webnovel

CHAPTER EIGHT

Tahimik lang habang kumakain si Mika. Kapag may nagtatanong sa kanya, tanging tango at iling lang isinasagot niya. She don't want to waste her words to a nonsense topic. Uminom siya ng wine nang maramdaman niya ang mga matang kanina pa nakatitig sa kanya. 

''If you have something to say, just say it.''  Lumingon siya sa gawi ni Diana, kung tama ang pagkakatanda niya, that's her name.

''Sorry. It's just, you look so familiar. Sa Harrison ka ba nag-aaral noong college?'' tanong nito. Bigla siyang napatigil.

''Bakit mo naitanong? Doon ka 'rin nag-aral?'' balik niyang tanong dito.

''So, ikaw nga 'yon? Where's your child? I thought you're pregnant?''

''Pregnant?'' Nagsimulang magbulong-bulongan ang iba nitong kasama. Humigpit ang pagkakahawak niya sa wine glass. Kulang na lang ay mabasag ito sa higpit nang pagkakahawak niya. Napansin ito ni Cassidy, maingat na hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga. Napatingin siya rito. Umiiling ito na parang sinasabi na 'relax, calm down'.

''Kung ganoon, talaga bang nakuhanan ka dahil sa aksidente? I also heard, both of your parents died in that accident. Your ex-'' padabog siyang tumayo.

''Excuse me. Pupunta lang ako sa washroom.'' Sinubukan siyang pigilan ni Cassidy pero diri-diritso lang siyang naglakad palabas.

''Hey!''

Huminto siya nang may tumawag sa kanya. Lumapit sa kanya ang lalaking nakita niya kanina sa baba ng restaurant. 

''It's really you.'' Hindi na lang sana niya ito papansinin nang hinawakan siya nito sa braso. Tiningnan niya ito ng masama.

''Let go.'' Parang nagulat ito nang mapansin ang lamig sa boses niya. Humakbang ito paatras.

''Okay. Okay. Relax.'' Natatawang itinaas nito ang kamay sa ere.

''What's your name? Are you here with your boyfriend? Do you want me-''

Inirapan lang niya ito at dumiritso sa washroom. Tinawag pa siya nito pero hindi na siya nag-abala pang lumingon. Agad niyang sinarado at ni-lock ang pinto pagkapasok niya ng washroom. Galit na nilapag niya ang pouch at tiningnan ang sarili sa salamin. 

''Kung ganoon, talaga bang nakuhanan ka? I also heard, both of your parents died in that accident. Your ex-'' 

Mabilis niyang pinunasan ang luha nang isa-isa itong tumulo. It's been almost three years, three f*cking years, pero bakit hindi niya pa 'rin kayang lumimot? Ginawa na niya ang lahat. She even did something against her will; drinking, flirting, saying inappropriate words, everything. Pero bakit isang salita lang, isang tanong lang, parang bumabalik na naman ang lahat. Sa isang iglap lang, ang lahat ng paghihirap niya para makalimutan ang lahat ay bigla na lang nabaliwala.

The smile that she always wore, her only cover just to hide her pain bigla na nalang naglaho? Nakakatawa. Maybe Jia was right, she's a coward. She's only good in pretending. A pitiful bitch who can't even face her past. 

''Mika? Mika?'' Sunod-sunod na katok ang nakapagpatigil sa dalaga.

Cassidy? 

Pinunasan niya ang pisngi at nakapikit na huminga ng malalim.

''W-what?''

''Are you okay?'' Bakas sa boses nito ang pag-alala. Kinuha niya ang face powder sa pouch at inayos ang make-up sa mukha. She can't let him see her like this. She have to look cool. 

Kinuha niya ang concealer at nilagyan ang ibaba ng mata niya para itago ang pamamaga. Nang masigurado niyang okay na ay saka lang siya lumabas ng washroom. Bumungad sa kanya ang nag-alalang mukha ng binata.

''Bakit ka pumunta rito?'' Nakaramdam siya ng pagkailang nang mapansin niya itong nakatitig sa kanya. Pinasadahan siya nito ng tingin na parang sinugurado kung ayos lang ba talaga siya.

''Are you okay? Do you want me to take you ho-''

''No. The night is still long. It would be a shame if I won't join them.''

''But-''

''Let's go.'' She just faked a smile at nauna ng maglakad. There's no way she'll let them see her weakness. As long as she can, she has to act strong. She isn't called the bad-bitch for nothing.

Napatingin siya kay Cassidy nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Gusto niya itong bawiin pero lalo itong hinigpitan ng binata.

''Don't forget. I'm your boyfriend. There's nothing wrong with holding your hands,'' anito nang hindi tumitingin sa kanya.

''Just say if you want to take advantage of me. I'm not that petty.'' Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Nagulat pa siya nang makita niya ang lalaki kanina, nakaupo ito sa tabi ni Jeric. Mabilis itong tumayo nang makita siya. Lumapit ito sa kanya.

''You! Why are you here? You're not here to find me, right?'' Bumaba ang tingin nito sa kamay niya. Gulat na tumingin ito kay Cassidy, parang nagtatanong ang mga mata.

''She's your girlfriend?'' Hindi makapaniwala nitong tanong.

''What else do you think? Or do you also want to be my boyfriend?'' balik niyang tanong rito. Napatingin siya kay Cassidy nang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.

''Ash, you know each other?'' sabat ni Jeric. Ash? So, he's Asher?

''Yes/ No.'' Nagkatinginan silang dalawa. Sinamaan niya ito ng tingin. Maya-maya ay sumilay ang ngisi sa labi niya nang may bigla siyang maalala.

''I don't know him but I saw a guy who look exactly like him, who's being slapped hard by his girlfriend?'' makahulugan niyang saad at ngumiti. 

''You-''

''Ash, you've been slapped?'' nagpipigil ng tawa na tanong ni Jeric. Pansin niyang namumula ang mukha ni Asher. Umiwas ito ng tingin. Parang nahihiya.

''I just wanted to break up with her, but she refuse so I-''

''You deserved it,'' mahina niyang bulong. Mukhang narinig yata siya nito dahil tumingin ito sa gawi niya.

''Kasalanan ko ba kung masyado akong gwapo?'' Di niya maiwasang mapairap. Hambog. Hindi niya alam kung paano ito naging kaibigan ni Cassidy, ang layo ng ugali nila.

Ginaya siya ni Cassidy pabalik sa upuan. Tumabi ito sa kanya. Pansin niyang nakatitig pa 'rin sa kanya si Asher. Hindi lang niya ito pinansin at umayos ng upo.

''So, Mika. You haven't answer the question yet. Were you really pregnant? Bakit hindi mo sabihin sa amin ang totoo ngayon? Cassidy is your boyfriend, he at least deserves to know the truth. Am I right?'' may diin na tanong ni Celestine. Palihim niyang pinagtiklop ang kamay sa ilalim ng mesa. Kinalma niya ang sarili at pilit na naglabas ng ngiti. Talagang hindi siya titigilan ng babaeng 'to hangga't hindi siya nito mapahiya.

''The truth? It's just nothing but a rumor. But if I were really pregnant, Cassidy would be the first one to know about it. Because just like what you said, he's my boyfriend,'' sagot niya sabay hawak sa kamay ni Cassidy.

''Then what about-''

''Miss Lavigne, this dinner is supposed to be for your reunion. Why did I suddenly become the center of your topic?'' putol niya at sinalubong ang tingin nito.

''You're Cassidy's girlfriend. We have to know-''

''Girlfriend. Girlfriend. Why are you so concerned about our relationship. Hiwalay na kayo diba? I'm his girlfriend now. You're just his friend, or should I say, his ex-girlfriend. What, don't tell me you still want to get him back?''

''Get him back? Pagkatapos niyang ipagpalit si Cass sa pangit na ungoy na 'yon? Maganda nga, makapal naman ang mukha,'' bulong ni Jeric. Halata ang pagka-inis sa mukha nito habang nakatingin kay Celestine. Lihim siyang napatawa. This guy, para talaga itong babae kung magsalita. 

''You-''

''I know you have an engagement. If it's still valid or not, I don't care. I trust Cassidy. But if he still wants to marry you, wala na akong magagawa doon.'' 

Jia already told her about their engagement. Alam 'din niyang kaya siya pinapunta dito ng binata ay para ma-kansela nito ang engagement kay Celestine. Well, halata naman. Pero wala siyang pakialam sa kung ano ang plano ng binata, after all, she's just his fake girlfriend. Pagkatapos ng gabing 'to, babalik na ulit sa dati ang buhay niya.  

''Babe, what do you think?'' Sumulyap siya kay Cassidy. 

''Are you going to marry-'' Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong kinabig at hinalikan sa labi. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya. Mahigpit siyang napahawak sa suot niyang coat. His lips moved too gently towards her lips. It's like a cotton, too smooth and too sweet.

Hinawakan nito ang mukha niya at tiningnan siya ng diritso sa mata.

''You're my girlfriend. Why would I marry someone else.'' Parang siyang matutunaw sa tingin na pinukol sa kanya ng binata. Pakiramdam niya ang pula-pula na ng mukha niya. She can even feel his breath on her face. 

''Woah! Cass, ikaw ba 'yan? Nasaan na 'yong Cassidy na ayaw makakita ng pda sa harapan niya?'' sigaw ni Jeric. Mabilis siyang lumayo kay Cassidy at umayos ng upo. Pinakiramdaman niya ang dibdib niya, ang lakas pa 'rin ng tibok nito.

This guy, she thought he's just a nerd; innocent and dull. Was she wrong about him?

''It's already late. We have to go.'' Hinawakan siya ni Cassidy sa kamay at tinulungang tumayo. May gusto siyang sabihin dito pero walang boses na lumabas sa bibig niya.

''Sister-in-law,''

Nag-wave sa kanya si Jeric. Ngumiti lang siya rito at sumulyap sa gawi ni Celestine. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. If only she has knife, matagal na siya nitong sinaksak.

''Let's go.''