1 FYMMP One

Karrie

"Bakit!? Bakit ako niloko ni Lukas!? I gave him all I have! My love, my body, my time, my money...lots of money! Pero bakit mas pinili parin niya ang mani!"

I arched a brow to Cedric aka Sia's obvious question. Pinagpalit kasi siya ng jowa niya sa isang merlat kaya heto siya nagngagawa.

But, duh, parang hindi na siya nasanay. Hindi ba niya pansin na paulit-ulit nalang siyang pinagpapalit ng mga nagiging jowa nito sa merlat?

Hindi naman din yan nakikinig sa advices namin madalas kaya hinayaan nalang naming maglabas ng sama ng loob. Good thing, malakas ang beat ng music kaya hinde siya maririnig ng lahat.

"Hay naku girl isayaw nalang natin ang problema. Arat sa dance floor maraming akong nasa-sight na poging fafangs." anyaya ni Greg aka Grace sa aming dramatic na frenny. She tried to drag her out of her sit but with no avail. Nagdabog lang ang gaga.

"Ayoko sumayaw kung hindi lang si Lukas ang makakasayaw ko! Si Lukas lang gusto ko!"

Napairap kaming lahat sa sinabi niya. Like, duh, we already heard that before. Pero wag ka! ilang araw lang may bago na yan ulit.

Ininom ko ang alak na hawak ko bago mag-comment. "Let her be, mga mare. Alam niyo naman na hindi magpapapigil yan sa kakangawa. If you want to dance, go ahead."

"What about you? Don't tell me you're not going with us?" Daniel aka Dane asked as she crossed her arms and arched her perfect brow towards me.

I lazily nod as an answered.

"Oh you are no fun, Karrie! Remember we didn't got here not only to accompany Sia but to enjoy as well." This time, it's Veron aka Veronica who always loves to reminds us that we're here to chill and look for handsome guys.

"I know. Its just that I'm not in the mood right now. Don't worry sunod nalang ako sa inyo later kapag nasa mood na ako, ok!" I smiled to give them assurance.

"Ok basta sunod ka ha!" ani Veron, sunod nitong tinignan si Sia na halos lango na sa alak at sabog na ang make-up sa kakaiyak. "At ikaw naman bruha! Mag-behave ka dyan ah! Wag kang aalis dito. Sasayaw lang kami saglit."

After that they excitedly joined the crowd.

Nagpaiwan talaga ako kasi bukod sa wala ako sa mood, hindi ko naman maiwan si Sia dito mag-isa. Kawawa naman broken hearted na nga e. Although nakakasawa na din kaya mas pinili ng mga friends ko sumayaw kaysa damayan ang baklang hindi naman nakikinig.

The music continue to blast wildly and loudly. Different lights grooving to the beat of the music. Everyone is enjoying dancing, gropping their asses to a stranger in the dance floor as the music continue.

While here I am, just drinking and chilling. Tamang tingin sa mga gwapong guys na dumadaan. Extra rice, please! Lol!

"Karrie, if you want to join them you can go. Don't worry I can manage." Sia said as she wipes her tears with a tissue.

"Gaga, wag mo kung intidihin. Iiyak mo na lahat at mag-rant para isang bagsakan na." irap ko dito.

Mga ilang minuto ko din binusog ang mata ko sa mga fafang nagdaraan habang inuubos ko ang alak na hawak ko, syempre with elegance. Malay niyo may makapansin ng beauty ko.

I turned to Sia whose now standing with a slight stagger. Her fresh and lovely face earlier now is a mess. Sabog na ang eyeliner at sobrang pinkish na ng mukha niya nagkaroon tuloy siya ng instant blush on sa buong mukha.

"Hoy gaga, saan punta mo?!"

She turned to me and smiled creepily. "Sha banyo. Nawiwiwi naw akow."

I winced at her odd behavior. Pero sinamahan ko parin baka kung ano pang mangyari dito e kahit na ayaw niya kong pasamahin. Krompalin ko kaya siya nang mas lalo siyang pumula.

Pagkapasok namin ng cr for females agad pumasok si Sia sa cubicle. Ihing-ihi yarn? And yes, dun kami pumasok sa CR ng girls coz why not? Duh! Buti nga walang nagamit ngayon kasi alam ko naman pagtitinginan ako ng mga chaka kasi mas maganda ako sa kanila.

Anyway, may dahilan din naman ako kung bakit ako nandito. Naiihi na din kasi talaga ako kaya pumasok ako cubicle na malapit kay Sia.

"Gagita intayin mo ako ha! Wag kang mag-ala Dora dyan! Okay!"

She didn't reply. Tsk, that bitch!

Naghugas ako ng kamay after kung umihi. Nagpa-cute muna ng kunti sa salamin kasi ang fresh ko padin kahit namumula na fez ko. Luh!

Ay teka si Sia nga pala! Lumapit ako sa cubicle na pinasukan niya.

"Si, tapos ka na?" I asked but no response.

I asked again baka kasi na-flush na siya ng inidoro. Malay niyo diba?

O kaya natulog si bakla sa bowl. Since hindi siya sumasagot, kinatok ko ang pinto but only to find out na hindi ito sarado.

Kinabahan ako kaya agad kong binuksan ito at wala doon ang baklang si Sia. Halos nawala ang tama ng alak sa akin. Hala! Nasaan na yun? I looked for her in every cubicle but I found nothing.

Impossible... How come I didn't hear her leave the cubicle? I was next to her so I will hear her leaving, her footsteps even the opening of the door...

Wait. Why am I overthinking? Maybe she went back already on our table and kaya hindi ko napansin dahil sa sobrang focus kong umihi. Tama! Baka ganun nga nangyari. Makabalik na nga. Sasambunutan ko pa yun sa pag-iwan niya sa akin, hmp!

Pero walang akong naabutan na baklang ngumangawa sa table namin. Walang Sia. Shit! Nasaan na yun?!

I scanned every corner, every individual of this club hoping to find Sia as well as my other friends. But those dim and colorful lights make it hard for me to see them.

I tried to call them on their phone pero hindi nila sinasagot. Damn! Anong gagawin ko? Ayoko naman makipagsiksikan para mahanap sila kasi tinatamad ako. Hays! Bahala na nga sila sa buhay nila. Malalaki na sila, alam nila ang tama at mali.

I'm decided to go back on our table. But my ass didn't took minutes on my seat as I go to look for my annoying friend. Dang! This is so frustrating! Pasalamat ka si Sia may konsensya pa ako at kunting pag-alala sayo but once I found you I'm still gonna pull your hair until you bald.

Sa parking lot ko siya unang hinanap since tinatamad nga akong makipagsiksikan sa loob kaya dito muna ako. Nagbabaka-sakaling nasa loob lang siya ng kotse niya at doon nakatulog.

Ako lang ang nasa parking ngayon at medyo nakakatakot ang katahimikan ditey. What if nandito si Sadako, si Pennywise o kaya si Chucky? OMG! I'm afraid pa naman sa multo. Napa-sign of the cross ako bigla. Calm down Karrie! Breathe in... Breathe out... You can do this. Bukas naman lahat ng ilaw at may CCTV naman kaya safe naman siguro ako... kahit sa multo.

I easily spotted her car since she's the only one who has this kinda unique

designed- her favorite hello kitty. I knocked loudly on the window to wake her up in case she's inside.

"Sia? Sia? Andyan ka ba?" Walang sumagot kaya sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan pero naka-lock iyon.

I rolled my eyes in my annoyance. So ane itey? Wala siya dito? Eh saan naman magsusuot yun? I guess I have no choice but to go back and check her from the crowd. I just wish Sia is there so I can return to our table and drink my alcohol in pleasure.

Nakakailang hakbang palang ako ng may tatlong lalaking humarang sa akin. Tsk, mabuti sana kung gwapo kaso mukhang sanggano e di ko bet. Tas colorful pa mga buhok at bundat ang tyan. Like ewww.

"Ahm excuse me, you're blocking the way." I said politely.

"Alam namin." bara sakin ni sang one na may kulay violet ang buhok at saka nagtawanan ang mga gago.

Napataas-kilay ko tuloy. May nakakatawa ba sa sinabi ko wala diba? Di ko nalang sila pinansin at maghahanap ng ibang daan. Pero agad akong hinawakan ng sang-two with orange hair -sa braso.

"Oh saan ka pupunta? Di pa tayo tapos mag-usap eh."

"Ano ba! Let go my arm!" I tried to escape from his grip but boy he's strong.

"Masyado pang maaga para umalis. How about join us? Papaligayahin ka namin. Gusto mo ba yun?" pilit pa ni sangtwo sa akin habang malagkit niyang tinitignan ang kabuuan ko.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa pandidiri. Like eww! Kung sila lang din naman... NO THANKS!

"Not interested. FYI bakla po ako at di ko kayo bet."

"Bakla ka?! Ganda mo namang bakla. Di bale may butas pa din naman

at mukhang masarap ka naman. Kaya pwede ng pagtyagaan." it's sangthree with the blue hair this time, at nagtawanan ulit sila.

Happy yarn? Anyway, lasing ba ito o naka-drugs? All of the above? Also, are they deaf? Sabing hindi ko sila bet e. I tried to pull my arm at ganon din ginagawa ni sangtwo.

"Ano ba bakla, wag ka nang magpakipot pa. Don't worry bibigyan ka pa namin ng pera after ka naming laspagin." Mga bastos.

Shit! I'm in big trouble, OMG! Hindi pwede lalambot-lambot ngayon kailangan kong ilabas ang pagkalalaki ko ngayon.

Ayaw mo ako pakawalan huh? I hold his arm and pulled towards my body and give him a hard kick on his belly.

Napasigaw sa sakit si sangtwo dahilan para bitawan niya ako. Tinulak ko siya sa dalawa niyang kasama at

saka tumakbo ng mabilis sa kabilang direksyon.

"HELP! HELP ME PLEASE! SOMEBODY PLEASE HELP ME!" I cried hoping that someone can hear me. Someone will help me. Please God send someone to save me.

Pakshet! Bakit kailangan mangyari sa akin ito! Naghahanap lang naman ako ng baklang lasing, why naman God?!

Sa kamalas-malasan naman kung kailan ilang metro nalang ako sa exit ay natapilok pa ako. I tried to move but I can't looks like I sprained my foot. Juicekolord! Bakit ko ba nalimutang naka-heels ako ng 5 inches.

"Walanghiya ka bakla pinahirapan mo pa kami. Pero okay lang, paano ba yan. Wala ka nang takas sa amin." hinihingal na sabi ni sangone nang maabutan nila ako.

"Gaganti ako sayong bakla ka. Yayariin ko yang pwet mo hanggang lumaki butas niyan!" sabi ni sangtwo at dahan dahan lumapit sa akin ganun din ang dalawa niyang kasama.

Fuck! Bakit kasi na-sprained ang paa ko ngayon. Ano nang gagawin ko? Mamamatay na ba ako? Is this my end?

"HOY MGA UNGAS ITIGIL NYO YAN!"

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses. It came from a guy, a beautiful guy. My savior!

"At sino ka naman para pigilan kami ha!?" maangas na tanong ni sang...pang-ilan ulit siya? whatever!

"Ako? Isang concern citizen lang naman. Well, kung hindi kayo magpapapigil dahil sinabi ko... baka sila kaya nila"

After niyang sabihin yun ay saktong dating naman ng mga- sa tingin ko ay bouncers at mabilis na lumapit sa mga sanggano.

They give threats and make an appeal to the bouncers pero binitbit parin sila palabas ng parking. Meanwhile, nakalapit na pala sa akin si beautiful guy. Umupo ito para pumantay sa akin at saka tumingin nang may pag-aalala.

"Hey sinaktan ka ba nila?"

Fudge! Pati boses ang ganda. May pagka-husky pero hindi malalim, parang boses...babae?. Imbes na sumagot ay hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. I feel his body stiffen, surely he was surprised by my action but still, despite of that, he let me hugged him.

"Thank you...my savior..." I murmured.

bago ako mawalan ng malay.

avataravatar
Next chapter