webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

12 Paradise

Habang busy ang kapatid sa secret garden, ineenjoy naman ni Mon ang paglalakad sa bayan. Pumunta siya sa sapa na makikita sa lumang daan papuntang Huyenbi. Naalala niyang doon siya pumupunta kapag gusto niyang mapagisa. Sa di kalayuan ay ang local cemetery, sa kinatatayuan niya ay nakikita ang mosileyo ng kanilang pamilya.

"Ma, Pa, Lorenzo. We're home." bulong niya sa sarili. Hindi pa sila bumibisita sa mosileyo simula nung dumating sila. Usually doon sila unang pumupunta kapag dumadaan sila sa Huyenbi, pero dahil nagpapanggap silang mga apo ni Lorenzo ay kunwari'y hindi nila alam kung asaan ito. Isa pa'y ayaw niyang magtaka ang mga tao kung paanong andoon agad ang abo ng kanilang 'lolo' kung ngayon palamang sila bibista sa lugar.

Napabuntong hininga nalang si Mon. Sa dami ng lihim na kailangang itago ay hindi na niya masabi kung ano na ang totoo sa hindi. Napagdesisiyonan niyang lumangoy nalamang sa sapa. Pagtanggal ng shirt ay may tumiling dalaga na ikinagulat niya.

"Oh sh*t!" gulat din si Mon at sinundan ang tunog ng tili.

"I'm sorry. I didn't see anything. I swear!" sabi pa ng dalagang andoon habang tinatakpan ang mga mata.

"It's okay." sabi naman ni Mon na nagsuot muli ng shirt. "You're tha Francisco girl. Raza right?" tanong ni Mon, napatinging naman nag dalaga sakanya.

"Yes, I'm Raza."kalamado na sabi ng dalaga.

"You shouldn't be here alone. Baka hinahanap ka na sainyo." sabi ni Mon.

"Kaya nga ako nandito kasi ayokong mahanap nila ako. This place is my escape from the house. Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Raza.

"I used to go here." sabi ni Mon.

"Err... used to?" tanong ng dalaga. Napakagat naman ng dila ang lalake. Anong katangahan nanaman ba etong sinabi niya.

"I mean, my grandfather did, he told me a lot of stories about the place so I imagined going here a lot of times." palusot neto. Naniwala naman ang dalaga at tumango.

"Yeah, this place is wonderful." sang-ayon ng dalaga.

"You don't look happy," tugon ni Mon sa dalaga.

"I want to go away. Far away from this place." sabi ni Raza na hawak ang kanyang sketchbook.

"You wanna be a fashion designer? An architect? An engineer?" tanong naman ni Mon.

"I want to be a fashion designer, but my parents want me to stay here and do politics. Ayaw nila akong umalis dito sa Huyebi." sabi ng dalaga.

Nakita ni Mon ang lungkot sa mata ng dalaga. Tumabi ito sakanya at tinignan ang dalaga ng maigi.

"Alam mo ba na ganyan din ang nangyari samin ng ate ko. We want to go away, far away from everything. Pero eto, we're here in Huyenbi." sabi niya.

"Are you running away from something?" tanong ng dalaga.

"Not really." sabi ni Mon, I'm running away from time, sabi niya sa sarili.

"Well I want to run away from here. I'm just securing that meron akong pupuntahan before ako umalis. I don't care kung magalit sila mama at papa at lola. I'm 21 and I want to live on my own." desedidong sabi ng dalaga.

Namangha naman ang lalake. Naalala niya ang unang beses na nalaman niyang di sila tumatanda ng ate niya. Sobrang nataranta siya na di niya alam kung anong gagawin niya. Naalala niya pang inaway niya ang ate niya noon dahil di niya maintindihan ang nangyayari. Naalala niya pa kung paanong tumakbo siya sa kanilang bahay at nawala ng ilang araw.

"You know what. I'll show you something. C'mon." sabi ni Mon sa dalaga.

"Where are we going?" tanong ng dalaga.

"Paradise." sabi lang ni Mon, sumunod naman si Raza.

Umakyat sila sa batuhan sa gilidng sapa. Lumiko sa mapunong lugar at dumating sa isang malaking bato, na halos yakapin ng ugat ng malalaking puno. May mga baging na nalalaglag dito na parang kurtina. Walang takot na binuksan ito ni Mon at inalalayan ang dalaga.

Paglusot ng dalaga sa kurtina ng baging ay bumungad sakanya ang buong Huyenbi, natatanaw doon ang lahat, nakikita niya ang kanyang bahay, ang mga bahay ng De Francia, ang City Hall, ang simbahan. Napakaganda ng lugar.

"Wow." mangha na sabi ni Raza.

"Gusto mo talagang takbukan ang lugar na toh?" tanong ni Mon.

"It's not the place, but my family. Nasasakal ako sa ginagawa nila sa akin. I want to live, be free." sabi niya. Hindi alam ni Raza kung bakit sinasabi niya ang mga ito kay Mon. Komportable siyang kasama ito kahit ito palang ang pangalawang beses na nakita niya ang lalake.

"Well, if it helps I just want to say that you're lucky to have a family who are strict. They just want to protect you, but if you really want to go, why not ask them. Maybe they'll let you go. Like you said your 21, sinunod mo sila sa nais nila, maybe it's time to follow your dreams." sabi ni Mon sa dalaga.

"Thanks." sabi ni Raza kay Mon. Halos tatlong oras silang andoon sa tuktok ng bundok. Di matapos sa kaka drawing si Raza at nagkukuwento kay Mon ng mga kwentong bayan. Natawa pa si Mon ng makwento ang kwento ni Kalypso. Siya ang gumawa ng kwentong iyon at ikinalat sa bayan ng bumisita sila doon halos 30 years ago. Natawa nalamang siya dahil maraming nadagdag at nabawas sa kwentong ginawa niya.

"Mag-aalas kwatro na pala." sabi ni Raza. Napatingin naman si Mon sa relo niya.

"Tara na sa bayan. Baka hinahanap ka na." sabi ni Mon, tumango naman ang dalaga.

Bumaba sila sa bayan at nagpaalam sa isa't isa. Tila lumagan ang pakiramdam ni Raza, si Mon naman ay hindi matanggal ang ngiti sa mukha. Dumaan pang muli si Mon sa parke at naglakad lakad doon. Bumili siya ng bulaklak at wine para sa kapatid. Siguradong pagod siyang nagayos sa secret garden nila.

"Ate?" tanong niya pagdating sa bahay.

Walang sumagot at tanging ihip lang ng hangin ang sumalubong sakanya.