webnovel

First love at that age

Excerpt: Kagagaling lang niya sa kaniyang maliit na groserya. Nadatnan niyang nakayakap sa sariling tuhod si Rebecca. Napahugot na lang siya ng hininga, nakikita na niya kung bakit narito ito at ganoon ang itsura. Nag-angat ito ng tingin Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya. Namumula ang mata nito. "What happen?" tanong niya. "Pasensya ka na Liberty. Ginamit ko ang duplicate key ng bahay mo. Its just that.... W-Wala akong mapuntahang i-iba.." Napahagulhol na ito. Umupo siya sa sofang katabi nito at tinapik ang balikat. "Its okay.. Anong nangyari?.." Malumanay na tanong niya. Muli na naman itong napahagulhol. "M-Maliit lang na p-problema pero..pero naging dahilan ng away namin at marahil nasaktan ko ang damdamin ni Jose kaya hindi na umuwi ng dalawang araw. Kanina nang bisitahin ko sa opisina ay sinabing hindi ito pumasok ng tatlong araw... Maaaring magkasama sila ng babaeng iyon!" Tumalim ang mata nito sa huling turan.. Nalilitong nakatingin siya sa kaibigan. Sa totoo lang hindi maintindihan ang paliwanag nito bagkus na magtanong muli ay nanahimik na lang siya. Makalipas ang ilang sandali ay nagsalita siya. "Ano ng balak mo ngayon?" "Maaari ba akong dumito ng ilang araw?" Nananantyang tanong nito. Kumunot naman ang noo niya. "Oo naman. Pero baka kapag umuwi na ang mister mo at hindi ka maabutan ay siguradong mag-aalala 'yon..." Hindi ito sumagot. Napasandal na lang siya sa upuan. Limang buwan lang na kasal ang kaibigan niya at heto hindi iilang beses na tumatakbo ang kaibigan sa bahay niya at doon umiiyak.. Makaraan lang ng isang araw o dalawa ay sinusundo na ng asawa at magkakabati agad. Pagkatapos ang saya-saya na naman ng kaibigan. Makaraan na naman ng mga araw ay umiiyak na naman itong uuwi sa bahay niya at mauulit na naman ang pangyayari.. Napabuntong hininga na lang siya. Sigurado naman siyang mahal ni Rebecca ang asawa at ganun din naman si Jose rito pero hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit palaging away-bati. Kung siya lang ang magmahal ay ayaw niya ng away nais niyang perpekto ang kanilang samahan sa asawa kung mayroon man ganoon, hindi na siya aasa na may lalaking hindi aawayin ang babae. "Matutulog na ako.." Paalam ni Rebecca. Tumango na lamang siya. Ang kanyang apartment ay may dalawa lang silid at may iisang banyong napapagitnaan niyon at may maliit na kusina sa kaliwang bahagi ng bahay kung saan katabi lang ng kwartong inuukopa ngayon ni Rebecca at ang maliit na sala ay katabi naman sa kanya. Mula sa kanyang silid ay may pintuan ang banyo ganoon rin sa kabila kaya kung maligo siya ay ila-lock ang pintuan mula sa kabila kahit noon wala nang tumatao roon. Dati ay bahay nila iyong dalawa. Hati sila ng bayad ng mabili iyon. Pero ng mag-asawa si Rebecca mahigit limang buwan na ay ibinenta na sa kanya ang share sa bahay na iyon. Makaraan ng dalawang araw ay naroon na si Jose at sinusundo ang asawa. Sa una ay galit si Rebecca pero 'di kalaunan pagkatapos magpaliwag ng asawa ay nagkabati na sila. Umuwi daw ang asawa sa bahay ng mga magulang dahil sa hindi pagtitiwala ni Rebecca dito, nagselos lang daw ito sa wala kahit naman walang nakitang babae ang asawa. "Eh bakit tatlong araw kang hindi pumasok?!" Naghihimutok pa rin na usal ni Rebecca. "Kasi naman ang unang araw ng absence ko sa opisina ay naghanda ako ng surprise sayo pero hindi mo na nakita dahil sa nangyari. Monthly celebration dapat natin noong isang araw-" Hindi pa man tapos sa pagsasalita ang asawa ay tumalon na ito at niyakap ng mahigpit ni Rebecca.. Napailing na lang siya sa nasaksihan niya parang ganoon rin lang noong nakaraang nag-away ang mga ito. Ang kaibahan lang ay sa loob ng bahay nangyari ng huli hindi tulad ngayon na sa labas at kasalukuyan niyang isinasara ang bahay niya. Papasok pa siya sa bangko. Isa siyang public accountant.

LikeNobody · Teen
Not enough ratings
13 Chs

Chapter 2

Naglalakad siya ng hapon na iyon. Galing lang siya sa groserya at kasasara lang. Malapit na siya sa bahay ng may masalubong siyang lalaking nagmamadali at sa pagliko niya sa kanto ay mayroon na naman masasalubong na dalawang lalaking halos tumatakbo sa pagmamadali. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Makaraan lamang ng ilang Segundo ay may masasalubong na naman siyang lalaking malalaki ang mga hakbang sa pagmamadali at kung hindi siya nagkakamali ay ito iyong nakasalubong niya ilang Sandali ang nakakaraan.

Kumunot ang noo niya. Ang alam niya ay nilibot lang nito ang eskinita sa kaliwa na pabilog. Lalong nangunot ang noo niya ng masalubong na naman ang dalawang lalaki kanina. 'Naghahabulan ba ang mga ito?'

Pagdating sa dulo ng eskinitang iyon nakita na naman niya ang lalaki sa bandang kaliwa niya at tumigil ito bigla.

"Ha! Akala mo matatakasan mo kami..!" Boses iyon sa bandang kanan niya. Napatigil siya sa mabagal na paglalakad at lumingon sa kanan niya , doon ay nakita niya ang dalawang lalaki. Nakatingin ang mga ito sa kanya pero sandali lang ay natanto niyang sa likuran niya ang mga ito nakatingin. Mabilis siyang umatras para makita ang mga ito. Nakita niyang nakangisi ang malaking lalaki sa dalawa. At nagkibit balikat.

"Hindi naman sa tumatakas ako. Tara na.." Pinaypayan pa ang mga ito.

Nagkatinginan ang dalawa. "Wala na pare pinaglalaruan niya tayo.." "Wala tayong magagawa.." Sagot ng isa bago ang mga ito tinungo ang isang magarang sasakyan at binuksan ang backseat. Napatingin naman siya sa malaking lalaki ng lumapit sa kanya.

"Ako si Manuel. Ikaw?" May maliit na ngiti na wika nito at naglahad ng palad.

Ha? Agad naman siyang tumalima "Liberty.." Sagot niyang nakatingin sa mga mata nito na parang anumang sandali ay may gagawing kalokohan. Pagkalapat ng kanilang mga palad ay parang gusto niyang mahiya sa lambot ng palad nito bagaman malaki at malawak.

"Nice meeting you.." Turan nito bago humalik sa kanyang pisngi. Narinig na niya ang papalayong sasakyan subalit nakatayo pa rin siya roon at unti-unting hinawakan ang pisngi. 'I have been kissed and touch!' Bulalas ng isipan niya. Pero sino ang niloloko niya. Higit na alam niya ang ibig sabihin ng katagang iyon para iayon ang nangyari kanina lang. She must be over thinking this past few days to think that way.

Naramdaman niyang may kung anong bagay sa kanang kamay. Isa iyong calling card at sa estranghero iyon.. Nalito siya, bakit siya bibigyan ng calling card? Ano ang pinahihiwatig nito? Gusto ba nito ng textmate?

Napangiwi siya ng parang may napagtanto, Hindi kaya kinalawang na ang utak nun? "Sayang may looks pa naman.."

PABILING-biling si Liberty sa kanyang kama. Hindi siya makatulog dahil sa calling card. Naroong uupo at akmang pipindot upang tawagan. Naroong itatapon upang damputin lamang. Naiinis na siya sa sarili dahil doon.

"Okay.. Heto na talaga.. Itatanong mo lang naman kung siya ba talaga ang lalaking iyon at ang calling card..!" Salubong ang kilay na pagkausap sa sarili..

Ilang sandali pa lamang ay naririnig na ang tunog tanda ng tunay ngang nag-e-exist ang calling card.. "Hello..?" Boses iyon sa kabilang linya. Bigla siyang nataranta sa kasexihan ng boses. Ano ang sasabihin ko?. Tumikhim muna siya bago sinabi ang kung anumang naisip niya.

"Hello sino ito?" Napapikit siya sa sariling tanong.

"Ano! Ikaw ang tumawag!.." Angil nito.

"Ah.. Eh... Ano ikaw ba si-"

"If you are just some random pranks! Stop calling me kung ayaw mong pasabugin ko bungo mo!" Utas nito bago pinutol ang linya.

Sandali siyang natulala bago malakas ng humalakhak, ilang sandaling napuno ng halakhak ang silid. Sa isip niya'y kahit gaano kataas ng tinig ng lalaki ay nakakatuwa. Natatawa siya sa choice of words nito. "Hmmmn.. Medyo nakakaaliw pala ang mga pranks.."

Nagising siyang magaan ang pakiramdam kinabukasan. Sa opisina ay natataranta siya sapagkat ang hawak niyang big time costumer ay nais magka-appointment sa kanya direkta. Bakit naman kasi ako pa! Naroon naman si Mrs Asucena.

Sa harap ng bangko kung saan siya nagtatrabaho ay naroroon ang isang mamahaling restaurant kung saan ang reservation ni Mrs Solog- ang big time costumer.

Magkaharap sila ng ginang. Napakaelegante at sopistikada nito.

"Hello ma'am.. Ano po ang maipaglilingkod ko.."

"I like you to change the costumers name which is me.. Change to Mr. Solog okay?"

"Hhmmn ma'am, I think hindi po sa akin dapat po ay sa nakatataas iyan ipaalam ..." Naguguluhang turan niya.

"I know" nakataas ang kilay na sagot ng ginang. "I don't want to talk to your manager, he's irritating!" Inis na sabi nito.

"Ha?" Nasabi na lamang niya. Ang ginang ay napagkamalang lalaki ang boss niya.

"What?! Stop lookin' at me like that!" Bigla na lang itong tumayo at umalis.

Nganga naman siyang naiwan. Parang lately ay nakakasalamuha siya ng mga weird at alien na tao.

GABI na at nagdadalawang isip na naman kung tatawagan ang may-ari ng calling card ng nagngangalang Manuel Solog. Solog? Parang narinig na niya ang apelyido na iyon. Ikiniling na lang niya ang ulo bago nagpractice ng speech para sa lalaki para Hindi mangyari ang nangyari sa nakaraan.

"Hello.." Sa Kabilang linya.

"Hello din po, good evening sir! Ikaw ba si Manuel Solog? Ako po si Liberty Cruz at kinukumpirma ko lang po kung nag-e-exist ang calling card na binigay niyo noong isang araw..." Mabilis at dire-deretsong wika niya. Walang sumagot kaya tiningnan niya ang selfon niya kung naputol.

"Sino ang nagbigay sa iyo ng calling card ko?" Maya-maya ay sabi nito.

"Ikaw.. Nagpakilala ka ngang Manuel tapos iniwan mo sa akin itong numero" nag-aalangang sagot niya.

"Look. Sobrang abala kong tao para magbigay ng ganyan sa kung sinuman kaya tigilan mo na ako. Ikalawang tawag mo na ito. Personal number ko pa ang nakuha mo."

"Hindi ko 'to kinuha. Binigay mo ito." Kaila niya.

"Whatever. Wag ka ng tumawag." Ulit nito. Ang sexy ng boses nito.

"Okay." Siya na ang pumutol sa linya.

Tumipa siya ng mensahe sa lalaki. Naghintay siya ng reply nito sa message niya. Napapangiti na lang siya. Sinabi nitong wag tumawag kaya nagtext na lang siya. Subukan ngang magtextmate .

Sandali lang ay may reply na ito. 'Sinabi ko ng tigilan mo ako'-manuel

'Sabi mo tigilan kitang tawagan kaya itetext na lang kita.' - Liberty

'Ang kulit mo miss' -Manuel