webnovel

CHAPTER FOUR

GABI na nang matapos sa paglilinis si Cassidy. Tagaktak ang pawis sa noo ng binata na pinunasan niya ng puting face towel at nakapikit na umupo sa sofa. Kahit pagod na pagod ay bakas sa mukha niya ang saya habang pinagmasdan ang malinis na bawat sulok ng bahay. He even rearranged all the furnitures. Ngayon, mas nagmukha na itong bahay. 

''Cass,''

Umupo sa tabi niya si Haru. Namamaga ang mata nito na halatang kagigising lang.

 ''Cass, pwede mo ba akong samahan bukas sa...'' Sabay silang napatingin sa may hagdanan nang makarinig sila ng tunog ng takong. 

Napaawang ang bibig nila pareho nang makita ang dalaga na nakangiti habang sophisticated na naglalakad pababa ng hagdan. Isang black off-shoulder bodycon dress ang suot nito dahilan para kitang-kita ang kurba nitong katawan. She even looks more hotter dahil sa bandage ng dalaga sa pisngi.

Marahang napalunok si Cassidy. Nang magtama ang mata nilang dalawa ay mabilis siyang umiwas ng tingin.

Lihim na napangisi si Mika. No one can really ignore her charisma. Even the nerdy guy like him can't escape her charms.

''Y-You're leaving?'' Nauutal na tanong ni Cassidy.

''-looking like that?'' dugtong nito nang hindi pa 'rin tumitingin kay Mika ng diritso.

''Yes. I have a date. I need to look good.'' 

Actually, Mika is going meet her boyfriend or soon-to-be her ex-boyfriend to be exact. It's already past her limit. Kailangan na niyang makipaghiwalay dito at humanap ng bago. 

''I have to go. Don't worry about me, just take care of your little wife,'' tukoy niya kay Haru sabay kindat.

''Tch. I'm not,'' anito. Ngumiti lang siya at tuluyan ng lumabas ng bahay. 

Sinalubong si Mika ng dalawang bouncer na nagbabantay sa labas ng bar. Nginitian lang niya ang mga ito at pumasok sa loob. Maraming mga lalaki ang tumitingin sa kanya pagkapasok niya pa lang. Meron pang sumisipol. Hindi lang niya ito pinansin at dumiritso sa may counter. Isang lalaki ang nakita niyang nakaupo habang umiinom ng tequila. 

''Ela!'' Agad itong tumayo nang makita siya. Hahalikan sana siya nito pero hinarang niya ang dalawang daliri sa labi. Umupo siya sa stool at humarap sa bartender.

''Hi Kiel, how are you? Long time no see,'' bati niya sa bartender. She smiled sweetly. 

Kiel is a pure American. They're in the same age. He's a part-time bartender in Costa Bar. She's a regular costumer kaya naging ka-close niya na 'rin ito. 

''You look fabulous tonight.''

''Thanks.'' Tumama ang tingin nito sa pisngi niya.

''What happen to your cheeks? Got into a fight again?'' Kinapa niya ang pisngi.

''It's just a scratch.'' Tumango lang ito at hindi na nagtanong pa.

''What drinks do you want? My treat.'' 

''Really? I won't reject it th-''

Napatingin siya kay Eron nang maramdaman niya ang kamay nito sa bewang niya, hinihimas-himas ito ng binata. Winaksi niya ang kamay nito. He's her second boyfriend for this week. And she's going to end their relationship today. Reason? No reason. It's just getting boring. 

''What's wrong? I thought you missed me.''  He tried to kiss her again but she looked away. 

''Kiel, can I have a glass of mojito?'' baling niya dito.

''My pleasure.'' 

She took a sip. The sweet taste and the mint smell remains on her lips. Sumulyap siya kay Eron habang nilalaro ng daliri niya ang hawak niyang baso.

''Let's break up,'' diritso niyang saad. Gulat na napatingin ito sa kanya.

''What? Why? We just got together!'' bulyaw nito. Marahan siyang ngumisi.

''I just want to find a new toy.'' Nagbago ang expression ng mukha nito sa sinabi niya. Bigla itong nagdilim.

''So, I am just a toy to you?'' diin nitong tanong, bakas ang galit sa boses.

She just smiled at nilagok ng diritso ang isang baso ng mojito. She saw him clenched his fist.

''It's not like you don't know me. I only play. I never take relationship seriously.'' 

Nabigla siya nang hinawakan nito ang mukha niya at puwersahan siyang hinalikan sa labi. Mabilis niya itong tinulak at sinampal sa pisngi.

''Ela,''

Sinubukan ulit nitong lumapit sa kanya pero hinawakan niya ang kamay nito at binalibag ito sa sahig. Napadaing ito sa sakit. Inayos niya ang damit niya at umupo ulit sa stool na parang walang nangyari.

''Kiel, can you give me one glass of tequila? I'm thirsty.''

Dahan-dahang tumayo si Eron, nakahawak pa 'rin ito sa likod. Mukhang napalakas yata ang pagkahagis niya dito or he's just too weak.

''Are you okay?'' Hindi ito sumagot. Tiningnan lang siya nito ng masama.

''I'm sorry. You should have just agreed. Why did you have to force me?'' Ininom niya ang isang baso ng alak. Sumenyas siya kay Kiel.

''One more!'' She let out a sigh and glanced at Eron.

''I'm not interested in love. You should find someone better.''

Tumabi ito sa kanya. This time wala ng galit sa mukha nito, kundi lungkot. Eron is quite a nice guy. He's just like her. Her girlfriend also left with another man. But she really can't open her heart again. Hindi naman niya akalain na seseryosohin nito ang relasyon nila. Kagaya niya, paiba-iba 'rin kasi ito ng babae.

''Ela, can't you give it a try? I admit, I'm also a playboy but I can change. I promise I won't..'' Tinaas niya ang kamay niya na parang sinasabing 'Stop'.

''I just want to play. I don't want to love. Sorry.''  She will never love again. Because of that stupid love, she lost a lot. 

KANINA pa pasulyap-sulyap si Cassidy sa orasan sa dingding. Magha-hating-gabi na pero hindi pa 'rin umuuwi ang dalaga. Hindi niya alam kung ayos lang ba ito o hindi. 

''Cass, kailangan mo pang pumunta sa shop bukas 'diba? Ayos lang ako rito. Pwede ka ng umalis,'' sambit ni Haru na busy sa kalalaro sa hawak nitong cellphone.

Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang lokasyon ng dalaga. Nasa bar pa 'rin ito, Costa Bar. Malapit lang ito sa condo na tinitirhan niya. May nilagay kasi siyang tracking device sa sasakyan nito, kaya alam niya kung saan ito pumupunta. 

It was Jia who asked him to do it. Kung saan-saan daw kasi ito pumupunta at nakipag-away kaya inutusan siya nitong bantayan ang dalaga. He didn't want to do it but he has no choice. No matter how bad she is, she's still a woman. She still needs a protection.

''Oo nga pala, bakit wala pa si Mika? It's already midnight. She even wore that revealing dress,'' bulyaw ni Haru.

''Could it be that she was abducted and raped?'' dugtong niya. Mabilis siyang binatukan ni Cassidy.

''Shut up! Matulog ka na. Aaalis na ako.''

Hindi alam ni Cassidy kung bakit at paano. Napansin na lang niya ang sarili na nakaupo sa loob ng kotse na nasa harap ng Costa Bar. 

''Why am I here?'' Palingon-lingon siya sa labas ng sasakyan. Marami siyang nakitang magkasintahan na naghahalikan sa labas. Some even almost took off their clothes. Hindi siya makapaniwalang dito laging pumupunta ang dalaga. 

''Let go.'' Napatigil siya nang marinig ang isang napakapamilyar na boses.

''I said, let go.'' 

''Mika?'' 

Lumabas siya ng sasakyan. Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses nito. Tatlong lalaki ang nakita niyang nakatayo sa gilid ng Costa. Hindi na lang sana niya ito papasinin nang bigla siyang mapahinto. Lumingon siya ulit rito, isang babae ang nakita niyang nakasuot ng heels at itim na damit. Nakahawak sa braso nito ang isang matabang lalaki.

''Mika?'' Mabilis ang kilos na naglakad siya palapit rito.

''Mika!'' tinawag niya ang dalaga. Hinarangan siya ng dalawang lalaki. May tattoo ang mga ito sa leeg, magulo na buhok ,at itim hikaw sa dalawang tainga.

''Teka lang pre. Hindi mo ba nakikitang naglalaro pa kami rito?'' Nagtama ang mata nila ng dalaga. Bakas ang gulat sa mukha nito nang makita siya.

''Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na," malamig nitong saad.

Bumaba ang tingin niya sa braso nito. Parang uminit ang ulo niya nang mapansin ang pamumula nito.

''I'm here to take you home,'' aniya sa seryosong boses. 

Malakas na tumawa ang lalaki na may hawak sa braso ng dalaga. Humakbang ito palapit sa kanya at tinitigan siya ng maigi.

''Are you this bitch's new boyfriend?'' Tila nag-echo ang sinabi ng lalaki sa tainga ni Cassidy.

Bitch?

''Kakahiwalay mo lang kay Eron, may nakuha ka na namang bago?'' baling nito sa dalaga. 

''He's not. Para namang hindi mo ako kilala. Hindi ako papatol sa isang taong masyadong inosente at mabait. That would be boring,'' nakangising sagot ni Mika sabay sulyap kay Cassidy.

''You should go. You don't belong here.'' Umiwas ng tingin ang binata. Lihim nitong naikuyom ang kamao.

''I already told you, I will take you home.'' 

Nanlaki ang mata ni Mika nang bigla nitong sinipa si Dinu at sinuntok sa mukha. Mabilis siya nitong hinawakan sa braso at kinaladkad palayo. Hinabol sila ng dalawa nitong kasama pero agad silang sumakay sa kotse at pinaharurot ito paalis.

Malakas na tumawa si Mika habang tiningnan sa side mirror ang dalawang lalaki.

''Hey, hindi ko alam marunong ka pa lang sumuntok. Sinong nagturo sayo? That was quite a hard punch—aray!'' Napahawak siya sa noo nang pabiglang hininto ni Cassidy ang kotse sa tabi ng kalsada.

''Wha-what?'' Ang seryoso ng mukha ng binata. Parang ibang tao ang kaharap niya.

''You want to hit me too?'' Just then, she heard him sigh. Tinanggal nito ang suot na leather jacket at inabot sa kanya.

''Wear it. You'll catch a cold.'' May pag-alinlangan na tinanggap niya ito.

''T-Thanks.''

''You–you broke up with your boyfriend?'' mahina nitong tanong. She nooded.

''Why?''

''Boring,'' tipid niyang sagot.

''Are you always like this? Is love only a game for you?'' Hindi alam ni Mika kung nagkamali lang ba siya ng pagkadinig o hindi. Parang may bahid ng inis ang boses nito. O baka masyado lang siyang maraming nainom kanina?

''Game or not, wala ka ng pakialam doon. This is my life. I can do whatever I want.'' 

''Hindi ko alam kung ano ang nangyari sayo, but you should stop going in that place. You're a woman, it's dangerous.'' Bago pa siya makasagot, pinaandar na ulit ni Cassidy ang sasakyan. Sumandal na lang si Mika sa upuan at tumingin sa labas ng bintana.