webnovel

Fated To A Curse Vampire

FATED TO A CURSE VAMPIRE Alzack, a 20 years old handsome boy. He is not a human and very different with human being. He came from different worlds, which is in a vampires world. He is known to be a curse Vampire. At age of 20 he choose to live in human world. Not to live peacefully but to meet at find his future. He's too weak in physical appearance but too strong in his own. When he knew what's the curse for being him he decided to face it and came to human world. Athena Belle? Who's this girl? Is this the girl for him? A girl who fated to be with him? Or a girl who makes his life much worst? Or the one that can fade the curse? Is he related to any history of Vampires? Athena Belle Magenlle, a girl who fated to be with the curse vampire.

Mearacles · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 1 (Part 1)

CHAPTER 1: Lola Mel

Anong me'ron sa araw na 'to at napakamalas ko. Maging ang panahon ay umiiba. Mukhang uulan na. Dumidilim na rin. 

"Ano bang ginagawa ko!? Ba't nakahiga lang ako rito? Belle, kailangan mo maghanap ng paraan!" sabi ko sa sarili. 

Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid. Sino bang gumawa ng patibong dito? Hindi naman ako nabigla sa nakita kong puro dugo at parang kapirasong laman ng hayop sa tabi ko. Tama, hindi ako nabigla. 

Huminga ako ng malalim at naghahanap ng makakapitan paakyat. Madalas akong sumama kay papa noon, nangangaso kami ng mga hayop. Sana'y ako sa mga gantong bagay kaya hindi ko dapat hayaan na abutan ako ng gabi rito at kung sakaling mamatay man ako, hindi p'wedeng dito mismo. 

Nabuhayan ako ng makaakyat na ako rito sa taas. 

"Salamat naman,"  bulong ko. 

Napapikit ako ng mata at pinahinahon ang sarili ko. Agad naman akong napahawak ng mahigpit sa kung saan nang muntikan ulit akong mahulog. Dapat kumilos na ako at baka bumalik ako ulit sa malaking butas na 'to. Nga'yong ko lang napansin na mukhang kagagawa lang ng kung sino ang patibong na ito. Presko rin ang mga iniwan na laman ng hayop, maging ang mga nagkakalat na dugo. 

Mas mapanganib kong pumunta man ang sinong may gawa nito. T-teka, kanina sigaw ako ng sigaw i-ibig sabihin. H-hindi, tinatakot ko lang ang sarili ko. 

Belle, 'wag kang mag-isip ng kung ano. Kumilos ka na. Ang sarap pukpukin ang ulo ko, ang dami kong iniisip at hindi pa ako nakakalabas ng husto sa patibong na 'to. Hindi pa naman madilim, may mga nakikita pa naman ako. 

Pinagpatuloy ko ang makaakyat sa taas. Napatigil agad ako ng may naramdaman akong malagkit sa aking kamay. Paniguradong dugo ito o kahit hindi naman, bahala na.

Naakyat na ako sa taas at nakita ko rin ang dala-dala ko kanina. Mabuti naman at hindi napano ang nasa plastic bag. Siguro ito na lang sisihin ko sa lahat ng nangyari ngayon. Tumayo ako at naisipan na umalis dito pero napadaing ako dahil sa pagkirot ng kanang paa ko. 

May naririnig akong mga kakaibang ingay kaya wala na akong nagawa kundi indahin muna ang sakit ng paa ko.

Masyado ng madilim ng makarating ako sa bahay ni lola. Natatanaw ko siya na nasa labas pa at nagsusunog ng mga basura. 

"Alas sias y media na, ba't nga'yon ka lang–" 

"P-Paano niyo po nalaman na pupunta ako rito?" Hindi ko maipaliwanag ang itsura niya ng makita ako. 

Dala ang kaniyang walis ay mabilis siyang lumapit sa akin. Ngumiti siya ng pilit at nagulat ng makita ang itsura ko.