webnovel

First love at that age

Excerpt: Kagagaling lang niya sa kaniyang maliit na groserya. Nadatnan niyang nakayakap sa sariling tuhod si Rebecca. Napahugot na lang siya ng hininga, nakikita na niya kung bakit narito ito at ganoon ang itsura. Nag-angat ito ng tingin Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Namumula ang mata nito. "What happen?" tanong niya. "Pasensya ka na Liberty. Ginamit ko ang duplicate key ng bahay mo. Its just that.... W-Wala akong mapuntahang i-iba.." Napahagulhol na ito. Umupo siya sa sofang katabi nito at tinapik ang balikat. "Its okay.. Anong nangyari?.." Malumanay na tanong niya. Muli na naman itong napahagulhol. "M-Maliit lang na p-problema pero..pero naging dahilan ng away namin at marahil nasaktan ko ang damdamin ni Jose kaya hindi na umuwi ng dalawang araw. Kanina nang bisitahin ko sa opisina ay sinabing hindi ito pumasok ng tatlong araw... Maaaring magkasama sila ng babaeng iyon!" Tumalim ang mata nito sa huling turan.. Nalilitong nakatingin siya sa kaibigan. Sa totoo lang hindi maintindihan ang paliwanag nito bagkus na magtanong muli ay nanahimik na lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "Ano ng balak mo ngayon?" "Maaari ba akong dumito ng ilang araw?" Nananantyang tanong nito. Kumunot naman ang noo niya. "Oo naman. Pero baka kapag umuwi na ang mister mo at hindi ka maabutan ay siguradong mag-aalala 'yon..." Hindi ito sumagot. Napasandal na lang siya sa upuan. Limang buwan lang na kasal ang kaibigan niya at heto hindi iilang beses na tumatakbo ang kaibigan sa bahay niya at doon umiiyak.. Makaraan lang ng isang araw o dalawa ay sinusundo na ng asawa at magkakabati agad. Pagkatapos ang saya-saya na naman ng kaibigan. Makaraan na naman ng mga araw ay umiiyak na naman itong uuwi sa bahay niya at mauulit na naman ang pangyayari.. Napabuntong hininga na lang siya. Sigurado naman siyang mahal ni Rebecca ang asawa at ganun din naman si Jose rito pero hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit palaging away-bati. Kung siya lang ang magmahal ay ayaw niya ng away nais niyang perpekto ang kanilang samahan sa asawa kung mayroon man ganoon, hindi na siya aasa na may lalaking hindi aawayin ang babae. "Matutulog na ako.." Paalam ni Rebecca. Tumango na lamang siya. Ang kanyang apartment ay may dalawa lang silid at may iisang banyong napapagitnaan niyon at may maliit na kusina sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan katabi lang ng kwartong inuukopa ngayon ni Rebecca at ang maliit na sala ay katabi naman sa kanya. Mula sa kanyang silid ay may pintuan ang banyo ganoon rin sa kabila kaya kung maligo siya ay ila-lock ang pintuan mula sa kabila kahit noon wala nang tumatao roon. Dati ay bahay nila iyong dalawa. Hati sila ng bayad ng mabili iyon. Pero ng mag-asawa si Rebecca mahigit limang buwan na ay ibinenta na sa kanya ang share sa bahay na iyon. Makaraan ng dalawang araw ay naroon na si Jose at sinusundo ang asawa. Sa una ay galit si Rebecca pero 'di kalaunan pagkatapos magpaliwag ng asawa ay nagkabati na sila. Umuwi daw ang asawa sa bahay ng mga magulang dahil sa hindi pagtitiwala ni Rebecca dito, nagselos lang daw ito sa wala kahit naman walang nakitang babae ang asawa. "Eh bakit tatlong araw kang hindi pumasok?!" Naghihimutok pa rin na usal ni Rebecca. "Kasi naman ang unang araw ng absence ko sa opisina ay naghanda ako ng surprise sayo pero hindi mo na nakita dahil sa nangyari. Monthly celebration dapat natin noong isang araw-" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang asawa ay tumalon na ito at niyakap ng mahigpit ni Rebecca.. Napailing na lang siya sa nasaksihan niya parang ganoon rin lang noong nakaraang nag-away ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sa loob ng bahay nangyari ng huli hindi tulad ngayon na sa labas at kasalukuyan niyang isinasara ang bahay niya. Papasok pa siya sa bangko. Isa siyang public accountant.

LikeNobody · Teen
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 7

Sa tindi ng panginginig niya ay nakatulog siya at nagising ng maliwanag na. Nang lumabas siya ay nabungaran niya ang tatlong lalaki sa salas si Manuel at dalawang unipormadong lalaki. Nakatalikod sa kanyang gawi si Manuel at paharap naman sa kanya ang dalawang pulis.

"Sir, gising na po pala ang girlfriend niyo."-sabi ng pulis na medyo mataba.

Agad bumaling sa kanya si Manuel at sinalubong. Inakbayan siya saka bumulong. "Sinabi kong girlfriend kita para hindi sila magtaka kung ano ang ginagawa ko rito sa eksaktong pinangyarihan ng krimen kung hindi naman tayo magka-ano-ano." Bulong nito sabay halik sa ibaba ng tainga niya.

Ngumiti siya sa mga pulis.

"Ma'am hinintay po talaga namin na magising kayo para kunin namin ang testamento niyo sa tatlong lalaking nagtangkang pasukin ang bahay niyo. Sabi nga ni Mr Manuel ay hinimatay kayo dahil sa niyerbiyos."

Muli siyang ngumiti sa mga ito at isinalaysay ang buong pangyayari. Nang makaalis na ang mga pulis ay hinarap niya si Manuel na tahimik lang at parang malalim ang iniisip. "Bakit mo sinabing hinimatay ako dahil sa niyerbiyos?"

"Hindi nga ba?"-Manuel.

"Alam mo, hindi ko maitindihan kung bakit sinabi mo pa iyon. Teka, ano pala ang nangyari kaninang madaling araw?" Curious na tanong niya.

Nagkibit-balikat si Manuel. "Nagtext muna ako kay chief Leo pagkalabas ko sa kwarto mo then tinutukan ko sila gamit yung baril mo tapos iyon na dumating ang mga pulis. Simple."

"Gago. Nagyayabang ka ba? Pupunta muna ako sa presinto para siguruhing makulong ang mga iyon."

"Kahit huwag ka ng pumunta sa pulisya, siguradong makukulong ang mga iyon. Maghanda ka na lang  mahuhuli ka na trabaho mo.."-Manuel

"Alam mo para kang ano. Basta titingnan ko muna ang mga iyon. Naku talagang tinakot nila ako." Kinuyom pa niya ang mga kamay.

"Liberty, wag na. Don't waste your time to them" pabuntong hiningang usal ni Manuel.

"Liberty." Ulit niya sa pangalan niya. "Parang ngayon mo lang binigkas ang pangalan ko. Masarap." Malawak ang ngiting sabi niya.

Sa huli ay pumayag na rin si Manuel na pumunta sila sa presinto. Nang tingnan niya ang tatlong suspect ay nagulat siya sa mga anyo ng mga ito.

"Bakit, bakit ganyan mukha nila?" Turo niya sa mukha ng tatlo na halos hindi na maintindihan ang mukha dahil sa suntok.

"I just give them a twice punch for each them you know para ipaghiganti ka.." Kibit balikat na sabi nito.

"Ano! Eh hindi lang dalawang suntok iyan eh.." Hindi makapaniwalang saad niya.

Buong araw ay balisa si Liberty. Iniisip niyang delikado pala ang nag-iisa, mabuti na lang at naroon si Manuel kung hindi ay baka tegi na siya. Kaya nga gusto mo ng mahanap si Mr perfect para may kasama ka na!  Sigaw ng isipan niya. Napangiwi naman siya dahil doon.

Sa araw na iyon ay hindi siya pumunta  sa grocery niya, itinawag na lang niya iyon kay Kori- ang pinakamatagal niyang clerk. Umuwi siya ng maaga dahil sa totoo lang ay natatakot siyang umuwi kapag madilim na dahil baka may masamang mangyari. Praning na siguro siya pero wala siyang pakialam. Gusto niya ng siguradong safety lalo na't hindi nagparamdam sa kanya si Manuel matapos siya nitong ihatid sa trabaho. Nasa labas palang siya ay napansin agad niya ang open niyang bintana namroblema na naman siya dahil sira pala iyong bintana niya. Panalangin niyang wala sanang pumasok doon.

"Problema..." Kinamot niya ang ulo. Umisip siya ng paraan kung paano solusyonan ang problema niya. Hindi naman kasi niya iyon naalala kaninang umaga. Humanap na lang siya ng pwedeng itakip doon.

"You look a loser business woman."

Napaigtad siya ng may biglang nagsalita sa likod niya. "Ginulat mo ako. Ikaw lang pala." Humawak pa siya sa balikat ni Manuel na parang nahahapo dahil sa gulat.

"Hindi inakala na gulatin ka pa lang tao."-sabi nito at tinungo ang malayong sasakyan. "Help me here! Gawin natin ang nasirang bintana mo."

"Ha? Gagawin natin? May gamit ka na diyan?"

"Oo. Comon, let's do your sliding window."

Tinulungan nga niya si Manuel. Si Manuel ang taga gawa habang siya naman ay abot ng abot ng kailangan nito. Habang ginagawa ni Manuel ang bintana ay napapalunok siya, mamasel pala ang lalaki, parang yung nakikita niya sa TV. Para itong model.

Ang batok nito pababa sa likod pababa pa sa pwet, ang umbok ng pwet ng lalaki. Lalo siyang napalunok. Ang mga binti nitong natatakpan ng jeans.

"Iabot mo na iyang hawak mo." Napabalik bigla ang tingin niya sa mukha ni Manuel. Nakangisi ito ng nakakaloko. Nag-iwas siya ng tingin bago binigay ang hawak.

"Naku, magkape ka muna bago ka umuwi..."-sabi ni Liberty kay Manuel na nakaupo sa monoblock. Katatapos lang ng activity nila. Mabilis siyang nagtimpla ng kape at kumuha ng slice bread at inilapag sa maliit na mesa.

"Sabi mo kape, bakit hindi itim?" Komento ni Manuel sa inihain niya.

"Maraming klase ng kape ano, may puti may itim mga ganun at wala pala akong black coffee. Ang timpla kong iyan ay greattaste 3in1 coffee. Tikman mo masarap."-udyok niya sa lalaki

"Pwede na rin. Saan mo ito natutunan?" Wika ni Manuel pagkatapos matikman.

"Uy! Grabe siya, hindi iyan natututunan, nabibili iyan ng nakamixed na at ibubuhos na lang sa tasang may mainit na kape. Maraming ganyan sa grocery ko."-Liberty.

"Ang dami mong sinabi. Atsaka ang sabi ko saan mo natutunan, ibig sabihin saan mo natutunan na bilhin iyan. Alangan naman na pagkaluwal mo alam mo na iyan."-nakangisi na usal ni Manuel.

"Tingnan mo, ang dami mong alam. Pilosopo!" Nanggigigil naman na sagot niya.

"Uy. Joke lang iyon. Paano na iyan. Aalis na ako."Tumayo na ito.

"Hoy. Kape mo. Ubusin mo."

"Ubos na kaya aalis na ako. May gagawin pa kasi ako eh." Sabi ni Manuel at umalis na nga.

"Patay. Nag-iisa na ako. Paano na ito. Shit!" Dali-dali niyang isinarado lahat ng pwedeng maisara.

Kinuha niya ang baril niya at hawak-hawak buong magdamag. Hindi niya alam kung anong oras siyang nakatulog, nagising siyang mataas na ang sikat ng araw.