webnovel

Chapter 22

Hera was shaking in both anger and fear. Galit siya sa ginawa ni Ai at takot siyang baka totoo ang mga binitiwan nitong salita. Pabigat pa rin ba ang tingin ni Chase sa kanya? But they were doing just fine! Magkaibigan na sila… o siya lang ba ang nag-isiip ng gano'n?

Pinakalma niya ang sarili. Nanlaki ang mga mata niya nang makasalubong si Chase. Papasok ito ng coffee shop habang siya ay palabas.

"Hera!"

Nag-iwas siya ng tingin. Nagmadali siya sa paglalakad. Napatalon siya nang maramdaman ang paghawak nito sa braso niya.

"What happened?" malambing nitong tanong habang pilit siyang pinahaharap.

Her knees trembled. Nilingon niya ito. Kung hindi lang siya hawak ng lalaki ay baka nabuwal na siya sa sahig. Nang hindi siya sumagot ay umigting ang panga ni Chase.

"Anong nangyari? Sinaktan ka ba ni Pao?" Ngayon ay may diin na ang bigkas nito.

"Chase… I need to go," bulong niya. She needed to clear her mind first and she couldn't do that in front of Chase.

"Why? Tell me what happened."

Umiling siya. Sinubukan niya kumala sa pagkakahawak nito ngunit masyado itong malakas.

"I will send you a message. We will talk soon, 'wag lang muna ngayon, Chase. Please," pakiusap niya.

Unti-unti nitong binitiwan ang braso niya. Her heart swell when he nodded. Bumuntong-hininga ito at hinawakan ang kanyang pisngi.

"I will drive you home."

"No. I want to be alone," sagot niya.

Chase words, no matter how sweet, were hurting her. He sounded so nice and sincere. He was speaking as if he likes her. Gustong-gusto niyang umasa. Pero pa'no kung mali siya? Paano kung si Ai talaga? That would really break her.

Napatalon siya nang marinig ang matinis na boses na nanggagaling sa tapat ng coffee shop. It was Ai calling Chase.

"Go now. She's waiting for you. I-I will text you when I get home."

"I will see you later then."

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. "See you later."

—x—

It's been four days but the 'see you later' didn't happen. She decided to stay away from both Chase and Lynne. She was not cutting ties, she just wanted to clear her mind from all the toxicity from the past few days.

Inabala niya ang sarili sa kung ano-ano. Nandyang nag-take siya ng taekwondo lesson (na dalawang session niya lang pinasukan), nag-gym at sumubok mag-trade sa stock market. She also tried going to different bars but she couldn't stay for more than an hour. May naaalala siya.

Bagay na ikinatuwa ng kapatid niyang nakauwi na kahapon.

"Really, Hera? Ayaw mo nang mag-bar?" manghang tanong nito sa kanya habang naghahapunan sila.

Umiling siya at ipinagpatuloy ang pagkain. "Wala nang feels. Maybe I grew tired of it."

Umaliwalas ang mukha nito. "Wow. That one month changed you a lot! Should we take another honeymoon? This time, for a year naman."

Napairap siya sa kawalan.

"Nagpasalamat ka na ba kina Chase? We should bring them a gift. Isang buwan ka ring nang-abala." Uminom ng tubig si Louie bago nilagyan ng gulay ang plato ng asawa. "What do you think, Micababes? Anong magandang regalo?"

Ngumiti si Mica. "I have an idea but I don't know if Hera will agree."

"Actually, ako rin may ideya."

Sabay na naghagikhikan ang dalawa. Umangat ang kilay ni Hera, hindi sigurado kung ano ang dahilan ng pagtawa ng mga ito.

"Hera, anong ibibigay natin kay Chase? Nalaman naming may gustong-gusto siyang makuha, kaso nahihirapan kasi hindi nagre-reply. Ayaw ring magpakita."

"What?" takang-tanong niya.

"Hindi nagre-reply 'yung seller!" sabat ni Mica. "Ayaw yatang ibenta 'yung gusto ni Chase."

"Tingin ko, gusto naman. Nagpapakipot lang siguro," ani Louie saka humalakhak. "Ano sa tingin mo—"

"I don't know!" inis niyang sagot. "Taasan n'yo 'yung presyo or something. Bahala kayo." Tumayo siya at lalong nainis nang muling magtawanan ang dalawa.

—x—

Pinunasan ni Hera ang pawis sa kanyang pisngi. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa garahe nang marating ang bahay. Hinigit niya ang kanyang duffle bag at tumbler sa passenger's seat bago lumabas ng sasakyan. She was still wearing her gym clothes—black leggings partnered with a pink racerback tank top.

It was already past 6PM. Alas kwartro siya nagtungo sa gym dahil may nakapagsabi sa kanyang maganda raw mag-workout ng ganoong oras. Of course, she wasn't sure it that was true. Marami ring nagsabing umaga siya magpunta pero hirap siyang gumising nang maaga kaya pinili na lang niya ang hapon.

She was walking at a slow pace when she heard her brother called her. Agad niya itong natanaw sa tapat ng pinto. He was grinning from ear to ear, kumakaway pa at panay ang taas-baba ng mga kilay.

"Hera, welcome home!" he greeted. "Where have you been?"

"Gym." Naglakad siya patungo rito sabay halik sa pisngi nito.

"Pawisan ka! Magagalit si Micababes nito, ayaw niyang amoy pawis ako," biro nito.

Hera made a face. Lalagpasan na sana niya ang kapatid ngunit natigilan siya sa nakita. She blinked thrice.

Anong ginagawa ni Chase rito? Nakaupo ito nang tuwid sa sofa at mukhang may malalim na iniisip. Ilang saglit pa at nagtama rin ang paningin nila nang lumingon ito sa kanya. Tumayo ito. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. Naramdaman niya ang pag-akbay ng kapatid niya sa kanya.

"Don't hate me for this. I heard he's been trying to contact you for the past five days. Nandito rin siya kahapon, umalis lang agad dahil ayaw niyang pilitin ka kung ayaw mong makipagkita sa kanya. I don't know what happened but today, I told him to wait for you. I guess you should talk."

Napasinghap siya. Ginulo ni Louie ang buhok niya bago naglakad palayo. Tinapik din nito ang balikat ni Chase nang magkasalubong ang dalawa.

"Go to the garden," huling sinabi nito.

Hera didn't know what to do. Agad nag-init ang kanyang pisngi nang makita ang mariing paninitig sa kanya ni Chase. Ngumiti ito nang bahagya saka nag-iwas ng tingin. Gusto niyang magtago o maglaho pero may parte rin sa kanya ang gustong makausap ang binata.

"L-let's go to the garden," bulong niya bago pa magbago ang isip niya.

Naglakad siya patungo sa hardin. Maraming ilaw sa paligid kaya kahit gabi na ay madali pa ring marating ang pusod niyon. She started cursing in her mind when she realized she wasn't even able to take a shower first. Pawisan at naka-gym clothes pa siya! Malayo sa itsura ni Chase na ngayon ay naka-black pants at white longsleeves. Mukhang kagagaling lang sa pagtuturo.

Pasimple niyang pinunasan ang pawis sa kanyang noo habang umuupo sa upuang kahoy. Chase sat on the seat in front of her. The lights were reflecting in his eyes and she couldn't help but admire his features. Muli siya nitong tinitigan nang mariin.

"Stop staring," saway niya nang hindi na makayanan ang paninitig nito.

Bumuntong-hininga si Chase. "I can't help it. It's been five days and I…" Umiling ito. "Bakit hindi ka na nagpakita? You don't answer to my texts. What happened?"

She sighed. Ilang beses na siyang nag-practice ng mga dapat sabihin kapag nagkaharap sila nito ngunit mahirap pala kapag aktwal nang nangyari. Her thoughts became a mess, it was incoherent and jumbled. Ang mga linyang pinraktis pa niya sa harap ng salamin ay naglaho nang parang bula.

Tumikhim siya. Pinaglaruan niya ang kanyang mga daliri.

"Si Pao ba? Did you realize… you still love him? Pero hindi na puwede dahil si Lynne na ang gusto niya?" marahang tanong nito.

Umawang ang kanyang labi. What?

"Y-you… you want him back?" His voice slightly cracked. "Sabi sa 'kin ni Ai, nakita niyang nagmamakaawa ka kay Pao para magkabalikan kayo. Is that true?"

"What?!" Napatayo siya sa inis. Sumusobra na talaga! The nerve of that witch! "And you actually believe her?"

Tumayo rin si Chase at hinawakan ang kamay niya. "I don't but you ignored me for the last five days…"

Hinilot niya ang kanyang sentido. "Hindi ako nagmakaawa na magkabalikan kami. Hindi ko na siya mahal! You should have asked Pao." Muli siyang bumalik sa pagkakaupo.

"If it wasn't true then why—"

"Because of that attorney! Sinabi niya sa 'king magka-date kayo sa araw na 'yon. And that I should stop pestering you. Na kaya mo lang ako pinakikisamahan dahil kay Lynne…" Kinagat niya ang kanyang labi. "Na pabigat ako."

Kumuyom ang kamao nito. "She told you what?"

"I wanted to ask you but I was afraid you'd confirm it rather than refute. That's why I chose to stay away instead. 'Yung pag-uusap natin tungkol dito, I want to delay it. Hindi pa kasi ako handa sa puwede mong isagot," bulong niya. Nangilid ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Agad niya iyong pinunasan.

"Don't cry," masuyong bulong nito.

Tuminga siya at inayos ang sarili. They both fell silent. Parehong nagpapakiramdaman. Nagulat siya nang biglang magsalita si Chase.

"Ai lied. Nagsinungaling siya sa 'yo at nagsinungaling siya sa 'kin." His jaw suddenly clenched and his eyes darkened. "I can't believe she did that. Walang date na naganap at lalong hindi ka pabigat."

Napasinghap si Hera. Natanggal ang barang matagal nang bumabagabag sa kanya. Tinitigan niya si Chase. Umihip ang malakas na hangin. Niyakap niya ang sarili saka yumuko. Now she was feeling guilty. Kung bakit ba naman kasi imbes na kausapin si Chase ay umiwas siya.

Muli siyang nag-angat ng tingin nang maramdaman ang paggalaw ng kausap. Nakatayo ito sa harap niya at nakatingin sa kanya. Nilapitan siya nito at pinatayo. Hinawakan nito ang kanyang pisngi gamit ang maiinit nitong mga palad.

Nagtama ang paningin nila. Panay ang kalabog ng dibdib ni Hera. It this was dream, she sure didn't want to wake up. Lalo na nang yakapin siya nito nang mahigpit.

"Do you like me, Hera?" tanong nito habang nakayakap sa kanya.

"I—" Kinagat niya ang kanyang labi.

"What?" bulong nito.

Napapikit siya nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa gilid ng kanyang tainga. "L-logic freak."

Bahagya itong natawa. "That's red herring, Hera. What you answered is irrelevant to the question," marahang sagot nito. "But God, I miss being your logic freak."

Sumubsob siya sa dibdib nito. She was feeling all the butterflies in her stomach. The sleepless nights, the pain, the agony of the past few days… they suddenly don't matter anymore.

"Do you like me, Hera?"

Pumikit siya bago dahan-dahan siyang tumango.

"Say it, please."

"I like you. So much," bulong niya.

Humigpit ang pagkakayakap ni Chase sa kanya. "Good. Because Hera, I do, too."