1 Yung CRUSH mo, Naging FIRST LOVE mo!

Makita lang si crush, kinikilig ka na.

Masulyapan lang siya, buo na ang araw mo.

Mapalingon lang siya, abot tenga na sa tuwa.

Hi! Ako nga pala si Anne isang masiyahin at simpleng babae lamang.

Umattend ako sa isang gawain sa simbahan para sa mga youth.

Pagpasok ko palang may isang lalaking aking nasulyapan at di maalis sa isipan ko.

Ang pangalan niya ay si John.

Sa tuwing nakikita ko siyang nag gigitara tila kinikilig ako.

Yung tipong maiisip mo nalang, akala mo ikaw ang hinaharanahan pero hindi pala.

Sa tingin mo? Sinong hindi magkaka-crush sa taong mahilig sa musika? For sure, lahat tayo.

Alam mo bang unang tingin ko palang sa kanya. Pinagdarasal ko na sana ay siya na nga at sinabi kong "Lord, I pray na siya na po ang makakasama ko sa habang buhay."

Sabi ko din sa sarili ko, kung sino man ang maging first love ko gusto ko siya na rin ang last love ko.

Alam mo bang sinagot ni Lord ang panalangin ko sa loob ng ilang buwan.

Akalain mo yun nagsimula lang kami sa magkaibigan ngayon ay magkaIBIGAN na.

Oo, sinagot ko siya nung niligawan niya ako.

Syempre, pakipot nang konti.

Pero naging KAMI.

My goshhh super duper saya ko dahil ang dating NBSB ngayon ay IN A RELATIONSHIP na.

Yung naging crush mo, naging first love mo.

Kapag bago pa ang isang relasyon, for sure andun pa yung pagmamahal niyo sa isa't isa.

Andun pa yung care niyo sa isa't isa.

Andun pa yung clingy kayo sa isa't isa.

Andun pa yung sweetness na meron kayo sa isa't isa.

Umabot halos walong taon ang aming relasyon.

Habang patagal ng patagal mas lalo akong napamahal sa kanya.

Isa sa mga sangkap para tumagal ang isang relasyon.

Kung ano ang pagkakakilala niyo sa isa't isa dapat tanggapin mo siya kung sino siya.

Mahalin mo siya kung sino siya.

At higit sa lahat si GOD ang maging sentro ng inyong relasyon.

avataravatar