webnovel

Forever's Curse (tagalog)

Isang daang taong selebrasyon sa Huyenbi. Isang malaking pagsasalo na makikita ang ngiti sa bawat isa. Mga alaala ng nakaraan ang bumalot sa kapaligiran. Mga buhay na itinakdang magkita at mga sikretong pilit na nagpaparamdam. Hanggang kailan nga ba ang panghabangbuhay?

donzmojiri · Fantasy
Not enough ratings
22 Chs

10 The Picture

Excited ang mga taga Huyenbi sa nalalapit na anibersayo ng bayan, makikilala na sila ng Sanjati at maipapakita na nila ang kanilang lugar, lalago na ito at lalo pang dadami ang mamalagi.

Halos tatlong lingo na ang magkapatid sa lugar, nag-order sila ng maraming mga modernong mga gamit para mailagay sa bahay, halos wala namang sira ang mga gamit doon dahil maalaga silang magkapatid. Ang mga tao naman ay nagboluntayro na rin para tumulong sa paglilinis nga bahay, di naman tumutol ang magkapatid, nagkaroon sila ng mga bagong kaibigan. Naayos na ang bakod at hardin sa harap, napinturahan na rin ang bahay sa labas at nakikita na rin kung gaano ito kaganda. Napapatulala nalang ang ilan dahil sa hitsura nito.

"Ang ganda pala ng bahay! But nalang di pumayag ang mga matatandang ipagiba ito!" sabi ng isang dalaga na napadaan sa bahay.

"Sinabi mo pa! Akala ko talaga haunted house yan eh! Pano kasi ang tagal walang tumira." sabi ng kasama nito.

"Alam niyo bang ang bait nung magkapatid na anjan! Parang piyesta kung magpakain sa kung sino ang bibisita! Daig pa si mayor!" puri Ng isa.

Sa di kalayuan ay nakatingin si Anthony sa mga mamamayan. Naengganyo ito sa kung paano nagbago ang kanilang pananaw sa dalawa. Habang tinitignan niya sila ay bumaling ang tingin nito sa dalaga. Inaalala niya ang unang beses nilang pagkikita. Ang unang beses na naamoy niya ang pabango nitong lila (lavender). Ilang minuto pa ay bumalik siya sa reyalidad.

"Stop it Anthony. Stop thinking about her." Sabi nito sa sarili.

"Ayos ka lang ba hijo?" tanong ni along Demetria. Halos araw araw atang ito ang tanong ng matanda sakanya. Ilang linggo na rin siyang namalagi sa paupahan ng matanda kaya naman araw araw sila halos magkita.

"Ayos lang po ako. Nabighani lang talaga ako sa lugar." Sabi nito,

"Sa lugar nga ba o sakanya?" biglang sabi ng matanda.

"H---ho?" gulat na tanong ni Anthony.

"Hijo, walang tao ang kayang tumambay ng halos isang oras para lang magkape." sabi ng matanda at tinignan si Katleya na nakikitang nagdidilig ng halaman.

"N---naku hindi ho sa ganun. Alam niyo naman ho ang trabaho ko." depensa niya.

"Bakit hindi mo pa lapitan? Gusto mo silang mainterview diba?" ani ni aling Demetria. Tumango naman ang lalake. "Oh siya, maiwan muna kita at mamamalengke pa ako." nagpaalam ang matanda at umalis. Bumalik naman ang tingin ni Anthony kay Katleya.

..Sa mga De Francia..

"Ate! Nakita mo ba to?!" excited na tanong ni Mon.

"Ang alin?" tanong din ni Katleya.

"Eto oh!" Sabay pakita ng isang lumang letrato nilang magkakapatid.

"Huy! Ano ka ba! Wag dito sa labas!" Sabi niya at inagaw ang letrato sabay tago nito.

"Ate calm down. Walang tao oh!" Sabi ni Mon. Binatukan naman ni Katleya ang kapatid.

"Kahit na!" Sabi ng dalaga.

"Bakit maganda ka naman jan ah!" pangaasar pa ni Mon.

"Che!" baling ni Katleya na ikinatuwa naman ni Mon.

"Ditong dito eto kinuha eh." sabi ni Mon at tumayo sa ilalim ng puno at ngumiti.

Natahimik si Katleya at tinignan ang puno. Naalala pa niya ang nangyari noon. Tandang tanda pa niya ang araw na nakuha ang letratong iyon.

Napalitan ng lungkot ang mukha ng dalaga. Nakita naman Ito ni Mon.

"Ate wag ka ng malungkot." tugon ng kapatid kay Katleya.

"Kasalanan ko naman kasi eh. Kung di natin kinain yung prutas edi sana..." naiiyak na ang dalaga.

"Ate please... don't. Nangyari na ang nangyari. Besides kung ikaw lang kumain nun edi mag-isa ka ngayon." tugon ni Mon.

"Pero... look. Iniwan mo si Lyn at Chad dahil sa ginawa ko. Kung alam ko lang back then edi sana..." tumulo na Ng tuluyan ang luha ng dalaga.

Niyakap naman siya ni Mon...

.

.

Totoong may sumpa. Pero sakanila lamang dalawa..

Katleya De Francia. 90 years old. Stopped aging at 25.

Mon De Francia. 87 years old. Stopped aging at 23.

Sinumpa ng magkapatid na balang araw ay makakahanap sila ng paraan para tumanda muli. Pero sa nagdaang mga taon wala silang nahanap na solusyon...