webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

9 The Council

"Hindi ako makapaniwalang pumayag silang iopen sa publiko ang Huyenbi." sabi ni Solead sa kaibigang si Roberto.

"Ano pa nga bang magagawa natin. Halos mga bata ang miyembro ng council ngayon at syempre gusto nilang makilala ang lugar." sabi ni Roberto na halatang dismayado din sa pagpayag ng konseho.

"Siya nga pala nabisita mo na ba ang mga De Francia? Kamuka ng mga apo ni Lorenzo ang mga kapatid niya." saad ni Roberto kay Soledad habang papunta sila sa City Hall.

"Hindi pa. Pero gusto ko silang imbitahin sa nalalapit na anibersayo ng bayan. It's three months away. Hopefully andito sila nun." sabi ng matanda.

"Nararamdaman ko na talaga ang tanda ko ngayon Sol. " sabi ni Roberto nang makarating sila sa City Hall. Tinignan naman ni Soledad ang kaibigan.

"Ikaw naman wag mo nang sabihin yan, oo matanda na tayo pero tignan mo kasing laas parin natin ang kalabaw." sabi naman ni Soledad. Pero sa totoo lang ay nararamdaman na talaga nila ang pagdaan ng panahon. Dumadami na ang kabataan sa lugar at kakaunti nalang ang mga matatandang nakakaalala sa dating itsura nito.

.

.

.

[Council Meeting]

Binubuo ng 30 katao ang council, mostly businessmen, businesswomen, members of the founding families, police chief and the mayor. Maliit lang ang bayan kaya magkakakilala ang bawat isa. Nagkakamustahan sila at nagtatanong kung kumusta ang negosyo at kung anu-ano pa.

"This council meeting's purpose is the opening of the town to the big city of Sanjati. For 100 years we have been laying low. Although we have frequent visitors it's no longer enough. Don't get me wrong, I like the privacy but I think it's high time to open the gates to the city of Sanjati." sabi ng isang businessman.

"I totally agree. We've been here for a long time and I think oras na para makilala ang bayan natin. Maliit man ito ay marami naman itong magagandang lugar." sabi ng isa.

"What do you plan to do with the old, dilapidated house?" sabi ng isang batang negosyante. Nagtinignan ang lahat sa mga matatandang miyembro. Tumahimik at ilang segundo pa ay tumayo si Soledad.

"If it's okay with you, I want to ask the grandchildren of the owners. It's not right to just demolish it, besides they still have some property in the area." sabi niya.

"What property are you talking about? They haven't been around for how-long and you won't agree that it's time to demolish it?" sabi ng mga nakababatang miyembro. Naging maingay muli ang konseho, maraming di nakakaalam sa kwento ng bahay dahil wala itong records o kahit ano.

"Enough!" sabi ng mayor at natahimik sila.

"Mrs. Francisco, would you mind telling the council the reason." sabi ng mayor. Alam naman ng mayor ang kwento ngunit ipinasaubaya na niya ito sa matanda.

"The reason why we can't demolish the house is due to a written promise between the founding families. It was signed a long time ago and we plan to keep this promise. They do not only own the house but half of Huyenbi is still under their name. You are even lucky you're not paying rent on the land your businesses are standing in." sabi ng matanda, nagulat ang ilan dahil totoo ito, wala silang binabayarang renta sa lupang kinatatayuan ng negosyo nila.

"The De Francias has been here for a week now and we are planning to invite them to the town meeting. These rumors about them being haunted or cursed has to stop. If you want to push through with opening the city to the public, we have to control these nonsense." dagdag ni Roberto na tumayo din.

Ilang paguusap pa ang nangyari at ng matapos ay napagdesisyunang buksan sa publiko ang Huyenbi sa eksaktong 100 na taon ng lugar. This way makakapaghanda ang mga tao at mabibigyan din ng pagkakataon ang mga De Francia na ayusin ang kanilang bahay.

Later that afternoon ay bumisita ang mga Francisco at Mendoza sa bahay ng De Francia. May dala silang pagkain at mga prutas.

"Naku pasesnsya na po at magulo pa ang loob bahay. Kakapakabit lang po ulit namin ng kuryente at maraming wirings ang kailangang palitan." tugon ni Katleya habang pinapapasok ang mga panauhin nila.

Nanlaki ang mata ng mga pamilya, tila tumigil ang panahaon sa loob ng bahay. Antigong mga kagamitan, at tila mga dekorasyong one of a kind. Makinis na sahig na gawa sa mahogany wood, isang malaking chandelier sa kanilang kisame, malalaking bintana na akala mo'y asa katedral ka. Pine wood naman sa mga pader. Ibang iba sa labas na akala mo'y sira sira.

"Magandang hapon po." sabi naman ni Mon na pababa sa hagdan na may dalang toolbox. "Maupo ho kayo maghahanda lang po si ate ng paiinom." dugtong niya at iginawi sila sa napakalawak na sala.

Nawindang sila sa malalaking bookshelves na andoon, marami din itong libro at halatang inalagaan. Nagulat si Raza dahil parang isang malaking silid-aklatan ito.

"Ako nga po pala si Mon De Francia. Katleya naman po yung ate ko." sabi niya habang parating ang kapatid at inilapag ang pagkain at maiinom sa mesa. Nagpakilala naman ang mga bisita nila.

"Kami ang mga Francisco, ako si Soledad, ito ang anak kong si Mira at ang asawa niyang si Roy, at ang apo kong si Raza." ngumiti at nakipagkamayan naman sila. "Katleya tama?" biglang tanong ng matanda sa dalaga. Tumango naman ito

"I swear you look like Catherine. She looks exactly like you." tugon nito. Natawa naman ang dalaga.

"Yan din po ang sabi ni lolo saakin noon." sabi niya.

"And this young man over here looks like Marcelo." sabi ni Roberto.

Napakamot ng ulo so Mon. "Hehe, hindi naman ho masyado." sabi niya.

"Kami naman ang mga Mendoza, I'm Roberto Mendoza at eto ang aking asawa na si Thea, and anak kong si Leo at asawa niyang si Freya, at ang mga anak nilang si Jason at Belle."

Matapos magpakilala ay nakwentuhan sila like old friends. Hindi mapigilang tignan ni Raza si Mon. Ilang beses nahuhuli ni Mon ang dalagang nakatingin sakanya at binabalikan nalamang niya ito ng ngiti.

"Anyway, we're here for a reason." biglang sabi ni Roberto.

Pinagusapan nila ang council meeting na ikinagulat ng magkapatid. Sino ba naman ang hindi magugulat kung sasabihin nilang nais ipagiba ang bahay.

"Pero wag kayong mag-alala. Hindi kami pumayag at sinabi namin na parte ito ng founding family. Sa Disyembe, sa 100 anniversary ng lugar, nais namin na ibukas ang lugar sa buong Sanjati, kung maaari ay matapos niyo ang pag-aayos ng bahay by then?" sabi ni Leo ang dating mayor ng lugar.

Tumango naman ang magkapatid.