni Asher sa reaction ng kaibigan. 

''Then do you want me to prepare your coffin?'' biro niya dito.

''Tss. Bakit gusto mo 'rin bang makasal silang dalawa?'' naka-pout nitong tanong. Sa kanilang tatlo, si Jeric talaga ang pinaka-childish. Pero kahit palabiro at palatawa ito. Sobra din ito kung magtanim ng galit, lalo na kapag sinaktan mo ang taong importante dito. Para itong babae kung makapagsalita.

''Okay. Okay. Para namang hindi mo kilala si Cassidy. He's so stubborn. Of course, he won't let his father control his marriage,'' paliwanag niya dito at inakbayan ito sa balikat.

''Talaga?''

''You should just trust him. At pwede ba, wag kang makipagtalo sa isang babae sa harap ng maraming tao? Nagmukha kang bakla,'' payo niya dito.

''Bakla?'' Winaksi nito ang kamay niya.

''May bakla ba na kasing-gwapo ko? May nakita ka bang bakla na kasing-gwapo ko?'' hysterical nitong tanong. Tumatango-tango na mahina siyang napatawa.

''Oh, nakaharap nga ako sa kanya ngayon.'' Mahina siya nitong sinuntok sa balikat.

''Wala ka talagang kwentang kausap. Hindi ko alam kung bakit may pumapatol pa sayong babae,'' may bahid na inis nitong saad.

''That's because I'm handsome. Walang babaeng aayaw sa gwapong lalaki. Plus I have my six pack. Girls love pandesal. They all want to touch it.''

Hindi maiwasan ni Jeric na mapailing sa tinuran ni Asher. Kahit kailan wala talaga itong ibang alam kundi ipangalandakan kung gaano ito ka-gwapo o kaganda ang katawan. Kaya marami itong nakaaway eh, ang hilig mang-agaw ng babaeng may nobyo.

''Saan ka pupunta?'' tawag ni Asher kay Jeric nang makita itong maglakad pababa ng hagdan.

''Kakain. Hindi ako nabusog kanina dahil sa mukha ng babaeng 'yon.''

Sa buong biyahe, tahimik lang na nakatingin si Mika sa labas ng bintana ng sasakyan. Walang nagsasalita kahit isa sa kanila. Minsan napapansin niya si Cassidy na pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi lang niya ito pinansin at pinatili ang atensyon sa labas.

Nilagay niya ang kanang kamay sa may banda ng dibdib niya. Malakas pa 'rin ang tibok nito hanggang ngayon. May sakit ba siya sa puso? Hindi niya alam kung ano ang nangyari, she seems unable to calm herself down. 

''Ayos ka lang?'' tanong sa kanya ni Cassidy. Umayos siya ng upo at sumulyap rito. 

''You don't have to take me home. My car-''

''Don't worry. I already ask someone to drive your car home,'' putol nito.

Tumango lang siya at sinandal ang likod sa upuan. This is not like her. Why does she feel nervous around him? She must be sick. That's right. She's just sick.

Ilang sandali lang, nasa harap na sila ng bahay. Pagkahinto ng kotse ay agad bumaba si Mika nang hinawakan siya ni Cassidy sa braso. 

''Mi-Mika, about the kiss. I'm sorry-''

''It's just a kiss. You don't have to worry about it,'' aniya nang hindi tumitingin rito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso niya.

''If you want, I ca-''

''Our deal is over. I hope you'll keep your promise.'' 

Tuluyan na siyang lumabas ng kotse. Mabilis ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng bahay. Nakapikit na sumandal siya sa may pintuan. That kiss was nothing more than a show. Hindi siya dapat mag-isip ng kung anu-ano. Hindi siya pwedeng umibig o magkagusto kahit kanino. She don't deserve it. 

Huminga siya ng malalim at bumuntong-hininga. Pumasok na siya sa kwarto para matulog.

Isang linggo na ang lumipas, balik ulit sa dating-gawi si Mika na parang walang nangyari. Palagi siyang pumupunta sa bar o di kaya sa Jianlong. Minsan maaga na siyang umuuwi at palaging lasing. 

Ang cellphone niya ay napuno na ng missed calls at text messages galing kay Jia. Kahit isa wala siyang binalik na reply dito. Hindi niya alam kung ano sasabihin. Malaki na ang utang na loob niya rito. Ayaw niyang pag-aksayahan pa siya nito ng oras.

''Ela, you're here again,'' bati sa kanya ni Kiel pagkaupo niya ng stool. 

Ngumiti lang siya rito at pinalibot ang paningin sa paligid. Tiningnan niya isa-isa ang mga lalaking nag-iinuman at nagsasayawan. 

She wants to find a new toy, pero ni-isa wala siyang mahanap. May iilang lalaki siyang nakita; gwapo, maganda ang pangangatawan but none of them suits her requirements. They either too serious or too lusty. She can't control them.

Humarap siya kay Kiel. Pinagmasdan niya ito habang nagmi-mix ng drinks para sa ibang costumer. He's handsome. He has some freckles on his face. And he's quite gentle, the veins on his hands makes him looks hotter kaya lang-

''Kiel, what do you think of me. Am I pretty?'' She looked at him with her seductive eyes.

''Yes. You're stunning. You're gorgeous,'' parang natatawa nitong sagot sabay lapag ng isang baso ng tequila sa harap niya.

''Then, do you want to be my boyfriend?'' diritso niyang tanong dito. Saglit itong natigilan at napatitig sa kanya.

''Ela, you shouldn't make fun of me. You know I already liked you for a long time. I might really make you my girlfriend,'' seryoso nitong sagot. She rolled her eyes.

''No fun at all.'' Ininom niya ang isang baso ng tequila. 

Actually, matagal na niyang alam na may gusto ito sa kanya. She just wants to joke around with him. He is her friend and she made a rule. Once a friend will always be her friend. Ayaw niyang masisira ang pagkakaibigan nila nang dahil lang sa kanya.

''Mika?'' 

Kumunot ang noo niya nang makita si Asher na may kaakbay na dalawang babae. Pinaalis nito ang dalawang kasama at tumabi sa kanya. 

''Where's Cassidy? Bakit mag-isa ka yata?'' Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pag-inom.

''Don't tell me, Tine was right? You're really not his girlfriend?'' Pinunasan niya ang tumulong alak sa labi niya at tumingin rito.

''Why, do you want to be my boyfriend?'' Napaawang ang bibig nito sa gulat. Matagal bago ito nakapagsalita.

''N--Nagbibiro ka ba? Yes, you're hot. You're pretty. Pero hindi ibig-sabihin no'n papatol na ako sayo. Kaibigan ko si Cassidy. K-Kahit na hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa inyong dalawa, alam kong importante ka para sa kanya. Isa pa, hindi ako papatol sa babaeng gusto ng kaibigan ko,'' mahaba nitong sagot.

''Oh. Don't worry, wala 'rin naman akong gusto sayo,'' walang-gana niyang saad at nilagok ang isang baso ng alak.

''You-''

''What? You really thought I like you?'' nakangisi niyang tanong. Umiwas ito ng tingin.

''You just.. look different.''

''Why? Do I look prettier?''

''I'm serious. May problema ka ba? You just, look sad,'' bigla siyang natigilan. Nilalaro niya ang hawak niyang baso. Isang pagak na tawa ang lumabas sa bibig niya.

''Sad? Why would I be sad? I'm totally fine.'' Inom lang siya ng inom. Nakailang baso na siya, medyo sumasakit na 'rin ang ulo niya. 

''Kiel, one more.'' Napatingin siya kay Asher nang inagaw nito sa kanya ang hawak niyang baso.

''What are you doing? Give it back!'' bulyaw niya rito.

''You're already drunk.''

''I'm not.'' Sinubukan niya itong agawin sa binata pero bago pa niya ito mahawakan ay ininom na ito ni Asher. Sinamaan niya ito ng tingin.

''Let's go. I'll take you home.'' 

Hinawakan siya nito sa braso para tulungang tumayo pero winaksi niya ang kamay nito.

''Don't touch me! I can take care of myself.'' Dahan-dahang tumayo si Mika. Kahit na nahihilo ay pinilit niya ang sariling maglakad palabas ng bar. 

Sinubukan ulit hawakan ni Asher ang dalaga pero winaksi lang ulit nito ang kamay niya. Napasapo na lang siya sa ulo at natatawang sinundan ng tingin ang dalaga habang pagiwang-giwang na naglalakad. 

''See? I can even walk with my eyes close.'' Pinikit ni Mika ang mga mata nang bigla siyang matapilok. Mabilis ang kilos na sinalo siya ni Asher.

''D-Don't touch me. I can walk. I'm not drunk.'' Tinulak siya ni Mika pero hindi nagpatinag si Asher. Kinarga niya ang dalaga sa balikat papunta sa sasakyan. Maingat niya itong pinaupo sa may passenger seat.

''You said, you're not drunk. You even fall asleep.''

Umupo na siya sa may driver seat at sinulyapan ang dalaga. Ang himbing ng tulog nito. Para itong anghel, ibang-iba sa Mika na una niyang nakita noon sa restaurant. 

''Hmm,''

Pansin niya ang panginginig ng katawan nito. Parang giniginaw. Hinubad niya ang suot niyang jacket at tinakip sa katawan ng dalaga. Pinahinaan din niya ang aircon. Saka lang ito medyo kumalma. 

Hindi maiwasang mapangisi ni Asher dahil sa sarili.

He never took care any of his ex-girlfriends like this. Ni wala siyang ibang babae na pinaupo sa harap ng kotse niya. Para sa kanya, passenger seat is only for his future-wife. And here he is, he even took off his jacket for the woman he had only met twice.

''Your'e Cassidy's woman. It's only normal for me to take you home.'' Mahina niyang bulong saka pinaandar ang kotse.