webnovel

Forbidden Love Is Dangerous

Dazz_Trea · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Chapter 3

Matapos ko maligo, bumaba din ako agad gaya ng sabi ni Kuya Tim. "What? I don't like her! Bakit ako magpapakabait?"- tumigil ako sandali at sumandal sa pader. Boses ng bata ang narinig ko. It seems ito ang bunso. Malaki ang kutob ko na ako ang pinag-uusapan nila.

"Don't worry about Noah. Dawn is kind.. she would be able to understand it"

"But Kuya Tim!-"

Hindi siya natapos ng makita ang pagdating ko. Gulat sila ng makita ako. Tumama ang tingin ko sa babaeng chinita at sa batang mukhang ayaw ako. Nakacross arm ito at masama ang tingin sakin.

I smiled.

"D-id you heard it?"- si Axel na ang naglakas loob na magtanong. Humalakhak ako "Actually I did not expect you to like me at all but for everything you have shown me since I came here in this house, I can't help but to feel happy. I never force myself to have a space in anyone's life. Gusto kong i-treat nyo ko sa paraang gusto niyo. Sa way na hindi kayo napipilitan" hindi ako naghahabol ng atensyon lalo na ng pagmamahal. Sanay ako ng mag-isa. My parents left me since i was a kid. I mean i born with no parents at all. I don't have any siblings. Mabuti nalang kinupkop ako ni tita. But then, that's it.. ni hindi ko nga siya nakita ng 7 taon. Ngayon lang ulit akong may nakasama.. at sapat na yon. Ayokong sayangin ang oras nila sakin.

"D-awn.."- bigla akong niyakap ni Intel. "no one is being forced lil sis. From now on, I will be your big sister. If you need something, lapitan mo ko. Kapag ginulo ka ng mga manyak na to, sabihin mo sakin. Ako ang gaganti para sayo. But the hell! Why do you have to be so pretty?"

Nagulat ako ng hinawakan nito ang balikat ko at mariin niyang tinignan ang kabuuan ko "Gusto mo maging model? It suits you well. Your beautiful and have a great figure. I can recommend you to my friends. They will surely like you. You can be a model in no time"

"Uhm hehehe may part time job po ako ate pero titignan ko po. I can do both naman po hehe"

"Where?"

"Sa fast food po"

Nanlaki ang mata niya "You don't need to work lil sis.. we can provide your needs"

Naiiling na napangite ako. Ayokong maging pabigat. Ayokong iasa ang gastusin ko sa kanila. Kaya kong sustentuhan ang sarili ko.

"Ate it's fine po. I want to be independent po"

"Then being model is better. Quit your job"

"I can also help you with that.. Gusto mo ba? Pwede kitang ipasok sa company ko"- Nathan recommended.

"Ate Intel is right, my angel"

"If you like ate, I can do two jobs, time management lang naman kailangan"

"Your still studying"

0_0

"I forgot! hehehehe"

"Can we discuss it later? I'm hungry"- kuya Yuhan winked at me. I smiled.

"Uhm i had eaten already.. lilibutin ko lang tong mansyon. Eat well! Hehehe. Btw ate thank you for decorating the room. I love it ^_^"

"Your welcome sis"

"Samahan na kita?"- nakatanggap ng batok si Xin kay Axel. "What?" - reklamo nito at hinawi ang buhok nito palikod. Napatawa na lamang si kuya yuhan, kuya nathan, at si Ate Intel. Habang si Axel ay nakasimangot. Napailing na lamang si Kuya Tim sa mga nakababatang kapatid nito. Habang ang pinabunso ay nasa pagkain lang ang atensyon..

Is really okay that I'm here?

"Ano ka ba Xin! Hahaha malaki na tong si Dawn. Hindi na kailangan ng patnubay mo"- natatawang sambit ni ate Intel. "Ayaw mo kumain ulit? Gusto ka namin kasabay"- aya ni kuya Nathan.

Ang bigat na ng tiyan ko. Kapag kumain pa ko, siguradong sasabog na to hahaha. Hindi na kakayanin ng sikmura ko.

"Ah hehehehe kakakain ko lang po e. Sorry po nauna na ko. Bukas sasabay na po ako"

"Nah it's fine.."- kuya tim said and smiled at me. Nakakahawa ang ngite ni kuya. Kung titignan, parang magkakasing edad lang sila. Well magkakalapit lang naman ata mga edad nila. 

Iniwan ko sila at umakyat sa 3rd floor. Ang lawak ng mansyon nila. Sa 3rd floor makikita ang Gym at antique. Kompleto ng gamit ang gym nila. Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang antique nila. It's really beautiful and unique but the place is kinda scary. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang naglalakad. Hindi kasi ganon kaliwanag ang mga ilaw. Pero kahit ganon mas pinili ko paring libutin ang buong lugar.

Nadapa ako ng bigla akong matapilok. Inabot ko ang bagay na nakaharang at tinignan ng mabuti. A key? Pero bat ang laki? Isang dangkal ang agwat nito sa ordinaryong susi.

Bakit parang may mali?

"eh? Para san to?" -takang tanong ko sarili ko. Nagulat ako ng biglang naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang susi na awtomatikong ikinapikit ng mata ko. I can't handle it. Mabubulag ako. Ng iminulat ko ang mata ko, konti nalang ang inilalabas na liwanag ito at napansin ko sa banda gilid na natatakpan ng isang shelve ang kaunting liwanag na nanggagaling sa ibaba nito.

Napakunot ang noo ko.

"Anong meron?"

Lumapit ako at sinubukang itulak ito. At sa kasamaang palad, hindi sapat ang lakas ko sa bigat nito. Lahat ng stance sinubukan ko, kulang nalang bumaliktad at mag tambling ako para lang matulak kaso wala talaga. Wait hahaha anong kinalaman ng pagtambling sa pagtulak? Darn hahaha I'm crazy..

Malalim akong napabuntong hininga. Maybe I can ask my siblings about this? Nac-curious ako.. I need to satisfy my curiosity dahil for sure hindi ako makakatulog. Pati sa panaginip ko dadalhin ko, and I don't want that. But it's already evening.. ayokong makaistorbo. Muli na naman akong bumuntong hininga at bahagyang inuntog ang ulo ko sa shelve. Agad kong sinalo ang statue na maliit ng muntik na itong mahulog. Napangiwe ako. Kapag hindi pa ko umalis, baka may masira pa ko..

"Dawn? Where are you?"- boses ni Kuya Nathan ang narinig ko na mula sa labas. Maraming shelves ang mga nakaharang kaya hindi niya ko makita. "Kuya Nathan I'm here po!"

"Hey Dawn are you here?"- malakas ang boses na ginamit ko.. pero bakit parang hindi niya ko narinig?

"Kuya!"

"Maybe she's not here.. naiwan niya sigurong nakabukas ang ilaw"- rinig kong saad nito at pinatay ang ilaw. At sinarado ang pinto.

Hindi ko alam kung anong nangyayari but I-m scared of darkness..

It makes me feel empty and scared..

This is my weaknesses..

And fear..

Nanghina ang tuhod ko at nabitawan ko ang susi na hawak ko. Hindi ko alam kung saan to napadpad dahil mukhang napalakas. Napasalampak ako sa sahig at niyakap ang tuhod ko.

Wala akong makitang kahit anong liwanag.. naiwan ko din ang phone ko sa kwarto.

Nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso ko, mas mabilis sa kanina. At nahihirapan na kong huminga.. Unti-unting tumulo ang luha ko.

"A-yoko n-nito"

Nagmamakaawa ako.. someone out there.. please help me.