webnovel

Forbidden Love

Third person's Pov...

Habang natataranta ang driver ng taxi ay ngumiti si Miki.

Pinaalis niya sa steering wheel ang driver at siya ang pumalit dito hindi na nakapalag ang driver dahil ng mapagtanto niya ay hindi na siya nakaupo sa steering wheel ay nakita niya ang galing sa pagmamaneho ni Miki.

Habang nag dadrive ay palingon lingon siya sa mga sasakyan sa paligid at nang makita ang hinahanap ay sinundan niya ito.

Nang lumiko ito ay pinabalik ni Miki ang driver sa steering wheel at lumabas siya.

"Dito lang po kayo wag kayong aalis" Yun na lang ang sinabi ni Miki at tumakbo papalabas ng kotse.

Tumakbo si Miki sa diretso sa isang bakanteng lote at hinintay ang pag dating nang sasakyan.

Maya maya ay dumating na ito at bumaba kaagad ang nasa loob upang sunduin na si Miki.

"Kuya Karin hayaan mo na ako" napatigil sa paglalakad si Miki dahil sa sinabi ni Miki.

"Ano pong ibig niyong sabihin lady Miki hindi ko po kayo maintindihan." naguguluhang tanong ni Karin sa prinsesa.

"Mahal mo si Koizumi Akane hindi ba? " Dahil sa sinabi ni Miki ay natulala sa kanya si Karin ngunit maya maya ay natauhan ito.

"Hindi ko po alam ang sinasabi niyo lady Miki" Dahil sa sinabi ni Karin ay nainis si Miki.

"Wag ka nang mag maang maangan kuya alam kong mahal mo siya dahil sinabi niya mismo sa akin na kayong dalawa ay..." Hinihintay ng iba pang kasama ni Karin ang sasabihin ni Miki nang bigla silang atakihin ni Karin.

Pagkatapos nito ay natahimik na lamang si Karin habang nakayuko.

"Lady Miki, ano... Ano pong gagawin ko nasa panganib siya pero hindi ko siya pwedeng iligtas, lady Miki tulungan niyo po ako. " Naiiyak na sabi ni Karin hanang nakatakip ang mga kamay sa mukha upang takpan ang kanyang pagluha.

"Kuya Karin may plano ako kailangan lang nitong masunod para hindi tayo pumalpak" Seryosong saad ni Miki habang papalapit kay Karin at may binulong dito.

Pagkatapos ng pagbulong ni Miki kay Karin ay dali dali siyang umalis upang balikan ang Taxi na iniwan.

Nang matanaw ito ay ngumiti na lamang siya at pagkapasok sa loob ay sinabihang pumunta sa isang abandonadong gusali sa Shinjuku.

Nang naroroon na ay bumaba kaagad siya sa taxi at nagbayad.

Walang masyadong tao sa labas ng gusali pero mararamdaman mong may nangyayaring kakaiba sa loob.

Lumapit siya sa isang bintana at tiningnan kung may tao sa loob nang makitang walang tao ay doon siya pumasok at dahan dahang umakyat ng hagdan hanggang sa huminto siya sa fifth floor dahil sa naririnig na nagsasalita.

Nang makalapit ay doon lang niya narinig ang pinag uusapan nila sa loob.

"Haha oo nga napakaganda nga ng anak mo Koizumi mukhang bagay nga sila mg anak ko" Sabi ng hindi niya kilalang lalaki.

Nang makalapit siya ay sumilip ako sa bintanang may basag at nagulat ako ng makita kung sino ang nasa loob.

Ang lalaking nagsalita kanina ay ang taong bisita noon ng tito niya.

"Ngayon Jin may kasunduan na tayo?" Tanong ng ama ni Akane, ang leader ng Koizumi Clan.

Sa panahon na iyon ay nakumpirma niyang ang tito niya ang may pakana ng lahat ng nangyayaring gulo.

Kilala niya ang ugali ni Akane dahil minsan na siyamg nakasama sa isang misyon na dahilan ng pagtakas niya sa kasamaang palad ay nakita siya ng isa sa mga taga Koizumi Clan at muntikan na siyang patayin pero si Akane ang tumulong sa kanya na makatakas sa panahong iyon ay napagtanto niyang hindi lahat ng mga taga taksil na clan ay masama.

May mga katulad ni Akane na gusto lang ng tahimik na buhay.

Isang araw ay nakita niyang aalis si Karin ng mag isa at dahil napaka curious na tao ni Miki ay sinundan niya ito hanggang sa outer gate at doon niya nakita na tumakbo si Karin at hinawakan ang kamay ng isang napakagandang babae.

Nang makita niya ang babae ay nagulat siya pero pinalitan niya kaagad ng ngiti.

Bumalik siya sa kasalukuyan dahil sa tawanan ng dalawang lalaki sa loob ng kwarto pinagmasdan niya ang ekspresyon ni Akane at hindi niya mapigilang maawa sa babaeng ito.

Alam niya ang tunay na gusto ni Akane, isang simpleng buhay kasama si Karin, ang lalaking pinakakamamahal nito.

Dahil sa pagmamahalan ng dalawa ay biglang may sumaging tao isip niya at nagsimulang mamula ang kanyang mga pisngi, hindi niya maintindihan kung bakit sumago sa isip niya ang taong iyon pero sa tuwing nakakasama niya ito ay kakaiba ang nararamdamn niya.

Tinanggal na niya sa isip ang iniisip at sinimulang tingnan ang lagay ng lugar sa paligid bago niya binuksan ang pintuan, pagkabukas niya ay napatingin sa kanya ang mga tao sa loob.

"Sino ka, paano ka nakapasok dito!" Sigaw ng leader ng Koizumi Clan, hindi na lamang siya pinansin ni Miki at tumakbo papunta kay Akane pero bago pa man siya makalapit dito ay may humarang sa kanyang kasapi ng Koizumi clan, inilabas niya ang kanyang stun gun at ginamit ito sa lalaki.

"Mi... Miki Chan" Hindi makapaniwalang sabi ni Akane.  Simula ng una silang magkita ni Miki ay alam na ni Akane na si Miki ay ang isa sa anak ng Main Family.

Hindi na kinausap ni Miki si Akane at hinawakan niya ito sa kamay at itinapon ang smoke gun.

Bago ito kumalat ay sinubukan pa silang lapitan ng ama ni Akane pero hindi ito natuloy dahil sa natakpan na ng usok ang daanan niya.

"Ate Akane magtiwala ka sa akin ako ang magliligtas sa iyo" Pagkatapos sabihin iyon ni Miki ay hinila na niya si Akane sa daang naalala niya at nang makalabas sila ay may naghihintay na van sa kanila sa labas.

Nang makita ito ay naalarma si Miki at nagtago at tumakbo sa ibang direksyon.

Iisa lang ang nasa isip ni Miki, nasaan na si Karin sigurado siyang sinabi niya ng maayos dito ang plano niya. Biglang kinabahan si Miki sa mga nangyayari.

*Bang*

Biglang tumigil ang mundo ni Miki dahil sa nag iisang putok na iyon.

Biglang napabitaw sa kanya si Akane at nang makita niya na ito ang natamaan ng balang pinanggalingan ng putok ay napasigaw siya.

"Ate Akane!! " Hindi kinaya ni Miki ang sumunod na nakita, si Furuki ang nagpaputok ng baril at nakasakay siya sa tinakbuhang van kanina.

Bumukas ang isa pang pintuan ng van at lumabas dito si Karin na tumakbo sa babaeng minamahal.

Hindi siya makapaniwalang nangyayari ito, akala niya masusunod lahat ayon sa plano niya pero nagkamali siya.

"A... Akane please wag mo akong iwan please" Wala ng nasabing iba si Miki nakatingin lamang siya sa magkasintahang nasa lupa.

'Siguro masyado na akong nangingialam, gusto ko lang namang makatulong eh, gusto ko nang  matigil ang mga gulo na ito. '

Napatigil siya sa iniisip ng may humila sa kanya, nang iniangat niya ng tingin ay nakita niyang ito ay si Furuki.

"Miki anong ginagawa mo dito? Ayos ka lang ba?" Hindi ako makapaniwalang kamag anak ko ang lalaking ito, napakasama niya.

"Malaki ang naging kasalanan mo sa Clan Karin Zen ihanda mo ang iyong sarili para sa parusa mo" Napatingin si Miku kay Karin pagkatapos itong sabihin ni Furuki, tumayo lamang si Karin at nagpakita ng respeto kay Furuki kahit na kitang kita ang pagbuo ng kamao ni Karin.

'Patawarin mo ko, kuya Karin hindi ko natupad ang pangako ko. "

A Suivre....