webnovel

Fall Inlove with Clerion Collins

"Love has no face, you can love anyone or anything if you want" Yan ang Moto ko nang mahalin ko siya, mali man sa batas nang tao at nang diyos ngunit mahal ko talaga siya. Mahal ko siya even we are not the same, we love each other and that is enough to say that we are truly made for each other. Our love for each other is obviously enough to say we are destined to be a lovers, even in the worst senario our love will never last until a Quindecillion of Millennium will passed. I love him and his name is Clerion Collins

Penoftragicaldeath · Fantasy
Not enough ratings
12 Chs

Chapter 9… Family Re-unite

Alyana's PoV

Ang saya talaga nung nangyari kanina sa Ilang hopping namin ni Mom, wala kasi si Dad e, yun tuloy di niya naranasan, di tuloy kami nakapagbond nila Mom bago umalis si Mom papuntang Maynila bukas, mamimiss ko talaga siya.

Tinanong ko nga rin si Mom about dun sa panaginip niya. Ang weird kasi dahil magkatulad talaga kami nang panaginip, at ang nakakapagtaka pa talaga dun... Napaginipan niya daw yun a day before sila lumipat sa Cebu, ang weird kasi parehas din kami na nanaginip before makapunta sa Cebu, tsk! I FEEL SOMETHING FISHY HERE!

Pero bahala na basta tapos na yun so okay na ang lahat, di narin naman ako binangungot nang ganun so sa tingin ko naman nagkataon lang talaga ang lahat. Siguro may mga time talaga na nagkakapareparehas nang panaginip yung mga tao, pero sa case namin ni Mom, bakit namab ganun yung naging panaginip namin, at ang pinakanakakaewan dun e, bakit naman bampira yung napanaginipan namin ni Mom, di naman kami mahilig sa mga vampire movies so pqano nangyari ang panaginip nayun, or baka random lang talaga yung panaginip nang mga tao, minsan normal lang minsan naman hindi, siguro ganun? Ayyy basta bahala nayun ang mahalaga ngayin nandito kaming tatlo nina Mom sa may gilid nang dalampasigan, sa kubong nasa likod nang bahay ni Dad, doon namin napiling maghapunan, dito narin kasi pinatuloy ni Dad si Mom para maihatid daw bukas sa airport.

Ayaw pa nga ni Mom pero napilit ko rin siya, minsan na ngalang kaming magkasama nang ganitong tatlo eepal pa siya tsk!

Nagkukwentuhan kami, masaya, grabe ngayon ko nalang ata to naramdaman simula nang umalis si Mom, ngayon ko lang ulit naranasang maging buo ang pamilya sa isang salo salo, at hindi lang yun, para kasing nagbalik na si Dad sa pagiging energetic niya like the old time, siguro kasi kasama narin namin si Mom kahit saglit lang, alam ko kasing miss na miss

narin niya si Mom kahit ganun siya nung una niya itong nakita, tsk!

Kinikilig naman ako sa nangyayaring to, hashtag family Re-unite ang peg namun ngayon. Pero ang mas masaya dun e, para na talaga kaming isang buong pamilya ulit, huhuhu! Gusto kong na tuloy mag group picture dahil sa saya.

Kimuha ko yung IPhone kong nasa bulsa nang suot kong short, tapos pinicturan ko si Mom habang naglalagay nang mga pagkain sa lamesa, nasa backgroud niya si Dad na nag aayus naman nang kubyertos, tsk! Nakatingin pa si Dad kay Mom, napaka ganda naman nang scene na nakuhanan ko.

"O anak, baka naman gusto mong tumulong, o tutunganga kanalang diyan!" Dali dali ko nang inilagay sa bulsa ko ang cellphone ko at saka kumaripas na nang takbo papapunta sa kanila, tutulong nalang ako baka kasi kung ano pang isipen ni maders. Tsk! Nakakahiya naman kay Dad kung tatamad tamad ako diba, mhhhh!

Nang makumpleto na namin ang mga gamit sa hapag ay kumain na kami, napakaraming pinagkwentuhan like paano ang buhay ko sa Maynila, si Dad ang daming tanong, tinanong niya kung paano nangkaroon nang ganung klaseng kaibigan, si cat, sinabi ko na nung una mabait naman siya nung lumaon dun ko lang nalaman na masama pala talaga ang ugali niya at pinaplastik niya lang ako.

Madami pa kaming ibang bagay na pinagkwentohan tulad nang paano daw ba ako napasok sa modeling, paano daw ba yung pagaaral ko, mataas daw ba yung grades ko at hindi daw ba nakakasagabal sa pagaaral ko yung pagmomodelo ko, syempre sinagot kong lahat yun, si Mom naman nakikisagot din paminsan minsan kapag di ako makasagot or kapag nakakahiya ang tanong ni Dad Like nagkaBF naraw ba ako, edi yun siom ang sumagot kasi panandalian akong naistunned nang Ss ni Dad, charrring, I mean panandalian akong nastunned dahil sa sinabi niya. Hahaha! Kasi naman ikaw ba naman ang tanungin nun! Tapos ang isasagot mo wala pa, sa ganda kong to wala pa akong Bf or di manlqng nagkaroon, nakakahiya no! Kaya si mim nalang ang pinasagot ko dun sa tanong nayun.

Nakakadisappoint kasi self, and sakit namang aminin na wala pa akong nagiging love life sa buong buhay ko, sixteen year old na ako pero wala man lang akong alam kung paano magkaroon nang lovelife, tsk!

Pero wala naman akong balak maglovelife dito, wqla naman sa vocabulary ko ngayon ang salitang love, love for self, love for family ayun mayroon pero love for someone tsk, sa susunod nalang. At wala parin sa kalindaryo ko ang araw nang kalandian, wala pa akong naeesched na ganun so wala parin akong time sa kalandian, ang ibig lang nitong sabihin ay sala pa talaga akong balak sa love love love na yan, sa susunod nalang kapag stable na ako, hahaha! Basta masaya ako ngayon okay na yun.

------

Nasa sala na kami ngayon naglalaro nang Ps4 ni Dad, ewan ko ba kung bakit siya may ganito wala naman siyang anak na lalaki, at the hell hindi naman siguro siya maglalaro nang ganito, ano siya bata! Pero bakit siya may ganito? Tsk! Malay mo naman binili niya lang para disign ganun, pang display lang sa sala set niya, ang ganda nga naman kasi tingnan kung may mga ganito yung sala mo, lakas makamayaman, hehehe!

Dalawang taon lang akong nawala ganito na agad ang bahay ni Dad, noon kasi wala naman siyang ganitong kaganda sala, dipa ganun kadevelop yung bahay pero ngayon, parang sumisigaw na nang kayamanan yung buong bahay, may second floor pa, may game room, sala'ng modernized, may kitchen na sobrang laki, dining na pangmayaman na sa mga kdrama ko lang napapanood dati, hahaha, di naman kasi ganito kaganda at kamodernize yung bahay namin sa manila, mas gusto kasi ni Mom at tito Frankie na vintage style yung bahay kaya naman yung mga makakalumang design yung pinipili nila kaysa sa mga modern, kabaliktaran nitong bahay ni Dad, pero maganda din naman Tong bahay ni Dad, talagang maganda lang talaga yung itsura nang mga vintage house kasi parang napakadami nang napagdaan nang mga ganung bahay pero itong bahay ni Dad, kahit moderno ang designs nito alam kong marami narin tong napagdaanan, madami nang mga pangyayaring na nakita, nakita nito kung paano kami umalis ni Mom, kung paano naginh kamiserable ang buhay ni Dad, kung paano kami naging masaya dating pamilya at ang kahuli hulihan ay nakita nito ang pag unlad ni Dad, hindi man niya nakita ang paglaki ko pero alam ko na ito parin ang bahay na gusto kong kalakihan, ito parin ang Home ko, ito parin ang bahay na babalik balikan ko kahit mapunta ako sa kung saan mang panig nang mundong ito, I know na itong bahay lang na ito ang magbibigay nang comfort sakin na hindi maibibigay nang kung sino man, kasi ito ang bahay kung saan makikita ang masasakayang yugto nang aking buhay, dito ko unang naramdaman ang pag ibig, pag ibig na nanakaw man ay babalik at babalik parin.

Masyado na kaming naokupado nang nilalaro namin nang di namin namalayan na halos 12 na pala nang gabi ay gising parin kami at nang lalaro parin, wala manlang kahit katiting na hint nang puyat samin, parang hindi man lang bga kami inantok e, natulog lang kami nang mamatay yung tv bigla bigla, naka automatic pala yung namamatay kapag nag 12 na kaya naman nang nag12 na eksakto ay namatay na ito, ito narin ang naging dahilan nang pagpapasya naming matulog na, si Mom ay doon muna natulog sa may guess room nitong bahay ni Dad, ako naman sa kwarto ko at si Dad ay sa master's bed room, tsk!

Akala ko naman magtatabi yung dalawang yun, sayang!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Penoftragicaldeathcreators' thoughts