webnovel

chapter 1 ang pagkikita

ako nga pala si Marie 18 yrs old ang story na ito ay hango sa totoong buhay ko.

Summer noon at ako ay naghahandang mag enrol para sa aking college degree,hindi kami mayaman,isang kahig isang tuka lang ang buhay namin,pang tatlo ako sa aming magkakapatid bale lima kami isang lalaki,apat kaming babae. mahirap Lang kami pero masaya naman ang pamilya namin.

gusto ko nakapagtapos ng college kahit two years course lang ito,at least masasabi ko sa sarili ko college graduate ako. Ang ikinabubuhay namin ng mga panahon na ito ay isang maliit na kainan sa may palengke,sa tabi ng kalsada ang pwesto ng aming munting kainan,masarap magluto ang tatay ko kaya iyon ang aming ikinabubuhay,ang mga customer namin noon,mga tindero at tindera sa palengke,mga driver ng motorsiklo,pedikab at ang mga taong minsan lumuluwas Ng bayan galing sa ibat ibang barangay.

after kung tumulong sa negosyo namin,umaalis ako at tumutungo sa school na papasukan ko ng college,nag inquire ako kung anong mga requirements ang kailangan sa pag eenrol. napili ko ang kursong computer secretarial noon,binigyam ako ng list anong dapat ipasa at gawin,magkano ang down payment at kung magkano ang tuition fees per semester. madami din mga estudyante nong time na iyon na nag iinquire about sa mga requirements at list ng mga courses.

dahil nakuha ko na ang list at requirements na needed,umuwi na ako upang makatulong ulit sa munting kainan namin,pagdating ko sa pwesto namin nagtanong ang Nanay ko "kamusta ang nilakad mo nak? sagot ko saknya ok naman po nay nakuha ko lahat ng listahan at kung magkano ang tuition fees per semester. "mabuti naman kung ganon nak,o siya ikaw na muna bahala dito at akoy uuwi muna para makapagpahinga,ikaw na magsara dito mamaya kapag wala ng gaanong tao,konti nalang din naman ang natititira, sagot ko naman,sige po Nay ako na po bahala dito. umuwi na ang nanay ko at ako nalang ang naiwan sa kainan namin,naging busy ako dahil maraming pumasok para kumain, late na ang lunch ng iba dahil market day noon,pero nakayanan ko naman dahil sanay na ako sa ganoon.

hanggang sa naubos na lahat ang aming tinda, akoy nagligpit na,hinugasan lahat ng huhugasin pinatuyo at naglinis sa buong pwesto. ganito ang araw araw na buhay namin,simpleng buhay lang pero kontento na kami.