webnovel

Fated To Love You (運命から始まる恋)

Douji Uehara's life was shattered when he lost his voice and he couldn't sing even though he wants to. Depression is killing him inside until he decided to end it all. A woman appeared all of a sudden and saved him from committing such a crime. Sa halip na magpasalamat, aba, siya pa ang galit! Isang taon ang nakalipas at maswerteng nakabangon si Douji. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila ng babae. Kinilala niya ito bilang si Elle Rosewood, ang fashionistang music instructor ng Sierra Vista Academy na talagang kinabog lahat ng modelo ng Asia's Next Top Model sa tindi nitong pumorma. Elle believes that music and fashion are the great combination. But despite the fact that she loves to play with melody, Elle was affected by her stage fright which stops her from pursuing her career to become a famous stage actress and broadway singer. A music lover and a man who despised music. Two individuals with different behaviors and perspectives. Parehong hindi magkasundo at walang gustong magpatalo. Mas pinili na magpalitan ng maaanghang na salita sa halip na magkaayos. Everything will change as soon as they woke up in different places - in each other's body. May pag-asa pa kayang magkaayos sina Elle at Douji kung ibang mundo na ang kanilang ginagalawan? ••• Japanese title: 運命から始まる恋 Started: July 11, 2020 Newly revised edition: September 2, 2020 Finished (Season 1): September 19, 2020 Season 2 premieres on September 20, 2020

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 11

Douji Uehara's POV

Dumaan ang isang araw at inaasahan kong babalik na sa normal ang lahat pero hindi nangyari. Atat na kung atat pero sabik na akong magamit muli ang katawan ko. Although, nakaka-adjust na ako sa buhay ko bilang si Elle Rosewood, mas gusto ko pa ring maranasan kung gaano siya kasaya ngayon bilang si Douji Uehara.

Nakatanggap ako ng text kay Elle kagabi at halos hindi ko mapaniwalaan ang nilalaman n'on. Your father and I were getting along. I never thought he has a soft side like yours. I wish you were here to witness this moment. After all, you're supposed to be hugged and called his son, not me.

I need to hurry and get back to my body as soon as possible! Dad never treated me like that before. Ni minsan, hindi niya pinaramdam sa 'kin na anak niya ako. Siya ang nangunguna sa lisatahan ng mga taong tutol sa pangarap kong maging singer.

Dumaan muna ako sa butas ng karayom bago ako nakatungtong sa Raise Your Voice last year. Hindi basta-basta na nag-audition ako dahil halos lumuha ako ng dugo payagan lang ako ni Dad na makalabas ng bahay at makasama sa audition.

At matapos kong ma-eliminate nang pumalya ang boses ko, tila ako pa ang sinisisi niya sa nangyari. Parang kasalanan ko pa kung bakit hindi ko na kayang bumirit pa. Sinira ko raw ang buhay ko ng dahil sa pagkanta na wala naman daw kwenta.

I was mad at him that time to the point na gusto ko siyang labanan. Pero naisip ko, mali 'yon. He's still my father and I came from his blood. Wala akong karapatang saktan siya kahit bugbog sarado na ako sa mga salita niya.

Ang sakit lang isipin na kung kailan nagkakaayos na kami, saka naman wala ako sa tabi niya para masaksihan ang matagal ko nang hinihiling. Ang mayakap siya, ang tawagin niya akong anak. Elle is right. Ako dapat 'yon, hindi siya. That geezer. If it wasn't for his curse, I wouldn't be in this situation.

The last time I checked the hourglass, lampas na sa kalahati ang buhanging nauubos. Kapag hindi kami nakabalik sa loob ng ilang araw, it'll be the end. We'll be stuck in each other's bodies for the rest of our lives. Damn, I can't imagine that day would come. Baka mabaliw na ako kapag nangyari iyon.

Sabado ngayon at kung inaakala mong nasa apartment ako ni Elle at parelax-relax, nagkakamali ka. Pumasok ako sa tatlo niyang klase. Gaya ng napag-agree-han, nagpa-report lang ako sa mga estudyante niya. Mananatili akong ganito hangga't ako ang nasa katawan ng orihinal nilang guro.

Katatapos lang ng huling klase ko sa third year. Man, those guys were cracking my nerves. Although, mas matanda ako sa kanila, maiintimidate ka pa rin dahil sa sobrang sipag nilang mag-aral, hindi katulad ng mga first year na kaklase ko na feeling high school pa rin.

Sila, wala sa bokabularyo nila ang salitang pamamahinga. Ginagawa nilang kompetisyon ang klase. Ultimo reporting, pagandahan ng presentation. Walang gustong magpatalo, just like when I was battling for 3 million pesos and five years exclusive contract from SOLACE Music Records.

Dumaan ako sa faculty room para ilagak ang gamit na kinuha ko. Some stuffs like class record, ballpens and papers. Si Miss Sabrina lang ang naabutan ko sa loob. Dahil nga Sabado, mistulang ghost town ang buong campus dahil madalang ang pumapasok kapag weekend. Agad niya akong nginitian pagpasok ko.

"Kamusta ang klase, Miss Fake?" pabirong bati ni Miss Sabrina. Hindi gaya noong nakaraan, nagagawa na niya akong biruin ngayon.

"Same old, same old. And please, stop calling me that. It irritates me," cold kong sagot.

Humagikhik ng tawa ito. "No way. It suits you better, Miss Fake. I can't just call you in my friend's name. You aren't even close, smartass!"

"Tsk. I know, right?"

Tumingala siya sa ceilling habang nakapangalumbaba. "Kamusta na kaya si Elle? Baka 'di na 'yon kumakain. For sure malungkot 'yon kasi malayo siya sa pamilya niya. Miss na n'on sina Tito at Tita."

She was probably referring to Elle's parents. Hindi ko nakausap ni isang beses ang mga magulang niya simula noong mapunta ako sa katawan niya. I wonder what her parents were like.

"Hahaha. Panay ang kain n'on kasama 'yong dalawa kong kaibigan at natityak kong hindi siya pababayaan ng parents ko. Your friend is in good hands, MIss Sabrina," sabi ko.

"Siyempre, dapat lang! Huwag ko lang malalaman na depressed siya, ikaw ang malalagot sa 'kin!"

"You're talking about the opposite side of the situation." A smirk sealed on my face as I look in her direction. "I could see that she enjoyed what she's doing right now. There's no way she would feel depressed."

And I thank her for that. Thank you for fixing my life, Elle.

•••

Nang manggaling ako sa faculty room, isinagawa ko na ang aking misyon. Find that old man's skin and confront him about my problem regarding this body switching game of his.

Hindi ko siya tatantanan hangga't hindi niya ako binibigyan ng kasagutan at hindi ako mananahimik lang at hayaang sirain niya ang buhay namin nang dahil sa walang kabuluhang sumpa. Bring me back to normal or bring me back to normal. Wala siyang pagpipiliang iba kundi 'yon lang.

Una kong pinuntahan ang likod ng admin building kung saan lagi naming nakikita ni Elle ang matanda. Sa kasamaang palad, wala siya roon. Sa canteen, wala rin. Maski sa hallway ng iba't ibang colleges. Para siyang kabuteng nagtatago at bigla na lang susulpot nang hindi mo namamalayan. Where is he? Kailangan ko siyang makausap.

Nakaabot ako hanggang sa garden ng school, sa may gazebo. Dito ako dinala ng paa ko at 'di ko inakalang andito rin pala ang taong kanina ko pa hina-hunting.

Nakatalikod siya sa akin at may kausap siya sa telepono. Tila galit siya sa kausap nito dahil medyo pasigaw siya kung magsalita. Wala sana akong balak makinig kaya lang naisip ko, baka may kinalaman ito sa nangyayari sa 'min ni Elle. So I made a tough decision to eavesdrop in his conversation with whoever he was talking on the phone.

"Mahabang panahon na ang binigay ko sa 'yo. Hindi na kaya ng konsiyensiya kong guluhin ang buhay nila! Tigilan na natin ito, hayaan na natin silang makapamuhay ng normal!" singhal ng matanda sa kausap niya. Sayang, 'di ko marinig ang sinasabi ng kausap niya. Napahilot siya sa sentido at paulit-ulit na bumubuntong-hininga. Halatang stressed na siya sa kung ano man ang pinoproblema niya.

"Sige. Bibigyan kita ng palugit hanggang bukas. Sulitin mo na ang pagkakataong iyan 'pagkat ayoko nang patagalin pa ito." Sabay niyang binabaan ng telepono ang nasa kabilang linya.

Napalingon ang matanda at saktong nahuli niya akong nakatayo sa harap niya. Umiwas ako ng tingin, kunwari'y kararating ko lang.

"Hindi tamang nakikinig ka sa usapan ng matatanda, hijo. Anong sadya mo?" Napaigtad ako gawa ng pagkagulat ko.

"W-Wala naman po akong narinig," pagsisinungaling ko pero ang totoo, pasok na pasok sa tenga ko lahat ng pinagsasabi niya. Hindi ko nga lang alam kung sino ang subject ng topic nila.

"At hindi rin tamang nagsisinungaling ka. Iyan ba ang tinuro sa 'yo ng iyong ama?"

"Why are you pressing my dad here?" banat ko.

Tumawa ito nang nakakaloko. "May kasalanan sa akin ang ama mo."

"What?" naguguluhang tanong ko. Don't tell me the person he's talking earlier was Dad? But why? Anong kaugnayan nilang dalawa? I've never seen this old geezer before.

"Labas ka sa usaping ito, hijo. Hayaan mong ayusin namin ang gusot na ito," aniya. Marahil nga at sana totoo ang sinasabi niya. Ayoko nang madagdagan pa ang stress ko sakaling may matuklasan pa akong bagong rebelasyon. Baka ma-depress na naman ako at maisipan ko ulit magpakamatay.

"Okay. Pero matanong lang, hanggang kailan mo kami paglalaruan ni Elle? You told us before once we fixed our problems, we will return to our bodies. Okay na kami ni Elle, nagkasundo na kami. Bakit hindi pa kami bumabalik sa katawan namin? O baka naman nagsisinungaling ka lang at wala ka nang planong ibalik kami sa dati?!"

"Masyado kang nagmamadali. Darating din tayo riyan," kampante niyang sagot. Paano niya nagagawang umaktong ganyan samantalang tarantang-taranta na ako at hindi malaman ang gagawin?

"When? Tomorrow? Next week? Tell me!"

Ipinatong ng matanda ang isa niyang kamay sa balikat ko. "Mayro'n pang misyon ang kaibigan mo na hindi niya pa nagagampanan. Sa oras na magawa niya ang kanyang huling misyon, kusa kayong gigising sa sarili niyong mga katawan."

What kind of mission? Ano pang hindi nagagawa ni Elle?

"Just spill it out!" sabi ko. Tigas na umiling ang matanda.

"Maghintay ka lang, malapit na 'yong mangyari," sagot naman nito.

Inilagay niya ang dalawang kamay sa aking mga braso saka siya tumingin sa akin nang matagal. Ewan ko, pero sa nakikita ko, malalim ang kanyang mga titig, tila kinakabisado niya ako.

"Parang kailan lang, sanggol ka pa lang noong huli kitang nakita. Ngayon, ang laki mo na," out of the topic na sabi niya.

What is he talking about? Kung makapagsalita siya'y parang hindi katawan ni Elle ang kanyang kaharap. He's taking me seriously and the way he looks, it seems like he hasn't seen me for a long time. Strange. I don't even know who he is. Bakit kung maka-asta siya ay parang kilalang-kilala niya ako?

Sino ka ba talaga?

"Anatahadare?" nakakunot-noo kong tanong.

"Hindi mo na kailangang malaman pa." Tinapik niya ang braso ko saka siya umalis. He understand Japanese?

Nanaig ang kalituahan sa isip ko nang mga oras na iyon. Akala ko matatapos na ang problema ko, mukhang nadagdagan pa. Who on earth is that old man at anong pinag-usapan nila ni Dad sa telepono? Most of all, ano 'tong sinasabi niyang misyon ni Elle? Things are getting worse than I thought it would be.