webnovel

Fated To A Curse Vampire

FATED TO A CURSE VAMPIRE Alzack, a 20 years old handsome boy. He is not a human and very different with human being. He came from different worlds, which is in a vampires world. He is known to be a curse Vampire. At age of 20 he choose to live in human world. Not to live peacefully but to meet at find his future. He's too weak in physical appearance but too strong in his own. When he knew what's the curse for being him he decided to face it and came to human world. Athena Belle? Who's this girl? Is this the girl for him? A girl who fated to be with him? Or a girl who makes his life much worst? Or the one that can fade the curse? Is he related to any history of Vampires? Athena Belle Magenlle, a girl who fated to be with the curse vampire.

Mearacles · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 1 (Part 3)

Continuation

Napahawak ako sa aking leeg at napakamot ng ulo. 

Nakakahiya naman. First time ko tuloy mapagsabihan na mabaho ako. 

"H-Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, apo. Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga dugo na nasa damit mo, pero gamitin mo ang binigay ko sa 'yo para mawala ang malansang amoy ng dugo," paliwanag niya. 

Agad naman akong tumango sa kaniya. 

"B-Bakit ka ba ginabi ng punta rito?" Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit ang seryoso niya. 

"Noon madalas naman po akong ginagabi rito, 'di ba po ba?" Umiling naman siya. 

Kinuha niya ang mga hiniwa kong gulay at nilagay ito sa kumukulong tubig kasama ng lumambot na karne. 

"Hindi ito ang tamang oras o panahon para gabihin ka. Dumaan ang papa mo rito kahapon. Sa tingin ko hindi ka niya masusundo." Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng seryoso. 

"Ipahid mo sa katawan mo ang binigay ko at dito ka muna magpalipas ng gabi." 

"P-pero may nangyari po ba kay papa? Kararating ko lang po kaninang madaling araw at hindi ko na siya naabutan pa," salaysay ko. 

"May mga sugat siya ng makarating rito sa bahay ko. Wala siyang sinabi bago umalis. Ipahid mo na yan at kakain na tayo." 

Tumango ako at sinunod siya. Mukhang hindi ordinaryong mantika itong pinapahid ko. Parang mantika talaga siya na ginagamit pangluto pero ang kaibahan lang ay ang bango ng mantikang ito. 

Kaya pala pag-uwi ko sa bahay galing sa bayan ay hindi ko nakita si papa. Hanggang kailan niya kayang balak magtago sa sitwasyon niya. Okay, na rin kung dito muna ako kay lola at para maalagaan siya ni mama. 

Ang budget ng pagkakagamit ko sa mantikang ito. Hindi ko na rin p'wedeng lagyan ng marami ang sa mga paa ko. Kahit konti lang ang nagamit ko ay halos lahat na ng katawan ko ang nalagyan. Kakaiba ito. Saan niya kaya nakuha ang bagay na to. 

Mabilis akong lumapit kay lola ng makarinig ng malakas na ingay. Putok iyon ng baril. 

"Lola, saan po kayo pupunta? Huwag kayong lumabas!"

"Huwag kang matakot, masyadong malayo ang ingay na 'yon." Lumabas siya mula sa kusina at mabilis akong sumunod sa kaniya. 

Anong malayo? Ang lakas nga ng tunog na iyon at siguradong malapit lang iyon dito. Mabuti naman at wala ako sa bahay. Kahit papaano ay magiging maayos ang pag-iisip ko. Wala akong pakialam sa nagmulang ingay basta ramdam kong nasa bahay si papa ay mapapanatag ako.

"L-Lola, anong ginagawa niyo?"