webnovel

Chapter 32

Bigla na lamang nagising si Kale nang makapa niyang wala na siyang katabi. Pinakiramdaman niya muna ang kanyang paligid at sarili.

Ang liwanag na. Anong oras na ba? aniya sa isip. Pupungas-pungas at dahan-dahan siyang bumangon para 'di gaanong sumakit ang kanyang kanang paa na ilang araw na niyang iniinda.

Maingat siyang tumayo saka inayos ang higaan. Bagama't naigagalaw niya ang kanyang kaliwang braso na tumama mula sa maling pagbagsak dahil ito ang ginamit niyang pangharang upang 'di tumama ang likod ni McKenzie sa lupa.

Katatapos ng training niya noon sa basketball ngunit bumalik ulit siya dahil may nakalimutan siya sa gym. Naglalakad na siya pabalik nang makita niyang may mabilis na sasakyan at dire-diretso lang ito.

Mabilis siyang tumakbo nang mapansin niya kung saan papunta ang sasakyan-sa kanyang bully na walang kamuwang-muwang at abala sa pag-ce-cellphone. Bago pa mabangga si McKenzie ay mabilis niya itong dinamba at niyakap dahilan upang parehas silang bumagsak sa gilid.

Napuruhang lalo ang kanyang kaliwang braso nang itinulak at nagkamali rin ang kanyang bagsak no'ng basketball game nila kontra Bluecrest's Rebels.

Dahil sa mga nangyari sa kanya bago at matapos ang sports meet ay tinatantiya niya ang kanyang mga galaw dahil sa mga natamo niyang injuries.

Kailan kaya ako makakalakad nang maayos? Sana naman gumaling na ang mga ito dahil may klase na ulit kami next week, hiling ni Kale sa kanyang isip habang palabas na siya sa kanyang kuwarto.

Paglabas niya ay naamoy niyang may naggigisa at nagluluto ng sangag. Tumungo na siya sa kusina at naabutan niya si Ashley na bagong ligo at nakabalot pa ng tuwalya ang buhok nito.

'Di naman maiwasan ni Kale na mapatingin sa kabuuan nito dahil nakasando't shorts lamang ang kanyang kasama.

Bago pa niya mabawi ang kanyang tingin kay Ashley ay binati na siya nito habang makahulugang nakangiti sa kanya. "Ano, masarap ba? Nagugutom ka na?"

Dahil sa kahihiyan ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin at umupo na. Saktong nakaayos na rin ang lahat sa mesa.

"Gusto mo ba ng kape o gatas? Ipagtitimpla kita," masuyong tanong ni Ashley kay Kale habang abala pa rin ito sa paghahalo ng kanilang ulam na corned beef.

"Gatas," tipid na sagot ni Kale. Inayos na ni Ashley ang niluluto at nagtimpla na ng gatas.

Nang matapos na ito sa paghahanda ay inihain na niya ang niluto at iniabot kay Kale ang isang mug ng gatas. Umupo na ito sa tabi ni Kale at sabay na silang kumain.

"Ang tabang," wika ni Kale sa kalagitnaan ng kanilang pagkain. Sinusubuan siya ni Ashley.

Bigla namang napahinto si Ashley at nag-aalalang bumaling sa katabi. "Ha? Alin ang matabang? 'Yong sangag ba? O 'yong hotdog at corned beef?" Bahagya pa niyang tinikman isa-isa ang mga ito upang kumpirmahin kung matabang nga ang mga ito.

Tiningnan muna ni Kale ang itsura nitong 'di na maintindihan. Napansin naman nito na nangingiti siya.

"Ba't ka nakangiti diyan ha, Kale Nixon? 'Di naman kasi matabang 'yong niluto ko ah!" Nag-pout na lamang ito.

"'Yong gatas kasi," at nakangiting nagpatuloy ulit si Kale sa pagkain habang si Ashley naman ay kinurot siya sa tagiliran at kinulit siya. "Pinakaba mo ako Kale Nixon, ang hilig mong mangbuwisit!"

"Ash, ako na ang magliligpit," presinta ni Kale nang matapos silang kumain. Ngumiti na lamang si Ashley at pumunta na sa kuwarto ni Kale.

Dumiretso na rin siyang maligo matapos makapagligpit. Ilang saglit lang ay natapos na siya at tumungo na rin sa kanyang kuwarto.

Pagpasok niya ay malinis na ang kabuuan ng kanyang kuwarto at wala na siyang Ashley na naabutan. "Nasaan na kaya si Ash? Baka umalis na," aniya sa sarili.

Isinuot muna ni Kale ang kanyang kuwintas saka nagbihis. Nang nasa kalagitnaan na siya nang pagbibihis ay biglang may nagtakip sa kanyang mukha.

"Bitiwan niyo ako! 'Yong braso at kanang-shit!" sigaw niya habang nagpupumiglas sa kung sinumang may hawak sa kanya. Naramdaman niyang huminto ang mga ito. "Kung sino man kayo, tanggalin niyo na 'yong takip sa ulo ko. Wala kayong mapapala sa-" Bago pa niya maituloy ang kanyang sasabihin ay mabilis siyang binuhat at pinasan sa balikat.

"Shit!" patuloy niyang sigaw nang maramdaman niyang tumakbo na ang may buhat sa kanya. 'Di na rin siya makahinga at nagsisimula na siyang pagpawisan dahil sa itinakip sa kanyang mukha.

Bigla siyang ibinaba nito at mabilis na tinanggal ang takip sa kanyang mukha. Nasa tapat na siya ng isang puting van at nasilayan niya ang nakabusangot na mukha ni Ashley.

"Surprise, bro! Nagustuhan mo ba 'yong pagbubuhat ko at pagtatakip sa 'yo ni Ali?" natatawang saad ni Ian kay Kale.

Nag-peace sign naman si Allison kay Kale. "Pasensya ka na Kale ha? No choice kami ni Ian dahil napag-utusan lang ni Johansen. Ano pang hinihintay mo, sumakay ka na, aalis na tayo!"

Napatingin naman si Kale sa loob ng van. Ang tanging bakanteng puwesto ay sa pagitan ni Ashley at McKenzie. Ano na naman kayang trip ng mga ito? ani Kale sa kanyang isip. Nagdadalawang-isip kung sasakay ba siya o hindi.

"Dalian mo na Kale!" sabi sa kanya ni Allison kaya wala na siyang nagawa kung di sumunod.

Dahan-dahan siyang umakyat pasakay ng van nang 'di sinasadyang mapahawak siya sa hita ni McKenzie dahil nakaupo ito malapit sa pinto.

Mabilis niyang tinanggal ang kanyang kamay. "Pasensya na miss, 'di ko sinasadya."

"Just move a little faster, pervert!" sigaw naman nito sa kanya at sinamaan siya ng tingin. Umayos na rin ito ng upo.

Paupo pa lang si Kale nang biglang pinaharurot ni Johansen ang sasakyan at umalis na sila. Napaupo tuloy siya sa baba at nauntog pa.

"Bakla, ano bang meron? Ba't kasama pa ako? Sa'n ba tayo pupunta?" seryosong tanong ni Kale habang tinitingnan ang bawat isa sa loob ng van. "Ihinto mo na ang sasakyan at bababa na ako sa gilid, Junior. 'Di ako sasama."

Tinawanan lang siya nito. "Excuse me lang ha, pero baks kahit ngayon lang sana ay 'wag ka munang mag-inarte 'kay? Ang pag-iinarte, inilulugar, 'di inuugali ha? Saka baks, mag-ce-celebrate lang tayo dahil katatapos lang ng ating sports meet at nanalo ang ating university, 'di ba guys?"

"Korek ka bakla! Nic, umupo ka na diyan sa gitna o kung ayaw mo, sa 'kin ka na lang umu-" Mabilis na tinakpan ni Allison ang bibig ni Natalie.

Agad silang nilingon ni Ashley na ngayon ay nakataas na ang kilay sa kanilang dalawa.

"What is that Allison and...Natalie?"

Bago pa makasagot ang dalawa ay nagsalitang muli si Kale.

"Bilisan mo na Junior, ihinto mo na 'yong sasakyan. Isa-"

"Will you all fucking shut up?! For fuck's sake, ang gugulo at ang iingay niyong lahat lalo ka na!" biglang sigaw ni McKenzie sa kanila lalo na kay Kale.

"Kung ayaw mo pa lang sumama, ba't ka pa sumakay? And kung gusto mong bumaba eh di bumaba ka na ngayon, nakauwi ka na sana. You're acting like ngayon ka lang nakasakay ng sasakyan, god! 'Di ka lang bastos, ang tanga-tanga mo pa," mataray pang sabi niya kay Kale.

Blangko lang siyang tiningnan ni Kale. "Eh di mauna ka. Ikaw nakaisip."

"Oh kayong dalawa baks, nagsisimula na naman, mga echoserang 'to baka mamaya malaman na lang namin-ay nako nako talaga sinasabi ko sa inyo!" mahaderang sabat ni Johansen sa dalawa.

"Tsk, sa'n ba kasi tayo pupunta ha Junior? Kanina pa ako tanong nang tanong. 'Di mo ba ako naririnig?" naiinis nang sabi ni Kale.

"Haler baks? Nagmamaneho aketch ditey habang kayo naman nagsisiinarte diyan eh ang chachaka niyo naman tapos sigaw pa kayo nang sigaw. Kaya ayoko sa mga merlat eh. Buti pa 'yong mga ibon, nakatayo at namumula lang kapag galit, 'di ba my baby Ian? malanding saad ni Johansen sabay haplos sa hita ni Ian.

Si Ian ang nakaupo sa shotgun seat at katabi ni Johansen sa harap. Bigla namang napaayos ng upo si Ian.

"Ah Peter, parang bumabagal ata 'yong takbo natin? Mamaya na lang tayo magtitingin ng ibon kapag nakarating na tayo sa resort," pag-iiba ni Ian.

"Kinky promise baby? Ipapahawak mo rin ba sa 'kin 'yong bird? Bet ko 'yong malaki tapos mataba, 'yong tipong-omg, I kennat wait-"

'Di na nakatiis si Kale kaya nagtaas na ito ng boses sa likod ni Johansen. "Junior! Ano na? Kanina pa ako-"

Dahil sa pagsigaw ni Kale kay Johansen ay naabala ang dalawa sa pag-uusap kaya sumigaw na rin ang mahaderang bakla.

"Diputwang baklang patsu Kale Nixon! May celebration getaway tayo sa resort nina Ali at two days tayo ro'n! Ano keri na? Pokemong 'to, nag-uusap kami ng penisology ni Ian tapos biglang-ang sarap mong jumbagin talaga!" Napairap pa ito at nagpokus na sa pagmamaneho.

'Di naman makapaniwala si Kale sa narinig. Dalawang araw sa resort? Sobrang tagal naman. Ano namang gagawin namin doon lalo na ako? Puwede namang sa tabi-tabi at sila na lang.

Ngunit 'di pa rin tumigil si Kale habang ang ibang kasama nila ay may kanya-kanyang mundo.

"Wala akong extrang damit, Junior."

Biglang sumagot si Ashley at ngumiti kay Kale.

"Ako ng bahala sa 'yo babe. I brought extra clothes," sabay kindat nito sa kanya.

Napabuntonghininga na lang si Kale dahil sa mga nangyayari. She felt helpless right now.

Umupo na si Kale sa bakanteng upuan sa pagitan ni Ashley at McKenzie. Ilang saglit lang ay napahawak na siya sa kanyang magkabilang braso at naninindig na rin ang kanyang balahibo dahil sa lamig at nakasando lang siya.

Nang napansin siya ni Ashley ay nanguha agad ito ng baong blanket at ikinumot sa kanilang dalawa ni Kale. Magkayakap ang dalawa habang magkahati sa iisang kumot.

Si McKenzie ay tumalikod na sa dalawa saka umirap. Parang mga tanga. Ang o-oa 'di naman malamig. Parehas kadiri at napaka-poor naman. May pa-share share pang nalalaman. Palibhasa magkaparehas ng-yuck!

Namayani na ang katahimikan sa loob ng van. Si Tyler at Reign ang magkatabi sa pinakalikod na abala sa kanilang cellphone at sa gilid ni Reign ang magkasintahang Black at Aubrey.

Sa likuran ni Ashley nakapuwesto si Silver na malapit din sa bintana habang sa gitna nila ni Allison ay si Natalie na wala ng ibang ginawa kung di kumain ng chips.

Halos nakasiksik na sa gilid si Allison dahil kay Natalie na napakagulo. Nakapatong pa ang paa nito rito.

"Hoy Mc! Ba't ang tahimik mo diyan? Nilalamig ka rin ba?" basag ni Silver sa katahimikan at inasar si McKenzie.

"Shut the fuck up Zamora. Kung ayaw mo at wala kang magawa, tumalon at magpasagasa ka na," gigil na sagot naman ni McKenzie habang nanatili pa rin ang tingin nito sa bintana.

Napaismid naman si Silver. "Oh? Share mo lang? Baka kaya tahimik ka dahil wala kang kayakap at kahati ng kumot? Diyan ka pa kasi pumuwesto, panira ka," nakakalokong sabi pa niya.

Lumingon naman si McKenzie sa likod saka nakangising tumingin kay Silver.

"Hm, 'di bale ng walang kayakap kaysa 'yong gusto mong kayakap ay may kayakap namang iba, 'no Eiji?" at bumaling ulit si McKenzie sa bestfriend niyang nakahilig ang ulo sa dibdib ng boyfriend nito at nakapikit na magkayakap sa isa't isa.

Napatayo na si Silver at marahas na kinuha ang yakap-yakap na unan ni Natalie saka ito inihampas sa pagmumukha ni McKenzie.

"Tangina mong Henderson ka! Kapag ikaw nauntog at nagkagusto diyan, ipagdadasal kong 'di kayo magkakatuluyan. Sinasabi ko talaga sa 'yo, may gabi ka rin!"

Ngingisi-ngisi lang si McKenzie saka itinaas ang kanyang dalawang middle finger kay Silver.

Dahil sa likot ni Silver ay nasagi niya ang natutulog na si Natalie at bahagya itong gumalaw nang kaunti at tumalikod sa kanya. Nang bigla itong umutot.

"Mga puchang dugerts! Sino ang nagpakawala ng bomba?! Amoy evak!" tili ni Johansen at inipit ang ilong.

"Mga gunggong! Sino 'yon?! Puta, dinaig pa ang amoy ng Chanel hayop!" pigil na pigil din na sabi ni Reign sa likod.

'Di na rin alintana ni Kale ang mga kasama at nakatulog na.

Makalipas ang tatlong oras na biyahe ay nakarating na sila sa resort nina Allison.

Paggising ni Kale ay nakahinto na ang sasakyan at silang dalawa na lang ni Ashley ang naiwan sa loob ng van.

"Ash, gising na. Nandito na ata tayo," bulong niya rito dahil magkayakap pa rin sila.

Dumilat na ito at nag-inat. Gano'n din ang ginawa ni Kale at nag-ayos na silang dalawa.

Naunang bumaba si Ashley, bitbit ang kanyang mga gamit.

"Ash, tulungan na kitang magbitbit niyang mga dala mong bag. Kaya ko naman," pagpupumilit ni Kale.

Tiningnan muna siya ni Ashley saka ito nagsalita, "Sige pero itong backpack na lang ang sa 'yo para magaan."

Nakasunod lang si Kale kay Ashley sa paglalakad papunta sa cottage na kanilang tutuluyan. Pagpasok nila ay nadatnan nila ang kanilang mga kasama na nakasalampak at nakapuwesto kung saan-saan maliban kay Aubrey at Black na nasa pinakagilid at pinakadulo, malapit sa kurtina. Abala sa mainit nilang halikan.

Nagpapahinga ang lahat mula sa biyahe.

Si Silver nama'y nakadapa sa sofa habang nakasubsob ang mukha sa unan. "Woi Silv, tama na nga 'yan. Kausapin mo kami ni Reign. Mag-swimming na lang tayo o kaya mag-training baka may punching bag dito. Mawawala rin 'yan," pang-aalo ni Tyler sa matalik na kaibigan habang niyuyugyog ito.

"'Yan na nga bang sinasabe ko eh. Alam ko namang alam mo na matagal na siyang ganyan eh, 'di ka pa nasanay. Maiiyak ka talaga. Sa susunod kase, 'wag ka ng tumabi sa kanya. Ayan tuloy, naututan ka. Buti nga naka-shorts pa siya, pa'no kung hinde? Eh di patay tayong lahat. 'Yan talagang si Natalie, maganda sana kaso utot nang utot, hayop," mahabang saad ni Reign habang hinahaplos ang likod ni Silver. Sinamaan naman siya ng tingin ni Tyler.

Pagkasabi no'y biglang lumapit sa kanila si Natalie at hinablot ang damit ni Reign. "Hoy kayong double A lalo ka na! Akala mo ba 'di ko narinig 'yong sinabi mong utot ako nang utot ha?! Alangang pigilan ko! Ikaw nga umiihi sa pool!" sigaw nito sa pagmumukha ni Reign.

Napangiti naman si Reign kay Natalie at hinapit ito palapit sa kanya. Magkadikit na ang kanilang mga katawan habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa bewang nito. "Pa'no mo nasabe Natalie? Tinikman mo ba hmm?" mahinang sambit ni Reign habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Natalie.

Biglang natahimik si Natalie at 'di makagalaw. Ilang saglit lang ay biglang humalakhak si Reign.

"Fucking asshole! Lumayo ka sa-"

Biglang may pumalakpak at kinuha ang kanilang atensyon. "Okay guys, mukhang complete na tayes kaya mag-What's going on?! Mga potayenang 'to! Ang usapan natin celebration geta-myghad! Nagdidiligan na agad kayo!" talak ni mahaderang Johansen matapos niyang mag-cr at 'di makapaniwalang inililibot ang paningin sa mga kasama. "Kayong dalawa rin, ano?! Balak niyo Reign at Natalie?"

Naglakad nang kumekembot papunta sa harap nila si Johansen, dala ang pamaypay nito at tumalak na naman.

"Hoy, kayong dalawang manok diyan sa may kurtina! Ang aga-aga niyong magtukaan. Tigil niyo na 'yan at lumapit na kayo rito! Naiinggit ako! Lamporeber!"

Tumigil na si Black at Aubrey saka magka-holding hands at nakangiting lumapit sa kanila. Nang makalapit ang mga ito kay Johansen ay marahan niyang pinalo ng pamaypay sa balikat ang dalawa.

"Lagi niyong tandaang dalawa, uso ang cr. Hindi 'yong live show, masakit sa mata. Tingnan niyo 'yong kaibigan niyo, nakadapa na, nakasubsob pa. Bawas-bawasan ang Le Vogue kung di vogue vogue talaga kayo sa 'ken. Magsiupo na kayong lahat at manahimik. Aketch lang magsasalita kung di hahawakan ko isa-isa ang mga nakatagong ibon," nakakalokong sabi niya sa lahat at tiningnan isa-isa sina Ian, Tyler, Reign at Black.

Tumahimik na ang lahat. Tiningnan muli isa-isa ni Johansen ang bawat isa. Nang masiguro niyang handa nang makinig ang mga ito ay saka ulit siya nagsalita.

"Lesen kerpule! Ayoko nang pajulit-julit at isang beses ko lang 'tong sasabihin. Entiendes?" nakangisi niyang sabi saka nagpaypay. Nakatingin lang sa kanya ang mga ito.

"Pers tings pers, lahat ng sasabihin ko'y unappealable. Meaning, decided. Iriputabol. In short, settled. Baby Ian, Tyler, Black at Reign, tumayo kayo rito sa harap," utos niya sa apat na lalaki. Sumunod agad si Ian habang ang tatlo nama'y nagtinginan muna.

"Bet niyo pa atang akes ang magpatayo sa inyo aba! Paster niyong threesome!"

Alanganin nang tumayo sina Tyler, Black at Reign habang nagtutulakan pa at tumabi na kay Ian, malayo kay baklang Johansen.

"Berigud mga fafi. Dahil diyan, kunin niyo ng apat ang inyong mga gamit at pumunta na kayo sa inyong kuwarto. Kayo ang magkakasama sa iisang kuwarto at para sa mag-jowang manok, magkahiwalay kayo para walang tusukan ng kikiam na magaganap!"

Bumaling naman siya sa mga babaeng natira.

"Aubrey, Eiji, Nat and me na ang magkakasama sa iisang room. So, where is it? Para matapos na, kanina pa. You're wasting our time," mataray na sabi ni McKenzie na nagpataas ng kilay ni Johansen.

Dahan-dahang lumapit si Johansen kay McKenzie. Nang makalapit ay tumigil siya sa pagpapaypay at namaywang.

"Hoy moret! Bingi ka ba o bobita? Ang sabi ko-Allison, babaeng manok, babaeng utot at babaeng nakadapa, kayo ang magkakasama."

"Yehey! Bakla, saan 'yong kuwarto namin? Tabi kami ni Allison sa kama!" excited na sabi ni Natalie at tumayo na ito. Nang maibigay ni Johansen ang susi ng kanilang kuwarto ay nauna na itong umalis.

"Dahil kayong tatlo na lang ang natitira-baks, moret at Ashleya, kayo ang magkakasama sa huling kuwarto. Kung merong may 'di bet senyo, kiber lang. Three rooms lang meron at bahala na kayo kung gusto niyo sa labas. Ano pang winewait niyo? Gora na!" sigaw niyang utos sa tatlo na nakaupo pa.

Biglang napatayo si McKenzie at mabilis na hinila ang damit ni Johansen saka nanggigigil na nagsalita, "You really want your fucking lesbian friend to get hurt again, won't you? You piece of gay shit. Go to goddamn hell."

Sinalubong naman ni Johansen ang masamang tinging ipinupukol sa kanya ni McKenzie at bahagyang inilapit ang mukha rito.

"Woah, scary. Ashleya," tawag nito kay Ashley habang nakatingin pa rin kay McKenzie nang nakangisi at hawak ang susi ng magiging kuwarto ng mga ito. Nang makuha na ito ni Ashley ay nagpatuloy ulit si Johansen.

"Go, hurt her-but I can tell if someone is interested in her. Do it and we'll see who will end up getting hurt," bulong at nang-aasar na tugon niya kay McKenzie.

Lalong dumilim ang mukha ni McKenzie at hinigpitan ang pagkakahawak kay Johansen. Tinitigan niya muna ito bago marahas na binitiwan.

Kinuha na niya ang kanyang mga gamit saka binangga si Johansen bago tuluyang umalis. Natawa naman ang huli dahil sa iniasal nito.

What a bunch of bullshits. How can I sleep in a room with those two-buwisit! pagngingitngit ni McKenzie habang papunta sa kuwarto nila sa second floor.

Nang maiayos nina Kale at Ashley ang kanilang mga gamit sa kanilang kuwarto ay nagpasya munang lumabas si Kale.

Pagbukas niya ng pinto ay nabungaran niya si McKenzie na maraming dalang gamit na halos 'di na nito madala.

Akmang tutulungan at kukunin na ni Kale ang dala nitong isang bag nang mabilis itong napatingin sa kanya at pinigilan siya.

"Get out of the way, lesbi. I don't need your help. I can manage," masungit nitong saad kay Kale.

Pagkasabi no'y paika-ikang umalis si Kale at naglibot-libot sa loob ng cottage.

Saan kaya makakahanap ng banig dito? Baka may extrang kumot at unan din.

Abala naman sa labas ang mga lalaki at naka-topless na ang mga ito maliban kay Johansen na ine-enjoy ang masasarap na pandesal. Si Tyler ay naghahanda para magluto ng kanilang kakainin habang si Black nama'y naka-shades habang naghahanap ng panggatong.

Si Ian ang nag-iigib ng tubig habang nakasunod dito si Johansen na wala ng ibang inatupag kung di i-cheer at paypayan ito. May dala pa itong towel kung sakaling pawisan ang kanyang baby Ian. At si Reign ang nagtatayo ng kanilang tent.

Ang mga babae nama'y abala sa pagse-selfie at kulitan.

"Bitch, take a photo of me and Kenzie. Make sure that we look fucking beautiful," tawag ni Aubrey kay Natalie na busy din sa pagpipicture kasama si Allison.

Tumigil muna si Natalie at lumingon sa kaibigan. "First of all, may kamay kayong dalawa ni Kenz at pangalawa, uso mag-filter. Mae-enhance na ang inyong mukha, 'di pa kayo makikilala. Sa'n pa kayo?" nakakalokong saad niya.

Napangisi naman si Aubrey. "You know what Natalie? Sayang naman because I want to give you some foods that I packed sana even 'yong meals na kakainin natin here, I'll share but yeah what-"

"Allison, magpipicture raw tayo nina Aubrey! Silver, lumapit ka na rito bilis! Ikaw naman kasi, madali naman akong kausap saka anong pose ba 'yong gusto niyo ni Kenzie? Ako ng bahala sa inyo. Basta ako nag-picture, mas maganda pa kayo sa mga shokoy kaya dalian niyo na pumuwesto na kayo!" at kinuha na ni Natalie ang camera kay Aubrey.

Nagsimula na silang magpicture. Nauna munang picturan ni Natalie ang magbestfriend na si Aubrey at McKenzie habang si Silver at Allison naman ay nagseselfie.

"Oh pak na pak kayong dalawa. Isa pa, ayan ayan ang ganda niyo diyan. Sige awra pa kayo tapos ngiti pa. Ay oh ang gaganda talaga, may mga pabraso pa talaga. Candid naman-teka ayan! Ang mga ngiti niyo talaga oh, ang paplastik! Plastikan niyo pa!"

Sunod-sunod ang pagclick ni Natalie ng camera habang ang dalawa ay enjoy na enjoy sa pagpapapicture. Nakailang shots na siya at mukhang 'di napapagod ang dalawa. Tumagal pa ng ilang minuto bago sila natapos.

"Baka tinangay na kayong dalawa diyan, sumama na kayong dalawa Pilak at Allison. Picturan ko kayong apat dali!"

Hinila na ni Allison si Silver na mukhang walang gana at naiinip na saka lumapit sa dalawa.

"Pilak, ngumiti ka na! Ang pangit mo eh." 'Di na hinintay pang umayos ni Natalie ang mga ito at sinimulan nang magpicture.

"Wait, I'll get some water muna," paalam ni McKenzie sa kalagitnaan ng kanilang pagpipicture at umalis na.

Nagpatuloy lang sila sa pagpipicture. "Girls, teka. May nahulog ata mula sa bulsa ko," biglang sabi ni Allison habang kinakapkapan ang sarili saka tumakbo paalis.

Silang tatlo na lang ang naiwan. "Oh kayong dalawa diyan, move closer!" at sunod-sunod na pinicturan ang dalawa.

"Ayan, ayan ang ganda ng view niyo! Closer pa! Closer! Alam niyo, 'wag niyong sinasayang 'yong magagandang moments na 'to-"

"Just press the fucking button, Natalie!" nanggigigil na sigaw ni Silver at mabilis naman nitong sinunod ito.

"Nice shot, Pilak. Ako naman ang picturan niyo. Make sure na sobrang ganda ko ha Pilak. Ayusin mo talaga, sinasabi ko sa 'yo." Pinaalis din muna niya si Aubrey.

Nakasimangot na kinuha ni Silver ang camera. "Ready ka na ba Nat? Wait, lumayo ka pala nang kaunti tapos tumalikod ka. Pagkabilang ko ng tatlo, dahan-dahan kang humarap para mas maganda 'yong effect ng shot. Gets? Tell me kung ready ka na."

"Hundered percent ready!" at sinunod na niya ang mga sinabi ni Silver.

"Pilak, wala pa ba?" tanong ulit ni Natalie rito dahil hindi pa ito nagbibilang.

"Relax ka lang Nat! Isineset ko pa 'yong timer. Okay na! Magbibilang na ako! One!

Pagkasabi no'y tumingin siya kay Aubrey at sinenyasang lumapit. Nang makalapit ay dahan-dahan na rin silang naglakad paatras at pigil na pigil.

"Two!"

Nang makalayo na silang dalawa ay hinawakan na ni Silver si Aubrey sa braso saka sabay silang tumakbo paalis. Naiwang nakatalikod si Natalie.

Mabilis silang tumakbo habang nagtatawanan sa katangahang ginawa nila.

"Hoy mga inutil! Mga gago kayo!" rinig nilang sigaw ni Natalie sa kanilang likuran kaya mas binilisan nila ang pagtakbo.

"Run faster bitch!" sigaw ni Aubrey sabay tawa. 'Di alintana ng dalawa ang kanilang paligid ngunit 'di maiwasan ni Silver na mapasulyap at mapangiti sa magandang dalaga na kanyang kasama habang ang buhok nito ay iniihip ng hangin.

Mayamaya ay tumigil na si Aubrey at Silver at hingal na hingal. Nakangiti habang nakatingin sa isa't isa.

"Ah eh s-sorry Aubrey," alanganing sabi ni Silver at mabilis nitong binitiwan ang braso nito nang mapansin ito ng huli. "'Y-yong camera mo pala. Pasensya na ulit." Pagkaabot niya ng camera ay tinapunan muna niya ng tingin si Aubrey saka patakbong umalis.

Saktong pagkaalis ni Silver ay dumating din si Natalie na habol ang hininga. "Mga wala talaga kayong kwenta. Gaganda ng ugali. Teka, si Pilak? Iniwan ka? Gago talaga 'yon."

Naputol lang ang kanilang usapan nang biglang dumating ang tumatakbong si Black at agad na niyakap at hinalikan si Aubrey sa labi nito.

"Kanina pa kita hinahanap baby saka ba't pawis ka? Tumakbo ka ba? Bumalik na tayo sa tent para makakain na," masuyong saad ni Black at binuhat na ang kanyang girlfriend. Napairap na lamang si Natalie dahil iniwan na siya ng dalawa na abala na sa paglalambingan.

"Uy Mc! Matunaw naman 'yong dalawa. Lapitan mo na kasi 'di 'yong pinsan mo lang ang nag-eenjoy at nagsosolo sa kanya," pukaw ni Silver kay McKenzie na kanina pa nakatingin kay Ashley at Kale na naglalakad habang magkabigkis ang mga braso sa kalayuan. Tila may sariling mundo ang mga ito.

Agad na ibinato ni McKenzie ang hawak na plastic bottle kay Silver. "Zamora, pwede ba, lubayan mo ako saka the fuck you're saying? Kadiri. Bahala ka diyan," masungit na tugon niya at tumayo na at iniwan si Silver.

Tinawag na sila ni Tyler upang sabay-sabay na kumain sa tent. Nang kumpleto na sila ay nagsimula na silang kumuha ng kani-kanilang pagkain. Gaya ng dati ay si Natalie na ang nauna na malapad ang ngiti.

"Bitch, baka nakakalimutan mo. May utang ka pa sa 'kin," paalala ni Natalie kay Aubrey ngunit nakatingin na ito sa plato ng huli. Tinaasan lang siya ng kilay nito ngunit hinayaan na siyang kumuha sa plato nito.

Nagsimula na silang kumain. Si Natalie na walang pakialam sa iba habang katabi nito si Reign at Tyler na tahimik lang sa pagkain. Si Aubrey at Black na magkahati sa pagkain at masayang nagsusubuan gayundin si Kale at Ashley ngunit tahimik lang si Kale at bahagyang napipilitan dahil mapilit si Ashley. 'Di sinasadyang mapatingin siya kay McKenzie na kanina pa rin nakatingin sa kanilang dalawa at nagtama ang kanilang mga paningin.

Nagbawi agad ng tingin si McKenzie. What the fuck is her problem? Titingin-tingin pa as if natutuwa ako sa kanya. Nakakawalang gana tuloy kumain.

Napukaw lang ang kanyang atensyon nang biglang tumabi sa kanya si Silver na nakasimangot at mukhang badtrip.

"Mc, gusto mo bang subuan din kita? Tanginang getaway 'to, nakakawalang gana na ngang kumain, ganyan pang makikita mong nagsusubuan at nagyayakapan. Parang mga ulol. Kung alam ko lang, 'di na ako sumama," mahinang sambit niya kay McKenzie habang nilalaro ang pagkain.

"Eh di 'wag kang tumingin and just mind your own shits, Eiji. Basta ako, I'm happy for my bestfriend kaya kumain ka na lang diyan." Nagsimula nang kumain si McKenzie.

"Happy daw eh kanina ka pa nakabusangot do'n sa dalawa. Anyway, bahala sila sa mga buhay nila. Magccr muna ako at kung gusto mo pa, sa 'yo na 'tong pagkain ko," at umalis na si Silver.

Makalipas ang kalahating oras ay natapos na silang kumain at nagpahinga habang ang mga lalaki na ang nagligpit.

"Nabusog ba kayo? Kung may mga kailangan kayo, 'wag kayong mahihiyang magsabi ha? Just enjoy yourselves here at our resort and feel free to do whatever you want to do," nakangiting pahayag ni Allison sa mga kasama.

"Ay nako sis, 'di akes nabusog sa mga kinain at nakikita ko pero baka patikim pa lang. Lam mo na, baka mamayang gabi pa 'yong main course ko and sis, pwede bang paki-ready 'yong mga need ko in case ma-choke ako. Well, laro muna tayo ng volleyball habang wala pa kayong balak kumilos. Sis, penge at peram na rin nga ng sunscreen at lip balm. Tenks," makahulugang sagot ni Johansen kay Allison.

Nagpalit na ang mga babae ng kani-kanilang bikinis at nag-apply ng sunscreen. Napagdesisyunan nilang maglaro ng babae laban sa mga lalaki at si Natalie ang scorer.

"Ang matatalo may parusa ha kaya galingan niyo na lang!" sigaw ni Natalie sa kanila at ngumisi ito.

"Hoy luge kami! Andiyan 'yong star player ng volleyball ng univ natin!" kontra ni Reign ngunit nagsimula na sila at service ni Allison.

Nareceive ito ni Tyler at nang makatatlong rally sila at maganda ang tiyempo ay agad na nagspike si Johansen. 'Di na ito naibalik ng mga babae.

"Hey! Ang hina naman girls!" pang-aasar ni Reign sa mga ito. Masaya namang yumakap si Johansen kay Ian at nagpabuhat kay Black.

Matalim ang tinging ipinupukol ni Aubrey kay Johansen at mabilis na ibinato ang bola rito kaya napatingin ito sa kanya at nginisian siyang lalo.

Nagpatuloy lang ang kanilang paglalaro at hindi nawala ang pang-aasar ng mga lalaki lalo na si Reign at Johansen kina Aubrey, McKenzie at Silver.

'Di naman napigilan ni McKenzie na mapatingin sa gawi ng nanonood sa kanila at muntikan pa siyang matisod dahil ngayon lang niya nakita ang ganitong itsura nito.

I wonder what brand of shades she's wearing but-nagmukha siyang tao ngayon. Given that she's not also wearing her beanie, medyo may appeal siya at-

"McKenzie, watch out!" biglang sigaw sa kanya ni Silver at buti na lang ay mabilis siyang nakaiwas sa bola.

"Napapano ka Mc? Magfocus ka nga muna sa game," sita sa kanya nito ngunit inirapan lang niya ito.

"Huwag mo akong utusan, Zamora. Nakakabadtrip ka at 'wag ako ang sabihan mo. 'Yang sarili mo dapat."

Tumagal pa ang kanilang laro nang humingi sila ng water break.

"Nasaan si Kale? Andito lang siya kanina ah," saad naman ni Silver habang inililibot ang paningin.

Nagtataka rin ang mukha ni Ashley at hinahanap din ito. Nagmadali na si McKenzie at pumwesto na ulit.

Ang tanda-tanda na, lagi pa nilang hinahanap. As if mawawala 'yon.

Hapon na nang pumunta si McKenzie sa kanilang cottage na basang-basa dahil kanina pa sila nagsuswimming at ang iba nama'y nagjejetski. Marami na silang pinagggagagawa at enjoy na enjoy sa kanilang getaway.

Bigla namang napahinto sa pagmamadali si McKenzie nang mapansin niya si Kale na gulat na nakatingin sa kanya at ibinalik din agad ang tingin sa kanyang pagkain.

Nakaramdam naman siya ng pagkailang at mabilis na tinakpan ang sarili.

"What the fuck are you staring at?!"

Anong ginagawa niya rito? Mabuti ng nag-iingat at baka ano pang makita niya. Titingin-tingin pa kasi.

Dahil kinakausap na naman ni McKenzie ang kanyang sarili ay 'di niya namalayang nag-iisa na siya ron'n.

Dumiretso na siya sa kanilang kwarto at nanguha ng towel. Inihanda na rin niya ang damit na kanyang isusuot at nagtungo na sa cr upang maligo.

Walang ano-ano'y binuksan niya ang pinto at tumambad sa kanya ang hubad na katawan ni Kale na nalligo. Nakapikit ito habang sinasabunan ang sarili. Bahagyang nakaawang ang kurtina at gamit nito ang shower kaya malayang nakikita ni McKenzie ang kabuuan nito.

Saka lang natauhan si McKenzie nang patayin nito ang shower. Mabilis siyang lumabas ng cr at napasandal sa pinto. Napahawak siya sa kanyang dibdib na sobrang bilis ng tibok.

Shit! Ang tanga-tanga mo talaga McKenzie! Muntikan ka na at may nakita ka pang 'di kanais-nais! Uso naman kasing ilapat 'yong kurtina. Tama, siya talaga 'yong may kasalanan.

Makalipas ang ilang minuto ay sabay silang lumabas at siya ring pagdating ng kanilang mga kasama na nagkukwentuhan habang basang-basa ang mga ito.

Biglang natigil at napatingin sa kanila ang mga ito. Bakas sa itsura nila ang pagkagulat lalo na si Johansen at Silver na ngayon ay naghihinala na ang mga tingin.

"Ehem, baks. Musha ka ditey? Kayong dalawa lang?" makahulugang tanong ni Johansen kay Kale at palipat-lipat ang tingin sa kanila ni McKenzie.

"Nakatulog ako. Magbanlaw ka na baks saka sobrang itim mo na," simpleng sagot ni Kale at paika-ikang lumabas.

Umupo siya sa duyan upang pagmasdan ang payapang karagatan at lasapin ang sariwang hangin na nagpapaginhawa sa kanyang pakiramdam.

Nang makapag-ayos na ang lahat ay tumambay muna sila sa loob. Si Johansen naman ay nagpapaypay na lumabas upang tawagin si Kale ngunit wala na ito sa duyan.

Ito ay nasa dalampasigan, nakatupi ang laylayan ng suot niyang pants at nagtatampisaw. Masayang pinapanood ang papalubog na araw kasabay ang paghawak sa kanyang kwintas.

"Hay nako baks. Tama 'yan, just enjoy yourself habang nandito ka pa," sambit ni Johansen sa kanyang sarili saka ngumiti habang pinagmamasdan mula sa malayo ang kanyang matalik na kaibigan.

Pumasok na siya sa loob at naabutan niyang nakapalibot at nagsusugal ang kanyang mga kasama.

"Mga sis, ba't di niyo ko hinintay! Wet, wet sali akes! Magkanong taya?" sigaw niya saka tumabi kay Ian. Kasalukuyan silang naglalaro ng pusoy dos at tong-its.

"Natalo kasi ang mga boys kanina kaya humihirit sila ngayon. Sis, ikaw bahala," sagot naman ni Natalie habang nakapokus ito sa kanyang baraha.

Nagpalipas muna sila ng oras upang hintayin na makabalik si Kale. Makalipas ang ilang saglit ay naghanda na sila ng hapunan. Habang nag-aayos ay dumating na si Kale at mabilis itong niyakap ni Ashley.

"Babe, sa'n ka galing? Huwag kang lumayo, namimiss agad kita," sambit ni Ashley.

"Diyan lang ako sa gilid, babe. Ha? Namimiss mo ko? Eh magkasama naman tayo buong araw, 'di naman ako mawawala," natatawang sagot ni Kale.

"'Di pa ba tayo kakain? The foods are ready. Tititigan na lang ba natin? Don't you know na masamang pinaghihintay ang pagkain?" masungit na sabi ni McKenzie nang mapansing nakaupo na ang lahat ngunit wala pang gumagalaw.

"Ops, are you waiting for us ba? I'm sorry but thanks ha. Ang bait mo naman cuz. Let's eat na guys. Babe, kain na tayo," at inakay na niya si Kale.

"Tsk, I'm concerned with the food, not with you. And don't call me cuz, we're not close. No to-whatever." Sabay-sabay na silang kumain.

"Baks, nag-eenjoy ka ba? Lumafang ka pa oh, maraming pagkain. Kasingsarap no'ng nagluto," sabay kagat ni Johansen sa tinidor at tumingin kay Tyler.

"Oo baks, nakakaenjoy magswimming sa kwarto at umupo. Pero maganda at masarap naman dito," sarkastikong sagot ni Kale.

"Eh ako ba babe? What do you think-"

"Can you hand me over the plate of meatballs and veggies? Thanks," balewalang utos ni McKenzie kay Ashley.

Tiningnan naman siya ni Ashley at iniabot ang plato ng meatballs at nginitian siya saka bahagyang inirapan. Itinuon na ulit nito ang atensyon kay Kale at nakangiting sinusubuan ito.

Ang kapal talaga ng pagmumukha nitong Ashley na 'to. Oh scratch that, just saying her name makes me want to puke. Plastik. Anyway, they're not worth my time.

"Mc, maawa ka sa pagkain mo. Parang pagkain na ng aso oh," bulong sa kanya ni Silver na mas lalong nagpabwisit sa kanya.

"Nic, ano bang nangyari diyan sa braso mo? Injured ka ba?" tanong ni Natalie. Kanina pa nito pinagmamasdan si Kale at Ashley.

"Ah, hindi. Tumama lang sa pader. Nakaharang eh."

"Nat, pwede bang kumain ka na lang? Saka 'di mo ba nakikita? Ganyan kapag mga clumsy kaya mind your own business," puna naman ni McKenzie.

Bigla siyang tinitigan ni Ashley at seryosong nagsalita, "If she's clumsy, then you won't be sitting here with us anymore. Baka in loving memory ka na, McKenzie Knight."

Napahigpit ang hawak ni McKenzie sa kanyang kutsara't tinidor at pigil na pigil ang sarili. Biglang natahimik ang lahat.

"Mga sis, maghanda na tayo para sa bonfire! Madilim na sa labas oh!" masiglang sabi ni Johansen at tumaayo na.

"Eto 'yong kanina pa namin hinihintay! Kami na ang magdadala ni Black ng mga alak!" segunda ni Reign at kumilos na.

Nagsitayuan na ang lahat at kanya-kanyang lagay ng pinagkainan sa lababo.

"Ako ng bahala sa mga pinagkainan natin. Ayusin niyo na sa labas. Susunod na lang kami nina Allison," kalmadong sabi ni Tyler sa kanila.

Agad na lumabas si McKenzie upang magpahangin habang si Silver ay nakabuntot sa kanya. Patuloy lang si McKenzie sa paglalakad gayundin ang kasama niya.

"Zamora, pwede ba, lubayan mo muna ako? Naiinis akong lalo kaya please-" Napahilot na lamang siya sa kanyang sentido.

"Mc, just take a deep breathe, okay? 'Wag mong idinadaan sa init ng ulo ang mga sinasabi ng iba. Lalo na 'yang pinsan mo. Huwag mo na lang pansinin."

"Seriously? Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? How can I stay calm when someone insulted me in front of everyone huh? I don't know what's her fucking problem. Paepal masyado parang ikaw, and I don't need your comforting words," nanggigigil pa niyang tugon.

Natawa naman nang mahina si Silver sa sinabi ni McKenzie. "See? Eh di alam mo na ang pakiramdam ngayon ng mainsulto. Ganto kasi 'yan, who started first? Pangalawa, she has a reason and lastly, it was Kale."

"What are you implying? Na ako ang may kasalanan-"

"Hey! What is it? I need to know everything," biglang sulpot ni Aubrey sa kanilang dalawa. Napatingin naman sila at lalong nadagdagan ang nararamdamang inis ni McKenzie.

"Nothing serious. Your bestfriend is hurt. Anyway, McKenzie, listen. Everybody makes mistakes and admitting one doesn't make you weak and less of a person. She didn't insult you. She just defended the person she deeply cared about. In short, nag-aaway lang kayo dahil sa isang tao. Mga tanga!" at patakbo na itong umalis.

"What did she mean? No more dramas na, let's go. They're waiting for us." Kinaladkad na siya ni Aubrey papunta sa kanilang mga kasama.

Pagdating nilang dalawa ay nakapalibot at nakaupo na sa kanya-kanyang banig ang kanilang mga kasama. Ang mga lalaki ay may hawak ng bote ng alak habang ang mga babae naman ay nag-iihaw ng hotdog na may marshmallow. May mga pulutan din sila.

"Mga sis, paano kayo nagkakilalang pito? Kami kasi nina baby Ian, ano kelan ulit 'yon?" panimula ni Johansen habang nag-iihaw.

"We met sa bar na kabubukas lang noon at kasama ko noon si Ali dahil papasok pa lang kami ng Henderson tapos nagkayayaan kaming dalawa, 'di ba Ali?" Lumagok muna ito ng alak saka nagpatuloy.

"Syempre inom, inom at party-party kaming dalawa ni Ali tapos hanap ng chix eh bwisit puro mas matanda sa 'kin. 'Yong kasama ko naman sayaw nang sayaw tapos no'ng may tama na siya, kung sino-sinong pinaghihila niyang babae at ipinakilala sa 'kin. No'ng paalis na kami at magbabayad na pucha! Naiwan ko 'yong ATM card ko tapos biglang may nag-abot sa bartender. Mukha kaming ewan na nakatingin kay Johansen-"

"Ay pakshet! Kinindatan pa nga kita noon kasi noon pa lang ang fafi mo na talaga! Buti nga nakapagpigil pa akes and matagal ko na kayong tinitingnan ni Ali then wala kayong pambayad mga poorita.

Hanggang sa akes ang naghirap dahil sinukahan mo ko tapos si Ali tulog na pero natuwa rin si aketch dahil niyakap mo ko," malanding sambit naman ni Johansen.

"Kaya lang naman ang lakas ng loob na magbayad ni Peter para sa 'min dahil kaibigan niya si Ashley. Then nagulat na lang kami kinabukasan na sa Henderson din pala silang dalawa dahil sabay-sabay kaming nagpa-enrol noon," dagdag pa ni Ali saka kumagat ng hotdog.

"Buti pa kayo ganyan eh kami? Hoy mga maaaway kong kaibigan paano ko ba kayo nakilala? Um-attend lang naman kayo no'ng birthday party ko noon kahit 'di ko kayo ininvite dahil sino ba kayo at take note, 'di pa nila ako binati niyan maliban kay Ty na may regalo pa," mahabang kwento naman ni Natalie habang ngumunguya sa tabi ni Tyler.

"Duh, at least we attended your birthday and Tito Brandon is a very close friend of Dad. Basically, Daddy asked me to and nakakahiya naman if 'di ako pupunta. Also that time, I was with Kenzie in Australia and I asked her to come with me. Imagine, nagtravel pa kaming dalawa just to attend a birthday party and only to find out na the bitch who slapped me because she was drunk way back there was the celebrant," kontra ni Aubrey saka diretsong nilagok ang hawak niyang bote ng alak.

"Teka nga, ang dami niyo namang sinasabe. Ganto lang kasi 'yan, 'yong mga magulang natin magkakasosyo sa business tas syempre uso invite ng mga anak anak sa mga kaek-ekan na business hanggang sa napilit ako nina Mama eh tangina bagsak pa ako sa mga exams ko noon. Tangina lang kase, 'yong kasapakan ko lagi at kasama sa guidance, andoon din 'di ba pre?" tukoy nito sa katabi niyang si Black na kayakap ang girlfriend nito.

"Nangangati na nga akong sapakin ka no'n, hiya lang ako kina Papa tapos eto pa malupet mga pre, pormang-porma ako eh pinalapit ako ni Mama. Sinabi sa 'kin na ibigay ko raw 'yong mga alak na dala namin kay Nat. Kumbaga mga pre eh offer, mga pa-good shot pa'no. Tas gago may nagpasuwit sa 'kin, tinawag akong waiter. Tangnang matandang hukluban 'yon, nagrequest ba naman ng champagne sa 'kin pero..." Sumubo muna ito ng pulutan saka uminom ng alak.

"Tas anyare na?! Pota, 'wag mo kameng binibitin! Antagal," talak ni Johansen habang kumakain ng sitsirya.

Tahimik lang si Kale na nakikinig sa gitna ni Johansen at Allison pero ang atensyon nito ay nasa hawak niyang lata ng beer at bahagyang pinipisil ito.

Si McKenzie naman ay patuloy lang sa paglagok ng alak gayundin ang katabi niyang si Silver. Nagpaparamihan sila ng boteng nainom habang nakikinig sa kwento ng kanilang mga kaibigan.

"Eto na nga, dinala ko na 'yong champagne and at that very moment, my world suddenly..." Hindi na nito naituloy ang sasabihin at bumaling na kay Aubrey. "I found my gem. And here we are now," at hinalikan niya ito sa noo.

"Taray! Haba ng buhok ni pem! Pinagrejoice mo ba 'yan gurl? Umaattend din naman akes ng bertday pero waley mang ganyan. Edi kayo na!" tili ni Johansen.

"Sino ng next? Magkwento pa kayo dali!" yaya pa ni Allison sa kanila na medyo may tama na.

Si Tyler na ang nagsalita. "Magkababata kami ni Silver. Sa lahat ng bagay parehas kami. Same school, same sports, same neighborhood. Everything. Magkasama kami. Ang kaibahan lang ay leader siya lagi sa 'min noon." Natawa naman ito sa huling binanggit niya.

"Sinasabi ko talaga sa 'yo Ty, ayusin mo desisyon mo sa buhay," pagbabanta ni Silver dito.

"Ba't anong meron diyan kay gago?" echoserang tanong ni Natalie kaya nakatikim siya ng nakakamatay na tingin mula kay Silver.

Natatawa namang nagsalita ulit si Tyler "'Di mo na naalala Nat? Bago 'yon, since primary, lagi siya ang naglelead ng prayer hanggang high school kami. Tas 'pag may doxology, siya rin ang nangunguna. Sa Catholic School kami noon kaya gano'n."

Agad siyang binato ng lata ng beer ni Silver saka minura.

"Ay sister naman pala ang peg. So-ay wait! So si Pilak pala 'yong naglead ng prayer no'ng birthday ko noon. Mahaba pa kasi buhok niya noon."

"Orayt, cheers mga tropa! To everyone and to sister! Mabuhay ka!" sigaw ni Reign at sabay-sabay silang nagtoast maliban kay Kale.

Nagpatuloy silang lahat sa masayang pagkukwentuhan at pag-iinuman. Marami silang nalaman sa bawat isa at sa isang iglap ang lahat ay nakalimutan ng The Elite Seven at ang magkakaibigang Johansen ang una nilang pagkikita sa Henderson University.

Lahat sila ay may mga tama na ngunit wala pa ring paawat sa pag-inom. May mga nakasandal na sa katabi.

"Beke nemen 'yong iba diyan, gusto magtalk! 'Di ba baks? Ambag ambag baka majombag kita!" parinig ni Johansen sa katabi niya.

"Wala akong kwento, baks saka okay lang ako sa ganito. Inaantok na ako," tipid nitong sagot. Namumungay na ang mga mata.

"Ayan ka na naman sa mga palusot mo! Kanina pa kami ditey na nagsasayang ng wayla tas ikaw parang pipi diyan. Magkwento ka na kase! Shige na pagbigyan mo na akes! 'Di ba guys?"

"C'mon Kale, kahit isa lang," segunda ni Silver na nagbubukas na naman ng panibagong bote ng alak at inabutan din si McKenzie.

"Kitams? Kaya dalian mo na, baks."

Umayos muna ng upo si Kale saka nagsalita. Si Silver at McKenzie naman ay nakaabang sa sasabihin niya.

"Nagkakilala kami nina baks sa bar dahil bartender ako ro'n. The end. Okay na?"

Napahilamos na lang si Johansen sa kanyang mukha habang napaismid naman si McKenzie at si Silver ay napailing.

"Grabe, may ganyan pala. 'Di namin naisip 'yon," sarkastikong saad ni McKenzie.

"Baks, alam mo, sarap mong ihagis sa dagat. May kwento bang the end ha? Potaka, 'di kami kinder kaya ulitin mo!"

'Di naman makapaniwala si Kale sa sinabi nito at alanganing sumagot.

"Ha? May mali ba sa sinabi ko? Ano ba dapat ang aking ikwento? Talambuhay?"

"Dahil malalim na ang gabi, we want something deep...like the sky. Waiting kami ha!" excited na sabi ni Johansen at umayos na rin ng upo.

Yumuko muna si Kale at huminga nang malalim saka dinampot ang lata ng beer sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa lata habang nag-iisip.

Nakaabang naman si Silver at McKenzie habang kumakain ng barbecue.

Ilang saglit lang ay tipid siyang ngumiti kay Johansen na malamlam ang mga mata. Nginitian din siya pabalik nito at sa mga tinginan nilang dalawa ay tila nagkaintindihan sila.

Nakangiting nagsimula si Kale. "It was the month of July, there was a teenage girl who was very excited preparing something. She went to a fancy boutique with butterflies in her belly. She was ecstatic as she entered the shop." Lumagok muna siya ng beer.

"When she got her clothes and left the boutique, a vibrant smile was plastered on her face. All she did that day was to arrange everything according to her plan and it went well.

When the night came, she texted a girl and asked how did her day went. She even tried to call her but to her dismay, the girl didn't answer.

Still, she patiently waited for her reply. It was already midnight but she was still wide awake, hoping that the girl would call her back. Hour have passed and she started to feel sleepy. Her eyes were slowly giving up when her phone chimed.

Within a split second, she stood up as if she already regained energy by just hearing her phone and checked it.

Her mind went in total blankness and she felt like she was going to lose her sanity just by only reading the sweet message the girl had replied.

When she finally listened to the girl's voice message, she tried to control herself from the overflowing happiness she felt at the very moment.

She looked like a retard replying back to the girl. She took a picture and sent it to her with a voice message also.

The teenage girl slept peacefully with a smile. It was the look of someone who had no idea of what tomorrow might bring."

Muling uminom si Kale ng beer at marahan na siyang nakakaramdam ng lamig dahil bukod sa gabi na ay mahangin pa.

Si Johansen ay kumakain ng sitsirya at parang nanonood ng tv kung makinig kay Kale habang si McKenzie at Silver ay kinuha ang iba pang pagkain at binuksan ito. Sa tabi ni Allison ay patuloy na umiinom si Ashley.

"Baks, tuloy na."

"The next day, it was 15th of July, the very special day that the teenage girl was waiting for. She left their house early and stealthily with her belongings.

She went straight to a hotel and booked a room. She quickly shut the door as she arrived at her room, ignoring the hotel staff who assisted her.

She dialed the girl's number and called it to greet but only to get a voicemail. She thought that maybe she was still sleeping so she ignored it and decided to do everything that was needed to be done.

It was already afternoon but there she was, walking back and forth to her room and would stop for a moment to smile like crazy.

When there was an hour left before five o'clock, she started to prepare. She was singing her heart out while bathing, feeling that she was the luckiest person on Earth.

Once she was done, she picked up the clothes she bought and stared at it for a moment then she started to fix herself.

With a final touch, she wore her favorite scent then flashed her sweetest smile and bid goodbye to her room.

At exactly five o'clock, the teenage girl went to a flower shop to get the flowers she ordered the day before and gave a tip to the vendor.

She spent the remaining two hours roaming in different stalls along the streets and checked some stores to buy an extra present.

Finally, it was seven o'clock, the time she was waiting for. It was already dark; people were passing by in the bright streets of the city that were illuminated with city lights. The night was young and everyone was enjoying the scenery. It was peaceful yet lively. And there she was, standing in the middle, carrying a bouquet of flowers and a small box.

She smiled widely and without wasting any time, she went inside the restaurant where she had a VIP reservation.

The staffs greeted her warmly and ushered her into a VIP room. When she was settled on her chair, she thanked the staffs and they left her.

She checked her phone with excitement and slight nervousness and texted the girl with a long and sweet message, updating her.

While waiting for the girl, she scanned the room and can't believe that everything she planned would become that perfect. After that, she went back to her phone to check their pictures together and she wasn't able to stop herself from smiling.

Those pictures of the girl never failed to make her heart raced and were more than enough to make her happy and complete her day. She had no idea that an hour already passed as she was scrolling their pictures.

The violinist she requested appeared and asked her if what time he would start playing. She said that she would wait for a few minutes and the violinist returned to his place, standing beside her.

Thirty minutes had passed but the girl still wasn't there. She started to send multiple messages to her as the foods and wine were being served.

She closed her eyes and took a deep breath to calm herself and that everything was all right. She also thought that maybe she was caught up in a traffic.

She remained relax and patiently waited. Giving up and losing hope never crossed her mind because she held unto the girl's promise.

Again, and again and again, she patiently waited for the girl to come while the violinist was still there with her. The foods were already cold. Utensils on the table were on the same place, never been touched.

If the wine on the bucket could talk then it could have asked the teenage girl to open it and took a sip but it didn't. Everything looked like a display and the deafening silence filled the room.

People at the restaurant started to leave as it was getting late. While there she was, unmoving, staring intently at the bouquet of flowers and small box, as if it would take her worries and doubts away.

Until one of the staff came over and told her that they would be closing in a few minutes but she asked to give her more time and the latter agreed.

She waited again but this time, uneasiness, fear and nervousness were starting to build up inside her. She mentally prayed her name to relieve the anxiety she felt.

Half an hour had passed.

The girl didn't appear.

No one came.

The girl failed to show up.

And the staff said that it was time to go.

But she remained on her seat and pretended she heard nothing.

Other staffs were also approaching towards her, insisting that it was already time until...

Her phone buzzed.

There was a sudden change of expression on her face. From worried to hopeful. Excitement was rushing all over her system.

Without looking on the screen, she quickly answered the call."

Huminto si Kale sa pagkukwento at yumuko. Namayani ang katahimikan. Nakatulala lang si Silver kay Kale habang tumutungga ng alak. Si McKenzie naman ay lango na rin sa alak ngunit patuloy pa ring nakikinig.

Lima na lang silang matibay na natitira habang ang iba nama'y nakatulog na sa pakikinig.

"Oy, asan na 'yong kwento? Kikinig pa kame ni Mc."

"Baks, pst. Logtu ka na ba? Gaga, gumising ka woi!" at inalog-alog ni Johansen sa balikat si Kale.

"Lasing na ata siya Johansen. Hayaan mo na siya, baka napagod din maghapon," nag-aalalang sambit naman ni Ashley habang nakatingin sa madilim na kalangitan.

Biglang suminghot si Kale at tumikhim saka nagpatuloy sa pagkukwento.

"The only thing she heard was the end tone of the call. In that moment, everything around her stopped. She can't seem to move and and the caller's words kept on replaying in her mind.

Especially the only word that she would never forget for the rest of her life.

Without any thing in mind, her feet moved on their own and found herself outside the restaurant.

In the middle of the street.

There, she dropped on her knees and tears were starting to fell on her cheeks. She weep silently in pain as the words kept on coming back.

She tried to call the girl's number but it was no longer available. And what made her to be drown more in misery was the picture the caller had sent to her.

She didn't want to believe on everything that was happening.

Until she saw the picture.

She cried more. Tears were overflowing on her cheeks while her chest tightened because of deep despair, agony and grief.

The picture showing a wrecked car that they used to drive together. The car that owned by the girl. It was gone.

She wished that it was only a bad dream.

And in just a day.

On their very special day.

She lost everything.

Her hopes.

Her dreams.

The biggest part of her life.

She had nowhere else to go.

And the only one that was there was the...

Moon.

From the dark blue sky."

Tumingala si Kale sa kalangitan at malungkot na pinagmasdan ang mga bituin.

Tahimik lang ang lahat habang nangingilid na ang mga luha ng kanyang mga kasama. Muling nagsalita si Kale.

"The teenage girl was...m-me...and t-the girl w-was the l-love of my life. She was my everything. S-she died in a..car accident...on our first anniversary as...lovers. H-her name was Sarah."

Doon na tuluyang kumawala ang kanina pa nagbabadyang luha ni Kale. Tumayo agad siya at umalis.

Tila nagising ang diwa nina Silver at McKenzie. Pumatak na rin ang luha ni Silver na kanina pa niyang pinipigilan.

"Mc, 'yong pambubully natin...I really don't know what to say. Kaya ba mas pinili niyang manahimik na lang? Because she's already suffering?"

Nanatiling tahimik si McKenzie at walang ano-ano'y yumakap kay Silver at sumubsob sa dibdib nito.

Next chapter