webnovel

ASSASSINS' BASE II

Heidi's Pov...

"Salamat sa pagkain" sabi ng katabi kong babae na katatapos lang kumain,at ako naman nakokonsensya parin ngayon,dahil sa nangyari kanina.

Flashback....

*THUD*

Pagkamulat ko nagulat ako sa pwesto namin,nakahiga ako sa maliit na lamesa at nakadagan naman sya sa akin....

Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok..

"Adam it's dinner......."

Nabato kaming dalawa sa pwesto namin dahil sa nagsalita at sabay kaming napatingin. Oh my god..

"So...nakakaistorbo ba ako?" Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa akin at natulak ko sya, pero hindi lang basta tulak dahil tumalsik sya.Alam kong masakit yun dahil dumaing sya.

"Ok kung tapos na kayong maglaro lumabas na kayo" dahil sa konsensya ay napatakbo lang ako palabas bago pa makalabas si kuya..anong pangalan nya?well whatever,pagtingin ko sa likod nakasunod na si Killer na hawak pa rin yung ulo nyang nabagok.Titingin na sana sya sa akin pero mabilis akong tumingin sa harap.

..........

At eto na nga ako kumakain ng napakasarap nilang handa, grabe ang dami pala nilang assassin at kung titingnan mo parang ang sasaya pa nila. Inikot ko yung paningin ko para magsuri at may nakita akong dalawang babae na nag uusap usap. At napakalakas nila mag usap in infairness bonus ko na iyon.

"Kyaa alam mo kanina sa school nag hi sa akin si crush kya kya kya" sabi ng babaeng bibo at nakaponytail.

*Pak*

Nagulat ako sa ginawa nung kausap ng nakaponytail kasi binatukan ba naman sya.

"Ouch naman bakit mo naman ginawa iyon ouch ang sakit amasona ka talaga huhu"

"Baliw ka ba paano kung malalaman nyang isa kang assassin anong gagawin mo?" mukhang pinagsakluban naman ng langit at lupa iyung babae dahil sa sinabi nung nambatok sa kanya. Wait kanina pa talaga ako nagtataka, bakit ako pinayagang pumasok dito.

Dahil sa nagtataka na talaga yung curious  na part ng utak ko ay kinalabit ko yung babaeng katabi ko na sobrang dami ng kinakain."U..um excuse me" Nilunok muna nya yung kinakain nya."Bakit?" cool nyang sabi which I find it cute,  kasi napakarami nyang kumain pero ang kalmado pala nyang tao.

"Um di ba kayo nagtataka dahil andito ako sa base nyo?" bago sya sumagot ay sumubo ulit siya kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Hindi ba sya masasakitan ng tiyan nyan? "Oo naman as long as yung nagdala sa iyo ay miyembro, kampante na ang iba na hindi ka magsusumbong lalo na at ang assisstant master pa ang nagdala sa iyo." Ah ganon pala yun pero anong sabi nya.

"Um ano yung assisstant master?" nabilaukan sya sa sinabi ko at nagtatakang tumingin sa akin pero hindi pa rin nag iiba ang cool nyang mukha."Seriously hindi mo alam?" Magtatanong ba ako kung alam ko yun "Seryoso ako dito promise"

"He's..." hindi na naituloy ng babae ang sasabihin dahil may lumabas na tatlong lalaki at isa duon si Adam, pati narin yung lalaking nakakita sa kanila kanina.

"Konbanwa Seito tachi(Good evening students)" sabi ng lalaking nakita nya kanina pagdating nya palang sa temple "Konbanwa Sishou(Good evening master)" sabi naman lahat ng nasa loob. Wait ano daw? Okei hindi ako makasabay sa sunod na sinabi dahil nagsalita na naman ng japanese yung matanda at dahil parang nanonosebleed na ako sa sinasabi ay tiningnan ko ang mga tao sa loob ng dining room. Nagulat ako dahil nakita ko yung babaeng bibo kanina na nagnonosebleed. Nang tumingin sa kanya yung kaibigan ay nagpipilit lang ito ng tawa. "Grabe Cass kahit ilang beses talaga magjapanese si master di ko maiwasang manosebleed penge nga akong tissue." Inabutan naman sya nung Cass ng isang BOX ng tissue, wow ha di napaghahalataang ready sya masyado eh no. "Buti ka pa Cass kahit di mo naiintindihan hindi ka naman nanonosebleed" pfft nakakatawa naman yung babaeng yun dahil sa kanya nakalimutan kong manosebleed.

Maya maya ay tapos ng magsalita yung Master daw kuno at nagtaka ako dahil maraming tumili, pagtingin ko ulit ay kaya pala si Adam.Teka magsasalita sya. "Kyaa Adam pogi!" grabe nakakahiya naman yung babaeng sumigaw kahit kailan di ko ihuhumiliate ang sarili ko nang ganyan.

Tumawa lang ang mga tao sa loob at si Adam ayun parang wala lang,seryoso sya ngayon ah ano kayang meron?."I'll translate what master said, so you all better to listen carefully. We are going to have a meeting assassins so you all have to come, it's about this country's election and we're be talking about our celebration for finishing the Delta Clan. Now we only have 5 clans left. Attendance is a must and if you didn't come you must face the consequences of your actions. Do you all understand!" Natulala ako dahil sa lalaking nagsalita sa harap, what the...kung ganon isa syang leader? What?

"Now you know why" sabi na naman ng babaeng katabi nya.

"Kyaa ang cool talaga ni Adam" sabi na naman nung babaeng sumigaw kanina.

.........

Nandito na ako sa bahay at nakahiga na ako sa kama ko. Hindi pa rin talaga ako makamove on sa nangyari kanina yung lalaking yun ganon pala kagaling, at hindi lang pala sya killer isa sya sa pinakamataas at napatunayan nya yun.

Hay siguro dapat ko na talaga syang iwasan.

*Yawn*

Nakakaantok ang araw na ito,parang nung isang araw lang simpleng estudyante lang ako,well simple pa rin naman pero simple pa ba yung estudyanteng may kilalang killers. Well hindi na talaga kaya ng mga mata ko good night.....

......

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, well hindi kasi ako sanay na nakasarado ang kurtina ng bintana ko kasi naaapreciate ko ang mga stars, at dahil may pasok ay naghanda na ako..

Pagdating ko sa school ay dumiretso na ako sa room dahil aasikasuhin ko na naman yung listahan para sa sports fest. Hay pano ba kasi ito, nakakahiyang mag approach ng tao eh. Maya maya ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko pati na rin si Killer.

At nagulat ako dahil biglang pumasok na kaagad yung teacher namin sa Mapeh kahit last subject sya.Atbsa akin sya dumiretso."Ms Heidi Hernandez" kinabahan ang buong sistema ko dahil sa pagtawag ni mam ng pangalan ko."Po?.." kinakabahan talaga ako sa pag uusap na ito."Don't be scared I'm just asking if you finished the list and if not you may take some help dahil due date na nun ngayon ok" nagulat ako,so hindi sya galit, whew! nagkatrauma na ako sa teachers ko nung elementary eh,konting mali magagalit sayo ng bongga well matagal na rin yun pero nakakaramdam na lang ako ng takot minsan."So who wants to help Ms.Hernandez" walang nagpresinta kaya medyo feeling ko mag isa lang ako wala naman akong maasahan kay Sherrie kasi magaling lang sya sa daldalan.

"Ano ba iyan napakapabayang presidente naman nya "

"Oo nga eh akala ko ba tapos na iyan"

Pagtingin ko kay Sherrie ay magtataas sana sya ng kamay dahil sa nagbubulungan ng may ibang tinawag si mam.

"Ok Mr.Mendoza please help Ms.Hernandez and if this works I'll give you two a incentives" wa..what no! Bakit sa lahat sya pa.

A Suivre.....