webnovel

Fated To Love You (運命から始まる恋)

Douji Uehara's life was shattered when he lost his voice and he couldn't sing even though he wants to. Depression is killing him inside until he decided to end it all. A woman appeared all of a sudden and saved him from committing such a crime. Sa halip na magpasalamat, aba, siya pa ang galit! Isang taon ang nakalipas at maswerteng nakabangon si Douji. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila ng babae. Kinilala niya ito bilang si Elle Rosewood, ang fashionistang music instructor ng Sierra Vista Academy na talagang kinabog lahat ng modelo ng Asia's Next Top Model sa tindi nitong pumorma. Elle believes that music and fashion are the great combination. But despite the fact that she loves to play with melody, Elle was affected by her stage fright which stops her from pursuing her career to become a famous stage actress and broadway singer. A music lover and a man who despised music. Two individuals with different behaviors and perspectives. Parehong hindi magkasundo at walang gustong magpatalo. Mas pinili na magpalitan ng maaanghang na salita sa halip na magkaayos. Everything will change as soon as they woke up in different places - in each other's body. May pag-asa pa kayang magkaayos sina Elle at Douji kung ibang mundo na ang kanilang ginagalawan? ••• Japanese title: 運命から始まる恋 Started: July 11, 2020 Newly revised edition: September 2, 2020 Finished (Season 1): September 19, 2020 Season 2 premieres on September 20, 2020

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 6

Elle Rosewood's POV

It's been three days since my body had switched with Mr. Uehara. The tension is still there especially when I'm in their house. I'm afraid to caught by his parents - red handed and I don't know how to deal with it just in case it happens.

Nag-iingat din ako maski nasa school ako. Mas lalo akong naging aware sa kilos ko nang pagsabihan ako ni Mr. Uehara na lalamya-lamya raw ako. Baka doon pa lang, maniwala na si Mr. Sugawara at ikalat niya sa campus ang hindi maipaliwanag na nangyayari sa 'min ng estudyante ko.

Lunes na at marahil may idea kayo kung anong mangyayari within the next few minutes. Ang pinangangambahan ko lang, sumuko 'tong si Mr. Uehara at gawing puchu-puchu ang pagtuturo sa harap ng pisara.

Naka-sampung text na ako sa kanya and as usual, hindi nagr-reply ang damuho. 'Di ko alam kung nasa bokabularyo niya ang mag-reply o pa-VIP lang talaga siya at ayaw niyang sumagot sa text at phone calls.

"Ayos ka lang, Douji-san? Problemado ka 'ata," concern na sabi ni Mr. Sugawara na nasa tabi ko pala. Kailan ba ako masasanay sa existence ng mga tao sa paligid ko as Mr. Uehara? Ang hirap mag-adjust, my gosh!

"H-Ha? O-Okay lang ako. Thanks," sagot ko.

"You know, it's my first time seeing you so worried and nervous. Usually, you're the type of guy who doesn't care about anything. You slapped Miss Elle with your middle finger and you seem so proud of it!"

That's because I'm not your friend, mister. Wala ring saysay kung ipipilit kong ako si Elle at 'yong kilala niyang si Douji-san ay nasa katawan ko. Baka isipin niya, nasisiraan ako ng ulo.

"Is that so?" tanong ko nang may paghamon. "Now, get ready for all new Douji Uehara. I'm the not the same guy you've met before. Trust me," sabay kindat ko.

"D-Douji-san..."

"Hmm?" What's wrong with Mr. Sugawara? He looks scared.

"Your face is scary," he said. Hindi ko siya masisisi. Naka-smirk kasi ako that time at kahit papaano nakabawas 'yon sa kabang kumakain sa sistema ko.

"Get used to it, Mr. Sugawara. I'm not gonna waste this chance to bite back. You'll see."

"I don't know what you're talking about but you make me feel frightened."

Hinampas ko siya nang mahina sa likod. "Oh you fool, I was only kidding! Have a sense of humor!"

"Hehehe..." Alanganin pa siya kung tatawa o hindi. Goodness, now's not the time to show him my funny side! Obvious na obvious na walang humor sa katawan ang hinayupak na may-ari ng katawang 'to. Iniiwasan ko lang na magduda siya sa biglang pagbabago ng ugali ko.

But this person reminds me of Sabrina. They don't have the same looks but both of them were nice and easy to get along. Hindi ka mahihiyang makipagpalitan ng salita kasi pakikinggan ka nila.

"Yo! May dala akong porkbuns. Libre ko," bungad ni Louie na biglang pumasok sa eksena.

This guy, he doesn't have to treat us like babies. Last week, nilibre kami niyan ng lunch at nagmeryenda rin kami sa labas after ng klase namin sa PE. Tunay palang mababait ang batch ng first year ngayon. Wala akong masabing mali, maliban sa isang nilalang na ang kapal ng mukhang pagbintangan ako na kinulam ko siya.

I graduated in this school without being spoiled by my rich friends. Although, kaibigan ko sila, madalas kanya-kanya kami ng gastos kahit sa pagkain. According to Louie, hindi naman daw ganoon kayaman ang pamilya nila, sadyang hobby niya lang ilibre 'yong mga gusto niyang kaibiganin.

"Thanks," sabay na wika namin ni Mr. Sugawara saka kami kumuha ng tig-isang pork buns na nakasilid sa paperbag.

Naupo si Louie sa tabi ni Mr. Sugawara. Bale ang arrangement namin starting from left: Si Louie, si Mr. Sugawara at ako.

"Anong next class na nga natin?" tanong ni Louie sa amin.

"Music," sagot ni Mr. Sugawara.

Bigla akong nabilaukan nang sabihin niya 'yon. Agad napansin ng dalawa ang pag-ubo ko kaya inabutan nila ako ng bottled water. "Hoy! Okay ka lang, bro? Heto, uminom ka muna."

"Thanks a lot, Mr. Sugawara," sabi ko pagkainom ko ng tubig.

"Tama na ang kaka-mister mo. Mas matanda ka pa sa 'kin, remember? Dori na lang," anito.

"A-Ah. Okay, Dori."

"Kamusta na kaya si Miss Sabrina? Sabi ng isa nating kaklase, hindi raw siya pumasok dahil tinatrangkaso siya." Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Dori. Lubos na maawain ang taong 'to. Ganyan din kasi ang reaction niya last time noong sumakit ang ulo ko.

"Kaya pala pagpasok ko kanina, wala si Ma'am," ani Louie.

Sa katunayan, nag-message ako kay Sab gamit ang phone number ni Mr. Uehara at kinamusta ko ang lagay niya. Hindi raw siya makabangon sa higaan and good thing, andoon ang parents niya para alagaan siya.

Nakokonsiyensiya tuloy ako. Noong mga panahong masama ang pakiramdam ko, hindi niya ako iniwan hanggang sa masiguro niyang safe ako. Pero dahil sa sumpang ito, hindi ko man lang magawang bisitahin ang best friend ko.

It's no good to put Mr. Uehara in the scene. Makakaabala lang siya rito 'cause look. Do he look like someone who can deal with a sick patient? I don't think so! At saka, wala na ring oras. He would be here in any moment. Sana lang, ayusin niya ang pag-l-lecture kung ayaw niyang ipukpok ko sa kanya 'yong whiteboard eraser!

"Ah! Sana pasado ako sa quiz natin sa Music! Siguradong bagsak ako sa first practicum ko't pangit ang pagkakakanta ko. Sa quiz na lang ako umaasang makakabawi ako, e," worried na sabi ni Louie.

"Tss! Ikaw pa ba? Ang galing mo kayang kumanta! Saka ang dali lang magpa-quiz ni Miss Elle. For sure walang babagsak sa kanya. Maliban na lang 'yong isa diyan na nahuling nangongopya sa akin kaya binawian ng papel. Hahaha!"

Pasalamat ka Dori at wala sa tabi mo ang totoong Uehara at baka kung ano pa ang nagawa no'n sa 'yo.

As a matter of fact, Louie got a passing score in their first quiz last Thursday. As for his practicum, his performance wasn't bad pero stumbled siya sa mabababang notes. Better if he choose a song that fits to his voice. Mahirap din 'yong kakanta ka tapos wala nang marinig ang tao sa 'yo.

"That won't happen, guys. Hindi 'yon gagawa ng kabulastugan na pagsisisihan niya sa huli," bulong ko but unfortunately, one of them heard me.

May alas akong hawak laban kay Mr. Uehara kaya hindi niya puwedeng ibagsak ako para lang makaganti siya sa 'kin. Dahil oras na bumalik kami sa dati naming mga katawan, siya rin ang mags-shoulder ng problemang ibinigay niya sa sarili niya.

"What do you mean?" Dori asked.

"Oh, nevermind. It's not really important," sabi ko naman. Inubos ko na ang pork buns bago pa dumating ang bagyo─I mean, si Mr. Uehara. Oh, girl. Five minutes left. Sana magbunga 'yong itinulong ko sa kanya noong weekend at huwag mapunta sa wala 'yong lesson plan at reviewer na binigay ko kundi, lagot na!

"Si Miss Elle!" sabi ng babae naming kaklase. Nagsi-upuan na ang mga kasama namin sa classroom habang ako, napa-sign of the cross.

Everything will be alright, Elle. He can do it if he try...

Ewan ko kung ako lang ha, pero feeling ko, nabalot ng tension ang paligid nang pumasok si Mr. Uehara, to the point na tumahimik lahat ng tao sa loob. Hindi ako sanay na makita ang sarili kong naka-poker face. Jeez!

"Miss Elle was quite odd, wasn't she?" ani Dori sa aming dalawa ni Louie.

"Oo nga, 'no. Ngayon ko lang siya nakitang nakabusangot. Parang napipilitan lang siyang pumasok pero halatang wala siya sa mood," dagdag pa ni Louie.

"Maybe she's got affected by Miss Sabrina's absence."

"May point ka, Dori. After all, they are very good friends."

Pinili kong 'wag makialam sa usapan nina Dori at Louie. Tahimik lang ako sa upuan ko ngunit ang mas katakataka ay 'tong si Uehara.

Hoy, magsalita ka! Hindi mo ba kami babatiin ng good morning?! Gusto ko sanang ipagsigawan kaso alam mo na, baka ako pa ang lumabas na masama and for sure panalo na naman ang hunghang na 'to.

Nilabas nito ang isang kumpol na one-half crosswise papers. 'Yan 'yong mga papel na pina-check ko sa kanya kahapon. Aayaw-ayaw pa ang gago eh, paano siya magiging teacher niyan kung simpleng pagcheck lang ng papel ay hindi niya magawa?

"I'm returning your papers. Miss─no, Mr. Uehara, kindly distribute to your classmates." Inumang niya sa direksyon ko ang mga papel.

Wow ha, sa dami ng estudyante sa classroom, ako pa talaga ang inutusan mo? Nakakahiya, ha. Grabe!

Taas kilay kong kinuha ang mga papel at isa-isa kong tinawag ang mga pangalan nila.

"Kudo."

"Hai!"

"Zambrano."

"Paki-abot, mga pre!"

"Louie, oh," sabay bigay ko kay Louie ng papel niya. Abot langit ang ngiti nito nang makitang pasado siya sa quiz.

"Sugawara." Nilapag ko sa armchair ni Dori ang kanyang papel.

"Fernandez!"

"Ayun, salamat!"

"Uehara!" All eyes are on me as I called that jerk's name. "Mr. Uehara." Sa pangalawang ulit ko, muli akong namulat sa katotohanan na ako nga pala si Mr. Uehara.

Tinakpan ko ang bibig ko sa labis na kahihiyan. Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Paglingat ko kay Mr. Uehara a.k.a. Elle Rosewood, pinaningkitan niya ako ng mata.

My face is red! This is embarrassing!

"Oi, Uehara, daijoubu ka?" humahagikhik na sabi ng lalaki sa likod. I don't speak other language except for English and Filipino since I grew up here in Manila but I know it's Japanese.

"I'm sorry!" sabi ko, daig pa ang hinatulang guilty sa korte. After kong ipamigay ang papel nila, bumalik ako sa upuan ko at nakinig na sa ituturo ng magaling kong estudyante na bukod sa walang respeto ay kopyador pa.

•••

Isang oras na ang nakalipas at may natitira pang another one hour bago matapos ang kalokohang ito. Oo, kalokohan. Paano ko nasabi?

Naglakbay na po sa kalawakan ang topic na nile-lecture niya. Bukod sa hindi niya pinaliwanag nang maayos ang introduction, nag-jump agad siya sa staff nang hindi iniisa-isa ang klase ng mga musical notes.

Ang daming nagtatanong sa kanya pero halos 'di niya masagot. Ako na ang magsasabi, ha. Maliban sa akin ay walang naka-gets ng tinuturo niya! Kung makikita niyo ang sitwasyon, kahit saan ka lumingon, wala kang ibang makikita kundi mga batang nangangamote at hindi alam ang gagawin. Tsk tsk. I feel so sorry for them. Nadamay sila sa katanghan ni Uehara!

"Okay. Get one whole sheet of paper and we'll have a quiz," he announced. W-Wait, what? You're kidding me, aren't you?

Tinapunan ko siya ng mariin na tingin pero wala lang sa kanya 'yon. Kita mo 'to, ayaw akong pansinin! Paano na 'to? Hindi puwede 'yong magbibigay siya ng activity nang walang nakakaintindi sa lesson na tinackle niya! He actually wasted sixty minutes of his time! No, it can't be! I better do something!

Naglakas-loob akong tumayo at mahinahon siyang kinausap sa may teacher's table.

"Ikaw ba, pinag-aralan mong mabuti ang nasa module at lesson plan? Ba't ganyan ka magturo, ha? Para kang high school student na pinareport sa harap!" I whispered to him, carefully not to let others hear what I'm saying.

"Sa ayaw ko ng subject mo, e. May magagawa ka ba do'n?" pabalang niyang sagot. Naku, pigilan niyo ako! Kukutusan ko na 'to!

"Act according to your age, Mr. Uehara! Hindi ka na bata! Cancel this quiz of yours and save it next time kapag alam mo na kung paano magturo! Akala ko ba, nag-usap na tayong aayusin mo ang trabaho mo? Huwag mong dungisan ang pangalan ko! Hindi na nakakatuwa ito!"

Tinalikuran ko na siya at ako na ang kumausap sa mga estudyante niya na hindi niya ma-handle. Pambihira. I told them in behalf of the fake Elle na abangan ang handouts na isesend niya mamaya at mag-review dahil may quiz next meeting.

Students felt relief. May time pa silang aralin ang lesson na dapat ay teacher ang nag-provide and of course, may oras pa ako para turuan ng leksyon ang lalaking 'to.

"Gaya ng sabi ni Mr. Douji, ipapadala ko na lang sa groupchat 'yong handouts. Mag-review kayo kung ayaw niyong mabagsak," sabi ng nagmamarunong kong estudyante na ngayo'y isa nang AMAZING music instructor!

Paalala ba 'yan o pambabanta? Hahaha! Hindi sila mababagsak sa quiz mo dahil hindi sila nag-review. They would fail because you can't teach well! Bravo, everyone! This jerk deserves an award for being irresponsible!

We were left alone as soon as he declared an early dismissal. Nauna na 'yong dalawa (sina Dori at Louie) at sinabihan akong sumunod na lang sa cafeteria para mag-lunch since may isa pa kaming klase sa hapon.

"Let's have a cup of tea in my place," I proclaimed, trying to avoid his look.

He tilted his head. "Huh?"

"3:30 PM, after ng klase namin sa Facilitating Learning. Sasabay ako sa 'yo nang makatambay man lang ako sa sarili kong pamamahay. Perfect timing na rin 'yon para madisiplina kitang sutil ka!"

Mr. Uehara scratches his head. "Keep your ass out of my hair! You're starting to sound like my mother!"

"Aba, siyempre. Pansamantala mong hindi makakasama ang nanay mo kaya ako muna ang magsisilbing mong ina!"

"What the hell?" Pinasadahan niya ako ng tingin pababa at pataas. "I assumed you're just about my age and now you're acting like my mom?"

"What do you want me do to, eh? If you wish to break this curse, maki-cooperate ka naman! Hindi 'to madali kung inaakala mo!" Napabuga ako ng hangin sa labis na stress. Ang sakit sa ulo ng lalaking 'to kahit kailan!

"Stay in faculty room and pretend that you're not feeling well. Wait for my go signal saka ka lumabas. Magkita tayo sa usual meeting place natin. Subukan mo lang na hindi sumipot, palulunukin kita ng Strepsils!"

Tinulak ako ni Mr. Uehara gamit ang isa niyang kamay. Ang kapal kapal kapal ng mukha niya! Argh! "Leave me alone, you freak! Your face makes me sick!" asik ng gago.

Matapang ko siyang nginitian ng mala-demonyo. "Wow, kaninong mukha kaya ang nilalait mo? Hindi ba sa 'yo? Hahaha! Anyway, magtuos na lang tayo sa apartment ko so get ready, Mister."

"Hoy, Miss Elle na nasa katawan ko. Stop using my voice with too much girly accent. Para kang si Grell Sutcliff!"

"Oh, really? I like it, actually," panonopla ko tuloy. Finally, nakaganti rin ako! Elle - 1, Uehara - 0! Hahaha!

"Tss. Layas!" taboy ng buwisit.

Padabog akong lumabas ng classroom. Nakaka-limang hakbang palang 'ata ako ay nagdesisyon akong balikan siya. Naggagalaiti kong dinuro ang walanghiya two meters away from his position.

"Tandaan mo, Mr. Douji Uehara a.k.a. Poser na hindi marunong mag-lecture sa harap ng estudyante niya. Kapag hindi mo inayos ang buhay mo at hindi ka nagpakatino, ipapa-Tulfo kita!"