webnovel

Chapter 1

Chapter 1: This is how we met

"I'M SORRY, Ms. Asundi, as much as I wanted to help you, but there's no way. Lumampas ka na sa three months na binigay na palugit ng university for you to comply your requirements. Nakasulat 'yan sa latest release ng student's handbook," mahina kong saad habang abala ang aking mga mata sa pagtitig sa lesson plan na kagabi ko pa pinagpupuyatan.

Tatlo lang kami sa faculty room including Ma'am Therese Sumiko na co-teacher ko na halos mapudpod ang mga daliri kakatipa sa cellphone, ako at ang estudyante ko last semester na si Miss Cordelia Asundi - a 4th year BS Information Technology student.

Lihim kong napaangat ng tingin sa babaeng kaharap ko ngayon, nagmamakaawa na ipasa siya sa subject ko na Thesis 3. The reason why I gave her the grade of INC is because of her unfinished thesis dissertation. She had already presented to me her study, but the problem is, she wasn't finished yet with her documents, although, tapos na ang kanyang system. Hindi rin siya nakapag-defense.

Now, she's making an excuse na hindi siya aware sa bagong policy ng eskwelahan. From six months, binaba sa three months ang binigay na timeframe para ayusin ang incomplete grades ng mga estudyante. Which is quite disappointing because they need to rush everything just to make it on time.

"Sir, wala po akong nakuhang handbook, wala rin pong nakapagsabi sa akin tungkol doon." Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya. She was about the cry na kulang na lang ay luhuran ako. "Please, Sir. Baka naman po may paraan pang iba. Kailangan ko na pong maka-graduate ngayong taon. Last sem ko na po ngayon at may kinukuha na lamang akong isang subject. Kapag hindi ko po naipasa ito, maaari po akong bumalik sa first year," pagsusumamo nito na para bang hinihingi niya ang dalawang kidneys ko.

I can't blame her for acting like this. Kasama siya sa last batch ng old curriculum. Kapag hindi siya nakatapos ngayong second semester, mapipilitan siyang sabayan ang upcoming first year sa susunod na academic year-iyan ay kung hindi siya kukuha ng special class for my subject.

"Sana naisip mo 'yan bago ka gumawa ang hakbang na makasisira sa pag-aaral mo. You're a student, it's your responsibility to be updated in all changes of this university. Nasa finals na tayo ng second sem. Isang semester na ang nakalipas, Miss Asundi. That's a plenty of time to finish your study. Besides, marami ring katulad mo na hindi nakaabot sa defense kaya binigyan ko ng incomplete grade. Meron ding nakaabot at pinayagan sila ng chairperson na mag-defense kahit second sem na. But in your case, wala na akong magagawa dahil nag-lapse na ang INC mo. I'm very sorry, Miss Asundi."

Walang imik itong tumalikod at naglakad palabas. Sandali akong nagpahinga sa pagsusunog ng kilay sa laptop at sumandal muna sa swivel chair. Napailing ako sa inasta ng estudyanteng 'yon. We're not that close but I can describe what kind of girl she was. Maski ako nagulat sa resulta ng pagcompute ko ng grade sa kanya dahil sobrang taas ng expectation ko kay Miss Asundi.

Madalas ko siyang nakikitang nakaupo sa sulok at nagbabasa ng libro patungkol science and programming. Base sa nakikita ko tuwing nagka-klase ako sa block nila, tahimik lang siya at hindi gaanong palakaibigan. I guess wala sa bokabularyo ng mga taga-University of Vineyard ang makipag-kaibigan sa mga nerdy type na kagaya niya.

"What happened to you, Miss Asundi? You've changed a lot. Why?" Ang mga tanong na kusa kong pinaubaya sa hangin.

What am I saying? Labas na sa propesyon ko bilang guro ang alamin kung ano talagang nangyayari sa kanya. Whatever it is, she didn't use it as her excuse because she wouldn't want me to know.

"Hindi ka pa ba kakain, Sir Oks? Past 11 na," ani Ma'am Therese na pansamantalang tumigil sa pakikipag-chat sa jowa niyang police officer.

Ang swerte ng mokong na 'yon, nakadale ng teacher.

"Now that you mention it, nagutom akong bigla. Thanks for reminding me." Isinara ko ang laptop at tumayo mula sa upuan. "May ipapabili ka ba? Dadaan ako sa cafeteria."

Ngingiti-ngiti nitong sinulyapan ako. Agad din nitong binalik ang tingin sa cellphone na hawak niya. "No need. On the way na 'yong magde-deliver ng food ko."

"That Nicholas jerk is so lucky."

Binalingan niya ako nang nanlilisik ang mga mata. "How dare you calling him a jerk? He's the man of my dreams! Palibhasa wala kang lovelife kaya puro negative ang lumalabas diyan sa bibig mo!"

Tinaas ko ang magkabilang kamay na parang sumusuko. "You look terrifying, woman. Hayaan mo, next time, dadalhin ko ang gf ko."

"You're not kidding, are you?"

"E-Eh..." I can't look directly at her. Pag-ilang beses ko na bang ginamit ang linyang 'to sa tuwing inaasar niya ako na walang girlfriend? Kasalanan ko bang pihikan ako sa babae?

"Stop pulling pranks, Mr. Okiya! That's your 20th time! Ni minsan wala kang pinakilala sa 'king babae! Sinungaling na 'to!"

"Hahaha! Don't worry, Miss Sumiko. This time, totoo na 'to. Paano ba 'yan? Maiwan muna kita. Kakain muna ako kasama ang girlfriend ko," natatawa kong biro kahit wala naman talaga.

You're not thinking straight, you dummy! Saan ka ngayon maghahanap ng babaeng ipapakilala mo kay Therese Sumiko bilang girlfriend mo?! Sermon ng nagwawala kong isip.

I'm sure you wonder why gano'n kami mag-usap ni Therese. I'll tell you. She's very close to my heart 'cause I saved her life from a group of bad people. We're very good friends. Walang sikre-sikreto sa amin, alam niya lahat ng tungkol sa akin at gano'n din ako sa kanya. Don't get me wrong. I never fall for her even once. Iba kasi ang taste ko sa babae. Maganda naman si Therese, pero hindi physical appearance ang tinitignan ko.

I'm looking for someone who has a strange aura - I can't explain how odd it is, just imagine you were in a cloud nine kapag kasama mo siya. Kapag naramdaman ko 'yon, I'm very sure tinamaan na ako nang husto.

I'm starting to believe that no matter how long you spend time with each other, you'll never fall for a person who is not for you. Yeah, sounds weird pero 'yon ang totoo.

Pagkagaling ko sa faculty room ay dumaan ako sa hallway ng College of Computer Studies - or simply known as CCS. Pababa pa lang ako ng hagdan ay puro mga katawang yelo ang aking nadadaanan na ibig-ibig nang matunaw.

Upang mapigilan ang tuluyang pagkaubos nila sa kinatatayuan ay ginantihan ko ng ngiti ang nanlalagkit nilang mga tingin. Jeez, I shouldn't do that. Mas lalo ko lang pinalala ang sakit nila na kung hindi ako nagkakamali ng dinig ay Hotthrob Professor Disorder. I don't get it. Ano bang mayroon sa akin at kinababaliwan ako ng mga kababaihan dito?!

I'm just a simple guy in my late twenties, six feet tall, white complexion, medyo mahaba ang buhok, brown hair, singkit at may eyeglasses. Biro pa nga ng isa kong estudyante, bagay raw akong ilagay sa manga dahil mukha raw akong anime character na may lahing foreigner dahil sa berde kong mga mata - na hawig ng kay Shuichi Akai - ang karakter sa isang sikat na anime series.

Well, I can't remember when I opened my eyes widely. That's just about the only way to see my eye color.

"Hi, Sir Okiya!" bati sa 'kin ng former secretary ng College of CS na panay ang pagpapa-cute sa akin since I start working here.

That's me. Xavier Okiya - kalahating tao, kalahating manga boy. Biro lang. I'm a mixture of British and Japanese. British ang biological mother ko but she died when I was five years old. Sa London ako pimanganak at lumaki. My father, Wataru Okiya works as a software developer and he already had a UK citizenship, same as her wife who happened to be my stepmother after she decided to adopt me. Well, Alexandra Perez-Okiya is a Filipina programmer in UK at matagal na silang partners ni Dad sa pagdevelop ng mga strange software. They were a happy couple before he met my mother - Victoria Greene.

Para sa inyong kaalaman, my parents are not married nor living together. Aksidente lang ang pagkakabuo ko because my mom worked for my dad as his secretary and they had an affair. Dito na kami permanteng naninirahan ni Kuya sa Pilipinas after some terrible incident one year ago. Thanks, Mama Alex for providing us a bunch of Filipino lessons every single day of our teenage life. At least, hindi kami nahirapan ni Kuya na makipag-usap sa mga Filipino. At the age of fifteen, I've already learned three languages - English, Filipino and Japanese.

And as for my brother, he's working in this school as canteen staff. Kung ako ay Hotthrob Professor, siya naman ay Ang Supladong Hotthrob ng Canteen - 'di ko maitatangging magaspang ang ugali ng kuya ko, ngunit sa halip na kainisan ay mas lalo siyang kinalolokohan.

It gets less and less understandable why people getting crazy on us.

"Isang order ng paborito kong specialty mo," sabi ko sa staff na hindi magkanda-ugaga sa pagsalin ng ulam sa plato ng isa niyang customer na bading. Nakita kong kinindatan siya ng bakla but as usual, deadma lang ito.

Maliban sa pagse-serve ng pagkain ay siya rin ang isa sa mga cook ng cafeteria. 'Pag alam kong siya ang nagluto ng ulam, 'yon ang lagi kong binabalik-balikan.

"Specialty ka diyan. Ba't 'di mo sabihin kung ano ba talagang order mo? Bilisan mo bago pa magbago ang isip ko at sabihin sa manager ng canteen na ikaw muna ang pumalit sa pwesto ko," masungit nitong banat. Tinitigan niya ako nang matagal at napakalamig n'on. Sa sobrang lamig pwede na siyang makapatay nang 'di nadudungisan ang kanyang mga kamay.

"Ayan ka na naman, kuya. Alam mo na, dating gawi, ginataang squash na may chili powder." Pumalatak ako. Itinuro ko ang refrigerator na nasa likuran ni Kuya Xander. "Samahan mo na rin ng Coke 8oz."

"Sige, pero ikaw ang magbayad." Pinagkibit-balikatan ko lang si Kuya. Isang taon na naming kasunduan 'yong siya ang sasagot sa lunch ko. Kapag nag-exceed sa halagang fifty pesos ang binili ko, automatic sagot ko na 'yon. In return, patitirahin ko siya sa bahay ko for free.

Ayos, 'di ba? Lugi sana ako, eh. Kung 'di ko lang 'to kapatid.

Last year, a terrible tragedy happened at muntik nang mamatay si Kuya. Mula no'n, sa akin na siya nakatira at nalagay na sa tahimik ang buhay naming magkapatid. Sino bang magtutulungan kundi kami-kami lang? Besides, pareho na kaming ulila kaya wala kaming choice kundi mahalin ang isa't isa.

Dagdag kaalaman - parehong nasawi si Dad at ang mother ni Kuya Xander matapos silang ambushin sa daan habang papauwi ng bahay. I was fifteen years old and he was twenty. Maswerte kami dahil nasa school tour kami ng kuya ko nang mangyari ang krimen. Malakas ang kutob ni Kuya na isang notorious syndicate ang nasa likod ng pagpatay kay Dad at sa stepmom ko. That group of assassins he infiltrated once.

Originally, sa Amerika sila unang natiktikan pero nagpalipat-lipat din sila ng lokasyon - England, Japan at ngayon sa Pilipinas. Sila 'yong walang habas na pumapatay ng tao na hadlang sa trabaho nila, kabilang na 'yong mga spies na pasikretong sumasali sa organization para makakuha ng impormasyon.

Nalaman nila ang tunay na pakay ni Kuya sa pagsali sa sindikato - na siya ay anak ng mag-asawang pinatay nila, so they tried to silence him. I wasn't sure if they knew that I exist. I was just an innocent kid back then. I guess they have no idea that I know who they are and what they did to my family. If so, I would have killed before I give statement to the police or they probably just waiting to strike and hit me in my ass. One of these days, they will come back and finish the race. Who knows when it happen.

Nang i-abot ni Kuya ang softdrinks at 'yong order ko ay binigyan ko siya ng 65 pesos. Umupo na ako sa bakanteng table na pang-dalawahan. Pagkalapag ko ng plato sa mesa ay kaagad kong napansin ang kapirasong papel na nakalagay sa tabi ng ulam. Oh, I forgot to tell you, ang plato na ginagamit nila rito ay 'yong puwede ang dalawang ulam.

Sinipat ko ang papel at inalis sa pagkakatupi.

'I-text mo si Cherlyn, sabihin mong kumain na.'

Muli kong tumingin kay Kuya, saktong nagtama ang paningin namin kaya ni-reply-an ko siya gamit ang aking bibig.

'Ryokai.'

Sa tantiya ko, tumagal ako ng kulang twenty minutes sa canteen, saka lang ako nagdesisyong lumabas. Nang hihilain ko na 'yong glass door para bumukas ay nasalubong ko ang papasok na si Miss Asundi. I don't know if it was my illusion, but she was looking at me furiously. And it was the first time that I saw her wearing an evil smile.

Hindi ko namalayang nagkasalubong na pala kami. Paglingon ko, nakatingin pa rin siya sa 'kin sa pagitan ng pintong gawa sa salamin, ngunit 'di nagtagal ay binawi niya rin ito.

Napakamot akong bigla. What was that?

***

TATLONG oras akong nagturo sa dalawang block ng second year and now it's four-thirty in the afternoon. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa library para ibalik 'yong mga librong hiniram ko sa pagtuturo. Then, my last destination is the home of teachers - ang faculty room. I won't be surprised if Therese wasn't there. May klase siya ngayon sa new building na katatapos lang itayo two weeks ago. The rest are my co-teachers na busy rin sa kani-kanilang ginagawa.

Hindi biro ang maging guro. Isipin mo, halos araw-araw nagpapagawa kami ng paperworks sa mga estudyante. Sa dami nila, aabutin kami ng gabi kaka-check at kaka-record. 'Di pa kasama 'yong paggawa ng lesson plan, pagcompute ng grades tuwing mid-term and finals, at 'yong pressure na nakukuha namin sa pagtimbang kung ipapasa ba namin ang estudyante o hindi.

At bigla ko ulit naalala si Miss Asundi. Why I can't get her out of my head? Come to think of it, I didn't see her since that incident in the cafeteria. Ano na kayang nangyari doon? Madalas ko siyang nadadaanan sa hallway, eh.

Hanggang sa pag-uwi ko ay baon ko ang mabigat na pakiramdam. Masyado akong nadala sa kakaibang kilos ni Miss Asundi kanina, to the point na mag-alala ako nang husto do'n sa tao. Para bang hindi siya 'yong Miss Asundi na kilala ko sa campus na mabait, tahimik at masipag mag-aral. The one I saw earlier was the opposite of hers.

"Huh?" Napahinto ako sa paglalakad nang may maaninag akong bulto ng tao sa tabing kalsada. Abnormal itong maglakad but it's very obvious na hindi siya lasing.

Kumurap-kurap ako upang masigurong hindi ako namamalik-mata. Oh, come on, Xavier. Hindi maaaring guni-guni mo lang 'yong babaeng pagewang-gewang na papatawid sa direksyon mo!

Naalarma ako nang makarinig ako ng sunud-sunod na busina ng paparating na ten-wheeler truck. Nasa gitna na 'yong babae pero base sa nakikita ko mukhang wala ito sa sarili. I can't stand here watching her like this!

Sinubukan kong tumakbo para itulak siya. Pareho kaming bumagsak sa gilid ng kalsada. Hay, salamat! Buhay pa yata kami.

"Miss, nasaktan ka ba?" sita ko sa babae na ngayon ay labis ang panghihina.

Agad kong inalalayan ang babae. She seems dehydrated, so I gave her a bottle of water na kalahati pa lang ang bawas.

"N-Nasa'n ako?" she asked.

"Baker Avenue. Bakit mag-isa ka lang? At saka, bakit ganyan ang hitsura mo?"

Hindi naman siya mukhang busabos katulad ng iniisip niyo. In fact, she looks gorgeous in her red dress and stilettos. Bob-cut ang kulay brown niyang buhok, maputi, matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata. And her voice... why is it so angelic?

Ang pinagtataka ko lang, ba't kung umasta siya ay parang hindi niya alam ang mga bagay sa paligid niya. What is wrong with her? And how about the injuries on her index finger? Where did she get those?

"Hindi ko alam," sagot niya. "B-Bakit ako nandito? At... At... Sino ka?" punong-puno ng pagtataka ang kanyang mukha.

Oh no. This is not good. She had no idea how she brought herself in this place. If I can only ask her name, maybe I could help her locate her address. At sa sitwasyon niya, mukhang malabo 'yong mangyari. She's totally confused.

"I'm Xavier Okiya," pakilala ko naman. May kutob man ako sa posibleng problema na kinahaharap niya ay sinubukan ko pa rin siyang tanungin. "Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Hindi ko rin... a-alam..." Bigla siyang nawalan ng malay. Mabuti na lang, nasalo ko siya bago ito bumagsak sa sahig.

Please don't tell me she lost her memory?!