webnovel

Forgotten Memories (tagalog)

Sa di inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas nina Jei at Wonhi. Ang akala ni Jei na paghanga sa idolong gwapong modelo ay unti- unting lumalalim. Ngunit... may mahal na siyang iba!

Ruche_Spencer · Urban
Not enough ratings
56 Chs

A Temporary Escape

"Myo? (Ano?)" sigaw ni Wonhi na hindi ikinubli ang pagkairita. Biglang sumulpot si Rain at ibinigay ang kanyang cellphone sa kaibigan.

"Here!" saad ni Rain na halatang nagpipigil ng galit. Kunot- noong tinitigan ni Wonhi ang cellphone ni Rain. "Just watch!" saad ni Wonhi ng makita ang nagtatanong na mata ng binata.

Halos madurog ang cellphone ni Rain sa higpit ng hawak ni Wonhi. Hindi napiligan ni Jei na mapasinghap ng mapanood ang videong naglalaman ng isang interview sa dating manager ni Wonhi ng isang talkshow.

"Good evening, joining us today is the former manager of Wonhi Park to shed some light on the allegations about Wonhi's mental well-being. Thank you for coming," saad ng host. Tumango ng dating manager saka bumati sa audience.

"So, let's get straight to the point. What do you think is going on?" patuloy ng host.

Bumuntong-hininga muna ang dating manager bago sumagot. Lungkot, awa at pagsisisi ang nasa ekspresyon nito.

"What a fucking actor!" ngitngit ni Wonhi sa nasaksihang acting ng dating manager. Sinang-ayunan naman ni Rain ang sinabi ng kaibigan.

"Well, after his accident, his demeanor changed. Wonhi became irritated and suicidal. Maybe because of his amnesia, he became even more frustrated and bitter about this world," panimula ng dating manager.

"How can you say that?" diretsang tanong ng host.

"We all know his soured relationship with his mother, right? While he was at the hospital, some people saw his mom going in and out of the hospital... with a smile of satisfaction."

Maririnig sa video ang halos sabay- sabay na pagsinghap ng audience at ang lumalakas nilang bulungan.

"Wow! He must be so hurt to know how his mom felt about his near-death experience," komento ng host.

"That's true. According to my reliable source, Wonhi becomes very grumpy and overly sensitive when it comes to his mom, especially that thing she wrote about Wonhi's death."

"Wait~ what? Could you say that again?"

Napipi at nagkulay- suka ang dating manager ngunit bigla itong nakabawi. Ngumiti ito sa host bago magpaliwanag.

"You heard it right. His mom wants him dead more than anything. If you were in Wonhi's shoes, you could react as he did. That guy is struggling both mentally and physically. So, all we have to do now is understand where he's coming from and extend our sympathy instead of mocking him."

"Wow, very well said. Thank you so much. Before you go, what's your message for him?"

Tumingin ang dating manager sa camera kaya't parang magkaharap sila ni Wonhi. Napigil ni Wonhi ang kanyang paghinga habang hinihintay ang sasabihin nito.

"Wonhi, I know that you're having a tough time. Please be strong and recover fast. I will be waiting for you. You know you can come anytime!"

Marami sa audience ang naantig at naiyak sa sinabi nito.

"You're such a good manager and a friend. He needs someone like you at this moment in his life."

Tipid na ngiti ang isinagot ng dating manager. Kumaway pa ito sa camera bago magtapos ang programa.

"I'm gonna kill him!" sigaw ni Rain. Muntik itapon ni Wonhi ang cp ng kaibigan kung hindi lang mabilis ang mga kamay ni Jei.

"How can he lie like that?! And those bunch of idiots are buying it?!" naghihimagsik na saad ni Wonhi. Sigaw dito. Suntok doon. Sukdulan ang galit ng dalawa sa dating manager nito.

"Shut up! Both of you, please!" sigaw ni Jei. Halos sabay na bumaling ang dalawa sa dalaga.

"What?" halos sabay din nilang sabi.

"The thing he said about your mom... about her wish for you to die. Don't you think it's strange? We've never published it to the public, right? How come he knows about it? Unless...," naghihinalang sabi ng dalaga.

"Unless he's knows more what we do," pagtutuloy ng kanyang kuya.

Hindi na alam ni Wonhi kung ano ang tama at mali dahil sa samo't saring impormasyong nalalaman niya kaya't napagpasyahan nilang magbakasyon muna sa isang private resort malapit sa dagat sa Timog upang makapag-isip ng mabuti.

"Let's do it this weekend. Seriously, you need a break from all this chaos," sabi ni Rain sa kaibigan na sinang-ayunan naman ni Jei.

"I don't know," walang siglang sagot ni Wonhi. "What's the point of running away?"

"I didn't say you run away. You just need a break to clear your mind," mapasensiyang paliwanag ni Rain.

Masyado itong apektado sa mga balita patungkol sa kanyang buhay. Ang mga nakaraan na pilit niyang kinalimutan ay muling nanumbalik at nagdudulot ng panibagong sakit.

"Fine," tanging sagot ni Wonhi.

"Good! We will leave on Friday afternoon."

Noong una ay ayaw pumayag ni Rain na dalawa lang sina Wonhi at Jei na pumunta sa resort lalo pa't three nights and two days sila doon. Ngunit wala siyang nagawa dahil kailangan niyang harapin ang press sa mga susunod na araw.

"Wonhi, I am warning you!" seryosong saad ni Rain sa kaibigan.

"Kuya naman!" inis na sagot ni Jei.

"Don't worry. I am too occupied to even think about that!" walang ngiting sagot ni Wonhi sa kaibigan.

Tahimik ang dalawa habang bumabiyahe sa paliko-likong kalsada. Matapos ang halos anim na oras na biyahe ay nakarating sila sa kanilang destinasyon.

"This is beautiful!" nakangiting bulalas ni Jei habang pinagmamasdan ang isang traditional Korean inspired na bungalow. Itinayo ito sa pinakamataas na bagahi ng pampang kaya't tanaw mula dito ang magandang landscape na binubuo ng mga matatayog na pine trees, mala-pilak na buhangin at ang berde at asul na dagat.

"I know. Your brother knows where to invest his money," tipid ang ngiting saad ni Wonhi. Napansin ni Jei ang kawalang sigla ni Wonhi kaya't humarap siya dito at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Hey, you can't change your situation right now and I understand how difficult it is for you to deal with all of this mess. But, you need to forget all your worries while we are here. Do it... not for me... but for yourself!" masuyong sabi ni Jei.

Bumuntong- hininga si Wonhi at di nagsalita. Ngunit unti- unti ay nahawaan siya ng contagious na sigla at saya ng dalaga at muli itong ngumingiti at tumatawa sa mga kagagahan ng dalaga.

"Uhm... I have a question."

"What is it?" sagot ni Wonhi na nakahiga sa lounge. Umupo si Jei sa harap nitong sofa.

"Did kuya Rain ever had guests here?"

Biglang kumunot ang noo ni Wonhi sa tinuran ng dalaga. "Care to tell me why you think so?"

"Well, no guestrooms," sagot ng dalaga.

"Coz this is his love nest!" pilyong sabi ni Wonhi. Nanlaki ang mga mata ni Jei at pinamulaan ng mukha. Natawa si Wonhi sa naging reaksiyon ng nobya.

"Disgusting!" nandidiring saad ni Jei.

"What are you thinking?" tukso ni Wonhi.

"Nothing!"

"Just kidding! Rain brought no one here except me, of course. This is his sacred place. We often came here when we wanted to escape from the hustle and bustle of Seoul and... women, of course."

Tumikwas ang kilay ni Jei sa huling sinabi ng nobyo at pinag- isang linya ang kanyang mga labi. "Ah," ang tanging sagot niya.

Maluwang ang pagkakangiti ni Wonhi habang pinagpapamasdan ang dalaga. "Hey, that was long time ago," saad niya.

"So?" pabalang na sagot ni Jei kaya't lalong napangiti ang binata. "Anyway, what do you want for dinner?"

"Dinner can wait! I am sure you wanna see this first," saad ni Wonhi sa dalaga saka siya tumayo kaya't tumayo na din si Jei.

Naglakad sila patungo sa isang brick wall. "Wow! Ang ganda!" sarkastic na saad ng dalaga.

"Hold your breath, love. I'm about to show you a bit of paradise," malambing na bulong ni Wonhi kay Jei habang nakayakap ito mula sa kanyang likuran.

Nahigit ng dalaga ang kanyang hininga ng unti- unting nahahawi sa magkabilang panig ang brick wall at bumulaga sa kanya ang isang malaparaisong tanawin.

"Oh my god!" sambit ni Jei.

"I know you'd like it!" nakangiting saad ni Wonhi.

Magkahawak- kamay silang naglakad patungo sa maliit na terrace kung saan matatanaw ang malawak na dagat. Ang palubog na ginintuang araw ay nagdudulot ng iba't- ibang kulay na animo'y ipininta sa kalangitan na nagbibigay ng nakakabighaning sunset view.

May mga ibong dagat na nagsisiliparan habang ang kumikinang na tubig ay marahang humahalik sa malapilak na dalampasigan.

"Your brother and I promised to show this breathtaking view only to the women we want to spend the rest of our lives with," masuyong sabi ni Wonhi sa dalaga.

"W- what?" nagtatakang tanong ni Jei.

"I can't promise a smooth sailing life but one thing is certain, I love you, Jei... now and until the day I die."

"Mahal din kita, Wonhi! And I am not asking for a perfect life because being in your arms is more than enough."

Tumingala ang dalaga upang salubungin ang mga labi ng kanyang kasintahan. Lumalim ang kanilang mga halik at ang kanilang mga kamay naging mapangahas. Nagprotesta ang diwa ni Jei ng biglang tumigil si Wonhi.

"Let's stop before we both succumb to our desires," sambit ng binata.

"But... but, what if I don't wanna stop?" biglang sagot ni Jei na ikinagulat ng binata.

"I gave my word to your brother. I have to keep it," paliwanag ng binata. Naiintindihan naman ito ng dalaga at isa rin ito sa hinahangaan niya dito. Meron itong paninindigan.

"Fine! Let's cook dinner before I eat you here," walang gatol na saad ng dalaga.

"Jei!" sagot ng gulat na si Wonhi. Tumawa lang si Jei saka tumakbo patungo sa kusina. Naiwan si Wonhi na pilit kinakalma ang sarili. "That lady!"