webnovel

Chapter 31

"Ma'am, would you like some drinks? A wine, tea, or jui—"

Hindi na natapos ng waiter ang kanyang sasabihin nang bumaling si coach Ellie rito.

"No, I'm fine. Thanks." Itinuon na ulit niya ang atensyon sa kanyang selpon.

Kasalukuyang naghihintay si coach Ellie sa The Ackermann 55—isang exclusive at mamahaling restaurant na malapit sa Nacht 360 Park Towers kung saan siya nakatira.

Fuck! Kahapon ko pa hinihingi ang contact number ni Oliveros—damn! Where are you, Jin? Ba't 'di ka nagre-reply? naaasar nitong sabi sa sarili dahil kahapon pa niya inutusan si Jin na hanapin si Oliveros para kunin ang contact number nito ngunit wala pa rin itong naibibigay sa kanya.

Pagdating pa lang niya sa VIP room ng restaurant ay abala na siya sa kanyang selpon na halos tuktukin niya ang screen nito dahil sa kahihintay.

"Rachel, baby."

Nawala ang pagkakakunot ng kanyang noo nang marinig ang tumawag sa kanya.

Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Lancia. Awtomatiko naman siyang napatayo at nakangiting sinalubong ito.

"You look magnificent in your dress, Lanch. Is that an Inveriego? It suits you perfectly," manghang-mangha na puri ni coach Ellie kay Lancia at sa suot nitong mamahaling designer clothes. Halos hindi na niya maialis ang tingin sa kabuuan nito.

Lihim namang napangiti si Lancia sa itinuran ng matalik na kaibigan dahil alam na alam nito ang mga bagay lalo na sa mga mamahaling damit na isinusuot niya.

"How did you know?" tugon niya pabalik saka tumingin sa kanyang relo at nagsalita ulit, "Besides, it's only 8:30 am. Don't you think that it's too early for you to make a woman's heart flutter?"

'Di na napigilan ni Lancia na mapakagat-labi nang banggitin niya 'yon.

Ngumisi naman si coach Ellie sa tanong ng kaibigan at saglit na nag-iwas ng tingin. Bahagyang namumula ang kanyang mukha.

"Before I answer that, have a seat," at iginiya na niya ito papunta sa isang puwesto at ipinaghila ng upuan.

Nang makaupo na silang dalawa nang magkatapat ay tumawag na si coach Ellie ng waiter. Agad na lumapit ito at binigyan sila ng tig-isang menu.

"Is that all, ma'am?" tanong ng waiter kay coach Ellie matapos niyang maibigay ang kanyang order. Tumango lamang siya bilang tugon.

Bumaling naman siya kay Lancia na kasalukuyan pa ring pumipili sa menu. 'Di niya maiwasang mapatitig dito kahit na nakakunot na ang noo nito sa pagtitingin sa hawak nito.

Para sa kanya, mas gumaganda si Lancia sa kahit na anong expression ng mukha nito.

Oh god Lanch, what did you do to me?

"Stop staring Rachel. It's rude. I know I'm perfect but please behave when you're with me," mataray na sabi nito na patuloy pa rin sa pagtitingin at pagbubuklat ng menu.

Napapairap na ito dahil wala siyang mapili. Natauhan naman si coach Ellie sa sinabi nito.

"Ma'am, can I ta—"

"Rachel, pick and surprise me," maawtoridad na sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni coach Ellie at itiniklop na ang menu saka balewalang iniabot sa waiter. Muntikan pang mahulog ang menu dahil mabilis itong binitiwan ni Lancia.

"Make my order two and add a bottle of Merlot. Thank you," nakangiting sabi ni coach Ellie sa waiter at umalis na ito nang makuha ang kanilang orders.

Umupo muna nang maayos si coach Ellie saka bumaling sa kasama. Nakatingin lang ito sa kanya habang hawak nito ang purse sa kanyang kandungan.

"To answer your question a while a—"

"So Rachel, I assume that what we are having now is the meeting I asked you yesterday right? I don't want to waste more time and let's get to the point—where is Kale Nixon Oliveros?" seryosong tanong ni Lancia kay coach Ellie.

Huminga muna nang malalim si coach Ellie at sinalubong din ito ng tingin saka nagsalita.

"I'm really sorry, Lanch. I wasn't able to contact her. I'm real—"

Nang marinig ni Lancia ang kanyang sagot ay nagsimula na itong magtaray at magsungit.

"Enough with the apologies and excuses. You are really disappointing me, Rachel. Your sorry means termination of the invitation we—" Ang masungit nitong mukha ay biglang napalitan ng ngisi nang may sumagi sa isip nito.

Oh no. Ito na nga ba ang sinasa—kinakatakutan ko, ani coach Ellie sa kanyang isip at mabilis na nag-iwas ng tingin.

Mabuti na lang ay dumating na ang waiter bago pa tuluyang maging awkward sa pagitan nilang dalawa.

Huwag mo ng ituloy kung anong binabalak mo Lanch. Paniguradong 'di maganda 'to.

"Ma'am, here are your orders. Two orders of chicken coq au vin and a bottle of Merlot." Nang mai-serve ng waiter ang kanilang orders ay nagtanong pang muli ito. Dahil wala na silang kailangan ay nagpasalamat na si coach Ellie at umalis na ang waiter.

Nagsimula nang magsalin si coach Ellie ng wine sa kanilang mga wine glasses at kumain na. Habang kumakain na siya ay hindi naman ginagalaw ni Lancia ang kanyang pagkain.

"Lanch, what's the problem? You don't like the food? I'll order another one if you want," nag-aalalang tanong niya rito ngunit tahimik lang itong nakatingin sa pagkain.

"Or is it because the fork and knife are not made of Gucci and the table cloth is not a Louis Vuitton?" Nag-angat na ito ng tingin sa kanya at tiningnan siya nang masama.

"How amusing, Rachel Krause," sarkastikong tugon ni Lancia sa kanya saka siya inirapan.

Natawa nang mahina si coach Ellie sa itinuran ng kaibigan dahil sa tuwing nabubuwisit ito sa kanya ay naaaliw siyang lalo. Saka lang niya naalala kung bakit ganito ang ikinikilos ng kanyang kaibigan.

Kinuha agad niya ang fork at knife nito at ipinaghiwa ng chicken si Lancia.

"I thought this was a meeting, feeding program pala," at isinubo niya ito sa kasama na ngayon ay masaya nang ngumunguya.

"What's with the sudden interest with Oliveros? Why are you so eager to meet her, Lanch?" tanong niya sa kalagitnaan ng kanilang pagkain.

"I felt something when I saw her play from afar," mahinang sambit nito. Tahimik lang si coach Ellie at yumuko. Why does it hurt me? Fuck.

"Are you jealous Rachel?" Napangiti naman si Lancia habang umiinom ng wine. "Don't get me wrong. Honestly, to answer your question—I really don't know—for now."

Alanganin namang ngumiti si coach Ellie. "Right. I believe in you."

Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na silang kumain. Nagbayad na rin siya ng kanilang bill at umalis na.

Habang palabas na sila ng restaurant ay patuloy silang nag-uusap habang magkabigkis ang kanilang mga braso.

"Rachel, I don't have a work for two weeks because I'm on a leave..."

"And?"

"Would you mind going with me to Bali, Indonesia?" Her eyes are hopeful. Coach Ellie suddenly stopped and faced her companion. They were already outside the restaurant.

"As much as I love to but I have a lot of works to—"

"No. You'll go with me. We'll be having our own vacation. Whether you like it or not. Just the two of us." Hinila na niya ito papunta sa kanyang black BMW.

"Lanch, wai—"

Hindi na natapos ni coach Ellie ang kanyang sasabihin nang itulak siya nito sa shotgun seat.

"This is your punishment for failing my order," at ngumisi ito saka pinaharurot ang sasakyan samantalang si coach Ellie ay 'di makapaniwalang nakatingin dito at napapikit na lamang. Shit.

Patungo ang dalawa sa airport kung saan naghihintay ang private plane ni Lancia.

***

Makalipas ang apat na araw ay natapos na ang sports meet na ginanap sa Henderson University. Nagkaroon pa ng tatlong laro ang Henderson's Black Assassins ngunit hindi na nakapaglaro at nagpakita si Kale dahil sa natamong injury sa kanang paa at kaliwang braso.

Hindi rin nila alam kung bakit biglang nawala si coach Ellie dahil hindi na ito nagpakita pa sa kanilang laro. Mabuti na lang ay pinayagan silang makapaglaro kahit wala silang coach. Si Jin ang humalili at namuno sa kanilang team.

'Di man pinalad sa swimming sina Allison at Ian ay nakuha pa rin nila ang ikatlong puwesto sa kompetisyon.

Sa taekwondo naman ay nasungkit ni Johansen ang unang puwesto at hinirang na kampeon. Gayundin ang volleyball team na pinangungunahan ni Ashley Grey.

Ang tennis team na binubuo ng The Elite Seven ay nanalo rin bilang champion sa buong tennis competition. Hindi naging madali sa kanila ang mga nakalaban na ibang players mula sa iba't ibang universities lalo na kay McKenzie dahil nawala ito sa pokus at laging malalim ang iniisip simula ng matapos ang panonood nila ng basketball game noong unang araw ng sports meet.

Nanalo man ay parang wala sa sarili si McKenzie. Napansin ito ng kanyang mga kaibigan at tinanong siya kung anong problema ngunit nanatili lamang siyang tahimik. Hindi na nagpumilit pa ang mga ito at sa halip ay lagi lang silang nakasunod at nakaalalay kay McKenzie.

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng The Elite Seven at mga kaibigan ni Kale na sina Johansen, Allison, Ian at Ashley ay sobrang saya ng mga ito sa kani-kanilang pagkapanalo lalo na nang mapanood nila ang makapigil-hiningang laban ng Henderson's Black Assassins at Bluecrest's Rebels kung saan naipanalo ito ni Kale.

Labis na tuwa ang naramdaman ng mga estudyante mula sa Henderson University dahil sa tagumpay na nakamit ng kanilang university at dahil sa sports event na 'yon ay nagkaroon sila ng ilang araw upang makapag-enjoy at makapag-relax mula sa nakaka-stress nilang academic responsibilities.

***

Kasalukuyang nasa kanyang penthouse suite si McKenzie at tahimik lamang itong nakahiga sa kanyang kama habang ang mga unan at kumot niya ay nakakalat.

What am I gonna do now? I feel exhausted and sleepy at the same time. Katutulog ko pa lang at wala pang ginagawa ay parang pagod na agad ako. Fuck, aniya sa sarili at nagpagulong-gulong sa kanyang kama. Hindi alam kung anong puwesto ang gagawin.

Sa mga nakalipas na araw matapos ang kanilang sports meet ay halos hindi makatulog nang maayos si McKenzie gabi-gabi. Mahahalata na rin sa maganda niyang mukha ang namumuong eyebags. Lagi niyang iniisip ang mga nangyari.

Mayamaya ay umayos na ito ng upo at sumandal sa headrest ng kama saka dahan-dahang kinuha ang wine glass sa bedside table na naglalaman ng natirang red wine kagabi.

Nakatulala lang siya sa maaliwalas na tanawin ng mga nagsisitaasang mga gusali mula sa labas ng kanyang penthouse.

This sucks. Everything. Everyone. 'Di pa naman siguro ako nababaliw.

Bumuntonghininga muna siya nang malalim saka diretsong ininom ang red wine. Balewalang ibinalik niya ang wine glass sa bedside table.

Of all everything na mangyayari na 'di—my almost life and death experience, that freaking Emma, the bitch I got bumped into which made me apologize for the first fucking time and the effing lesbi transferee—who saved me—oh fuck's sake! No, no, no.

Wala sa sariling niyakap ni McKenzie ang kanyang unan at nanggigigil na isinubsob ang kanyang mukha rito. Mayamaya ay may kumatok sa pinto ng kanyang kuwarto ngunit hindi niya ito narinig hanggang sa tumikhim ito.

Paglingon niya ay ang guwapo at nakangiting mukha ng kanyang Daddy ang kanyang nasilayan.

Unti-unti itong lumapit sa kanya habang ang mga kamay nito ay nasa likuran. "How are you, hija?" at tumabi ito sa kanya.

Umayos muna si McKenzie at pinilit na pinasigla ang sarili. "I'm fine Dad."

Nginitian naman siya nito. "I have something for you today," masaya nitong saad habang si McKenzie ay nakatingin lang at nag-aabang.

Ilang saglit ay inilabas nito ang isang maliit na kulay itim na box.

"Congratulations for winning and being the champion on your tennis game last sports meet. I'm so proud of you, hija. Always."

Tinanggap naman niya ito at dahan-dahang binuksan. Unti-unting bumungad sa kanya ang isang mamahaling susi ng Lamborghini. Nakatitig lamang siya rito at 'di makapagsalita.

You're always the best, Dad.

"It's your reward despite everything you did," dagdag pa nito habang siya ay 'di pa rin umiimik.

Nang matauhan si McKenzie ay napangiti na lamang siya nang tipid.

"Thank you so much, Dad," at mabilis niya itong inilapag sa kanyang bedside table.

Napansin naman ng kanyang Daddy ang kanyang reaksyon at 'di rin nakalusot sa mata nito ang bote ng red wine sa kanyang bedside table kaya kalmado siyang tinanong at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hija, ayaw mo ba no'ng bagong sasakyan? May problema ba?"

"Where's Mom?" tanong din niya ng hindi tumitingin dito.

"McKenzie Knight." Seryoso na ang boses nito.

Tumahimik muna saglit si McKenzie. Should I tell him? Oh fuck, bahala na. Huminga muna siya nang malalim saka tumingin dito at ikinuwento ang lahat ng nangyari sa kanya sa mga nagdaang araw.

"Ano?! Are you seriou—muntikan ka ng mabangga bago ang sports meet? At sa mismong Henderson University pa talaga? And you were threatened by someone named Emma? And who the hell is she? How come na hindi ito nakarating sa 'kin ha, McKenzie Knight? You should have told me sooner, McKenzie Knight! Paano kung may nangyaring masa—"

Tuluyan na itong napatayo at lumayo kay McKenzie. Napahilamos na lang ang Dadddy niya sa mukha at napahilot sa sentido. He's trying to absorb what her daughter has said.

"Dad, will you calm down please?" pakiusap ni McKenzie. Mabilis naman itong napaharap sa kanya na 'di makapaniwala.

"Naririnig mo ba 'yong sinasabi mo McKenzie Knight? How can I calm down if you suddenly blurted out those appalling incidents to my face that you should've told me earlier than right now? Paano pala kung 'di ako pumunta rito tapos may nangyari na pala sa 'yo? Lalo na't wala ­ako—kami ng Mom mo." Naikuyom na nito ang dalawang palad dahil sa galit.

Napayuko na lamang si McKenzie habang ang Daddy niya ay pansamantalang nanahimik ngunit tinitingnan siyang maigi.

Sasabihin ko ba kay Dad? Ang tungkol kay lesbi? What if mas magalit siya? Nakikipagtalo siya sa kanyang isip kung ano nga ba ang kanyang gagawin nang mapansin ito ng kanyang Daddy.

"McKenzie Knight, look at me," seryoso at madiing utos nito sa kanya. Alanganin man ay sumunod din siya.

"May hindi ka pa ba sinasabi sa 'kin?" tanong nito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

Kinakabahan man sa mga tingin ng kanyang Daddy ay nauutal siyang sumagot.

"S-she...saved m-me...t-the le...le-lesbian...t-transferee...and someone called me a b-bitch after the basketball game."

Napabuga na lamang ng hangin ang kanyang Daddy at umiling-iling.

"Hay nako, McKenzie Knight. That's not how you call or treat other people after what they did to you especially the former. And enough with the bitchiness."

"But Dad!" pasigaw niyang sagot habang mahigpit na hawak ang isang unan.

Wala ng nagawa ang kanyang Daddy at muling umupo sa tapat ni McKenzie saka hinaplos ang braso niya.

"Hija, that transferee has a name. She has a name. And her name is Kale Nixon Oliveros. 'Di ba sinabi kong lumayo—so what did you do after she saved you?" mahinahong sabi nito.

"N-nothing D-Dad..." halos pabulong niyang tugon.

"Then, you should thank her and apologize. And don't forget that I'll visit the university on Monday. I want to talk with her. You'll make amends with her in my office—in front of me. Are we clear, McKenzie Knight?" pormal nitong sabi sa kanya.

"Dad naman, please—" pag-alma ni McKenzie ngunit huli na.

"Thank you, McKenzie Knight." Ngumiti na ito sa kanya at siya'y niyakap. Wala ng choice si McKenzie kaya napasubsob na lamang siya sa balikat ng ama at gumanti rin ng yakap.

Nang humiwalay na sila sa isa't isa ay maaliwalas na ulit ang mukha ng kanyang Daddy at masayang nagsalita.

"Speaking of your Mom, nasa Antarctica siya. Gusto niya kasi ng penguin bilang pet at wala siyang mahanap dito kaya siya na ang nag-adjust. You know her." Natawa naman ito nang mahina dahil sa sinabi. Gayundin si McKenzie at napairap na lang.

Ang galing mo talagang magpagaan ng loob, Dad. Very funny.

Ilang saglit ay nagpaalam na ito kay McKenzie.

"I need to go hija. Don't forget what we've talked about. I love you." Hinalikan muna siya nito sa noo bago tuluyang umalis.

Naiwan si McKenzie na lalong magulo ang isip dahil sa pinag-usapan nilang dalawa ng kanyang Daddy. Napahiga na lamang siya at nakatulala sa kisame.

Everything is getting worse and worse. What a fucking life.

***

Pagkaalis ng kanyang Daddy ay biglang nag-vibrate nang sunod-sunod ang kanyang selpon. Nang tingnan niya ito ay ang group chat ng kanilang gang. Nag-chat si Natalie.

"Guys! Punta kayo kina Pilak ngayon. Sa condo niya."

"Ano na namang kaartehan 'to Nat?" buwisit na reply ni McKenzie.

"Hoy Nat! Anong sa 'kin ha? Kagaguhan na naman 'yan ah! Bawal dito! Sa iba na lang!"

"Hoy Silver! Ang kj mo naman! Pagbigyan mo na 'yang si Nat."

"Tama nga naman si Reign. Bayaan mo na ang bata," pagsang-ayon ni Tyler.

"Otw na kami nina Tyler at Reign ngayon. Dadaanan muna namin si Aubrey baby ko."

"Hoy kayong mga kumag! Bawal dito sa unit ko!"

"I'll be waiting baby. Paki-hurry niyong tatlo, please. I don't like to wait nang matagal. Anyway, Kenzie, ba't nagse-seen ka lang? Just go. No more buts!"

'Di na sumagot pa si Silver nang mabasa ang message ni Aubrey.

"Para saan ba kasi 'yan? Puwede bang magpahinga muna tayo?"

"Malalaman niyo lang kapag pumunta na kayo. Kaya dalian niyo na. Pilak, nandito na ako sa labas ng condo mo. Pasok na ako ha!"

'Di na nag-reply pa si McKenzie at in-off na ang kanyang selpon. Ayaw sana niyang pumunta dahil tinatamad siya ngunit ayaw din niyang magkulong na lang sa kanyang penthouse at baka lalong ma-stress siya. I have enough with everything. Maybe I need this—to unwind.

Bumangon na siya at kumilos.

***

Alas-dos ng hapon ng siya ay dumating sa condo ni Silver. Nadatnan niyang kumpleto na ang kanilang gang at kasama nito ang magkakaibigang Johansen, Allison at Ian pati ang pinsan niyang si Ashley. Nagkukuwentuhan ang mga ito tungkol sa naganap na sports meet.

'Di naman siya napansin ng mga ito kaya dumiretso muna siya sa kusina ni Silver at nanguha ng maraming pagkain dahil hindi pa siya nananghalian.

Pagbalik niya ay agad siyang napansin ni Silver lalo na ang mga dala niyang pagkain.

"What the fuck Mc! Ang dami mong kinuha! Ibalik mo 'yong iba!" Hindi na siya pinansin pa ni McKenzie at tumabi na ito kay Aubrey saka nagsimula nang kumain. Binato naman siya nito ng unan kaya natuluan ang kanyang damit. Sinamaan niya ito ng tingin.

Habang nagbabangayan si Silver at McKenzie tungkol sa pagkain ay sinamantala naman ni Natalie ang pagkakataon. Nanguha rin ito ng maraming sitsirya at tatlong litro ng C2.

"Tangina! Natalie Morgan! Ibabalik mo 'yan o ako mismo magbabalik sa 'yo—"

"Ba't si McKenzie, mas marami nga siyang kinuha kaysa sa 'kin—"

"So guys, para saan ang ipinunta ko rito?" putol ni McKenzie sa dalawa.

"Don't tell me kasama siya?" sarkastikong tugon ni Ashley na ang tinutukoy ay ang pinsan niya.

Bigla namang natahimik ang lahat at napatingin sa dalawang magpinsan. Akmang tatayo na si McKenzie nang mabilis siyang pinigilan ni Silver. Natawa naman nang bahagya si Ashley sa ikinikilos ng kanyang pinsan.

Napakapikon mo talaga, McKenzie Knight Henderson. So stupid, how come na naging pinsan kita, sabi ng isip ni Ashley.

"I'm just kidding," nakangiting saad ni Ashley sa mga kasama at nagpatuloy na ulit sa pakikipagkuwentuhan.

Bumulong naman si Aubrey sa katabing si McKenzie, "You're too pretty to make patol-patol to her." Hinaplos na rin nito ang likod ng kaibigan upang kumalma.

Pinukaw na ni Natalie ang atensyon ng lahat habang puno pa ng pagkain ang kanyang bibig. Tumayo na ito sa harap nila.

"Okay guys, kaya ko kayo pinapunta ngayon dito ay dahil naisipan naming tatlo nina bakla at Allison na magkakaroon tayo ng getaway bilang celebration ng pagkapanalo natin sa sports meet."

"Yes naman! Getaway daw mga pre! The best ka talaga Nat!" Masayang nag-apiran ang tatlong mokong habang si Natalie ay proud na sumayaw-sayaw.

Napairap na lang si McKenzie sa pinaggagagawa ni Natalie. Para talagang tanga Nat. Ito lang pala ang sasabihin mo.

Si Johansen naman ay malanding nakayakap kay Ian habang katabi nito si Ashley. Si Allison naman ay nakaupo sa lapag.

Nagsalita naman si Ashley habang nakade-kuwatro, "So, what's the plan?"

Si Natalie na ang nagsimulang nagsalita.

"First thing is saan tayo mag-ce-celebrate. Dahil napag-usapan na namin ito ni Allison ay nagkasundo kami na sa private resort nila tayo pupunta."

"Ako na sa sasakyang gagamitin natin mga bakla. Doncha worey, ako na rin ang magdedreyb and salitan na lang kami ni baby Ian ko 'di ba baby?" maharot namang tugon ni Johansen at sumiksik lalo kay Ian.

"Sure. Ano pala ang mga dadalhin natin?"

"Mga personal belongings niyo. Huwag niyo ring kakalimutang magdala ng extrang damit or what though marami namang stocks na mga gamit sa resort namin. Baka gusto niyo ring magdala ng alak. Basta kayo ng bahala 'wag lang drugs."

"Oy Black, alam mo na ha? Pakidamihan mo pre, salamat," baling ni Reign kay Black at tinapik-tapik ito sa balikat.

Bigla namang pinatahimik ni Natalie ang lahat dahil nagdadaldalan na ang mga ito at may kanya-kanya ng plano.

"Oh teka lang guys. Bago muna 'yang mga pinag-uusapan niyo, sino muna sa inyo ang mga siguradong sasama?"

Mabilis na nagtaas ng kamay ang lahat maliban kay McKenzie na bored lang na nakatingin sa kanila. Napansin ito ni Aubrey kaya itinaas na rin nito ang kanang kamay niya. "C'mon Kenzie, don't be an ass," at pinandilatan siya ng mata.

Ilang saglit ay biglang naglabas ng coupon at oil pastel si Silver kaya napatingin naman si Natalie rito nang nagtataka.

"Nagre-ready lang in case na maging drawing. Kami na ni Ty ang magkukulay if ever," nakangising saad nito.

Nang magkasundo ang lahat sa kanilang plano ay muling nagsalita si Allison.

"Si Kale pala? Paano siya?"

"Ako ng bahala sa kanya." Si Johansen ang sumagot saka ito tumingin kay McKenzie. Tinaasan naman siya ng kilay nito.

"Saan pala tayo magkikita-kita?" sabat ni Ian.

"Dito na lang kina Pilak. Kung gusto niyo, mag-overnight na lang tayo," mungkahi ni Natalie.

Buwisit na buwisit na napamura si Silver. "Tangina ka talaga Morgan. Humanda ka talaga sa 'kin mamaya."

"Speaking of overnight, I'm sorry but 'di ako makakasama. And Johansen, sunduin mo na lang ako bukas. Mag-o-overnight ako sa iba." Tumingin muna ito sa kanyang phone. "Oh, I gotta go guys, see you tomorrow. Bye. Johansen," pagbanggit niya sa pangalan nito ay makahulugan siyang tumingin dito.

Nginitian naman siya ni Johansen dahil nakuha nito ang kanyang ibig sabihin. "No prob, Ashleya. Enjoy the night!"

Nginitian din siya ni Ashley pabalik at paalis na ito nang may pahabol pa si Johansen at sumigaw, "7am bukas!"

Mayamaya ay nagpaalam na rin sina Johansen. Nag-usap-usap na silang pito tungkol sa mga nangyari at kay Kale.

Dahil kay Silver sila makiki-overnight ay manghihiram silang apat na ng damit dito. Napahilamos na lamang si Silver at halos isumpa niya ang mga ito saka isa-isang minura. Hinampas-hampas din niya ng unan si Natalie dahil ito ang pasimuno ng lahat.

Si Aubrey naman ay tumawag sa kanilang bahay upang mag-utos na dalhan at ipag-empake siya ng mga damit at iba pang kailangan niya. Bumaling naman ito kay McKenzie. Napairap na lamang siya dahil sa mukha nitong nagpapa-cute sa kanya. Alam niyang nagpapasuyo ito kaya pinadoble na niya ang mga gamit na kanyang pinapadala. Masaya naman siyang niyakap ni McKenzie.

"Thank you bitch!"

***

Mahimbing na natutulog si Kale sa sala na nakasando lang dahil sa nananakit niyang kaliwang braso. Mayamaya ay nagising na lamang siya na may kumakatok sa pinto.

Nanlalabo pa ang kanyang mata at dahan-dahang bumangon. Tiningnan niya ang wall clock.

8:45 p.m.

Sino naman kaya ang mambubulabog sa 'kin ng ganitong oras? aniya sa isip. Nakaramdam siya ng kaba dahil wala namang nakakaalam ng apartment na tinutuluyan niya maliban kay Ashley at bakla.

Maingat siyang tumayo at nanguha ng stick at paika-ikang naglakad patungo sa pinto. Habang palapit siya nang palapit ay lumalakas ang pagkatok.

At nang tuluyan na siyang nasa tapat ng pinto ay biglang tumigil ang pagkatok. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Ashley na napakaraming dala na daig pa ang naglayas.

"Good evening babe!" masayang bati nito sa kanya habang itinaas ang isang supot na naglalaman ng pagkain.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at pinatuloy si Ashley.

"Teka babe, p-pasok ka. Anong ginagawa mo rito saka gabi na," tugon ni Kale at dahan-dahang tinulungan si Ashley sa mga gamit nito.

Nang maisara niya ang pinto ay haharap pa lamang siya kay Ashley nang mabilis siyang niyakap nito at hinalikan sa pisngi.

"I missed you so much babe," bulong nito sa kanya at nanatili lamang itong nakayakap sa kanya ng ilang saglit. Nang humiwalay na ito ay niyaya na siya sa kusina.

"Tara, kumain na tayo. Namili ako ng paborito mong pagkain." Nauna na itong naglakad bitbit ang isang supot.

Kumuha na ito ng dalawang plato at mga kutsara't tinidor.

"Kumusta ka na?" tanong niya habang inihahanda ang kanilang pagkain.

"Ah, o-okay lang n-naman ako babe." Nakatayo pa ito at dahan-dahang umupo sa tapat ni Ashley. Bakas sa itsura na may iniinda itong sakit.

Napansin naman ito ni Ashley kaya tumabi siya rito at akmang papakainin si Kale nang pigilan siya nito.

"Babe, ako na. Kaya ko naman. Huwag kang mag-alala," pilit ni Kale ngunit nagpumilit din si Ashley.

"Isa, babe. Ako na. Halata namang nahihirapan ka oh. 'Wag ng matigas ang ulo please?"

Wala ng nagawa si Kale kaya hinayaan na niya ito. Sinubuan na siya ni Ashley at sabay na silang kumain.

"Babe, ba't ang dami mong dalang gamit?" tanong ni Kale sa kalagitanaan ng kanilang pagkain.

"Mag-o-overnight ako. Dito ako matutulog babe," nakangiting tugon nito sa kanya.

Nang matapos silang kumain ay si Ashley na ang nagligpit. Inasikaso na rin niya si Kale at pinalitan ng damit.

"Good night babe," at hinalikan muli ni Ashley si Kale sa pisngi at sumiksik sa tabi nito saka yumakap nang mahigpit.

Magkatabi silang natulog sa kuwarto ni Kale na magkayakap.

Next chapter