webnovel

Fated To Love You (運命から始まる恋)

Douji Uehara's life was shattered when he lost his voice and he couldn't sing even though he wants to. Depression is killing him inside until he decided to end it all. A woman appeared all of a sudden and saved him from committing such a crime. Sa halip na magpasalamat, aba, siya pa ang galit! Isang taon ang nakalipas at maswerteng nakabangon si Douji. Sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagkrus ang landas nila ng babae. Kinilala niya ito bilang si Elle Rosewood, ang fashionistang music instructor ng Sierra Vista Academy na talagang kinabog lahat ng modelo ng Asia's Next Top Model sa tindi nitong pumorma. Elle believes that music and fashion are the great combination. But despite the fact that she loves to play with melody, Elle was affected by her stage fright which stops her from pursuing her career to become a famous stage actress and broadway singer. A music lover and a man who despised music. Two individuals with different behaviors and perspectives. Parehong hindi magkasundo at walang gustong magpatalo. Mas pinili na magpalitan ng maaanghang na salita sa halip na magkaayos. Everything will change as soon as they woke up in different places - in each other's body. May pag-asa pa kayang magkaayos sina Elle at Douji kung ibang mundo na ang kanilang ginagalawan? ••• Japanese title: 運命から始まる恋 Started: July 11, 2020 Newly revised edition: September 2, 2020 Finished (Season 1): September 19, 2020 Season 2 premieres on September 20, 2020

Avaaaaxx · Fantasy
Not enough ratings
18 Chs

Chapter 10

Elle Rosewood's POV

What happened last day was unforgettable. Ang daming luhang nawala, nagkandamaos ako kasisigaw kay Uehara at wala akong pakialam kahit gasgas na ang lalamunan ko maliabas ko lang lahat ng kinikimkim kong sama ng loob dahil sa ginawa niyang pagtrato kay Sabrina.

Never in my life na sumagi sa isip kong yayakapin niya ako nang mahigpit bilang sign ng pakikipag-ayos niya sa akin. Who would have thought, right? A self-centered man who thinks so highly of himself choose to be humble in the end. Natutunan niyang tanggapin ang kanyang pagkakamali at sa nakikita ko, willing siyang magbago upang ituwid ang baluktot niyang pag-uugali.

Matapos ang ma-drama naming pag-aaway sa classroom, niyaya ko si Uehara na samahan ako sa apartment ni Sabrina. At first, hindi kami in-entertain ni Sab. Hindi kami umalis doon hanggang sa nakulitan na siya at walang choice kundi papasukin kami.

Pinaliwanag namin sa kanya ang nangyari. Yes, we already told her the truth - na ako'y nasa katawan ni Uehara at siya naman ang nasa katawan ko. Siyempre, hindi agad siya naniwala no'ng una. Expected na 'yon so ako na ang nakipag-usap nang masinsinan kay Sabrina.

Base sa tono ng pananalita ko, madali niyang na-recognize kung sino sa 'min ang totoong kaibigan niya by telling some of her secrets from the past, which I promised not to expose it to anyone else. Mga sikretong may kinalaman sa kinalolokohan niyang mga Japanese actors na may six-pack abs. She's really obsessed with it. Ayoko silang pangalanan dahil para ko na ring binali ang pangako ko kay Sab.

Naayos din ang gusot sa pagitan naming dalawa ng best friend ko at nagpapakumbaba na ang noo'y kontrabida sa buhay ko. Konting strive pa, Elle. Makakapamuhay na rin ng normal katulad ng dati.

Crap! I forgot to tell him about my plan of joining the club! 'Di bale, saka na lang kapag nagkita kami. How I wish, hindi na namin pag-awayan 'to. Nakaka-stress na to the highest level!

Mag-isa akong nagpapahangin sa hallway ng educ building. Maaga pa so wala pa sina Dori at Louie. It's 7:15 in the morning of Friday and guess what? Ngayon ang college club rally. Marami nang tao sa campus ng ganitong oras. They were excited to choose one of the thirty-five clubs offered by school.

May sports, literature, entertainment, theatre at marami pang iba. Ano man ang talent mo, merong club na para sa 'yo. Maswerte ako't nakapasok ako sa eskwelahan kung saan priority ang academics at club activities. Importante 'yan sa performance ng mga estudyante, mapa-high school o college.

"Oh." Napatingin ako sa kaliwang side kung saan nagmula ang pamilyar na huni ng isang babae. May hawak itong maliit na brown bag at pilit niya iyong binibigay sa akin.

"Ano 'yan?" nagtataray kong tanong, kunwari'y nagtatampo pa rin ako.

"Peace offering. Baka 'di ka pa kumakain kaya binilihan kita ng porkbuns diyan sa canteen," sagot niya. I just stared at it for almost five seconds before he avoided his eyes on me. "Dali, kunin mo na! Dami mong arte!"

Goodness gracious. Porkbuns na naman.

Inis kong kinuha ang brown bag mula sa kamay niya. Dinukot ko ang porkbuns saka ko sinimulang kainin. "Utang na loob, Uehara. Sa susunod na ilibre mo ako, puwedeng biscuit na lang or juice? Tantanan niyo na ako nila Dori sa kaka-porkbuns niyo! Sukang-suka na 'ko!" reklamo ko pa.

Tama si Uehara sa spekulasyon niya na wala pa akong kain. I woke up at 6:30am and did my ritual for half an hour. There's no time left to eat breakfast at ang balak ko sana'y kakain na lang kasama 'yong dalawa pagdating nila. Kaso wala pa sila until now.

"Pfft. Biscuits? Juice? Ano ka, elementary?" natatawang sabi nito.

Inirapan ko lang siya. Mas nanaig ang maturity ko over my childish behavior. Hindi ko na lang pinatulan si Uehara. Baka sa halip na magtuloy-tuloy ang closure namin, lalo pang lumaki ang gulo.

•••

Fifteen minutes later, he's still with me. Pareho kaming nakamata sa mga estudyanteng palakad-lakad sa labas ng gusali. In thirty minutes, magsisimula nang mag-distribute ang existing members ng application form at flyers para sa mga freshmen students.

"So? Ikaw ang napili nilang mag-handle ng music club pero 'di ka sure kung kaya mong pakatawanan ang pagiging advisor?" banggit ko ayon sa kinuwento niya tungkol sa meeting kahapon.

"Yeah. Magturo nga, hirap na hirap ako. Humawak pa ng club at sa dami ng club, may kinalaman pa talaga sa music? What a horrible luck," naiiling na kuwento ni Uehara habang hilot-hilot ang kanyang sentido.

"Matanong ko lang, ha. Bakit ba pinagpipilitan mo na ayaw mo ng music? Dahil ba sa nangyari last year?" tanong ko.

He gasped. "How did you know─"

"Your mother almost told me everything, Uehara. You were eliminated from the competition, weren't you? At dahil do'n, naglaho ang pangarap na gustong-gusto mong maabot."

"Elle..."

"You still love music, don't you? You don't hate it, you're just avoiding its presence. Iniiwasan mo lang makinig ng musika dahil naiinis ka't akala mo, wala ka nang kakayahang ilabas ang talentong meron ka. Well, that's what you think. You still can sing."

"Tss. How? Maibabalik mo ba 'yong boses na nawala sa akin? Magaling akong singer noon. I have a perfect voice that everyone's been dreaming of. Pero nang dahil sa lecheng voice disorder ko, hindi na ako makakanta nang matataas!

"Yes, kaya ko pang kumanta kung tutuusin, but shit! Hindi kaya ng pride kong tiisin ang mabababang kanta na katulad ng kinanta namin ni Dori last time! It's as if I'm pulling myself down! I've had enough of embarrassment, Elle! I'm so sick of seeing my own reflection in the broken mirror!" he said, trying to lower his voice.

Tinawanan ko lang si Uehara pati na ang kasinungalingan nito. "Then why don't you replace it with a new one? Hindi lahat ng famous singers, nakilala sa pagbirit ng matataas na tono. Don't stick to your usual genre. Remember, your voice isn't the same one as before. Hanapin mo 'yong genre na angkop sa boses mo ngayon. Ikaw naman ang mag-adjust, okay? Sing with all your heart as long as your voice is flowing out of your mouth. Lower your pride as you lower your voice and your curve would be flatten as well."

"Yo, Uehara!" sigaw ng humahangos na si Louie. Kasunod nito si Dori na abot-langit ang hingal mahabol lang si Louie na todo ang excitement sa kanyang mukha.

"Oh, there you are." Pinuluputan ako ng dalawa sa balikat. They were acting like we didn't see each other for a very long time.

"Good morning, Miss Elle," bati ni Dori kay Uehara na sinuklian nito ng tango.

"Anong pinag-uusapan niyo ni Miss Elle?" usisa naman ni Louie.

"Ah, wala. May inayos lang kaming maliit na problema," sagot ko.

"Sigurado ka bang okay lang kayo?" alalang sabi ni Dori.

"No worries. We're doing fine. Right, Miss Elle?" sabay baling ko kay Uehara.

"Y-yeah. I guess so," tanging sagot lang niya.

"Tara na, mag-fill up na tayo ng form para sa music club bago pa tayo ma-recruit ng ibang clubs," si Louie na atat na atat sumali sa Music club.

"Wait, what?" react ni Uehara. Oh, makakalimutan ko pa 'atang i-inform siya tungkol dito.

"I'm joining them for good. Trust me, tutulungan kita," I replied with a meaningful look. "By the way, don't forget to greet us when you get there, Miss Advisor. See ya!" I smiled widely as we made our way to the club room for registration.

Hindi maipinta ang hitsura ni Uehara, magkahalong inis at pagkalito. I wish him all the best. After all, I'm always be here to guide him at all times.

•••

Naging maayos ang recruitment at walang naitalang gulo o misunderstanding sa pagitan ng estudyante at ng existing club members. The process is simple. Students must fill up the form together with their 1x1 ID picture. Then, their seats are already reserved for the orientation this afternoon.

A participant doesn't have to be good in singing. Knowledge and dedication are much important. Pansin kong mas marami ang mga lalaking sumali compare sa mga babae. Konti lang ang babae, sa tantiya ko'y nasa benta lang sila.

"Isn't that strange?" patanong kong saad sa dalawa na nasa tabi ko ngayon.

We're here inside the club room after we ate lunch. Pinili naming maupo sa harap para mas marinig namin ang sasabihin ng speakers. Malaki ang music club room, if you're asking. Kasinlaki nito ang isang gynmasium at may plenty of space para sa ganitong events. 'Yong hitsura? Parang Tokyo Dome City Hall. 'Di hamak na mas maliit nga lang doon.

"Strange what?" sabi ni Dori. Tinuro ko ang grupo ng mga babaeng nasa kabilang side. They were six of them and some are sitting behind us, meron ding pito sa likod.

"Hindi ka ba nagtataka? Mas malaki ang bilang nating mga lalaking recruits kumpara sa mga babae? Something's not right."

"Ah, that's because mas priority nilang kumuha ng lalaking members these days. The club was just for fun 'til BXXYZ group hits the stage worldwide. Music club suddenly became a club for the purpose of star hunting. They're searching for the next boy band na susunod sa yapak ng BXXYZ," sagot ni Louie.

"But unfortunately, wala pa silang nahahanap hanggang ngayon. They're not exactly rejecting members. In fact, tumtanggap sila ng aspirants as long as ando'n 'yong kagustuhan nilang maging singer someday," si Dori naman ang sumagot.

These guys... Are they actually first year students? Bakit mas marami pa silang alam kesa sa 'kin?

"How did you come up with that? Seems you know a lot about this club," puna ko sa dalawa.

Nagkatinginan sina Dori at Louie. Sasagot sana si Louie, subalit hinayaan niya munang magsalita si Dori.

"We investigate a bit from time to time. Nagtanong-tanong kami sa iba nating mga kaklase."

"Yeah, Dori's right," segunda pa ni Louie. Kaya pala.

Mula sa likod ay kinalabit ako ng isang estudyante. "Kuya, tawag ka po ni Ma'am," aniya saka nito tinuro ang direksyon ng babaeng nakatayo sa gilid ng pintuan.

"Si Miss Elle 'yon, ah?" halos sabay na sabi ng dalawa.

Tumayo ako para lapitan si Uehara. He seems so nervous. Mukhang kailangan niya ng tulong.

"You two, bantayan niyo ang upuan ko. I'll return shortly," bilin ko. Hindi ko na hinintay ang response nila, basta akong tumakbo sa kinaroroonan ni Uehara. Hinatak ko siya sa madilim na parte at doon kami nag-usap.

"Elle..."

"Is something wrong? What happened?"

"I-I can't do this!" he said. Is he serious about this?

"What do you mean you can't?" Nanahimik lang siya. "There is no time for joke, Uehara. You have to do it. Face your fear or you'll regret it. Walang ibang gagawa nito kundi ikaw."

"But I have nothing else to say," katwiran pa nito.

I laughed. "Why can't you trust me? Kaya nga ako nandito, 'di ba?" Hawak ko ang isa niyang kamay at 'yong isa kong palad ay nakapatong sa balikat niya. "I'll never leave your side. I'm here to watch over you. You can do it. Huwag mong isipin ang sasabihin nila. Just do your best. Matatapos din 'to, okay?"

He nodded. "Alright."

Before the program starts, binigyan ko siya ng ideas kung anong sasabihin niya sa students. Hindi naman kailangang mala-SONA ang speech niya. A simple message and advise will do since bago pa lang siya sa larangan ng advising, and so did I. Sa nakikita ko, wala naman siyang stage fright. Sadyang natatakot lang siyang harapin ang katotohanan.

The truth that music is still flowing in his veins.