webnovel

FREEDOM IN YOU (FILIPINO)

si Aiserize ay isang top student, ngunit simula nang lagi ito binubully ni lucy wala siya ibang magawa kundi mag cutting para maiwasan si lucy. pumunta si Aise sa park nung araw na yun at dun niya nakilala si hiro na nag cutting din dahil wala itong ka interest interest sa pag aaral. pero si hiro ay isa rin na top student, at sa park nag simula ang kanilang kwento.

mxxaise · Urban
Not enough ratings
25 Chs

FREEDOM IN YOU

Aiserize's Pov

"hoy, san ka pupunta" tanong ni hiro, habang hinahabol ako sa pag takbo

"di ko rin alam, ba't mo 'ko hinahabol?" tanong ko sa kanya

"kasi tumatakbo ka" saad nito

at tumigil ako sa pag takbo, habang hinihingal

"bwisit kasi yung hito na yun" saad ko habang hinihingal

"ang babaw talaga ng kaligayahan mo noh?" tanong nito sa akin

"naaasar ka lang e" saad ko habang natawa na naman dahil sa hito na yun. at pinitik ni hiro ang noo ko

"baliw" saad nito. at napasandal ako sa bisig niya dahil napagod ako sa pag takbo

"sorry" saad ko at tumayo ako agad, at bigla akong hinila nito uli papunta sa bisig niya

"okay lang" saad nito at napasandal ako uli sa kanya

ang awkward ng kinakatayuan namin ngayon, at i can clearly hear his heartbeat; as i heared mine. kahit na nahihiya ako, hindi ako umalis dahil sa ginawa niya. at naaamoy ko ang pabango nito at mukhang naadik ako sa pag amoy nito

"ang bango mo" biglang saad ko. at tinakpan ko ang bibig ko habang umalis sa pagkakasandal sa kanya

"pervert" saad nito, at hinampas ko ito

"di ko alam pumasok sa isip ko kanina, ikaw kasi" saad ko. at hinampas 'tong muli at tumingin ito sa taas at biglang tumawa ng mahina

tatawa pa siya diyan ng mahina, maririnig ko rin naman.

but seriously? ano bang nasa isip ko at sinabi ko yun ng malakas. changgalang hito kasi 'to ang bango

"gusto mo pumunta sa arcade?" biglang tanong nito

"gusto mo ng rematch?" ngising saad nito at lumapit ito sa akin habang ngumisi rin

"tignan natin kung sino mananalo ngayon" saad nito habang nagpatuloy pa rin sa pag ngisi

at pumunta na kami sa may arcade.

"hoy, tignan mo. ito yung nilaro natin nung nakaraan" saad ko at pumunta ako dun

"game" pag aaya nito at kinuha yung baril na isa, at kinuha ko rin yung isang baril

"teka, bumili muna tayo ng token" saad ko at bigla ito naglabas ng token galing sa bag niya

"akala mo ba di ako handa" natatawang saad nito at napailing na lang ako dahil planado pala talaga 'tong pag punta namin dito

naghulog ito ng 5 tokens, at kumuha rin ako ng 5 tokens para ihulog sakin.

"game na" saad ko, at nag simula na yung laro.

nagsimula na kaming maglaro, at wala pang ilang minuto ay malaki na agad ang lamang ko sa kanya. at natatawa na lang ako dito ng palihim

"ise" biglang pag tawag nito sa pangalan ko. kaya ako huminto sabay lingon sa kanya

"ang ganda mo" seryosong saad nito. at feel ko namula ako ng dahil dun, sinabi niya sakin yun ng nakatingin deretso sa akin. at hindi ko alam ang sasabihin sa kanya

"hahaha" mahinang tawa nito, at nagpatuloy sa paglalaro. saka ako namula ng todo dahil sa kahihiyan

"madaya ka!" sigaw ko rito at hinampas ko sa kanya yung baril

sinabi niya lang pala yun, para idistract ako. alam ko naman na di ako pwedeng mag expect pero nalungkot ako dahil inasar niya lang pala ako

-

ilang minuto lang natapos na ang laro, at nanalo 'to against sakin

"sabi ko sayo, pinagbibigyan lang kita non" ngising saad nito

"wag ako" saad ko at tinarayan ko ito

"itry natin to" saad nito at pumunta sa may basketball.

"di ako marunong, ayaw ko" saad ko

"di marunong o di mo lang abot?" pang aasar nito

"haa, ewan ko sayo" saad ko rito at tinalikuran siya.

naghulog siya ng token, at di ko pa rin ito tinitignan. nagulat na lang ako ng hawakan nito ang bewang ko sabay inangat ako

"hoy, ibaba mo nga ako" nahihiyang saad ko

"ishoot mo yung bola" saad nito, at ginawa ko agad yung sinabi niya. kasi kahit ano namang gawin ko alam ko naman na hindi niya rin ako pabababain

"ang galing mo pala e" pang uuto nito sa akin, at patuloy lang ako sa pag shoot

"wag mo nga akong asarin" saad ko ngunit nakangiti ako dahil sa kanya

binaba niya ako ng matapos na ang oras. at napabuntong hininga ako

"woah, natapos na rin" saad ko at tumingin ako sa kanya ng nakakainis

"kaya nga, ang bigat mo pa naman" saad nito at tinadyakan ko ang paa niya

kahit na iniinis niya ako, ang saya ko pa rin

"pagod ka na ba?" tanong nito sa akin

"hindi naman" sagot ko

"punta tayo claw machine" saad nito at tumango ako

"nakakuha ka na ba dun ng stuff toy dati?" tanong ko sa kanya

"hindi. pag nakakuha ako ng stuff toy, ihahatid na kita" saad nito. ngayon ko lang din napansin ang oras, kahit alam ko na ilang oras na kami dito parang ayaw ko pa rin umuwi. pero alam ko naman na hindi ako pwedeng manatili dito, kahit na sa tabi ni hiro. I'm well aware na darating din yung araw na hindi na kami katulad ng ganito, pero sana di dumating yung araw na yun

"wahhh, ang cute" saad ko at itinuro yung pusa na may hawak hawak na strawberry

"saan? ito?" tanong nito at naghulog ng token saka nito sinubukan kunin yung stuff toy

akala ko sa isang tirahan ay makukuha niya na ito, ngunit pumiglas yung claw

"muntik na" pangbobola ko rito at nag hulog na naman siya ng token.

Sinubukan niya ulit itong kunin, at di niya pa rin ito nakuha.

"baka, aabutin tayo ng gabi rito" natatawang saad ko. At seryoso pa rin ito sa pag kuha ng stuff toy na yun.

Sinubukan nang sinubukan niya itong kunin pero di niya pa rin ito nakukuha. At tinignan ko ang oras sa cellphone ko at bagong maghating gabi ay dapat nasa bahay na ako

Nagulat ako ng huminto ito sa pag kuha nito yun pala napalingon din siya sakin

"guard" pag tawag ni hiro sa gwardya at lumapit agad yung guard samin

"ano po yun sir?" tanong nito kay hiro

"mag tawag ka ng magbubukas ng claw machine na 'to. ngayon na" saad nito sa may malamig na boses

seriously, this impatient child! hahahahha pinagpilitan talaga kunin yung stuff toy

may lalaking pumunta sa amin, at binuksan ang claw machine na hindi na tinatanong kung bakit. di ko talaga magets tong rich kid na 'to

"ito-" saad ni kuya na nagbukas ng claw machine, at hinawakan ni hiro ang kamay nito. may something

"ako na ang kukuha" saad ni hiro. at kinuha ang stuff toy na kanina niya pang gusto kunin

"tara na Ise" saad nito. habang kinukurot kurot yung pisngi nung stuffy toy na pusa na may hawak hawak na strawberry

"kamukha mo" saad ko habang tumawa ng mahina

"mas kamukha mo" ngiting saad nito at lalong kinurot. ahahahha ang cute niya

"naiinis talaga ako kanina, kasi di ko makuha. gusto ko 'to makuha para sayo" saad nito. at napalingon ako sa kanya at nginitian ko ito

"thankyouuuuu" mahabang saad ko habang natawa sa dulo. sobrang saya ko talaga ngayon

"hold him now" saad nito at binigay sakin

"cute na cute ka sa kanya kanina pa, okay lang sakin kung sayo na lang" saad ko at pinisil pisil din ang pisngi nung posa hahahha posa

"hindi" maikling saad nito

"ok" saad ko habang nakanguso.

at nakasalubong na naman namin yung lalaking may hawak na hito

"bwahahahha" pag tawa ko out of nowhere. at biglang inagaw sakin ni hiro yung stuff toy

"hoy, nagbibiro lang ako e" saad ko at bigla itong lumapit sakin. at halos di ako makagalaw sa sobrang lapit nito sa akin

at bigla nito pinitik ang noo ko. at inapak apakan ko ang paa nito habang tumatawa lang ito, i really hate it. kapag lumalapit siya sa mukha, hindi naman dahil sa may ineexpect akong gawin siya. pero arghhh

hinila ko ang kwelyo nito at hinalikan ito. tumingkayad ako habang nakapikit lang sa paghalik sa kanya, and this time di ko na talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ko

nang matauhan ako, inalis ko ang pagkakahalik ko sa kanya.

"patay" mahinang saad ko sa sarili ko.

"s-sorry" saad ko. habang namumula, dahil marami na palang tao na nakatingin sa amin. pucha nakakahiya ano ba 'tong ginawa ko

at ilang minuto lang itong naka tingin sa akin na walang ka emosyon emosyon

"a-a-ah. okay lang kung saktan mo ako ngayon, di mo kailangan pigilan ang s-sarili m-mo" nauutal kong saad dito habang iniiwasan tumingin sa kanya

para na akong kamatis dito sa sobrang pula ng buong mukha ko

"okay, show me your face first" saad nito at kahit di ako naka tingin sa kanya nakikita ko pa rin yung mukha niyang nakangisi, at itinanggal nito ang kamay ko sa pagtatago ng mukha ko. at nang matignan ko ito bigla itong tumingin sa ibang direksyon at ngumisi

"okay lang, alam kong di mo naman talaga intensyong gawin yun" saad nito at ngumiti, at huminahon ako

pero, mali siya ng inaakala niya. alam kong ginusto ko siyang halikan, at gusto ko na lang maglaho dahil sa ginawa ko. pucha sinong manghahalik basta basta?

"d-d-di ka ba galit?" tanong ko rito habang nauutal

"hindi, wag mo na lang alalahanin yun. umuwi na tayo" saad nito kaya tumango ako

naglakad na kami papunta sa kotse, at pumasok na kami sa loob. at umandar na yung kotse

naguguilty ako, di ko alam kung dahil ba sa paghalik ko sa kanya. o dahil naparating kong hindi ko intensyon yun

"hiro" saad ko habang nakanguso, naiiyak na talaga ako dahil guilty na guilty ako

"hmm?" saad nito habang naka sandal lang sa bintana,

"hiroooo" saad kong muli habang umiiyak. kasalanan mo 'to, hindi ka lumingon.

nang pagkalingon nito bigla itong nagulat at bigla rin itong natawa

"hoy, bakit ka umiiyak?" natatawang saad nito at pinunasan yung luha ko

"okay lang talaga, kahit ipasagasa mo ako ngayon. sorry talaga" saad ko habang umiiyak at umurong ito sa tabi ko at hinawakan ang ulo ko

"baliw, sabi ko sayo wag mo na alalahanin yun" saad nito habang tumatawa

"sorry talaga" saad ko at pinunasan ko ang luha ko

hindi ako takot dahil sa naguguilty ako, natatakot ako dahil baka mawala si hiro dahil sa ginawa ko.