webnovel

Chapter 1

"Krisha, eto pinabibigay ni Jace." Sambit sakin ng kaklase ko at binigay yung lunch box sakin.

Tumayo ako at pinuntahan sya doon sa may tabi ng pintuan samin. Kinuha ko ang dalawang daan at binigay sa kanya. "Oh ayan, 200 na binigay ko baka naman humingi kapa ulit sakin mamaya." Pagtataray ko sa kapatid ko.

Natawa sya sa sinabi ko. "Hindi na, salamat Ate!" Hinalikan pa nya ako sa pisngi bago nanakbo paalis.

Kolehiyo ako ngayon kasama ang dalawang kaibigan ko na si Irish at Chloe. Kasama namin si Andrei ang ex ng kaibigan ko ngayon at nakikita nang dalawang mata ko ang harutan nila dito ng isa pang babae na kaklase namin.

"Ex mo." Bulong ko kay Irish kaya napalingon sya sakin.

"Tanga, wala akong ex na mang gagamit." Irap nya sa akin kaya natawa ako sa reaksyon nya.

Na tanga pa nga, palibhasa hindi marunong mamili ito ng papatulan, ayaw muna kilalanin at gusto palagi na lang minamadali ang mga bagay bagay. Mga kabataan nga naman ngayon!

Maya maya pa ay mabilis natapos ang subject namin at halos magsi unahan pa ang mga kaklase namin na magsilabasan dahil may tatlong lalaki daw na nag transfer dito na halos pagka guluhan ng lahat.

Sabay sabay kaming tatlo nagpunta ng Cafeteria at nahagip sa paningin ko ang misteryosong lalaki. Kinulbit ko si Chloe at itinuro iyong nerd doon mula sa malayo.

"Transferee yan Krisha." Sarkastikong sambit nya na kulang na lang ay sabunutan ko sya.

"Alam ko, tingnan mo nga oh parang killer datingan." Agad nyang tinakpan ang bibig ko dahil baka marinig ni Irish sa harap namin.

"Just keep quiet Krish." Hinila na nya ako palayo sa pila dahil si Irish na daw ang bahala sa order namin.

Nakarinig pa kami ng mga bulungan ng estudyante na akala mo e ngayon lang ulit nakakita ng gwapo. Hindi ko na lang sila pinansin nang mapalingon si Irish kung saan naka upo ang transferee.

"Interesado ka?" Tanong ko sa kanya dahil napapatagal ang titig nya doon.

"As if." Pasiring nyang inalis ang tingin sakin kaya natawa ako. Napakasarap asarin ng tao na to dahil halatang pikon.

"Hayaan mo na, kumain nalang tayo." Sabi naman ni Chloe kaya sinunod na lang namin sya.

Nang magpaalam si Irish na pupuntang library ay nagpunta naman kami ni Chloe sa Gym. Iyon lang ay may natagpuan kaming hindi maganda dahil ibinato ni Jed ang libro sa mukha noong nerd kaya napatakbo ako pabalik at hinanap ang library kung saan alam ko na natutulog sya.

'Gaga gising, future love life mo inaaway.' Iyon dapat ang sasabihin ko pero pakiramdam ko ay susuntukin ako nito pagkatapos kaya iba na ang sinabi ko.

Tahimik lang ako na pinapanood si Irish makipagtalo doon sa ex nya. Halos mapahikab ako at kulang nalang ng popcorn at softdrinks, para makapanood na ako ng pelikula. Si Chloe naman ay abala makipag awat sa isa doon.

Matapos i reject si Irish noong nerd ay umalis na kami. Halatang badtrip ang gaga dahil natalikuran ang beauty nya. Mabuti na lang din natapos ang pag ra rant nya ng pagsabihan namin sya.

May practice pa kami ng sayaw kaya ako ang huling uuwi sa aming tatlo. Walang sinalihan si Irish at si Chloe naman ay sa Music Club sumali.

***

"Krisha, nagkaroon ng himala at sa wakas may ka partner kana." Tuwang tuwang sabi ni bakla at tinignan ko naman ang pinakilala nya.

"Krisha, eto pala si Lexord ang bagong transferee. He loves to dance ika nya kaya approve na agad sakin." Kinindatan ako ng bakla halos mapangiwi ako sa ginawa nya.

Tinignan ko ang Lexord na nasa harap ko at tinanggap ang makipag kamay. Napakunot ang noo ko nang agad nyang bitawan ang kamay ko.

"Nice to meet you, Lexord. Sana makipag cooperate ka bilang partner ko." Nagtawanan ang ilan sa sinabi ko habang sinamaan naman ako ng tingin ng iba.

"No worries, I'm always active especially to Dance." Mayabang na sabi nya kaya napataas ang kilay ko.

Aba, hindi lang pala gwapo dahil mukhang may ibubuga ito. Ano naman kaya iyon at bakit hindi nya ilabas ngayon din? Mukhang magkakasundo kami nito.

Individual by partner ang pinagawa sa amin, maghahanap kami ng kanta na pwede namin isayaw at kami din mismo ang gagawa ng sariling step para i perform sa acquaintance party next month.

Hindi naman ako nahirapan dahil madali lang sa akin makagawa ng step. Iyon nga lang ay iba na ngayon dahil may ka partner akong lalaki, sana lang talaga magka sundo kami para makatagal naman to sakin.

"Dito ka, mag uusap tayo tungkol sa sayaw." Sambit ko sa kanya habang nasa puno at pinatabi ko sya doon.

"I thought we're doing kissing." Biro nya kaya hindi sinasadyang sapakin ko ang tagiliran nya.

"Ayus ayusin mo desisyon mo sa buhay, hindi pa tayo magkakilala pero lumalandi kana?" Pagtataray ko sa kanya, para naman matakot sya kahit onti at hindi ako nakikipag biruan sa ngayon.

"Alright, I'm sorry. Ok eto na mag se seryoso na." Na kita ko naman na seryoso na ang itsura nya habang nakatingin sa akin kaya nagsimula na akong magpaliwanag.

"So eto, nakapili na ako ng isang kanta, at dahil gusto nila medyo romantic ay pinili ko ang kanta ni Christina Perri. Madali nang gawan ng step to, pakinggan mo na lang muna." Paliwanag ko at isinaksak sa kanya ang earpod ko bago ko i play ang kanta doon

Natahimik kami ng ilang minuto ng ma pakinggan nya iyon. Background music lang kumbaga dahil mas gusto nila iyong ganoon. Sana lang talaga ay magustuhan nya para hindi ko na kailangan maghanap pa ulit ng panibagong kanta.

Nang matapos ay napangiti sya. "It's like a wedding song."

Umirap ako. "Bakit iyang kanta ba na yan ay pang kasal lang? Tigilan mo ako."

"No, it's just that.." Pagputol nya na parang may inaalala sya ng kung ano. "Just knew someone."

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto nya. Sana ok lang sya dahil ayoko na makarinig ng ka dramahan sa buhay, kota na ako doon.

Tinapik ko ang balikat nya at nagulat pa sya doon. "Mauuna na ako, marami pa akong kailangan asikasuhin." Sabi ko at bumaba na nang puno.

Narinig ko naman ang yabag nya. "Salamat, I will cooperate." Ngumiti sya sa akin kaya nginitian ko din sya ng sarkastiko.

"Hindi gagana charms mo sakin pre." Ngisi ko bago ko sya talikuran. Narinig ko pa ang tawa nya na ikinailing ko nalang.

****

"Ate kain na!" Sigaw nang kapatid ko mula sa baba kaya bumangon na ako sa kama ko bago isara ang laptop ko.

"Pasunod na, hintayin mo ako dyan!" Sigaw ko pabalik at tinanggal ang headset bago ko ilagay sa gilid bago lumabas mula sa kwarto ko.

Nang makababa ay dumating na ang hapunan namin dahil tinamad ako magluto. Pinili nalang namin mag Grab para makakain na dahil alas siyete na din ng gabi.

"Oh ayan ate, iyo yang manok na isa tapos akin tong dalawa ha." Pangunguna nya at binuksan ang one pc rice at two piece chicken na may gravy.

"Ano pa nga ba?" Sarkastikong sabi ko, wala na akong masabi sa katawakan nya. "Maghugas ka muna nang kamay mo bago ka kumain!"

Sinunod naman nya ang sinabi ko kaya walang naging problema sa akin iyon. Sumunod ako sa kanya at nagsabon ng kamay bago kami sabay bumalik sa pwesto namin.

"Kamusta pag aaral mo?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Ok naman as usual. May naka buntot pa din sa akin na babae at ayaw akong tigilan." Pag amin nya kaya napataas ang kilay ko habang kumakain.

"Bakit hindi mo ipakilala sakin yan?" Hindi nya sinagot ang tanong ko at nag iwas na lang ng tingin.

Hindi ko na din pinilit dahil baka hindi pa sya handa para doon. Sya lang naman ang nagpipigil sa sarili nya na wag magka gusto sa iba kahit ayos lang naman sa akin at walang problema doon.

Dalawa lang kaming namumuhay sa malaking bahay na to. Ako halos nagbabayad ng tubig at kuryente kaya malaki laki pa din ang iniipon ko kahit na may nagpapadala sa akin. Ako na din ang nagpapa aral at nagpapabaon sa kapatid ko dahil wala pareho ang magulang namin. Nagkaroon lang din kami ng mansyon dahil sa regalo at paminsan minsan nang tumatambay si Chloe at Irish dito kapag may gusto silang i open up sa akin.

"Ako na ang bahalang mag ligpit, mauna kana sa taas at mag review na doon." Utos ko sa kanya na agad naman nya sinunod kaya naiwan ako mag isa.

Itinali ko sa bun ang buhok ko at hinayaan na lang naka iwan ang dalawang bangs ko mula sa gilid bago ligpitin ang pinagkainan namin. Halos ako na din ang gumagawa nang gawaing bahay sa araw-araw. Minsan ay tinutulungan naman ako ni Jace para mas mapadali ang gawain ko kaya pumapayag nalang din ako.

Sa edad kong bente uno ay nagsimula kaming mamuhay nang payapa ng kaming dalawa lang. Sa una ay mahirap, dahil wala nang magpapa aral at mag aalaga sa amin. Pero kinakailangan isa sa amin ang maging malakas at tumayo agad sa sariling paa para mamuhay kami ng matagal.

Hindi na ako nakapag trabaho dahil nga may nagpapadala sa akin ng pera. Kaya kung nagtataka ang iba kung bakit palagi sa akin humihingi ng pera ang kapatid ko ay dahil pinapabaunan ko sya, kasama ang lunch box na niluluto nya noong turuan ko sya last year.

Sa kalagitnaan ng pagpupunas nang lamesa ay naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

"Oh?" Bungad ko kay Irish.

[You really can't believe, I was stalking the nerd while ago, he's really handsome!] Sigaw nya kaya nailayo ko ang cellphone mula sa tenga ko.

Kumunot ang noo ko. "Ano, bakit mo naman ini-stalk?"

[Girl, of course I am interested in him or should I say, I might seduce-]

"Kumalma ka nga, transferee yon. Nasisiraan kana ba ng bait?!" Nagugulat kong tanong sa kanya matapos ilagay ang basahan sa lagayan.

[Matagal na nung huli akong nag boyfriend, ibigay mo na sa akin to. At alam mo ba kung anong pangalan nya?] Pagpuputol nya kaya napa irap ako. Bakit hindi nalang kasi sabihin agad, gusto pa ng thrilling.

"Ano?" Tamad na sagot ko.

[He's Flin Israel Silvion.] Kasabay noon ay ang tili nya kaya nailayo ko ulit ang phone ko at napa buntong hininga.

"Susuportahan kita sa kaharutan mo, pero wag kang iiyak iyak sa susunod." Sagot ko sa kanya matapos nyang kumalma sa kabilang linya.

[Kaya ko naman to, bigay nyo na sakin. Ayaw nyo ba akong maging masaya?] Pag da drama naman nya.

"Ano kaba." Sabi ko. "Syempre gusto, pero wag ka sanang magpadalos dalos sa desisyon mo Irish."

[Oo papanindigan ko naman to hanggang huli, ikaw din ha? Mag iingat ka sa mga makaka salamuha mo.] Napakunot ang noo ko nang mag seryoso sya bigla, ano ang ibig nyang sabihin?

"Anong sinasabi mo?"

[Wala wala, wag mo nang isipin. Kita kits tayo bukas, mwa!] Narinig ko na ang pagbaba nya ng linya kaya nagpasya na akong umakyat sa kwarto ko.

Weird.

To be continued...

Next chapter