webnovel

9

Chapter 9

- Zara's POV -

"How about the little one there?" Biglang sabi ni Janine.

"I'm so happy na magiging ninang nanaman kami." Sabat ni Chantal.

"Ayy, you're with us pala? Akala ko lumilipad ka nanaman sa langit, ehh." Biglang sabi ni Janine.

"Oyy, grabe ka talaga sa akin, Janine!" Nakangusong sabi ni Chantal.

"Shut up!" Mataray na sabi ni Janine.

"Shut up, people. O thóryvós sas! Eínai entáxei na milás chorís na fonázeis, étsi den eínai? Tsk. Enochlitikós!" Inis na sabi nito. (Your noisy! It's okay to talk without shouting, isn't it? Tsk. Annoying!)

"Hala, anong salita yon?" Tanong ni Janise.

"Chinese ata?"

"It's Greek, Janise."

"Kahit kelan talaga ang sungit nitong babaeng to." Bulong ni Janise.

"Wag mo nalang sya pansinin, ganyan talaga kapag spoiled na hindi mo maintindihan." Bulong din ni Janine. Natawa naman ako dahil sa lakas ng bunganga nila ay naririnig parin namin sila.

"Stop whispering. We can hear you." Natatawang sabi ko.

"Wala naman kaming sinasabi, ehh." Nakangusong bulong pa ni Janise.

- Gavin's POV -

"Kumusta?" Tanong ko.

"Still locating." Sagot ni Jaylen.

"May kotse sya, diba? Alam mo ba ang plate number?" Tanong ni Ian.

"Hindi, ehh." Mahinang sagot ko.

"May mga CCTV's ba sa area? I-check nyo nga." Sabat ni Lawrence.

"Diba, may sakit sya sa utak? Na-consult na ba sya sa isang phycologist?" Tanong ni Leon.

"I don't know."

"I got the plate number now!" Nakangiting sabi ni Jaylen.

"What is it?" Tanong namin.

"SD2-679." Sagot nya.

"Color?"

"Black."

"Black ba? Hindi ba red?"

"Black nga."

"Sige na, tama na." Sabi ko. Natahimik kami at bigla kaming napalingon ng biglang lumapit ang anak ko.

"Daddy, si Santi po ang kulit." Napipikon na sabi ng anak ko. Bumaling naman ako kay Ian.

"Ian..." Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Ano ka ba naman, balae---"

"Anong balae?! Gusto mong gilitan kita?!" Sigaw ko.

"Santi, come here!" Biglang sigaw nito. Sumunod naman ang anak nya at dali-daling tumakbo papalapit sa amin.

"Yes, Dad?" Nakangiting tanong nito.

"Ano nanamang ginawa mo kay Ara?" Tanong nito sa anak nya.

"I just kiss her." Nakangiting sagot nito.

"Ehh, he kissed y---" bigla akong lumingon ulit sa gawin ni Santi. "--- you what?!"

"Sa cheeks lang naman, ehh." Nakangusong sabi nito. Ako naman ay napapikit dahil nakukuha nanaman nya ako sa charm nya.

"Bumalik na kayo sa mga Mommy nyo." Seryosong sabi ni Ian.

"Tingin mo ba magagalit din ang mga nanay nyan? Mas i-pu-push pa nila yan panigurado." Nakangiwing sabi ni Jaylen.

"Tsk. Maglaro nalang ulit kayo." Parang nawawalan ng pag-asang sabi ni Ian.

"Ok. Ok. Gav, Daddy called me. Sabi nila, nahanap na daw nila si kuya Aljon." Biglang sabi ni Lance.

"Ok. Tatawagin ko lang ang asawa ko." Sabi ko. "Wife! We already found your kuya!" Sigaw ko.

"Really?!" Tanong nito at patakbong pumunta papalapit sa akin. "How is he?" Tanong nito.

"I don't know yet. Punta na tayo doon." Sabi ko, tumango naman sya sa akin. Sabay-sabay kaming lahat lumabas ng bahay habang ang kunti lang kaming magkakasama, naiwan ang iba doon.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang paroroonan namin. Nagkakagulo doon at parang may nangyayari.

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa isang pulis.

"Nasa taas po si Aljon. May hawak po syang baril." Sagot ng pulis. Nagulat ako ng biglang tumakbo ang asawa ko.

- Zara's POV -

Dahil sa narinig ko ay agad akong tumakbo papunta sa taas ng gusali. Alam ko kasing ako lang ang makakapagpatigil kay kuya. Pag-akyat ko ay marami ang pumigil sa akin pero hindi ko naman pinapansin.

Nang makarating ako sa rooftop ay bumungad agad sakin ang ilang pulis habang si kuya ay malapit na sa may dulo, muhkang tatalon na.

"Kuya!!" Sigaw ko dahilan para huminto sya. Tumingin sa sa akin at kumaway.

"Hello, sis!" Nakangiting bati nito. Hindi ko naman mapigilang lumuha dahil sa ganong bati nya.

Miss na miss na kita, kuya.

"Kuya, halika na dito. Kuya, ipapakilala kita sa panganay namin ni Gavin. Kuya, gusto ka nya makita." Nakangiti pero lumuluha kong sabi habang dahan-dahang lumalapit.

"Hindi! Wag kang lumapit sa akin! Kung hindi babarilin ko ang sarili ko!" Sigaw nito. Lalo namang akong naluha.

"Kuya!! Halika na dito! Ipapakilala nga kita kay Ara!" Sigaw ko.

"Ayoko!--- gusto ko pala! Pero hindi ako magpapaloko sayo!" Sigaw pa nito.

"Kuya, ako to. Si Zara, ang kapatid mo..." Mahinang sabi ko. "Diba, ako yung baby mo? Diba, I am your little princess? And you are my handsome knight? Diba, you want me to be always happy? Kuya, come here na. I'm going to be happy if you're with me."

"Ayoko! Alam kong kapatid kita, pero paano naman ang asawa't anak ko?! Namatay sila ng walang kalaban-laban!! Ginahasa sila at ang masama pa dun, pati yung dalawang taon kong anak, ginahasa din! Zara, imagine, I am with you tapos pag-uwi ko ganon ang madadatnan ko?! Ikaw ba, magiging masaya ka ba?!"

"Kuya, it's not my fault! It's not your fault, though. Walang may gusto ng nangyari... Kuya, sumama ka na sa akin. Promise, hindi kita iiwan." Naiiyak kong sabi.

"Hindi! Kung ayaw mong tumahimik, papatayin nalang kita!" Sigaw ni Kuya dahilan para mapapikit nalang ako. Nanginig ang buong kalamnan ko ng biglang may pumutok na baril, dalawang beses.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at idinilat ko ang mga mata ko. Bigla akong nanghina ng makita ko si kuya'ng nakahandusay sa sahig at naliligo na sa dugo nya.

"Kuya!" Sigaw ko at dali-dali syang nilapitan. Umupo ako agad at inilagay ang ulo nya sa mga hita ko. "Kuya, wake up! Wag kang bibitaw!" Sigaw ko. Naririnig ko namang tumatawag na ng ambulansya ang mga pulis habang nakatingin ako kay kuya. Parang wala na akong nakita ng ngumiti sya.

"Hey, sis. You're here." Nakangiting sabi nito. Hindi ko nanaman mapigilan ang mga luha ko.

"Kuya,---"

"Shhh." Pagpigil nito sa akin. "Ako muna. I'm happy that even in my last day, I am with you. Ikaw na ang bahalang magpakilala sa akin sa pamangkin ko, ha? Hindi ko na ata sya makikilala. Wag kang mag-alala, gagabayan parin kita kasama nila Mom and Dad, doon sa taas. Wag mong pababayaan ang sarili mo, wag na si kuya para puntahan ka. At si Gavin, always make him happy kasi mahal na mahal ka nya. Wag mo syang hahayaang mag-isa dahil alam mo naman ang feeling na mag-isa ka. A-At higit s-sa lahat, lagi m-mong t-t-tandaan n-na, m-mahal na mahal kita." Nanghihinang sabi nito habang pilit na ngumingiti sa akin.

"Yes, kuya. I love you too. Kuya, don't leave me. Mabubuhay ka pa, hindi mo ko iiwan, ha?" Naluluhang sabi ko. Pilit na ngiti lang ang isinagot nya sa akin. "Tulungan nyo kami dito!" Sigaw ko pero bumalik ulit ang atensyon ko kay kuya ng biglang bumagsak ang kamay nya.

- To Be Continued -

(Sat, May 8, 2021)