webnovel

Fated To Love You (運命から始まる恋)

Douji Uehara's life was shattered when he lost his voice and he couldn't sing even though he wants to. Depression is killing him inside until he decided to end it all. A woman appeared all of a sudden and saved him from committing such a crime. Sa halip na magpasalamat, aba, siya pa ang galit! Isang taon ang nakalipas at maswerteng nakabangon si Douji. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila ng babae. Kinilala niya ito bilang si Elle Rosewood, ang fashionistang music instructor ng Sierra Vista Academy na talagang kinabog lahat ng modelo ng Asia's Next Top Model sa tindi nitong pumorma. Elle believes that music and fashion are the great combination. But despite the fact that she loves to play with melody, Elle was affected by her stage fright which stops her from pursuing her career to become a famous stage actress and broadway singer. A music lover and a man who despised music. Two individuals with different behaviors and perspectives. Parehong hindi magkasundo at walang gustong magpatalo. Mas pinili na magpalitan ng maaanghang na salita sa halip na magkaayos. Everything will change as soon as they woke up in different places - in each other's body. May pag-asa pa kayang magkaayos sina Elle at Douji kung ibang mundo na ang kanilang ginagalawan? ••• Japanese title: 運命から始まる恋 Started: July 11, 2020 Newly revised edition: September 2, 2020 Finished (Season 1): September 19, 2020 Season 2 premieres on September 20, 2020

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 14

Elle Rosewood's POV

Dumaan ang maraming araw. Puspusan ang pagp-practice ng tatlo tuwing hapon after ng duty ko bilang professor. 5:30 na sila nakakarating sa apartment ko at ando'n sila hanggang 8 o'clock ng gabi. May pagkakataong super late na silang natatapos kaya ang ending, doon na sila natutulog. Prepared naman sila't may kanya-kanyang sleeping bag sila pagpunta nila rito.

Binahagi ko sa kanila ang ilan sa mga experience ko during my time kung saan minsan sa buhay ko, pinangarap ko ring lumikha ng pangalan sa music insdustry kagaya ni Douji.

Pero sa kasamaang palad, hindi ako napagbigyan dahil pagtungtong ko pa lang ng stage, sabutsaring reaksyon at panlalait na ang nakuha ko─simply because I made one mistake.

Isang pagkakamali na nagresulta sa pagkakaroon ko ng glossophobia.

Itinuro ko rin kay Douji ang technique kung paano niya mae-enjoy ang kanta nang hindi gumagamit ng matinding pressure sa vocal chords. In his case, hitting high notes or screaming would be impossible. Kung ako ang tatanungin, pabor ako sa kagustuhan nila Dori na pasukin niya ang pop genre.

Aside from the fact that it won't be hard for him to hit the notes, more opportunities are waiting for him since Pop is in demand these days.

Siyempre sa una, hindi naging madali na kumbinsihin siya, but as the time goes by, unti-unti siyang hinahatak sa tamang direksyon. Hindi siya iniwan ng dalawa niyang kaibigan na laging naka-suporta sa kanya at handang tulungan siya anytime.

According to their plan for the campus festival, they're going to perform a Japanese theme song ng isang J-Drama na ang title 'ata ay SIGN.

May halong rap at sayaw ang kanta nila kaya naman todo-practice sila gabi-gabi maitawid lang nila ang performance. A night before the actual day, nag-change location sila─mula sa tinutuluyan ko at sa bakanteng espasyo sa likod ng apartment complex, nakarating ang trio sa club room ng school for their last practice.

Nagpasya akong hindi na sumama at ayokong ma-spoil ako sa pasabog na gagawin ng tatlong 'yon. Sa katunayan, hindi ko sila pinapanood during practice. Nagkukulong ako sa kwarto ko hanggang sa matapos sila. Ang papel ko lang ay magturo at mag-share ng natutunan ko.

May na-receive akong SMS mula kay Dori passed 10:00 PM at ito ang nilalaman ng message.

Kakatapos lang namin mag-practice. Ready na kami para bukas! Thank you, Miss Elle for accompanying us! You're the best!

─Sugawara & co.

Dahil sa text message niyang iyon, mahimbing akong nakatulog that night.

•••

The next day, agad akong dumiretso sa gymnasium pagpasok ko ng campus. Bumungad sa akin sa labas sina Dori at Louie na palakad-lakad at hindi mapakali. Wait, where's Douji? Magsisimula na ang program! He should be here by now!

Humahangos nilang nilapitan ako nang tawagin ko sila. "Miss Elle!" anang dalawa.

"Anong pang ginagawa niyo rito sa labas? Saka, nasa'n si Douji?" medyo inis na ang tono ko dahil dapat ansa loob na sila ng gym at nagp-prepare.

Sumagot si Dori, "'Yon na nga, Miss Elle. Hindi namin siya ma-contact. Naka-off 'yong phone niya kanina pa."

"Have you tried to call his parents?"

"Nabanggit niya kahapon na nag-out of town ang Mama at Papa niya for one week. Mag-isa lang siya sa bahay nila," tugon pa ni Louie.

Nasapo ko ang noo ko. Paano na 'to? Hindi puwedeng um-absent si Douji kung kailan first day ng event at mismong araw pa ito ng performance nilang tatlo! What should we do?

"Messenger," banggit ko. "Check your Messenger accounts. Baka nag-chat siya sa inyo. Ang alam ko, may laptop siya. Lowbat lang siguro siya kaya hindi niya kayo masagot. Try niyo."

Dori volunteered to open his Messenger app. On the other hand, hindi ko mawari ang ginagawang pagkalkal ni Louie sa bag niya.

"Shit! Naalala ko, nanghiram pala ako ng charger kay Uehara kahapon!" sabi ni Louie. May inilabas itong charger ng cellphone mula sa bag nito.

"What?" asik ko. Omigod! I can't believe this is happening at the worst possible time!

Binatukan siya ni Dori sa ulo sabay sabing, "Eh, kaya naman pala hindi natin matawagan si Douji-san kasi lowbat ang cellphone niya at nasa'yo ang charger niya! Ulol ka talaga!"

"Sorry, pre. Nawala sa isip ko na ibalik sa kanya kagabi," pakamot-kamot sa ulo na sabi ni Louie bagay na lalong nagpasakit ng ulo ko. Urgh! Douji, where on earth are you?

"Heto na, may unread message ako galing kay Douji-san. Mainit-init pa," si Dori na hindi ko alam kung excited o kabado na ewan.

"Anong sabi?" tanong ko sabay inilapit ni Dori ang cellphone sa akin para mas makita ko.

Gomen, Dori. I hate to break this to you but I'm not gonna make it. I've been very ill since this morning. Please don't take this as an excuse to back out. You can do it, guys. I trust you. Sending my support to you and Louie. Good luck.

PS: My phone is dead so I crawl from my bed just to open my laptop and send this message. Louie took my charger.

"Ano balak?" tanong ni Louie.

"Tara, puntahan natin si Douji-san. Kawawa naman 'yon, walang mag-aalaga sa kanya─" Pinutol ko siya. Is he serious, really?

"Hep! Hep! Anong tara? Hindi kayo puwedeng umalis! Mags-start na ang program!" pigil ko sa dalawa.

"Miss Elle, what's the point of us stepping on stage if he weren't there? It's not like Louie and I can do it."

"You can. Kay Douji na mismo nanggaling ang salitang 'yan. Remember during the club rally? You did a wonderful job at hindi imposible na magawa niyo ulit 'yon this time. Kaya niyo 'yan, okay? Isipin niyo 'yong mga araw na nilaan niyo sa pagp-practice. Don't let it go to waste, idiots!" 'Di ako nakapagpigil at nasinghalan ko na sila.

Ngayon ko lang sila nakitang ganyan ka-duwag sa gitna ng krisis. However, they're college students, not a bunch of kids. Responsibilidad nilang tapusin ang karerang sinimulan nila, mapilayan man sila ng isang miyembro.

It doesn't matter if it's hard, it doesn't matter if you're alone. Hangga't may chance pa, hangga't may oras pa, you can make improbable things─possible.

"B-But Douji-san..."

"Ako na ang pupunta doon. Basta kayo, dito lang. Finish the race─para sa kaibigan niyo." Tumalikod na ako at nagmamadaling tumakbo ngunit tinawag ako ng isa sa kanila.

"Miss Elle!" si Louie.

"Relax. He'll be okay. Kung gusto niyo, sumunod na lang kayo after niyong mag-perform." Iyon ang huli kong paalala bago ako lumabas ng campus.

Sumakay ako ng cab at bumaba sa pinakamalapit na drugstore. Binili ko ang mga dapat na kailangan tulad ng gamot, Gatorade at simple ingredients for a ready to made soup. Then, I made my way to his place.

May nahanap akong duplicate key ng gate nila sa wallet ko at 'yon ang ginamit kong access para makapasok. Kumatok muna ako and as expected, walang sumagot. Pumasok na rin ako at umakyat sa taas.

Parang kailan lang, pabalik-balik ako sa hagdan na 'to noong nasa katawan pa ako ni Douji. Huwag lang sana ako maabutan ng parents niya rito, for sure pagkakamalan akong burglar or intruder!

Nakakatakot pa naman si Mr. Uehara! Pero ang sabi ni Louie, isang linggo raw wala ang parents ni Douji so malabo 'yong mangyari.

Pagsilip ko sa pinto, bumulaga sa akin si Douji, balot na balot ng kumot at nakabaluktot pa. Ibinaba ko ang mga pinamili ko sa gilid. Kinuha ko ang upuan sa study desk niya at naupo sa tabi ng kanyang kama.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot sa mukha nito. "Douji," pabulong kong tawag. Nang marinig niya ang boses ko, lalo niyang ikinulong ang sarili sa makapal na kumot.

"Koko de ittai zentai nani shiterunda?" Ano raw 'yon?

"Hay, naku. Tama na kaka-anime mo.'"

"Why are you here?" he asked. Ah, so iyon pala ang meaning no'n?

"Sorry, late nang nabasa ni Dori 'yong chat mo kaya ngayon lang ako nakapunta. Actually, they're insisting na sila ang bibisita sa 'yo pero gaya nga ng sabi mo sa chat, hindi sila puwedeng umatras so I convince them to do it for your sake," mahaba kong paliwanag sa lalaking 'to na ewan ko kung nakikinig o tinulugan na ako. Hindi kumikibo, e.

"Hindi ka na sana nag-abala pa. I'm not a bedridden, you know," pagsusungit nito. Mukhang bumabalik na 'ata ang sungay ng lalaking 'to, ah? 'Yan ba ang epekto ng lagnat sa katawan niya? Nagiging barubal, gano'n?

I kept on taking off the blanket all over his body. "Chotto! Omae wa!" Sinubukan mang agawin ni Douji ang kumot niya pero bigo siyang makuha ito mula sa akin.

"Oh yeah? But you seems like one." Pansamantala kong inilayo kay Douji ang kumot. "Kita mo, pawis na pawis ka tas nagkukumot ka pa! Baliw lang?"

"'Yong kumot ko..." nanghihinang usal ng loko-loko.

"Mamaya ka na mag-kumot!" Nakapamaywang kong sabi at doon, natahimik si Douji. Lumipat siya ng posisyon patalikod, yakap-yakap ang extrang unan sa tabi niya.

Binulatlat ko ang pinamili ko sa drug store at naglabas ng isang strip ng Koolfever. Bago ang lahat, pinunasan ko muna ang noo niya saka ko nilagay 'yong Koolfever. Shocks, babydoll! Ang init niya! Basang-basa rin ang t-shirt niya sa sobrang pawis na tumatagaktak sa kanya!

I took a pair of clothes from his wardrobe. I make sure na hindi mainit ang tela ng damit na napili ko para maging komportable siya. Bumalik ako sa uspuan at-

"Douji, umayos ka. Palitan natin 'yang damit mo. Naliligo ka na sa pawis.

"Ayoko!" pagmamatigas nito.

Hindi ako nagpatinag at pinilit ko siya. "Hindi! Magpalit ka! Paano ka gagaling niyan? Masyado mong pinapahirapan ang sarili mo, e. Pati ako inii-stress mo!"

"Umalis ka nga! Naiirita ako sa 'yo!"

"Douji, isa!"

"Get out!"

"Dalawa!"

"Alis na nga sabi!"

"Tatlo! Huwag mong hintayin na makarating ako ng lima! Tatamaan ka sa 'kin!"

"Oh, shut up! You're just like my mother!"

"Pwes, ako ang magiging nanay mo ngayon! Apat!"

"Wakatta! Wakatta!" Pinilit ni Douji na bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Bigla namang hinablot ng mokong ang damit na kinuha ko sa wardrobe. "Kaya ko na 'to. Lumabas ka na," nagtatapang-tapangang sabi nito.

Wow, talaga? Ano ka, superhero?

"Hoy, 'wag kang umasta na napaka-brave mo. Hindi ka si Superman! Ni 'di ka nga makagulapay diyan. Kaya mo? Ba't ba kasi ayaw magpatulong? Nahihiya ka ba?" Natameme si Douji. "Parang 'yon lang? Nakita ko na 'yan, 'no! 'Di ka kalakihan!"

"Uzee!" medyo napiyok pa siya n'on, take note. Pigil na pigil lang akong tumawa.

Hindi ko na siya pinakinggan pa at ginawa ko na ang nararapat sa lalaking 'to kahit napakalikot, daig pa ang kitikiti! Nakakainis!

Iniwan ko siya sa kwarto after ko siyang bihisan. Pinagluto ko siya ng soup na kinain din niya pagkagising nito. Bumababa na ang lagnat ni Douji kaya lang sinabayan pa ng ubo.

Mabuti na lang, nakabili ako ng cough medicine. Pinainom ko siya ng paracetamol at gamot sa ubo pagka-kain niya. Hindi pa nga niya naubos 'yong soup, e.

Douji returned to his sleep and due to my tiredness of taking care of this jerk, it slipped to my mind that I fell asleep right beside him.