1 FRIENDS

Last day na ng exam ngayong grading, ipapaskil na ng room adviser ang ranking ng section namin.

Katabi ko ngayon ang kaibigan ko na si Tracy habang naghihintay sa rankings. Titingnan ko lang naman kung ano ang rank ko, I'm not even sure kung kasama nga ako sa rankings eh.

Dumating na ang adviser namin kaya nagsilapitan agad sakanya ang mga kaklase ko maliban lang sa iba.

"Grabe naman 'di pa nga nadidikit nagkukumpulan na agad" sabi ng kaklase ko na si Anna

"'Di niyo ba titingnan rank niyo?" tanong ng kaklase ko sa amin ng mga kaibigan ko.

"Sige mauna na kayo, ang dami niyo jan baka magkatulakan lang tayo." sabi ko habang prenteng nakaupo pero medyo kinakabahan na dahil baka hindi ako kasama sa ranking.

Kung hindi man ako kasali sa ranking ngayon sana lang hindi ma-gg sakin si mami. Kung kasama man ako, Lord thank you na agad mwah!

"Tara na wala na masyadong tao dun" hila-hila ni Tracy ang kamay ko habang naglalakad papunta sa sulok ng classroom namin kung saan nakadikit ung print ng rankings namin.

I wasn't ready to look yet kaya hinayaan ko munang mauna ang mga kaibigan ko.

"Shet na malagket Claire! Nakapasok pa sa High Honors!" hindi makapaniwalang sabi ni Alissa habang nakahawak sa dibdib kahit wala naman siya non, chareng bitter lang, dalawa kasi likod ko.

Well, since gusto ko na rin namang umuwi hinanap ko na ang pangalan ko...pero bakit ganon? Bakit wala?

Iiyak na sana ako- syempre joke lang may isa pa kasing paper na nakadikit katabi ng tinitingnan ko na puro High Honors lang tapos ung katabi naman na paper ay ung With Honors lang. Wala lang gusto ko lang mangarap. Malay mo maligaw ung pangalan ko sa High Honors aba ang laking achievement non pero syempre alam ko namang 'di ako katalinuhan tama lang kaya hinanap ko ung pangalan ko sa pangalawang paper.

And there, I saw my precious name, Keicy G. Ocampo.

I was quite shocked nung nakita ko ung grades ko na 92 ang average and rank 32 ako out of 40 students na nakapasok sa ranking. 47 kaming lahat sa classroom so it means na 7 ang hindi nakaabot sa rankings.

But wait there's more, someone's name caught my attention. Binasa ko ulit 'yon for the second time at hindi nga mali ang pagkakakita ko.

I saw Tracy's name after mine.

I looked at Tracy at tinanong siya "Tracy, bakit bumaba ang ranking mo?"

"Hala oo nga noh! Ewan ko baka may hindi ako natake na quiz or seatwork?" patanong na sagot niya sakin. I just shrugged and looked at the difference of our grades.

92.310 ang average ko while 92.101 naman ang grade ni Tracy. I don't know how this happened kasi last quarter ay mas mataas sa 92 ang grades niya, in fact 94 pa nga siya eh.

But since she looked unbothered, hinayaan ko narin lang.

"Yaan mo na Tracy, sigurado naman na sa susunod na ranking tataas na ulit grades mo." sabi ko nalang habang naglalakad na palabas ng classroom para umuwi.

"Sana nga tumaas ulit ang grades ko" sagot niya

-Third Grading-

"Guuuys tara tingnan na natin rank natin dalii naeexcite nako!" nagmamadaling sabi ni Alissa na tumatakbo na papunta sa dulong part ng classroom kung saan pinapaskil ang ranking namin.

"Eto na, eto na! Napaka-atat naman nito para namang hindi ka makakapasok ulit sa High Honors, eh nitong mga nakaraan linggo ay aral ka lang ng aral kulang na lang isumbsob mo yang mukha mo sa mga libro at notebook mo para lang matandaan mo lahat ng nirereview mo eh." mahabang sagot ni Tracy habang naglalakad na papunta sakanya pero hindi na siya narinig pa ni Alissa dahil busy sila ni Claire sa paghahanap ng pangalan nila sa rankings.

Malapit na ako sa kinatatayuan nila nang bigla nalang sumigaw si Alissa at nagtatalon pa "AHHHHHHHHHH OH MY GOOOSH! Nasa High Honors ulit akoo tapos tumaas ng konti ung grades koo sheet!" tuloy parin siya sa pagtili at pagtalon kaya hinayaan ko nalang siya na magenjoy at hinanap na ang pangalan ko.

I saw my name then my grades, I smiled secretly. Hindi dahil mataas ang grades ko kundi dahil nakita ko ang rank ko at ang name ng pumalit sa rank ko last grading.

Tracy M. Cruz, siya ang pumalit sa rank ko last grading. Kung 32 ako noon at 33 siya, ngayon naman ay ako ang 33 at siya naman ang 32.

I'm happy for her kasi tumaas na ulitang grades niya kahit paunti unti. Her average is 93.110 while mine is 93.100, nakapaliit nalang ng distansya ng grades namin. Still, I'm happy for her.

Humarap ako kay Tracy "Sabi ko sayo Tracy tataas grades mo eh, tingnan mo mas nataasan mo pa nga ako oh." sabi ko sakanya habang tumatawa-tawa pa.

"Oo nga hahahahaha ang saya ko tuloy kasi nataasan kita, wait lang sasabihin ko to kay mami" sabi niya at agad na kinuha ang cellphone niya para ibalita sa nanay niya ang ranking niya.

Hindi ko alam pero naglaho ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

"ANG SAYA KO TULOY KASI NATAASAN KITA".

I didn't know what to say kaya tumahimik nalang ako at lumabas para hintayin nalang sila na matapos nilang mag-enjoy.

-Kinabukasan-

Recess namin ngayon at ang sunod ay TLE at cooking kami ngayon, pero dahil hindi naman ang grupo namin ang nakaassign ngayon ay malaya kaming makakapagdaldalan ng mga kaibigan ko.

"Grabe Kei ang saya ko talaga kasi nataasan kita." sabi ni Tracy na hindi pa din nakakamove-on sa ranking niya ngayon.

I didn't reply to what she said because honestly, I'm disappointed.

Not because my rank is lower than her, but because she's competing with me.

"Tas Kei alam mo ba? Nung nataasan mo ako sa ranking last grading feeling ko nagiging mayabang ka, ewan ko ha pero wala feel ko lang na parang nagmamagaling ka na, no offense ha." dugtong pa niya habang nakangiti sakin.

"Ah ganon ba?" tanging nasabi ko nalang.

Bakit ganon?

Bakit niya iniisip na nagyayabang ako sakanya kasi mas mataas ang grade ko sakanya?

I mean, she was asking for help, so I helped her. Hindi naman alam na mamasamain niya yon and feeling niya nagmamagaling ako sa bagay bagay, just what the f?

Hindi ba pwedeng sadyang alam ko lang talaga kaya binabahagi ko sakanya o sakanila ung alam ko?

What I mean is, bakit iniisip niya na nakikipagkumpitensya ako sakanya when in fact, I'm just sharing my thoughts and knowledge?

Kung talagang kaibigan ko siya, she would be happy for me kasi may naaachieve ako sa pag-aaral ko. Kung talagang kaibigan ko siya, hindi niya ako hihilahin pababa.

Kaya eversince she told me her problem towards my attitude, hindi na ako nagmamagandang-loob na tulungan siya kapag nahihirapan siya sa isang bagay unless, she asked me to. Hindi ko na rin siya tinuturuan unless she asks me to.

Ayaw kong isipin niya ulit na nakikipagkumpitensya ako sakanya at ayoko ring isipin niya na niyayabangan ko siya.

Hindi ko nalang sinabi kina Claire at Alissa ang sinabi sakin ni Tracy dahil ayokong sumbatan nila si Tracy.

She's my friend, or so I thought.

avataravatar