webnovel

Assassin's Strength I

Ai's Pov..

Akala ko mababagot ako sa pagdating ko rito hindi pala dahil action agad ang napuntahan ko. Haha mas maganda pa to sa mga naencounter ko ah ang dami kasing tao eh.

"Pumunta na sa harap ang mga lalaban"tumayo na ako ng nakangiti at sumabay na lang sa akin sila Kuro.Pinalinya kami at pinaharap sa mga kalabanat sinabi ni Mr MC ang mga rules kaya tango lang ako ng tango.Napatingin ako dun sa nasa harap ko at nagulat sya.Ngumiti lang ako sa kanya dahil baka mamaya hindi ako makapagpigil hihi.

"So,sino ang mauunang lumaban?"tanong sa amin nung magandang babae na napakacool ng aura."Hehe ako na lang please nababagot na ako"napatingin sila sa akin na parang hindi makapaniwala,bakit ba gusto ko o mauna eh.I want to show off."Tatandaan mo Shiro di mo kailangang patayin ang makakalaban mo,kailangan mo lang syang talunin"wait nga lang para saan kaya ito?"Opps Kuro para saan ba ito ngayon ko lang napagtanto?"grabe ang lalim ng tagalog ko haha,di sya nakapagsalita sa sinabi ko at natahimik.Ang alam ko kasi ay kailangan lang nilang subaybayan ang organization pero kailangan pa ba ng ganito."Oh well umupo na kayo"tumango na lang sila at bamalik sa inupuan kanina.

Heidi's Pov..

Umupo na yung apat na member nung humamon sa kanila Trance at naiwan yung babaeng nakaputing hood. Ang lalaban sa grupo nila Trance ay si Paris sabi ni Trance magaling na thrower si Paris kaya siguro makakaya nya yan.Maya maya ay nagsimula na ang laban ay hindi pa rin tinanggal nung babae yung hood nya may pamysterious effect pa si ate.

"Konichiwa, hehe"sabi nung babae habang nagwewave ng isang kamay kay Paris.Si Paris ay hindi mo maikakailang seryoso sa magiging laban.Hinahawakan nya lang ng mahigpit yung kunai nya.Hindi namin inaasahang unang susugod yung babae at pinaulanan ng suntok si Paris pero nakakaiwas naman si Paris.

Maya maya ay hindi kami makapaniwala sa nangyari,sa isang suntok nyang yun napatalsik nya ng ring si Paris at halatang nasaktan si Paris dahil nakahawak pa rin sya sa nasaktang tyan.Tumayo sya kahit napakasakit ng sikmura nya at hinawakan ng mahigpit ang Kunai at itinapon ito sa babae..

Nagulat lahat ng tao sa loob dahil sa nangyari,walang kahirap hirap na sinalo ng babae yung kunai na dadaplis sana sa pisngi nya."Kuya kung mambabato ka ng kunai kailangan yung hindi ko masasalo,napakabagal at napakahina mo magbato parang slow motion lang"nagulat kaming lahat na nanonood dahil sa nangyayari,akala ko ba walang nakakatalo sa kanya pagdating sa pagbabato ng kunai pero walang kahirap hirap lang yun na sinalo nung babae grabe ang galing nya.

"Si..sino ka ba?"tanong ni Trance dun sa babae dahil sa frustration."Eh kailangan ko pang magpakilala?Akala ko ba maglalaban lang"biglang tinanggal nung babae yung hood nya at nagulat lahat ng taong nandoon pati na rin si Paris na nasa harap nya lang"Well anyway Konnichiwa ako si Ai Tsukishima"nagulat ako sa pangalang binanggit nya A..Ai?Nakakainis napakamakakalimutin ko alam ko narinig ko na yung pangalang yun kung saan."I..I forfeit"sabay sabay na napagasp yung mga tao dahil sa sinabi ni Paris.Napatayo lang si Trance dahil sa gulat.

Lalabas na sana si Paris sa ring kaya lang tinawag sya ng babae."Bakit?"biglang tinapon nung babae yung kunai na tatama sa muka ni Paris,napapikit na lang ako sa nangyari."Haha"tawa lang nung babae kaya tumingin ulit ako at nakita kong hindi iyon tumama kay Paris dahil nasa lupa na ito.Halata rin ang pagkagulat sa mukha ni Paris dahil sa nangyari.

Napakaraming gulatan sa araw na ito at sya pa lang ang unang lumalaban sa grupo nila."Sa susunod na magkita tayo kuya tuturuan kita kung paano gumamit ng kunai"yun lang ang huling sinabi nung babae bago takpan uli ng hood yung mukha at bumalik sa upuan nya.

"Whoo ang daming gulatan ang nangyari kanina ah kahanga hanga ang bagong grupo"sabi ng MC kaya dineklarang 1-0 ang laban at ang grupo ng babae ang lamang.Maya maya may tumayo na naman sa kanilang grupo at sa grupo ni Trance.Pagkababa nila ay nagulat kami sa ginawa nung babae."Kyaa Cass ang pogi nya kyaa"sabi nung babae at tumatalon talon pa.Wait kilala ko yun ah.Si..si Ranzel!Nagulat talaga ako sa nalaman ko.Kung nandito si Ranzel at Cass ibig sabihin si Adam yung lalaki kanina.Ano ginagawa nila dito?Tsaka yung Ai,ibig sabihin yung Ai sya yung White assassin diba.

Napatingin ako dun sa lalaki kanina at tama ako sya nga yung kanina pa nakatingin sa akin.Kahit ngayon ay nakatingin pa rin sya sa akin.Oo nga pala mayroon silang pupuntahang organization.Ito pala yun.

Magsisimula na ang laban ni Ranzel at medyo kinakabahan ako para sa kaibigan ni Trance.Ang lalaban kay Miss Ranzel ay si Nathan sya ang tactician ng grupo nila Trace pero alam kong wala syang laban kay Miss Ranzel."Hello kuya pogi anong pangalan mo?"tanong ni Ranzel kay Nathan."I'm Nathan and you are?"sagot naman ni Nathan."I'm Ranzel Delos Santos nice to meet you"hindi ko alam kung may laban bang magaganap kasi halata namang nagfiflirt yung dalawa sa harap."Um excuse me pwedeng mamaya nyo na gawin iyan dahil action ang gustong makita ng mga tao rito"tumango lang silang dalawa at handa ng lumaban.

Unang sumugod si Nathan pero nailagan lang sya ni Ranzel"Opps hehe muntikan na ako dun ah"nagulat si Nathan sa nangyari dahil alam nyang napakabilis ng galaw pero nailagan yup ni Ranzel.Mabilis na lumapit si Ranzel kay Nathan at hinawakan ang dalawa nyang balikat.Tatamaan sana sya ni Nathan pero mabilis syang nakapagvertical papunta sa likod ni Nathan na nakapagpagulat sa aming lahat.Napakataas nyang tumalon para bumaliktad ng ganon kadali papunta sa likod ni Nathan gamit lang ang paghawak nya sa balikat nito.Malakas na sinipa ni Ranzel ang lalaki dahilan para mapainda ito sa sakit.Pero ang nakapagpagimbal sa lahat ng naroroon ay ang hindi pagtigil ni Ranzel sa pananakit kay Nathan kahit wala na itong laban.

Pinatigil na nung mc si Ranzel at tumigil naman sya pero nagugulat pa rin kami sa nangyari napakalakas talaga nila.

A suivre...