1 Prologue

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Prologue

"O, Balanga! Sino pa Balanga d'yan? Sumakay na." Hiyaw ng pawisang barker ng jeep sa Decena Ave sa may Abucay Cafe and Garden.

Nagmamadaling sumakay sina Miggy at Benj sa jeep kasunod ang napilitang sumama na kaibigan na si Calev. Pupunta kasi ang dalawa sa bagong bukas na mall sa bayan ng Balanga at magsa-sight-seeing raw sila ng magagandang college students doon.

Isinama nila si Calev dahil masyado raw itong KJ kaya't hanggang ngayon ay walang girlfriend.

"Tell me why I agreed to this?" Inis na tanong ni Calev sa  sarili habang matalim ang titig sa dalawang kaibigang umiral na naman ang pagiging malandi pagdating sa babae.

"Pangit naman ng ambiance dito." Komento ni Benj habang hinihintay ang dalawa na magpa-check ng loob ng mga bag nila. Nauna kasi siyang pumasok kaya mas nauna siyang i-check ng guard.

Nagpasya silang kumain muna sa Romantic Baboy ng samgyupsal. Iyon lang yata ang lugar na trip nilang puntahan sa loob ng bagong tayong pasyalan. Ika nga ni Benj, wala namang magaganda.

"I'll just go and get some coffee. Do you also want one?" Tanong ni Calev sa dalawang kaibigan na nakaupo na at naghihintay na lang sa table nila ng inorder.

"Saan ka pupunta, pre? Walang coffee shop na malapit." Pigil ni Miggy sa kaibigan. Medyo malayo rin kasi ang pagitan ng pinakamalapit na coffee shop sa mall kung nasaan sila.

"Beanery. Gusto n'yo rin ba?" Tanong niyang muli sa mga ito pero umiling lang ang dalawa.

Umalis na siya at sumakay ng tricycle papunta sa coffee shop.

Nang makabalik siya ay mas dumami pa ang mga tao kaysa kanina. Grand opening kasi ng mall ngayon.

"Ah, malas!" Napalingon siya sa babaeng may dalang T-Square. Nagkahulog kasi ang mga ballpen nung babae sa sahig. Tinutulungan naman ito ng mga kaibigan niya na pulutin ang mga mechanical pens na nahulog ng babae.

Napakunot ang noo niya nang kasabay na yumuko ng babae ay bumagsak rin pababa ang bag pack na nakasukbit sa likod ng dalaga. Halos siya na ang mamula nang makita ang nasa likuran ng babae.

A huge dark spot was visible on the back of her maroon pants. It was obviously a spot of dried blood because of menstruation. He knew of it because he lived with his mom and two sisters.

Dali-dali siyang lumapit at agad niyang kinuha ang varsity jacket sa loob ng bag niya saka itinakip sa may puwetan ng babaeng nakatalikod sa kaniya.

Lumingon ang babae nang maramdaman ang presensya niya. "Excuse me?" Taas kilay nitong sabi at tinignan siya ng matalim sa mata.

"Pre, bakit? Malamig ba?" Takang tanong naman ni Benj sa kaniya.

"Anong problema mo?" Tanong muli ng babae.

Hindi niya masabing may tagos ito sa pantalon kaya't tinatakpan niya ang likuran nito. Iniisip niya kasing baka biglang makaramdam ng hiya ang babae kapag sinabi niya. Ayaw nya rin namang bastusin ang babae ng ibang makakakita. Hindi na niya alam ang gagawin.

Napagpasyahan niyang itali na lamang ang jacket sa bewang ng babae at hindi na lang magsalita pa.

Halos lumuwa ang mata nina Miggy at Benj pati na rin ng babae sa ginawa nya.

Nang matapos sa ginawa ay umikot na siya sa upuan katapat ni Miggy. Inilapag naman niya ang bag sa katabi niyang upuan.

Umakto si Benj na parang naiiyak at nagpupunas ng luha gamit ang isang dahon ng lettuce. "My baby is now a man!" Proud na sabi nito.

avataravatar
Next chapter