webnovel

Fear The Unknown ( Cursed )

UNDER REVISION

Dazz_Trea · Fantasy
Not enough ratings
50 Chs

Chapter 32

Xynthia's PoV

Pagkagising ko ay agad kong hinanap sila Zeke ngunit hindi ko sila makita. Ang sinabi ni Headmaster ay pumunta daw sila sa Fire Village para gawin na ang misyon at hindi na daw ako pinasama dahil hindi naman nila pwedeng hayaan ang phoenex sa pamiminsala sa lugar at hintayin ang pag gising ko na wala pang kasiguraduhan kung kailan.

Napabungtong hininga na lamang ako ng napagdesisyonan kong sumunod sa kanila dahil sigurado akong hindi nila matatapos ang misyon na wala ako kahit gaano man kalakas si Zeke.

Agad akong nagtungo sa headmaster office at pinaalam ang balak kong pagsunod sa kanila. Hindi ako pinayagan nung una dahil kakailanganin ko muna daw na magpahinga ngunit napapayag ko naman to bandang huli at wala na siyang nagawa ng pumasok ako sa portal ng walang pasabi

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kung saan ako dinala ng portal. Nasa kalagitnaan ako ng paghuli at pagpigil nila Zeke sa Phoenex. Agad naman napatingin sa gawi ko ang phoenex

"Xynthia!"

"What the hell are doing there!?"

"Omyghad! Come here! It's dangerous there!"

Napaidtad ako ng biglang may humawak sa braso ko at agad napatingin sa taong gumawa non. Nanlaki ang mata ko ng makita si Zeke at hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ko ay agad na itong nagteleport dala ako sa tabi nila Clyde.

Napailing na lamang ako.

Crush na crush talaga ako ng kapahamakan.. grabe!

"Anong ginagawa mo dito?"- he coldly ask. Ako lang ba.. o talagang nag iba siya? Pinili kong isantabi ang lahat ng iniisip ko at napanguso.

"Bakit ayaw niyo bang nandito ako?"- imbis sagutin ay tinalikdan lamang ako nito.

~☆~

Simula ng mapakalma na namin ang Phoenex at mabalik ito sa katinuan ay hindi ko na mahagilap sila Zeke. Nakabalik na kami sa akademya at pilit kong iniisip kung anong dahilan ng pag iwas nila sakin. Hindi ako tanga para hindi malaman yon!

Tuwing nakikita ko sila at balak kausapin kung anong problema nila sakin lagi silang may mga dahilan. Busy 'kuno' sila kahit alam kong hindi naman. Sadyang umiiwas lang sila at makikita ko nalang sila na nasa cafeteria o library. Gagawa nalang ng palusot yung mabubuking pa. Tuwing naman gabi at oras na para matulog. Hihintayin ko sila tapos pagdating nila sasabihin lang nila 'pagod kami. Next time nalang' at hindi ko maiwasang maasar sa akto nila.

Agad naman nahagilap ng mata ko ang pag pasok ni Zeke sa garden. This is it! Hindi ko na hahayaan pang makatakas siya. I want to know what is going on at naging ganto ang pakikitungo nila sakin.

Agad akong pumasok sa garden at sinundan ito ngunit agad naman itong napahinto ng maramdaman ako at hinarap ako.

"What are you doing here ?"- he's voice.. naging mas malamig pa ito kumpara dati

"Tell me what's going on.. bakit niyo ko iniiwasan?"- mahinang sambit ko at pilit pinapatatag ang boses ko

"Wala ka bang balak aminin samin?"- malamig at matigas na saad nito. Agad naman akong napaisip. Ano nga ba? Wala naman akong maamin sa kanila dahil wala naman akong itinatago maliban nalang kung- Wait- don't tell me they already k-now? Kung ganoon! Wala na kong dapat ilihim sa kaniya! This is the right time to explain my side! I need to face the reality.. I need to be strong..

"I'm so-rry dahil ni-lihim ko sa inyo to ng matagal at alam kong sa oras na to ay galit na galit kayo sakin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dahil na-tatakot ako na hindi niyo ako m-atanggap.. na baka la-yuan niyo ko. Pero balak ko naman talagang sabihin sa inyo simula palang"- Nag simula ng tumulo ang luha ko. Hindi ko maiwasang maisip ang posibleng kahihinatnan nito. Pero sana pakinggan niya ko..

"I'm the d-aughter of the God-dess of Destru-ction.. at paniwala-an mo man ako o hindi. Hin-di ako katul-ad ng iniisip niyo. Hindi ako m-asama katulad niya at buong buhay ko ay hini-hiling ko na sana.. sana h-indi na lang akong pinang-anak-"- Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong niyakap.

"I'm not mad.."- mahinang saad nito at mas hinigpitan nito ang yakap sakin. It's been 1 month ng simula nila akong iwasan and i miss his hug.. I felt comfortable and safe between his arms

"I'm not mad and i don't have the right to be angry. Nag tatampo lamang ako na nalaman ko pa sa ibang paraan. Hindi ko alam ang pinag daanan mo at isa pa. Wala akong pakialam kung sino ka man at kung ano ang pinanggalingan mo. Ang importante ay mahal kita at magkasama tayo"- mas lalong akong napahagulhol sa sinabi nito.

"Pl-ease stop crying Xia.. my heart is dying"

Napaka swerte ko na sa akin siya napunta.. Wala na kong mahihiling pa. I want to be with him forever..

Your votes and comments are really appreciated!