webnovel

Chapter 4

Chapter 4 SPECIAL: Xavier vs. Bradley, Mysterious Woman in Red

Xavier Okiya's POV

I CAN'T deny the fact that I'm with Therese for the past few days. We were preparing for our intermission number sa teacher's day. As I told you last time, it's true na ang marami nang na-scam ng expectation vs. reality. And the upcoming event isn't just a day you thought it be.

In University of Vineyard, dalawang araw ang teacher's day. Ang nakakatuwa nito, para siyang intrams. Sa first day, may opening ceremony at intermission number. Each college, may isa o dalawang representatives sa bawat department. Pwedeng kumanta, sumayaw, umarte o bumuga ng apoy, basta may talent. Pasok ka dito. After ng program, may sightseeing sa gym for exhibits na hinanda ng mga estudyante. Require din kaming mag-overnight sa camp ng school for two days.

On the second and last day, more on sports. By college ang competition but since we only have one department, kukuha sila ng players sa fifteen faculty members. I know what's on your mind. There's a chance na kalabanin ako ng gagong Bradley nang sa gano'n, makapag-pasikat siya hindi lang sa ibang female instructors kundi pati na rin kay Sherry.

Naisahan ako ni Bradley noong sabihin niyang hindi habang buhay ay kaya kong itago si Sherry. Nang kumalat ang balita sa tulong ng may pagka-tsismosang si Cherlyn, agad naghagilap ng bag si Sherry. Hindi ko naman puwedeng pigilan 'yong tao dahil tiyak mauupos siya na parang kandila kapag nanatili siya rito sa ancenstral house. That is the exact reason for Cherlyn to spread the news - she wants to come with me as well, especially when she finds out that my brother would be coming along.

Like ordinary school days. Good thing napasok ako sa school na puwede akong magbitbit ng outsiders whether may occasion o wala.

We're on our way to the school. Si Kuya Xander ang magmamaneho ng sasakyan. Pinili kong maupo sa backseat katabi si Sherry, habang si Cherlyn, hindi nagpaawat at doon umupo sa front seat. As usual, my brother didn't even care as if she don't exist.

"Everything's settle?" tanong ni Kuya hawak ang manebela.

I buckled my seatbelt and gave him a command. "Yeah."

He starts the engine and drove smoothly. Hindi pa man kami nakakalayo, napansin kong itinaas nang bahagya ni Kuya ang kamay nito. I can't confirm it but if my guess is right, he adjusted the front mirror where he could see Sherry from behind. Why?

No way. My brother don't like Sherry, saway ko nang maisip ang idea na baka crush niya si Sherry, and seeing her through the mirror is the only way to stare her face without moving from his position.

Binalingan ko si Sherry na nakatingin lang sa bintana. Hindi ito kumikibo 'di tulad ni Cherlyn na aakalain mong baliw dahil hindi naman siya kinakausap ng nasa tabi niya.

Fall in love with my brother is not a good idea in the first place. Napakahirap niyang intindihin at pakisamahan. He changed a lot since the accident. I wonder kung may kinalaman ang pagka-comatose niya para magbago siya. I want to see his carefree side again. He used to be more kind and friendly. Sa madaling salita,  hindi siya ganito masungit.

Tinularan ko ang ginagawa ni Sherry. There's a question popped on my head about her amnesia. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito kaya tinanong ko na siya.

"Hey, Sherry. If you don't mind to ask, wala pa bang bumabalik na alaala tungkol sa nakaraan mo? I mean... It's been weeks. You should remember at least a piece of puzzle," I said.

"I tried but still, I can't remember anything. It seems like I'm going to end up with you." She turn her head to me. "Does it scare you?"

"Don't say that. The doctor said your condition is just temporary. Your memories will come back soon. Hindi man biglaan pero unti-unti mo ring maaalala lahat. I'm sorry for pressuring you. I just want to know if you're doing fine."

"Naiintindihan ko. Thank you so much for helping me - kayo ng kapatid mo at ni Cherlyn. Kung 'di dahil sa inyo, baka kung ano na ang nangyari sa akin. Hayaan niyo, sisikapin ko alaahanin ang bawat sulok ng pagkatao ko at pag nangyari 'yon, saka ako makakabawi sa inyo."

Sumabat sa usapan namin si Cherlyn na mukhang napagod na yata kakakuda kay Kuya na walang balak kumibo. "Take your time! Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay. Good or bad memories man 'yan, kung nakatakda 'yang bumalik, it will fall in the same place where it is left. Tiwala lang," she cheerfully said.

Sumangayon ako. "Cherlyn is right. Don't rush it. No matter how long you stay with us, we won't abandon you. In a short period of time na kasama ka namin, parang pamilya na ang turing namin sa 'yo. Isa pa, 'di mo kailangang bumawi. Responsibilidad naming tumulong sa mga taong deserve tulungan. Hindi kita pababayaan. Okay?"

Nasilayan ko ang matamis niyang ngiti bago biglang pumreno ang sasakyan. Sa lakas no'n ay nauntog ako at tumama ang noo ko sa gitna nina Kuya Xander at Cherlyn. Mabuti na lang at naisangga ko ang kamay ko. Kung hindi baka napuruhan ako. What happened?

"Shit! May nakaharang na malaking kahoy sa gitna ng kalsada!" he cussed. "Ayos lang ba kayo? How about you, Xavier?"

"Buhay pa yata ako," pagbibiro ko. Sumama ang tingin sa 'kin ni Kuya. Hayan na naman siya sa kanyang signature death glare na one year ko nang memoryado.

"Ikaw, Cherlyn?" I asked the girl who's sitting beside him.

"I've had a little head lump. Bakit 'di si Sherry ang kamustahin mo?"

As I heard it from Cherlyn, nakarinig ako ng ungol sa tabi ko. It was Sherry, she's holding her head and she's in deep pain. "Sherry, hey! What's going on? Tell me!"

"A-Ang sakit!" sigaw nito. Niyakap ko siya mula sa likod at pilit pinapakalma ngunit hindi pa rin tumitigil ang pagsakit ng ulo niya. May mga sinasabi siya na hindi ko maintindihan. "R-Rei... D-Deidre..."

"Re... What?" takang sabi ni Cherlyn.

"Deidre?"

"Knock.... Seventy... Seven... Aaargh!"

She said something strange about knocking with numbers seventy and seven. What does she mean by that?

Please tell me she didn't mean...

"Kuya, dalhin na natin siya sa ospital! She's hurt!" sabi ko bago ako makapag-isip ng kung ano. No, it can't be!

"HUWAG!" biglang sabi ni Sherry. Nagtaka kaming lahat sa bigla niyang inasta. Tumigil din ito sa pagsigaw. "I-I'm okay now. You don't  have to worry about me."

"Are you sure?"

She nodded. "Yes."

"Has something came up?"

"N-Nothing," tanging sabi nito.

Well, that's odd. In some cases where the patient experienced head traumas after the accident, they usually remember something about them. Pero bakit iba sa kaso ni Sherry?

Namayani ang kakaibang tawa ni Kuya Xander sa aming kinauupuan. Nakatingin siya kay Sherry gamit ang front mirror. So I was right. That's the reason why he adjusted the mirror.

"Wala nga ba o wala talaga?" ani Kuya Xander.

"What do you mean, big bro?" Salubong na ang kilay ko sa pagtataka. So Sherry wasn't the only one who acting so weird.

"You can't fool me with your acting, Sherry."

"That's mean! Are you insinuating that she's making up this whole amnesia thing?!" Umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa sinabi ni Kuya. Anong karapatan niyang magsalita ng ganyan laban kay Sherry? Wala akong nakikitang dahilan para lokohin niya kami!

"Hindi sa gano'n." Binuksan nito ang pinto at akmang lalabas. Bago lumabas si Kuya ay nag-iwan muna ito ng paalala. "Putting your trust to someone with no face is like digging your own grave. Huwag mong hayaang itulak ka niya sa hukay na ikaw mismo ang gumawa."

Binalewala ko lang ang mga lumabas sa bibig ng kapatid ko. That's ridiculous! She seems fine to me at wala akong nararamdamang black aura sa kanya. Imposible 'yong binibintang niya kay Sherry dahil kung talagang nagkukunwari lang 'to, ako mismo ang unang makakaalam. But if acting is one of her talents, then that's a different story.

Naksandal sa isang poste si Kuya Xander at naninigarilyo. Nang maka-isang stick ay bumalik ito sa kotse at nagmaneho ulit. Hindi na naulit pa ang insidente matapos at ligtas kaming nakarating sa UV Campus for the opening program.

***

THIS year's event is much better than last year's teachers day. In other schools, students are not required to participate. It's quite surprising but they prepared all of this for us. Nasa tradition na ng ekswelahang ito na tuwing teacher's day ay gawing espesyal ang araw na ito para sa 'min.

Para ka talagang nasa intrams or sports festival. Naabutan pa namin ang parade and they were headed to the football field for the opening.

"Tara," aya ko kay Sherry sa pag-aakalang nasa tabi ko siya. I looked everywhere but she's nowhere to be found.

Maski si Cherlyn ay palinga-linga rin sa paligid. Hindi naman gano'n kakapal ang bilang ng mga tao kaya paano siya nahiwalay sa amin?

"Sherry! Nasa'n ba ang babaeng 'yon? Bigla-bigla na lang nawawala!" nakapamaywang na wika ni Cherlyn.

Nasapo ko ang aking noo. Where did she run off to?

"Kuya, nakita mo ba si Sherry?" tanong ko kay Kuya na halatang nabo-boring sa panonood ng parade at wala man lang pakialam kahit nagkakagulo na kami ni Cherlyn sa paghahanap.

Muli na naman itong nagsindi ng sigarilyo at bumuga ng usok saka ito nagsalita. "Maybe she went somewhere nearby... Where someone is waiting to kill her."

This time, hindi na ako nakapagpigil. Hinablot ko ang kwelyo ni Kuya at malamig akong nakipagtitigan sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit ko sa tuwing nai-involve si Sherry sa isang sitwasyon na posibleng ikapahamak niya kapag hindi ko siya nakita.

"Kanina pa 'ko nagtitimpi, Kuya! Kung ayaw mo kay Sherry, lumayo ka sa kanya! Pabayaan mo kami ni Cherlyn na tulungan siya! Stay away from her kung ayaw mong kalimutan ko ang ugnayan natin sa isa't isa!" I hissed.

"Don't say I didn't warn you. Malaki ka na, Xavier. Huwag mo akong sisihin sa huli kapag may nalaman ka sa babaeng 'yan na tiyak pagsisisihan mo," he lectured me as if he was my mother.

"And what is that?" Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa polo ni Kuya.

"Malalaman mo rin. Maghintay ka. It's your decision to let her enter your life so face your consequence." Marahas nitong binawi ang kamay ko mula sa tela ng kanyang damit saka niya ako itinulak. "Alone."

Hindi na siya 'yong dating kuya ko. Ang laki na ng pinagbago niya mula noong maka-recover siya from comatose. Lagi niyang sinasabi na wala siyang ibang iniintindi kundi kapakanan ko, pero mismong mga taong mahal ko hindi niya pinapahalagahan. At ngayon, hinahamon niya akong harapin ito nang mag-isa. What happened last year made my brother kill himself, not literally -  but the old Xander Okiya I used to have.

Kinalabit ako ni Cherlyn mula sa likod kaya napaligon ako. Taranta niyang itinuro ang direksyon kung saan nahuli ko si Sherry na nakikipag-kuwentuhan kay Bradley. They looked happy though. Well, I won't pass this.

Nagsimula akong maglakad papunta sa kinaroroonan ng dalawa, ngunit pinigilan naman ako ni Cherlyn.

"Hoy, Xavier! What are you--" Hawak niya ang braso ko kaya kusang huminto ang aking mga paa.

Nanatili akong nakatalikod. "Tuturuan ko lang ng leksyon ang gagong 'yan." Saka ako nagpasiyang lingunin si Cherlyn nang may ngiting namumutawi sa labi ko. "Of course, in the cleanest way possible."

Kusang bumitaw si Cherlyn at hinayaan akong komprontahin si Bradley sa pinaka-maayos na paraang alam ko. I don't want to ruin my lossless reputation - not by this jerk. Ang swerte naman yata niya kung makakatikim lang siya ng isang suntok sa panga kapalit ng pag-alis ko sa eskwelahang ito.

Ba't 'di ko agad naisip ito? Kapag nawala ako rito, wala na ring rason para dumikit siya kay Sherry. No, I can't make a move that would kick me out of the house.

Not until I have my revenge.

Sinulyapan ko si Sherry. Ewan ko't biglang nanlisik ang mga mata ko nang magpalitan sila ng matatamis na ngiti at hagikhik. Halatang masaya siya sa piling ng walanghiya. Ang masakit, ngayon ko nakita iyon sa halos two weeks naming magkasama at sa maling tao pa.

Ano bang meron kay Bradley?

"Looks like you two were getting along. Too bad because it won't last long." Sabay silang lumingon nang may pagtataka sa kanilang nga mukha.

"Xavier?" Sherry called, puzzled.

"Hey dude, sorry for lending your girlfriend without asking," ani Bradley na nagpakulo ng dugo ko.

Don't 'dude' me, you asshole!

Lumapit naman sa akin si Sherry at binulungan ako.

"A-ahm... Xavier, nakalimutan kong magpaalam na pupunta sa CR tapos nagkasalubungan kami ni Bradley sa daan. Nagkamustahan lang kaya hindi agad ako nakadiretso sa comfort room," she told me but I'm not convinced. She knew that Bradley and I were not in good terms pero bakit pa niya ine-entertain ang lalaking 'yon?

"Do you know him? Kilala ka ba niya?" I asked but she shook her head. "Then you shouldn't talk to strangers especially with someone who has a motive."

Her eyebrows crossed. "Teka, bakit sa tono ng pananalita mo parang pinagbabawalan mo akong makipag-usap kay Bradley?" she wondered.

Bigla-biglang sumingit sa moment namin si Bradley. "She's right, bro. Sherry has a right to decide which person she wants to talk to. Huwag kang masyadong strikto pagdating sa girlfriend mo."

"Okay lang sana kung sa ibang tao. Kaso ikaw 'yong topic dito, eh. Balak mo akong agawan ng pwesto kay Sherry. If I were asking what is the best thing to do, I suggest you leave her alone and go back where you belong before it's too late. 'Coz I'm telling you, hindi mo gugustuhin ang puwede kong gawin sa 'yo."

Nakuha pa nitong humalakhak sa kabila ng pag-alab ng apoy sa buong sistema ko. "Nasasabik naman ako. I'm looking forward to that." He took a few steps until he reached my standpoint. Si Sherry, nagtago sa likod ko. "Masaya siyang kausap. Paano kung kaming dalawa na lang, 'di ba? Wouldn't be more exciting?"

Kung kanina, si Kuya ang una kong napagdiskitahan, ngayon ay si Bradley naman. Halos mapunit ang  kanyang polo nang hilain ko ito. Maski siya ay nadala ng pagkakahila ko sa damit niya.

"Have a little shame to yourself! Kung gago ka, ako tarantado! Huwag mong hintayin na dumating sa puntong luluhod ka at magmamakaawa na tigilan kita. Once I start the fight, I will finish it. At sa ating dalawa, ikaw ang unang titiklop. Let's go, Sherry," I said as I pushed him hard. Muntik na siyang mapahiga sa semento.

Hinatak ko si Sherry at padabog kaming naglakad palayo kay Bradley. Kung hindi pa nagreklamo si Sherry na masakit ang kanyang braso, baka hindi ko pa binitawan ang kamay niya. Bahala na kung saan kami makarating, ang importante, mabura ang pagmumukha ng Bradley na 'yon sa isip ni Sherry. That horny douchebag, I couldn't forgive that beast if she do a single thing to her! I swear!

We stopped walking as soon as I released from her. I didn't notice we're on the back of the old College of CS building. "Ano bang problema mo?!" may halong galit na sabi ni Sherry.

"Ikaw! Kayo ng Bradley na 'yon! Alam mo namang mainit ang dugo ko sa kanya, 'di ba? Bakit ka pa dumidikit ka sa lalaking iyon?" I answered, pointing my finger on her.

"At ano namang pakialam mo? Mabait sa akin 'yong tao! Kung nai-insecure ka at pakiramdam mo nasasapawan ka, problema mo na 'yon!" pabalang wika nito. Since nasa likod kami ng lumang gusali, walang makakarinig sa amin kahit magsigawan pa kami.

Napahilamos ako ng mukha. "That's not the point, Sherry! He's planning to do something! I'm just protecting you from him!"

"Pinoprotektahan mo ako?" she laughed bitterly. "Sinasakal mo ako to the point na halos mawalan na 'ko ng kalayaang pumili ng pakikisamahan! Tandaan mo, Xavier. Hindi por que wala akong maalala sa nakaraan ko ay puwede mo na akong kontrolin dahil may utang na loob ako sa 'yo! Bakit 'di mo ako pagkatiwalaan? Tandaan mo, memorya ko lang noon ang nabura, hindi ang determinasyon ko bilang babae."

"I'm sorry, okay? I'm sorry for making you feel so struggle. It's just that I'm not comfortable when he's around. Iba ang pinapakita niya sa 'yo. Yes, he may looked very friendly but that's not what he was. Concern lang ako sa 'yo. Bakit? Kasi nangako ako sa sarili ko noong araw na nakilala kita -  Poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko, kahit buhay ko pa ang maging kabayaran."

I let those words spit from my mouth without thinking. Basta akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko at hindi ko napansing abot langit ang pagtataka ni Sherry sa kakaibang paraan ng pagsagot ko.

"Xavier..." sambit ni Sherry.

Kung kanina ay walang habas ang dila ko sa pagsasalita, ngayon ay awtomatiko itong umatras. Paano ko ba ipapaliwanag kay Sherry 'tong kakaibang nararamdaman ko? There are no words to explain how I feel, and I'm afraid she might keep distance from me if I tell her the truth.

Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin nang biglang may sumulpot na unexpected guest. Of all people...

"Sabi ko na, eh. Dito ko kayo maaabutan," ani Sir Araide na hinihingal pa. "Pasensya na't sinira ko ang moment niyo pero may problema tayo, pare."

Sinubukan kong kausapin ang lokong 'to though ibig-ibig ko na siyang sapakin dahil sa pang-e-epal nito. Pero naisip ko, lahat na nga ng lalaki inaway ko, including my brother and that blockheaded moron (Bradley). Pati ba naman nag-iisa kong kakampi, pagbubuntuan ko pa ng sama ng loob?

And what did he say? Oh, please. Awat muna sa problema.

"What's the problem?" tanong ko habang kamot-kamot ang likurang bahagi ng ulo ko. Ang dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa 'tong si Liam. Hanep!

"'Di makakarating ang partner mo sa intermission."

Did I hear him correctly?

"Si Therese?"

"Yeah. Pa-Davao siya ngayon at kailangan niyang pumunta sa burol ng pinsan niya. Last viewing na kasi at bukas na raw ililibing. In other words, sasayaw ka sa field nang mag-isa."

What the fuck?

Sandaling nag-buff ang utak ko sa mga sinabi ni Liam. Paano na ngayon 'to? Ilang araw akong nag-practice kasama si Therese para lang ma-master namin ang steps ng sayaw na ipe-perform namin tapos hindi pala siya makakasipot. Sayang ang additional bonus na matatanggap namin at the end of the month kapag nag-back out ako. Saka ayokong magmukhang talunan kay Bradley - Teka, hmmm...

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makaisip ako ng paraan upang malusutan ang problema ko.

"Let's not jump off the horse yet," sabi ko kay Liam. "No one is stupid enough to dance alone like a fool on stage. Right, Sherry?"

She slightly titled her head while blinking simultaneously. Now's not the time to choose which one I will ask for a dance. In fact, among all woman in UV, Sherry is my first choice. Because she's worth it.

***

Sherry's POV

NAPILITAN ako sa kagustuhan ni Xavier na maging partner niya sa intermission number kahit naiiinis ako sa kanya. Daig niya pa ang may alagang aso na ayaw niyang pakawalan mula sa pagkakatali. Naiintindihan ko namang nag-aalala siya sa akin pero 'di ko maiwasang masakal. May sarili akong desisyon sa buhay. Isa pa, hindi na 'ko bata para lagi niyang bantayan.

Sandaling naghiwalay ang mga landas namin ni Xavier. Hawak ang damit na isusuot ko raw mamaya ay dumiretso ako female's restroom. Matagal pa naman daw kami, ngunit pinayuhan ako ni Xavier na mag-ready na para hindi na kami maghagol sa oras. Kami raw ang huling magtatanghal ng intermission number at marami pang mauuna sa amin kaya mahaba pa ang oras namin para mag-practice.

Habang nasa loob ako ng cubicle, nag-text ako sa number ni Xavier at nagpaalam na sasamahan ko si Cherlyn na pumunta sa isang gusali kung saan marami raw estudyante ang nagbebenta ng kung anu-anong klase ng pagkain. Nang mapadala ko ang mensahe, isang text message naman ang natanggap ko mula sa hindi rehistradong number.

Time has come.

Ipinatong ko sa ibabaw ng inidoro ang cellphone na pinahiram sa akin ni Cherlyn at isinuot ang mahabang damit na kulay pula. Nagsinungaling ako kay Xavier tungkol sa text ko kanina. Nabasa ko kasi 'yon sa mga previous messages ni Cherlyn sa inbox at ginamit ko 'yong dahilan para makalusot.

Nagsimula akong maglakad patungo sa madilim na pasilyo. Matatagpuan ito sa pinaka-likod ng paaralan. Ayon sa mga estudyanteng nakausap namin ni Cherlyn sa canteen noong nakaraang linggo, ang lugar daw na 'yon ay napaka-delikadong puntahan ng kahit sino. Bukod sa madilim ay may mga demonyo raw na umaaligid doon. Una raw naging biktima ang isang first year student na hindi na nakabalik. At nagsunod-sunod na raw ang mga students na bigla nalang nawawala.

Isa raw iyong malaking misteryo sa UV na hanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyonan.

Ayon kay Cherlyn, isa lamang daw itong rumor. Gawa-gawa at walang patunay kung totoo ngang iyon ang rason sa biglang pagkawala ng mga nasabing estudyante. May nakapagsabi pa ngang isa raw iyong sikretong daan malapit sa pugad ng isang malaking sindikato.

Halos wala akong makita at kung hindi dahil sa flashlight ng cellphone ni Cherlyn ay marahil kanina pa ako binalot ng takot. Hinawi ko ang nakaharang na lumang painting ng tao na suspetsa ko ay dating presidente ng ekswelahang ito. Nagulat ako nang madiskubre kong may makipot iyong daanan pataas.

Huminga ako nang malalim at nagsimulang umakyat. Kung ano man ang bubulaga sa 'kin pagkatapos nito ay hindi ko alam. Sinabihan lamang ako ng taong iyon na dito kami magkikita.

Ang huling hakbang na tinapakan ko ang siyang nagmulat sa 'kin sa katotohanan na hindi totoong may halimaw o demonyong naninirahan dito. Liwanag ang sumalubong sa akin pag-akyat ko sa pinakataas ng gusali. Para itong tower na napanood ko sa TV kagabi. Bell Tree Tower yata ang pangalan ng tinutukoy kong tore. Kaya lang, napakaluma ng hitsura nito.

Kaharap ko ang maliwanag na tanawin mula sa labas. Sa tapat nito ay isang gusali rin na kasing taas ng ginagalawan ko ngayon. Hindi na yata ito sakop ng eskwelahan dahil paglingon ko sa likod ay masyado nang malayo ang UV mula rito.

"I'm surprised nagawa mong makarating despite of your condition," sabi ng boses na galing sa malayo. Palakas nang palakas ang hakbang na naririnig ko. Nang tuluyang makalapit ay unti-unti kong nakikilala ang kanyang mukha. May hawak itong baril at nakatutok iyon sa akin.

"You," halos naibulong ko sa hangin. "Bakit mo ba ako pinapunta rito?" Sinikap kong ibuka ang bibig ko upang masagot ang curiosity ko.

Ibinaba niya nang kaunti ang baril sa may bandang tiyan ko. "Because they told me to."

"Sinong sila?"

Sa pangalawang pagkakataon ay tumawa na naman ito na parehas ng pinakita niyang expression kay Xavier. "Those who wanted to kill you. They should have killed you now before you step here. Hindi ka ba nagtataka? They hired me to assassinate you in this rumored place where no one can survive. Iisipin ng mga tao na nilamon ka ng demonyo, without knowing that your body is lying here rotten."

"You can't do that," nakataas-kamay kong sabi.

"Oh, it looks like you're not afraid of this." Ngayon naman ay itinaas niya ang baril at itinutok malapit sa ulo ko. "There's no reason for you to be scared at all. You don't have to worry. I'll make this quick and painless."

Hindi ako pwedeng tumakbo, delikado. Ang tanging pag-asa ko lang para makalabas dito nang buhay ay ang masiwalat ang katotohanan.

"I can't wait to see his reaction. Your boyfriend begged me to restore your life is the most-awaited film I've ever wanted to see. Goodbye, Sherry."

Sinabayan ko ng ngiti ang pagkalabit niya sa gatilyo ng baril.