webnovel

Chapter 41

"I thought wala kang jowa? Kanina pa tumatawag 'yang babaeng 'yan. Girlfriend mo?" mapaklang sabi ng babaeng modelong customer ni Kale.

"No. Wala akong jowa o girlfriend."

Kanina pa ring nang ring ang iphone na nakalimutang isauli ni Kale kay McKenzie kaya naiwan ito sa kanya.

Dumiretso na si Kale sa The Midnight Haven nang makaalis siya sa penthouse habang naiwang natutulog si McKenzie. Hindi na siya nagpaalam pa rito dahil ayaw niyang istorbohin ang mahimbing na pagtulog nito.

"Really? I could give you more iphone. Isang appearance ko lang-

"Chloe, your time is up. Thank you for staying. Have a good time."

"I'll extend," at nakakaloko itong ngumiti sa kanya. Sinusubok ang pasensya niya at tila nang-aasar pa ito.

"Hanggang 10pm lang ang VIP lounge. Hindi umabot ang stay mo kaya hindi ka na pwedeng mag-extend. Three hours lang ang maximum na pwedeng mag-stay."

"I'll pay triple of your price. In dollars." Seryoso na ang modelo at diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

"No," she said firmly. Ito na ang araw na pinakaayaw dumating ni Kale dahil ikinakabahala niya kapag nag-ooffer ng malaking halaga ang kanyang mga customers lalo na ang modelong ito. Kung may magagawa lang siya para 'di ito makabalik ay gagawin niya kaso wala. Makulit at sobrang demanding kasi nito unlike ng ibang customers niya na kahit malaki magbigay ay hindi demanding at gusto lang ng makakasama.

Alam ni Kale na may malaking kapalit din ang offer na 'yon at ayaw niyang mangyari 'yon.

Narinig na niyang may nag-ring sa pinto kaya pinuntahan niya ito't iniwan ang babae.

"Bata, isara mo na raw ang VIP lounge. Maaga raw tayong magsasara. Hintayin ka namin sa baba tapos kakausapin ka rin ni manager."

"Bakit na naman daw po Kuya Mario? Sige po, susunod na po ako." Nagkibit-balikat lang ito saka siya tinapik sa balikat at umalis na.

Pagbalik niya sa loob ay wala na ang iphone sa glass table at hawak na ito ng modelo.

"Are you looking for this? You wanna get this huh? Take my offer."

She secretly rolled her fist at gusto na niya itong ihulog dahil sa inis at gigil na sa babae.

Napamura siya sa kanyang sarili dahil sa sariling katangahan kung bakit niya iniwan ito. Nawala na rin sa isip niya ang iphone.

Babawiin na niya ito nang bigla nitong inilagay sa purse ang iphone habang ito'y ngiting tagumpay.

"What's with the iphone? I could buy you a new one if you accept my offer. And if you also want this back. Isang yes mo lang ibabalik ko agad." Tuwang-tuwa ang modelo dahil kaunti na lang ay makukuha na niya si Kale.

Napaupo na lang si Kale at sobrang problemado siya. Kinakabahan siya nang todo dahil kay McKenzie 'yon at iniisip niya kung paano maibabalik ang iphone nito. She has no choice.

"Okay. Pumapayag na ako. Basta ibabalik mo 'yong iphone."

Sobrang lapad ng ngiti ni Chloe at napatayo ito sa kinauupuan.

"Here's the money," at inabot sa kanya ang 1,500 dollar bills. "I'll double it if the best ang performance." Ginawaran pa siya ng halik nito sa pisngi.

"I'll wait for you in my car and we'll go to my place." Hindi maalis ang ngiti sa mukha nito.

"Matatagalan pa ako. Magsasara pa kami."

"No problem. I'll just wait for you, love." and Chloe gave one last kiss on her cheek before leaving.

Sinipa nang malakas ni Kale ang glass table nang makaalis ito dahil sa matinding frustration na nangyayari sa kanya.

Wala sa mood niyang chineck at sinara ang VIP lounge. Ni wala siyang pake kung may masira siya dahil iniisip niya si McKenzie at ang cellphone nito.

"Dude! Musta na? Mukhang nakarami tayo ah!" biro sa kanya ni Troy habang pababa siya. Wala ng mga customers at naglilinis na lang sina Troy, Arian at kuya Mario.

'Di niya 'to pinansin at lalo lang itong nakadagdag sa init ng ulo niya.

"Hinihintay ka na ni manager sa office niya. Yari ka na naman bata," pananakot sa kanya ni Kuya Mario.

Wala talaga siya sa mood makipagbiruan ngayon at pumunta na siya sa office ni manager.

Saglit lang silang nag-usap at ni isang salita na pinag-usapan nila ay wala siyang natandaan. Lumilipad ang isip niya at patuloy na namomroblema.

Matapos silang mag-usap ay diretso na siyang umalis ng 'di nagpapaalam sa mga kasama.

Nakita niya ang nag-iisang mamahaling puting sasakyan na may babaeng nakasandal dito habang naninigarilyo.

Fuck shit. Nakarma ako sa mga pinaggagagawa ko. Tangina talagang buhay 'to. Puro problema.

Kinawayan siya nito at tinapon na ang sigarilyong hinihithit. Patakbo na siyang lumapit sa sasakyan at pinagbuksan naman siya ng pinto nito.

"So, where are we?"

"In my place nga. You'll see na lang," and Chloe winked at her.

Tahimik lang sila sa biyahe habang swabe lang ang pagmamaneho nito.

"It's getting late. Uuwi pa ako. Can we do it in 30 minutes only? May gagawin pa ako."

"Shh, you're so cute when you're like that. You can stay in my place. 'Wag ka ng umuwi. Just sleep with me and let's have some fun together."

Napapikit na lang si Kale.

Fuck! Dead end na!

A few minutes later ay nakarating na sila sa isang condominium na sobrang pamilyar kay Kale.

Sunrise Knight Palace.

"Are you sure na dito talaga 'yong place mo?" 'di mapakaling tanong ni Kale.

"Yes. 'Di ba halata? I love it here. Kahit expensive, it's worth the price and their security is superb and total package 'yong condo. I didn't regret buying a condo here in Sunrise Knight. Is this your first time here?"

No!

'Di siya sumagot at niyaya na siyang pumasok dito.

"You know what? Penthouse talaga ang hanap ko sa mga condos but unfortunately occupied na 'yong penthouse dito. Sayang. Enough with this and let's go."

Kinaladkad na siya nito papasok ng elevator. Dahil silang dalawa lang ang naroroon ay sinunggaban agad siya ng halik nito sa labi. Hindi siya tumugon sa mapupusok nitong halik ngunit magaling ito sa paghalik at nakapasok ito.

They moaned together habang pinagsasawaan ang labi ng isa't isa. They parted to gasped for air. Chloe unbuttoned her white long sleeves and sucked her neck leaving a red mark on it.

Saktong bumukas ang elevator. "Let's go. My room is before the penthouse."

Kinaladkad na siya nito papasok ng room nito and from there, sinimulan na siyang hubaran nito at pinaulanan ng halik kung saan saan nito naisin.

***

"Nixon?" Gulat na sambit ni McKenzie nang makita niya ito sa hallway sa kanyang condo nang makababa siya from her penthouse.

Saktong papasok na siya nang mamukhaan niya ito habang may kausap itong isang babae na naka-one piece black sexy lace night gown na halos kita na ang malusog nitong dibdib.

"Nixon!" Muling tawag niya rito ngunit tinakbuhan siya nito. Hinabol niya ito ngunit 'di niya ito naabutan.

Nang makasakay si McKenzie sa elevator ay iniisip niya kung sino at anong ginagawa ni Nixon doon. Kakausapin na lang niya ito dahil na hawak ni Nixon ang iphone niya.

Pagdating niya ng Henderson University ay pumasok na agad siya sa kanilang klase. Buong umaga niyang iniisip si Nixon at kung ano ang ginagawa nito kanina doon sa condo.

Nang matapos ang klase ay naka-receive siya ng chat sa gc nila kung saan sila kakain. Nagulat na lang na may bago pala silang gc na kasama ang mga kaibigan ni Kale.

"Samgyupsal na lang tayo. Para sulit."

"Ano ba Nat, ang layo-layo. Ako kahit saan, kayo bahala." Nagsipag-react naman sila sa reply ni Silver.

"Cafeteria na lang tayo mga bading. Nakakatamad lumabas. Nakakalerkey ang init sa labas mga ses."

Um-agree naman na ang lahat kaya gano'n na rin si McKenzie. Pagdating niya ng cafeteria ay kumpleto na ang lahat sa fave spot nila at siya na lang ang kulang.

"Eiji, pahiram nga ng car mo today. Kahit 'yong Mercedes mo na lang. Wala akong dalang car eh."

"Ay wow Mc! Ganyan talaga ang ibabati mo sa'kin? Parang piso lang ang hihiramin ah! Ayoko nga! Hiramin mo 'yong kay Nat! May bago siyang civic na red! Ang porma kamo. 'Yon na lang hiramin mo!"

"Tangina mo Pilak! Ayoko nga! Masira pa niya. Wala siyang ipambabayad kung di thank you."

"Okay. Ipa-kick out ko na lang kayong lahat dito tutal mga wala kayong kwenta—

"Kay baks ayaw mong manghiram ng car? Daming car 'yon. Puro brand new pa. May sports car din na McLaren. Tawagan ko ba or ikaw na lang?"

'Di naman sila makapaniwala sa sinabi ni Johansen.

"Tangina ba bading? Totoo?! Patingin nga! Mayaman si Kale? As in McLaren talaga? Na gano'n kay Mc?"

"Ses! May car si love ko? Hala, sabihin mo nga pasakay ako at lilibutin namin ang mundo."

Tawa naman nang tawa sina Allison at Ian.

"Siraulo ka talaga bading! Lakas ng trip mo ha!" natatawang sabi ni Allison habang hinahampas si Johansen.

"Tig-iisang sampal kayo sa'kin 'pag meron ha? Makikitams niyo talaga. Tatawagan ko mga puke ng ina kayo."

Idinial na nito ang number ni Kale. Nakailang ring muna ito bago sumagot.

"Baks, ba't ka tumawag pala?"

"Pakshet ka," mahinang sambit nito na halos 'di maintindihan ni Johansen.

"Bakla, umuungol ka ba? Or lasing ka—

Binabaan nito si Johansen. Tinawagan ulit ito ni Johansen at pabalang na sumagot ang nasa kabilang linya.

"What?!"

"Aba! Don't what what me bakla! So, may car ka 'di ba? Pahiram daw no'ng McLaren mo."

"Hehe."

"Hoy pokemon! Para kang adik! 'Wag mo kong tinatawanan! See? May tsikot si bakla!"

Everyone was dumbfounded to what they heard lalo na si McKenzie at Silver.

"Gago ka bekimon. I don't have a car. Drawing lang meron. Bibili ka ba?"

"Napakasinungaling talaga ampota. Bahala ka diyan," at binabaan na ito ni Johansen. "Oh kayo ng bahalang humusga basta 'yon. Wala ka na bang sports tsikot kaya nanghihiram ka na lang?"

Inirapan lang ito ni McKenzie. "Shut the fuck up. Zamora, pahiram na kasi ng Mercedes mo. Ibabalik ko rin naman."

Dudang tumingin si Silver dito. "Si Kale nga raw meron. McLaren pa. 'Yon na lang hiramin mo tutal same kayong may gano'n."

"I don't believe na meron siyang gano'n at sa'yo ko nga gustong manghiram. The fuck Zamora."

Biglang pumalakpak si Johansen. "What the fuck guys! 'Di ba tayo kakain?! 'Di tayo mabubusog ng McLaren! Can we eat muna?! Ghad!"

Inutusan na nilang bumili ang mga lalaki habang naiwan ang mga babae.

"Why are you still here? Ladies only here," maarteng sabi ni Aubrey kay Johansen.

"Over my dead sexy body! Can't you see ba? Choserang frog na pangit ka."

"Si Nic my loves, ses, nasaan? Pumasok ba siya?"

"Ses, nandito ba siya? May nakikita ka bang di ko nakikita? Kaloka, katatawag ko lang sa kanya 'di ba? Haler! And ba't ba lagi niyo siyang hinahanap? Inutangan niya ba kayong mga anak mayaman na puro mukhang tsikot!"

"Si Mc laging hinahanap 'yon! Tingnan mo ngayon tingin nang tingin sa paligid!" panunukso ni Silver dito.

"So what kung hinahanap ko siya ngayon? FYI, may utang siya sa'kin."

"Ano naman 'yon?!" sabay na tanong ni Silver at Natalie. Nginisian lang sila ni McKenzie.

"Our food is here na. Let's eat," yaya ni McKenzie sa kanila at sabay-sabay na silang kumain.

"Hoy babaeng straight, hinahanap mo ba si bakla? Ay bakit?" bulong ni Johansen nang maiwan muna silang dalawa ni McKenzie.

"Do you know where she is? May atraso siya sa'kin. Can you tell me kung nasaan siya?"

"I smell something fishy. Umamin ka nga, anong meron sa inyo ni Kale ha? Ikaw ha? Dumadamoves ka! Alam ba 'yan ng friends—

"Wala! Just answer my fucking question, pony," asar na sabi ni McKenzie rito.

"Hoy, hoy, hoy babaeng sobrang bait pa sa anghel! You don't call me that kung gusto mong bumara ang ngalangala mo! Wala si bakla," at nagcellphone na si Johansen.

"Nasaan nga siya? 'Di ba pumasok?" makulit pa ring tanong ni McKenzie.

"Naririndi na ako sa'yo ha! Paulit-ulit! You listen at baka matampal na talaga kitang bading ka. First, si bakla, pumapasok lang 'pag trip niya kaya ayan nagsasayang ng scholarship. May attendance o wala, okay lang. Pangalawa, laging busy na daig pa ang pamilyado. In short, nasa bahay niya lang siya, ewan kung anong ginagawa. Humihinga siguro? Okay na?"

Inirapan lang ito ni McKenzie at gumugulo pa rin sa isipan niya na nakita niya si Kale sa condo kanina at ang babaeng kasama nito.

"Oh ano na Mc? Nakahiram ka na ng tsikot? Pumayag na si Kale?" tanong agad sa kanya ni Silver nang makabalik ang mga ito. May mga dala ulit na pagkain.

"Wala nga siyang car! Pahiram na kasi ng Benz mo. Ibabalik ko rin naman ng buo eh!" pagmamaktol ni McKenzie rito.

"Benz? Benz and bat?"

"What?!"

"Anyway, magkano naman ang downpayment mo sa car ko? Sa pagkakaalam ko mas mayaman ka sa akin. Ba't parang baliktad—

"Dali na kasi! Puntahan mo ko sa penthouse ko mamaya. Iabot mo 'yong susi. Thank you so much Silver Zamora," malambing nitong sabi. "Bibigyan kita ng chicks, di ba gusto mo 'yon?" pang-uuto pa niya.

Kunwari namang napaubo si Silver at umayos ng pagkakaupo sa tabi ni Aubrey.

"Pwede naman nating pag-usapan 'yan. I-pm mo ko."

"Okay, sabi mo eh. Gusto mo i-call pa kita. Whatever you like," ngiting-ngiti si McKenzie.

"Pero matanong ko lang. Bakla ka ba? Ba't may chicks chicks ka nang nalalaman ha? Bading ka 'no? Aminin. Oy ha, ikaw ha," naghihinalang sabi ni Silver dito na agad naman nitong idineny.

"Siya 'yong bakla hindi ako," sabay turo kay Johansen. "Babaeng-babae ako 'no. 'Di mo ba nakikita ha? Bulag ka ba?"

"Tangina naman! 'Pag bakla, ako agad?! Nananahimik ako rito ha! Alam mo na ngang bading ako, kitang-kita na nga ng dalawang malaking mata mo, ituturo mo pa! Kalokang monay 'to, 'di ka ba tinuruan ng ama't ina mo na bawal magturo-turo ha?!"

"Putangina, ang ingay naman," puna ni Reign habang nag-e-ML.

"Edi pakainin mo ko ng malaking hotdog! Kusa akong tatahimik!"

Nang matapos silang kumain ay pumunta na sila sa kani-kanilang klase.

Si McKenzie ang nautusang magsulat sa whiteboard dahil umalis saglit ang kanilang prof.

Habang nagsusulat ay may kumakatok sa pinto ng room nila. Di nila pinagbuksan ngunit paulit-ulit pa rin sa pagkatok.

Napamura si McKenzie sa loob-loob niya dahil sa damuhong istorbo.

"N-Nixon? Anong ginagawa mo rito?" Agad siyang lumabas nang makita ito at mabilis na isinara ang pinto.

"Busy ka ata? Mukhang naabala pa kita. Ito pala 'yong iphone mo. Pasensya ka na kung ngayon ko lang naisauli. Wag kang mag-alala, hindi ko naman binuksan—

"May klase ka ba? Can we meet later?"

"Meron. Sige." Ninawakan ni McKenzie ng halik sa pisngi si Kale sabay pasok ulit nito sa kanilang room. Naiwan kay Kale ang iphone. Sapo-sapo niya ang pisnging hinalikan at lihim na napangiti. Naglakad na si Kale paalis ng may ngiti sa labi.

"Excuse me. Diba sabi ni sir na next meeting pa 'yong about sa trade?" pukaw sa kanya ng kaklase niyang babae habang nagsusulat siya.

Nahinto siya saka tiningnan ang sinulat.

"Oh, I'm sorry. 'Di ko na napansin. You're right. Pasensya na guys and thank you for correcting me," mabait at nakangiti nitong tugon na siyang ikinagulat ng mga kaklase niya. Kilala kasi siyang bitch at masungit ng mga kaklase. Himala na siguro kung ngitian sila ni McKenzie na ngayon ay nangyari nga. "What? Okay lang ba kayo?" Nakatanga kasi kay McKenzie lahat ng kaklase niya.

Buong klase nila ay ipinagdadasal ni McKenzie na matapos na ito upang makita na niya si Kale. Sobrang excited na siya kaya nagapapaalam palang ang prof ay nasa pinto na siya.

"Knight," tawag sa kanya kaya nahinto siya sa pagtakbo. "Kumain ka na ba?" Nakangiting nakasandal ito habang kanina pang naghihintay sa kanya.

"Hindi pa. Katatapos lang ng class namin 'di ba kaya pa'no ako kakain?"

"Sungit. Tara na sa cafeteria," at hinawakan na siya nito sa kamay. Tuwang-tuwa si McKenzie sa kamay nilang magkahawak. Wala siyang pake kung may makakita sa kanila basta ang mahalaga ay kasama niya si Kale. "Kanina pa kita hinihintay. Ang tagal mo masyado. Nag-aaral ka atang mabuti," sabay tawa nito nang mahina.

"Bakit? Namimiss mo na agad ako?" asar naman niya rito. Todo ngiti si McKenzie habang magkaholding hands silang naglalakad sa hallway.

"Ah, hindi. Isasauli ko kasi 'yong iphone mo. Nasa bulsa ko, kunin mo na?" ganting tugon naman ni Kale rito na tuwang-tuwa rin sa mukha ni McKenzie.

Hinablot ni McKenzie ang beanie nito bilang bawi sabay tago nito sa bag niya. Bumelat pa siya kay Kale at lalong yumakap sa braso nito.

Masayang nagtungo ang dalawa sa cafteteria.

"Ayaw mong sa labas na lang tayo kakain? 3pm na kasi baka sarado na sila," suggest ni McKenzie nang makarating sila sa cafeteria.

"Dito na lang. Mas mura pagkain dito. Bibili na ako, ikaw ba? Pwede mo muna akong bitiwan. Di naman ako mawawala," at tinatanggal ang kamay nito sa braso niya.

"Ayoko. Gusto ko dito ka lang."

"Knight, isa. Nagugutom na ako. Bumili na kasi tayo. Ang kulit-kulit mo naman eh."

"Oo na, ito na oh ayan bumili ka na," sabay tulak ni McKenzie rito. Kunwaring nagtatampo.

Hinila naman siya palapit ni Kale. "Ano ba, ang layo mo. Dito ka lang sa tabi ko." Kilig na kilig naman si McKenzie kaya hinampas niya 'to sa braso.

"Ate, isang palabok, siomai, pancit at tubig po. Magkano po lahat?"

"270." Pagkabayad ni Kale ay nakanguso lang si McKenzie.

"Sa'yo lang lahat 'yan? San 'yong akin?"

"Ha? Akala ko kasi ayaw mo ng mga ganito. Kumakain ka ba ng ganito? Alam ko kasi puro steak at pizza ang gusto mo kasi alam mo na, mayaman ka. Laking rare and medium. Hanap na tayo ng upuan," at hinila na siya ni Kale.

"Wala ka talagang kwenta! Ang lakas mong magyaya tapos ikaw lang din pala ang kakain! Sumama-sama pa akong bwisit ka!" Tinawanan lang siya ni Kale habang hila pa rin siya nito.

"Sa wakas, nakaupo rin tayo. Bigay mo na 'yong beanie ko para makakain na ako," wika ni Kale habang inaayos ang pagkain niya.

"Bahala ka. Can you move? Don ka nga! Ang luwag-luwag ng space sa tapat, sinisiksik mo ako rito! Move!"

"Ba't ba lagi mo akong sinisigawan? Gusto ko nga ditong umupo. Ayaw mo ba akong katabi? Bahala ka, ikaw din," saka ngumisi si Kale. Tumayo na ito at lumipat sa tapat ni McKenzie. Lalong nanggigil si McKenzie dahil 'di man lang makaramdam si Kale na nagbibiro lang siya.

"Tara kain na." Susubo na si Kale ng siomai ay tiningnan niya muna si McKenzie ngunit kinuha agad ng huli ang tubig niya saka siya tinaasan ng kilay nito. "Fine. Maghintay ka rito." Tumayo na ito't umalis. Napakagat-labi naman si McKenzie habang tinitingnan ito paalis.

Kinuha niya ang siomai na isusubo sana ni Kale at kinain ito. Napangiwi siya dahil sa init. "Pwede na. Ganito pala ang lasa nito."

"Ito na po ang pagkain niyo, mahal na prinsesa." Maingat itong isinerve ni Kale sa mesa.

"What's that? Masarap ba 'yan?"

"Oo naman. Bilobilo at sopas 'yan. In case na mauhaw ka, ayan C2 na pink para sa'yo." Tinabihan na siya ni Kale habang inaayos ang pagkain niya.

"Ba't ang liit niyang C2? Wala bang malaki niyan? Binilhan mo na lang din ako 'yong maliit pa," kunwaring reklamo ni McKenzie na enjoy na enjoy naman sa nakikita niyang pag-aasikaso sa kanya ni Kale.

Sumandok na si Kale at hinipan ang sopas. "Ang arte arte mo talaga. Say ahh," at isinubo na ito ni McKenzie.

"Sarap?" Tumango lang si McKenzie habang ninanamnam ang sopas. "Ito naman. Sakto sa malamig na panahon," at sinubuan naman siya ni Kale ng bilobilo.

"I like this one. It's sweet, ano ulit 'yan?"

"Bilobilo." Napahawak tuloy siya ulo ni Kale at nilalaro ang buhok nitong malambot. Pasali-salit siyang sinusubuan ng sopas at bilobilo.

"Hoy, tangina naman! Nasusuka ako! 'Pag sopas, sopas lang!" awat ni McKenzie dahil sa kalokohan ng kasama niya.

"Hayaan mo na. Para mabilis maubos para busog ka kaagad. Teka lang, ba't may bawas na 'yong siomai ko? Siguro sobrang laking pusa ang kumain non. 'Yong pusa na dalawa ang paa. Grabe no? Kilala mo ba 'yon?" pang-aasar ni Kale rito kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa buhok nito.

Sabay na silang kumain. Masaya ang dalawa habang nagkukulitan pa. Wala silang pakialam dahil wala rin naman gaanong tao sa cafeteria at halos silang dalawa lang ang kumakain.

"Knight, isa pa oh. Ahh." Isinubo naman ni McKenzie ang siomai.

"Tangina, ang anghang! Anong nilagay mo?!"

"Ha? Di naman ah. Siomai lang 'yan," patay-malisyang sagot ni Kale kahit ang totoo ay dinagdagan niya ng spicy 'yong siomai.

Sinubuan naman ni McKenzie si Kale ng sopas.

"Dahan-dahan naman! Ang init, 'yong dila ko!" reklamo ni Kale habang nilalaro ang dila niya dahil napaso ito. "Gumaganti ka ba ha?"

"Anong gumaganti? Ang bait-bait ko nga sa'yo. Sinusubuan pa kita. Ayan pa oh," sabay pahid ni McKenzie ng tissue sa gilid ng labi ni Kale.

Bigla namang napaatras si Kale. Bahagyang namula ang pisngi. "U-Umayos ka nga," utal niyang sabi. Di makatingin kay McKenzie. Lumapit pang lalo si McKenzie at sinubuan muling ito ng bilobilo.

"San ka pupunta?"

"Bibili pa ako ng C2 mo." Ngiting-ngiti si McKenzie dahil sa ilang pagkakataon na magkasama sila ni Kale ay ngayon lang ito sweet at matinong kasama. Kadalasan kasi ay di ito makausap dahil hindi naman umiimik o kaya ay tulog.

Swerte na rin ni McKenzie dahil nahagilap niya ito ngayon kahit hapon na. Pinagdadasal niya na sana lagi silang ganito ni Kale dahil first time siyang matuwa at mag-enjoy sa mga simpleng bagay. Hindi kasi siya basta-basta kumakain ng mga mumurahing pagkain at wala pa ata ni isa ang nakapagyaya sa kanya ng ganito kahit na ang mga kaibigan niya. Kumakain din naman ang mga ito ng mga mumurahing pagkain pero hindi siya sumasama. Pipiliin na lamang niyang magshopping sila ng bestfriend niyang si Aubrey.

Pagbalik ni Kale ay may dala itong apat na C2 pink at ibinigay kay McKenzie.

"Bakit ang bait mo today? Ang dami mo atang pera. Anong meron? Are you sick?" Umaandar na naman ang kaartehan ni McKenzie.

"Ang dami mong sinasabi. Hindi ka na lang magthank you and gutom nga ako di ba? Kumain ka na lang diyan. Gusto mo ng palabok?"

"Fine, whatever. Sana lagi kang gutom para palagi kang mabait sa akin at sweet—

Sinubuan na siya ni Kale dahil ang dami pa niyang sinasabi.

Naghaharutan din sila habang kumakain. Dahil naasar kay Kale, pinicturean niya 'to ng mga badshots at ang ending ay nagpicture din silang dalawa.

"Hoy, hoy, hoy! Anong subuan 'tong nagaganap ha? Ba't kayong dalawa lang? Anong meron ha baks? Ba't ngayon ko lang 'to nalaman? Na kumakain ka ng di ako kasama? Binabackstab mo na akong bakla ka! Ba't andaming pagkain no'ng wala ako? Ha bakla?" talak ni Johansen nang makita niya ang dalawa sa cafeteria. Kasama nito si Allison at Ian.

Tumigil lang ang dalawa sa paghaharutan at bahagyang inilayo ang mukha nilang magkalapit saka tiningnan saglit si Johansen at pagkatapos ay balik kulitan ulit sila na parang wala si Johansen sa harap nila.

"Wow, bakla ka talaga! Iniechos echos mo na lang ako rito ngayon! Porke't—ano 'yan ha? Landi-landian kayo, kayo na ba? Akala ko ba magkaaway kayo? Anyare? Time flies so fast talaga 'no? 'Pag straight at bading talaga pinagsama mo ay nako nako! Di na lang ako magtalk!" Natigil na naman ang dalawa.

"We're having fun, baks. Can't you see? Saka kumakain lang kami rito. Ito oh, may natira pang pancit baka gusto mo?"

"Aba tangina talaga! Ano ako aso? Taga-kain ng tira-tira? Di ka man lang nahabag sa'kin. Nagugutom na nga 'yong tao eh tapos gaganyanin mo pa. Wala kang puso," pangongonsensya pa ni Johansen sa matalik na kaibigan. Nag-ayos pa ito na parang kaawa-kaawa.

"Kumakain ka nga ng buto eh. I mean bone," agad na paglilinaw ni Kale. "Ito, bili ka na ng pagkain mo tapos umuwi ka na," sabay abot ni Kale ng 100 pesos dito.

"Salamat pala. Laking tulong," labag sa loob na tugon ni Johansen na may halong sarkasmo. Naiiling-iling na lang tuloy si Allison at Ian sa dalawang nagbibiruan.

"Be thankful na lang Jo kasi binigyan ka niya ng pambili at least naalala ka pa," natatawang sabi ni Allison na ginatungan pa ni Ian.

"Yaan mo na Peterson. Bawi ka na lang sa birthday ni Ali. Malapit na rin naman 'yon," pag-aalo pa ni Ian dito.

"Oo babawi talaga ako sa birthday ni Ali! 'Wag mong isama-sama diyan 'yong isang lapastangan!"

"Kailan birthday mo Ali? Saan naman?" tanong ni Kale habang nakasandal at nilalaro ang mahabang brown hair ni McKenzie.

"September 15. Sa Singapore."

"Wow, September ka rin? Nice, happy birthday!" di makapaniwalang tanong ni Kale.

"Oo, thank you pero ang layo pa. Ikaw din ba?"

"Oo, no'ng 1 pa."

Si McKenzie naman ang nawindang sa narinig.

"So, birthday mo pala kaya tayo kumain?"

Nahiya naman si Kale. Ayaw pa sana niyang umamin kaso niyakap na siya ni McKenzie at binati ng happy birthday kahit late na.

"Oo, parang gano'n na nga. Thank you, hehe."

"Tangina mo talagang damuho ka. Birthday na birthday mo, 100 pesos lang ibibigay mo sakin! Libo-libo sinasahod tapos anak ka talaga ng teteng oh! Happy birthday! Lumigaya ka sana at maraming chix pa ang dumating sa buhay mong puno ng kalandian!" gigil na bati ni Johansen kahit na ang totoo ay masayang-masaya siya para sa matalik na kaibigan lalo na't nakikita niya itong masaya na unlike noon.

Bumati ulit si Allison at Ian.

"Nic my loves, my honeypie! I missed you!" sigaw naman ng isang boses.

"Mc! Nandito ka lang pala—

Nahinto ang dalawa nang masilayan ang kaibigan nilang nakayakap kay Kale.

"What's going on, Kenzie bitch?! Ba't mo niyayakap ang taong mahal ko? Lumayo ka nga! Nasasaktan ako!" at pinaglayo ni Natalie ang dalawa at siya ang yumakap kay Kale.

"Hmm. Kaya pala may chix chix nang nalalaman. Siya pala ang nang-chichix. Mga straight nga naman 'no Mc? Tara, uwi na tayo! Naghihintay na sila sa labas! Uulan na kaya sumabay ka na McKenzie Knight Straight Elizondo Malandi Henderson!" sabay hila rito. "Bye Kale! Enjoy your day with Nat poknat!"

"Ano ba Zamora! Bitiwan mo nga ako! Mamaya pa ako uuwi. Busy pa kami ni Nixon!" awat niya rito at akmang babalik na nang hilahin ulit siya pabalik ni Silver.

"Hinihiram mo 'yong Benz ko 'di ba? Ito na ang susi. Sabay na tayo tutal madadaanan mo lang din naman ang condo ko."

Tiningnan muna niya si Silver pati na na ang susing hawak nito.

"Fine! Magpapaalam lang ako kay Nixon."

"No. Itext mo na lang siya. Uulan na, maabutan pa tayo. Wala akong payong," at kinaladkad na siya nito palabas ng cafeteria.

Lumingon pa muna siya upang tanawin si Kale na yakap-yakap na ngayon ni Natalie. Nakayakap din si Kale rito ngunit ang atensyon nito ay nakatuon lang sa kanya habang pinapanood siya palayo. Seryoso lang ang mukha nitong nakatanaw sa kanilang dalawa ni Silver.

Nakaramdam si McKenzie nang matinding selos at lungkot dahil sa isang iglap malayo na naman sa kanya ang taong gustong-gusto niyang makasama.

Si Kale Nixon.

Next chapter