webnovel

Fragments of Memories 2 : Beautiful Stranger

Mel was a hard working 19 year old girl from Boracay, Aklan. Lumuwas siya ng Maynila para takasan ang mga taong pinagkakautangan ng kanyang Ama. Isang gabi, iniligtas siya ng isang lalaking nagpakilalang Aaron Sandoval mula sa mga humahabol sa kanya. Simple lang ang hiniling nitong kapalit ng pagtulong sa kanya. Kailangan niya lang samahan ang matalik nitong kaibigang may sakit sa loob ng magdamag. Ang huling natatandaan ni Mel bago siya nawalan ng malay ay ang pagbubukas ng pinto ng kuwarto at ang pagtambad sa harap niya ng isang lalaking may matangos na ilong at mahabang pilik mata. Three years later, hindi niya sukat akalaing magku krus ang mga landas nila ng lalaking may mahabang pilik. He was a surgeon at janitress siya sa ospital na pinagtatrabahuhan nito. The man was no other than Dr. Tan De Marco..matangkad, gwapo, mabango at.. naaalala siya nito.. Pero ano naman kaya ang dahilan ng matatalim na titig at nangungutyang ngisi nito? Nangangapa si Mel, Paano, ngayong kahit isang eksena, wala siyang maalala ng gabing iyon? ❤️

LaTigresa · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Teaser

Humugot nang iritableng buntong hininga si Tan nang makita ang babaeng nakasalampak sa sahig. Nakayupyop sa ibabaw ng center table habang yakap ang nangangalahating bote ng rhum.

Her face was completely covered by her black wavy hair. Naririnig niya ang malalim nitong paghinga.. Ang mahihinang ungol mula sa lalamunan nito.

Sinulyapan ni Tan ang wristwatch. Quarter to twelve. Martes pa lang bukas. Maaga pa ang pasok nito kinabukasan pero gabing gabi na bote pa ng alak ang kaharap.

Gamit ang bitbit niyang travelling bag, walang ingat na dinunggol ni Tan ang tagiliran ni Mel para gisingin ito.

"Tumayo ka dyan. Ilang beses ko bang sasabihin na ayokong nakikita kang pakalat kalat sa sala."

Nagdilat ng mga mata ang babae, bahagya lang umungol tapos pumikit ulit.

"Hoy. Hindi mo ba ako narinig? Sabi ko pumasok ka na sa kuwarto mo."

Nag angat ito ng ulo, dumilat at hinawi ang ilang hibla ng buhok na napunta sa mukha nito para sipatin siya. Numipis ang mga labi ni Tan. Lasing na naman. Namumungay ang mga mata at namumula ang magkabilang pisngi nito katibayang marami na itong nainom.

"Walang bintana ang kuwarto ko.. Hindi ako makatulog.."

"Wala akong pakialam. Ang usapan, sa kuwarto ka maglalagi at hanggang daan ka lang dito sa sala. Kung wala kang balak sundin ang laman ng kontrata bukas na bukas lumayas ka na."

Nakita niya, natigilan ang babae. Pagkatapos, ngumiti ito. Ngiting may halong lungkot at nakikisama pa ang bilugang mga mata nito. Nag iwas ng tingin si Tan. Those sad dark eyes were killing him. Gusto niya nang ihagis palabas ng pamamahay niya ang babae para makabalik na siya sa tahimik na buhay gaya dati.

Tumalima ang babae paharap sa kanya. Ilang saglit na pinag aralan ang anyo niya sa kabila ng pagsasalubong ng makakapal na kilay niya.

"Doc, kapag ba nagpa check up ako sa 'yo asikasuhin mo' ko gaya ng mga pasyente mo? Magiging mabait ka rin ba sa 'kin? Hindi mo ko sisinghalan at iinsultuhin?"

"Kung wala kang matinong sasabihin iligpit mo na ang mga kalat mo at pumasok ka na sa kuwarto mo."

Umiling si Mel. Parang hindi naa absorb ng utak nito ang mga sinabi niya.

"Hindi ka palangiti, Doc pero hindi ka rin naman nagsusungit sa pasyente.. Pero alam mo bang mas gusto nila ang doktor na laging nakangiti..?" ngumiti ito sa puntong iyon. Pagkatapos bigla namang sumeryoso. "Papagalingin mo ba 'ko kung sakali? A-alam mo kasi, ayoko pang mamatay.. Gusto kong mabuhay pa ng sobrang tagal. Marami pa akong utang na dapat bayaran.. Hindi ako tatanggapin sa langit kung hindi ako makakabayad.."

Napailing si Tan. Akmang tatalikuran niya na ang babae pero nagsalita ito ulit.

"'Yong kuwarto ko, puwede ko bang palagyan ng bintana? Nahihirapan akong huminga sa mga lugar na walang.."

Natigil sa sinasabi ang dalaga nang tapunan niya ito ng matalim na tingin. Bumalik ang iritasyong baon niya tuwing nakikita ang babae.

"Masyadong importante sa akin ang bahay na' to para ipasira mapagbigyan lang ang gusto ng babaeng labag sa loob ko ang pagtira dito. No. Wala kang babaguhin sa bahay ko."

"Kahit maliit lang?" hirit nito.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tan. This girl was ridiculously thick skinned and shameless. Akmang magbubuka siya ng bibig pero naunahan siya ng pagtayo ni Mel.

"Kung ayaw mong butasan ko ang kuwarto, akin na lang tong alak mo."

Mabuway itong lumakad para lagpasan siya pero dahil lasing hindi nito napansin ang sariling rubber shoes na nakahandusay sa sahig. Natisod ang babae, namilog ang mga mata.. Saka walang warning na sumubsob sa katawan niya.

Pakiramdam ni Tan, saglit na nagfreeze ang lahat ng nasa paligid niya. Umawang ang bibig niya. Saglit na nalito kung ano ang gagawin.

Until he felt her warm breath against his skin. Pumapaypay iyon sa uka ng kanyang leeg. Tan caught his breath. Hinawakan niya si Mel sa magkabilang balikat saka walang ingat na itinulak palayo sa kanya.

Tumitig sa kanya ang dalaga, alam ni Tan pero magulo ang buhok na bumagsak sa mukha nito kaya hindi niya makita ang reaksyon nito sa ginawa niya.

Naturally, she'd believe he's a complete asshole now. And Tan was fine with that.

But, that ridiculous heart beats.. Did he just hear her heart flutter when she fell in his arms? Or was it his own heart?

Napatiim ng bagang si Tan. Now that was absurd. He despise her for ruining his life. He couldn't even stand looking at her. Amoy pa lang ng buhok ng babae, sapat na para ipaalala sa kanya kung bakit siya miserable..

Pero para siyang tanga, alam kasi ni Tan na inihanda niya kahit paano ang sarili para saluhin ang dalaga kanina.